webnovel

Remind me to never get drunk ever again

Val's Pov

"Arayyy"  ang sakit ng nang-ulo ko na minamasahe ko ngayon.  Pagkagising ko ang unang sumalubong sa akin ay ang hangover.  I remember drinking a lot yesterday but other than that I can't remember anything else.  Damn, my head hurts so much. 

Habang patuloy pa ring minamasahe ang ulo may lumabas na tao sa bathroom.

"ahhhhhh/ahhhhh," sabay kaming sumigaw.

 Halatang nagulat rin siya.  Basa pa yung ulo niya kaya halatang bagong ligo. Nakatapis ang towel sa kanyang bewang.  Napasigaw din siya habang pinagtakpan ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay. 

Kung maka takip 'tong lalaking to kala niya gagasahin ko siya! Bumaba yung titig niya at napansin kong namumula siya at tumingin sa kabila.  Sinundan ko ang kanyang tingin. 

Narealize ko lang wala pala akong sout na damit.  Natutulog ako with no pajamas, just my undergarments. 

"aaahhhhhhhhh" sumigaw ulit ako habang kinuha ko yung blanket at tinakpan ang sarili ko.

"Anong tinitingnan mo diyan ha?  At anong ginagawa mo sa condo ko? Get out this instant!"

Sigaw ko habang pinagtatapon ang mga unan sa kanya. 

"Your condo?" sabi niya. 

"Yes, and I said get out!" Tinuro ko yung pintuan palabas. 

"Is that how you thank the person who helped you yesterday while you were drunk,  the person who paid for what you drank,  the person who carried you out of the bar, the person who let you sleep in his bed while that person just slept on the sofa?"

I looked around the room. The set-up was the similar to mine. Everything in this room is way tidier than mine. Meron ding mga dolls and barbies na nakadisplay sa mga shelves.  In other words,  this is clearly not my condo. 

Nahiya ako sa sinabi ko kanina.  Naku!  Val ba't mo ba kasi yun nasabi. 

"Omg,  I am so so so sorry.  Hindi ko kasi alam akala ko condo ko parehas lang kasi ng set-up."

Buti nalang hindi siya mukhang galit.

"It's fine.  I am sure you were just shocked"

Biglang naging tahimik.  Napaubo ako ng madahan bago nagtanong,

"Walang nangyare diba?"

"Nangyari?" tanong niya ulit. 

"Well you know se-" Hindi ko na natapos ang salita bg bigla niya intong pinutol. 

"Wala," dali niyang pagsabi. 

"Phew, so what happened? I'm sorry,  I can't remember anything from yerterday night."

"Would you mind if I wear my clothes first? "

"Oh right,  go ahead.  Sorry."

"You should probably take a bath you kinda still reek of alcohol. I'll bring you some clothes"

Pagkatapos kong maligo binigyan niya ako ng damit. 

"Pasensiya na 'yan lang kasi ang nahanap kong pinakamaliit na mga damit ko. "

binigyan niya ako ng t-shirt at isang pares ng jogging pants.  Yung shirt niya ang laki pwede na siyang maging  dress at yung pants naman nagkasya sa hawak pero ang taas naaabot sa sahig ang dulo. Eto na talaga siguro ang pinakamaliit niyang damit. Siya na nga yung nagpahiram kokontra pa ako?  Ang taas naman ng legs ng taong 'to ikumpara sa maikli kung mga binti. Total ang higante naman niya ikumpara sakin.  5'3 lang ang height ko ... kung naka heels ng 3 inches.  Do your own math and solve my height.  Ayun alam niyo na.  Ang pandak ko. 

"Are you done?" sabi niya. 

Lumabas akong iniingatan na hindi ko maipit ang pants at madapa.  Pagkatapos ng tatlong hakbang... nadapa ako. Iniiwasan ko na ngang hindi madapa, nadapa pa rin.

"Okay ka lang?" inabot niya ang kanyang kamay at tinulungan akong tumayo ngunit naiipit ko nanaman ang pants at muling napadapa. 

Ugghhh anu ba? naiirita na talaga ako nito. Hindi na ako nagdadalawanang isip na hinubad ang pants. Sout ko nalang yung shirt na malapit ng maabot sa tuhod ko. Nagulat nung una pero naintindihan naman niya yung sitwasyon ko. 

"Pasensya ka na," sabi niya.

"Huwag ka ngang humingi ng patawad hindi mo iyon kasalanan. Sadyang kulang talaga ako sa height." sabi ko.  Napangiti lang baman siya. 

Umupo kami sa kanyang sofa.

"Nasaan pala tayo? Nasaan ako?" tanong ko sa kanya. 

"Sa condo ko." maikli niyang sagot. Ang pilosopo naman talaga ng lalaking ito.

"Ay hindi halata," sarcastic kong pagkasabi. "Hindi, seryoso, nasaan ba talaga ang lugar na ito?"

Sinabi niya yung lugar. 

"Teka,  nasa Goldeb Tower tayo?  Seryoso ka?"

"Oo,  bakit?"

"Dito rin kasi ako nakatira," sabi ko at napanganga naman siya. 

"Anong room ba to?"

"202" sagot niya.

"Sadali, ibig sabihin ang unit ko ay nasa tapat lang ng unit mo?"

"Talaga?"

"Oo"

"Kung ganun,  bakit sa tagal-tagal ko dito hindi kita nakilala?"

"Bagong lipat kasi ako rito, " sagot ko.  Nachichikahan kami. Napansin ko ang pula sa kanyang leeg.  Hickey? 

"Ano yan?" pabigla kong tanong sa kanya. Agad niya naman itong tinakpan. 

"Wala, " ika na habang namumula naman ang kanyang pisngi. 

"Huwag mong sabihin na ako ang may gawa niyan, " sabi ko sa kanya. 

***

Joshua's pov

At the bar.

She broke up with me for what reason? Just because she 'needs a man'.  Anong akala niya sa akin hindi lalaki? 

" ano raw?  'i need a woman'? Seryoso siya?  Anong akala niya sa aking hindi babae? "

Nagulat ako sa babaeng katabi ko parang binasa lang niya yung nasa isipan ko. Di kaya may psychic powers siya? Inum siya ng inum.  Kanina pa ata itong babae dito. Kinakausap na niya yung baso. Halatang lasing na talaga.  It seems I'm not the only one who had a bad day. 

"Babae naman ako diba? " sabi na kausap yung baso at biglang siyang tumingin sa akin. 

"Diba? " nagulat ako. Napatitig lang ako sa kanya

"Hoy tang*na, tinatanong kita!" sigaw niya sa akin.

"Babae ako diba?" paiyak niyang tanong sa akin.

"Sa totoo lang hindi ako sigurado" 

Huminto siya sa pag-iyak tumawa ng mahina then she glared at me na tila ba'y papatayin na niya ako. Slammming  her hand on the counter she said "Anong sabi mo? Hindi ka sigurado? Sira ba yung mata mo, ha?" 

"'There's more than meets the eye' first of all hindi kita kilala. No offense but  how would I know if you're a woman or a trans?" totoo naman talaga ang sinabi ko eh.  Sa panahon ngayon it's hard to differentiate a woman and a transwoman.

"FYI mister, I am a woman.  Meron akong uterus, fallopian tube, ovaries.  Kompleto yung reproductive system ko sa pagkababae."

"Alam mo naman pala, bakit mo pa ako tinanong? "

 

"Yun na nga,  babae naman ako pero ba't niya ako iniwan?" Mahina niyang pagsabing nakayuko hanggang sa tumulo yung luha niya.  Kinalaunan ay nakatulog na siya. 

I need to go home. Uuwi na sana ako pero hindi kaya ng konsensiya kong iiwan siya doon.  It's dangerous to just leave her here  drunk and so vulnerable.

Binayaran ko lahat ng nainum niya, sino bang tao na pupunta sa bar walang dalang pera or phone o anoman. Binitbit ko siya pa-piggyback carry. 

I could feel her moving.  Nagising ko ata tung babaeng 'to. She started laughing and having fun playing with my hair.  It was annoying.

"What the!?" I felt her lips on my nape.  Is she kissing me?  She started kissing my neck.  I gues she's one of those people who starts kissing people when they're drunk. 

"Could you please stop".

"Hehe *hik* ayaw ko nga. Mwuahh "  She kissed me again leaving another kiss mark on my neck. 

"By the way, taga-saan ka ba? Ihahatid na kita. "

"*hik* Taga-Mars!" sabay pagkanta niya ng budots. Ang kulit talaga ng babaeng 'to. She couldn't stay still.

"Superman! Vrooomm *hik*" sabi niya tapos napa-superman na action sa kanyang braso't kamay.  Nakakatawa lang,  nothing that comes out of her mouth makes sense. 

Naging tahimik na ang paligid natulog na naman siya. 

Dahan-dahan ko siyang iniupo sa front seat.

"Buti pa si saturn may rings.  Binigyan ko siya ng singsing hindi naman niya tinanggap.  Iniwan na nanan ako*hik*" sabi niya habang nakatulog and i started to drive. 

***

Hindi ko alam kung saan siya ihatid kaya dito ko siya dinala sa condo ko. 

I carefully placed her on my bed.  She was sleeping so soundly.  All i could was stare at her.  I didn't know what actually happened to her, she was devasted.  She had no bag,  wallet, nor phone. All that was with her was a ring,  she was holding it tightly in the palm of her hands.

"mwuaahh! " bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at... hinalikan. 

What the?

Dahil sa pagkagulat hindi ako agad nakagalaw.  Nag-smile siya sa akin sabay sabi "I love you" at biglang

Zzzzzzzzzzzzz

Natulog na naman ulit.

Ginawa ko yung sinimulan ko na ang akimg nighttime regimen, my nighttime slincare routine.  And changed to my pajamas. Pagbalik ko sa bedroom her shirt was already half way up her body.  She is stripping in front of me?  Does this girl even feel ashamed? I immediately looked away.

Zzzzzzzzz

I heard her snor which means she's back to sleeping mode.  This girl is really unpredictable. Who knows the next time she wakes up she'll be on superman mode again. 

Nilapitan ko siya, covering her with a blanket without looking. When I was done I glanced at her. Ang lalim na ng tulog niya. I wouldn't want to wake her up kaya naging maingat akong lumakad papunta sa sofa carrying a blanlet and a pillow trying not to make even a single sound.