webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
303 Chs

Chapter 4: Sutil

Natapos na ang flag ceremony pero hindi pa rin nila ako tinantanan. Paulit-ulit na pang-aalaska ang ginagawa nila sakin. Kahit ongoing class pa. Binabato ako ng papel na may nakasulat na mga pick up lines.

"Gwapo, magnet ka ba?." Yun ang isa sa nakasulat sa papel na ibinato ni Bryle. Hindi ko yun sinagot. Isinilid ko lang sa aking bulsa. Maya maya, may tumama na naman sa aking batok. Bwiset!.. Nagagawa nya ang mang-asar dahil abala sa pagsusulat sa green board ang aming guro. Dinampot ni Dave ang papel saka siniko sakin. Si Dave ang katabi ko. Malapit sa may bintana. Tanaw na dito ang likod ng eskwelahan.

"Gwapo, magnet ka ba?. Bakit kahit nasa malayo ka. Dumidikit pa rin sa'yo ang mga chicks?..." inilingan ko lang ang kaabnormalan nito. Kinumpleto pa talaga ang linya. Alam kasi nyang di ako gagaya sa kanya. Sutil.

"Anong nakasulat?." bulong sakin ni Dave. Binigay ko dito ang kapirasong papel. Saka nagpatuloy sa pagsusulat.

Impit na tumawa ang katabi ko. Pilit tinatago ang halakhak na gustong kumawala sa kanya. Di ko maiwasang umiling sa kalokohan ng mga gago.

"Class. Just copy this. Tomorrow, we will have a long quiz.." bilin ng aming guro bago nagpaalam at lumabas na ng room.

"Grabe naman si Ma'am. Andaming pinapasulat. Bat di nalang nya pinaxerox tapos pinabayad satin.. tsk.. masakit sa kamay ang magsulat eh.." reklamo ng isa sa mga kaklase ko. Puno kasi yung board. Yan si Ma'am Shine. Nag-iisang guro na hilig kaming pagurin. Ang sabi nya pa, dapat raw kaming matutong maghirap sa lahat ng bagay. Para daw, paglaki namin. Hindi kami mabigla sa totoong nangyayari sa labas ng room. Hindi namin yun magets. Kasi nga, malalim. Saka siguro namin malalaman ang kaguluhan nun kapag graduate na kami ng college.

"Huy!.." may kung sino ang tumapik saking likod pero hindi ko ito pinansin. Malamang si Billy lang yun. Nakaupo sya sa likod ng aking upuan.

Nangalumbaba ako saka tinanaw sa bintana ang kalangitan. Purong asul ito. Walang bakas ng ulap. Pumikit ako at nilanghap ang hangin na bahagyang mainit.

"Naglalayag na naman sa kabilang parte ng mundo ang utak ng kabarkada ko.

Hindi ko mahulaan kung saang lupalop ito. Basta't ang alam ko.

Iisa pa rin ang tinitibok ng kanyang puso.

Oh Bamby, mahal ko. Kailan ang balik mo?.."

Dinig kong nagtawanan ang lahat sa mga binigkas ni Billy. Lintik!. Gumawa pa ng tula. Bwiset!..

"Astig nun pre. Isa pa nga... hahaha.. mukhang di ka nya narinig eh.." humagalpak si Bryle sa harapan ko sabay turo pa ng aking mukha. Gago!!..

"Sige, isa pa.." kunyaring nag-isip pa sya. Tawanan na naman sila. Lalo na ng mga babae. Kita ko ang bawat galaw na ginagawa nya dahil nakaupo na ito sa upuang nasa harapan ko. Sa armrest pa ng silya.

"Binibini ko.

Alam kong magkaiba ang ating mundo.

Gabi dito. Araw sa inyo.

Babangon ka palang, patulog na ako.

Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo ganito.

Pero pangako ko sa iyo.

Ikaw pa rin ang gusto ko.."

"Boom!!.." sabay sabay na hiyaw ng mga kalalakihan. Nagdambahan pa ang mga ito. Mga walang magawa. Naghagikgikan naman ang mga kababaihan.

"Anong masasabi mo, loverboy?.." asar ni Billy sakin.

"Manahimik ka nga. Ang daldal mo eh.." suway ko dito pero hindi nya ako pinansin. Nasa barkada na ang atensyon, ginagaya ang ginawa nya kanina. Mga timang!!..

"Bryle, uwi pala sila Lance?.." tanong ni Denise sa gitna ng kabaliwan nila. Bumaling sa kanya ang tinawag.

Tumayo ako at lumayo sa hiyawan nila. Pinili kong umupo sa dulong upuan. Malayo sa ingay nila.

"Paano mo nalaman?.." nilapitan ni Bryle si Denise. Pumunta sila sa pwesto ko. Magulo kasi sa bandang harapan.

"Sa Facebook. Pinost ni Lance.." simpleng sagot ni Denise sa kanya. Iniabot pa ang kanyang telepono. Kinuha ito ni Bryle saka tinignan.

"19 minutes ago. Ibig sabihin bago lang.." sambit pa rin ni Denise.

"Ang alam ko. Uuwi sila. Pero hindi ganitong kaaga." taka ang mahihimigan kay Bryle.

Nagtaka ako sa pinag-uusapan nila. Tumayo ako't lumapit sa kanila. Kinuha ang hawak na telepono ni Bryle. Nakita kong 20 minutes ago ang nakalagay sa post. May larawan pa ng tatlong malalaking maleta. At isang ayos na ayos na postura ni Lance. Uuwi na nga sila. Matapos kumpirmahin ay ibinalik ko agad kay Denise ang telepono bago bumalik sa dating pwesto.

Nakakalungkot. Uuwi ang mga kapatid nya pero hindi sya kasama?. Bakit kaya?. Anong dahilan nya?. May ayaw ba syang iwan duon o ayaw na nyang bumalik pa dito?.