webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · Realistis
Peringkat tidak cukup
34 Chs

Tilamsik ng alon (2.1)

Kung pilit lang ang pagtulong mo sa kapwa, parang binibigyang-kahulugan mo na rin ang salitang huwad sa huwaran.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa jeep nitong lalaking may maangas ngunit magulong buhok na may kaunting kakisigang makikita sa tindig at mukha subalit hindi naman hamak na mas makisig ako sa kaniya kahit pa sabihin nating mas matanda siya ng kaunti sa akin.

"So, why are you here in the Philippines?" tanong niya pa sa amin habang patuloy pa rin sa pagnguya ng bubblegum.

"Nothing, we just want to hang out here" napatango siya sa inusal kong iyon.

Nagtataka siguro siya kung bakit hindi nagsasalita si Uncle Jazzib, palagi siyang tumitingin sa direksiyon ng tiyuhin ko eh. Himala siguro kapag makakapagsalita ang isang umid.

Pinatigil niya muna ang pagpapatakbo sa jeep nang may dalawang babae ang pumara sa kaniya, umupo na sila sa aming harap habang gulat na gulat na makita ang aming mga mukha, sino ba naman ang hindi magugulat kapag biglaan kang makakahanap ng mga gwapong katulad namin?

Hindi ko sila gusto kaya't panay simangot ako habang tinatanaw nalang ang labas.

"Omg, girl ang gagwapo nila!"

"Sis kailangan pa bang sabihin iyon? Nakikita ko nga rin eh, umakto ka lang na normal diyan huwag kang magpahalata" ani pa ng isa.

Naririndi na ako sa kanilang mga binubulong.

"Maaari ko ba munang ihatid ang dalawang ito sa Pantalan, kailangan na nilang mapadpad doon nang madalian eh" hindi iyon isang suhestiyon sa pamamaraan ng kaniyang pananalita.

"Sure!" tila nasisiyahan pang usal ng dalawa na para bang kinikilig.

"Tae sis, pinapalibutan tayo ng mga gwapo!" hindi ko na mapigilan ang pagkainis kaya't masama ko silang tiningnan dalawa.

Napagitla ang isang babae na nakalugay ang buhok at napatikom naman ng bibig ang babaeng may buhok na nakatrintas.

"Ang snob naman ni kuya, nakakaturn-off na siya ha"

Napangiwi ako nang marinig iyon, hindi nila alam na ang bata-bata ko pa para tawaging kuya.

Pinandilatan ko ng mata ang nagsabi nun at panay pa rin siya bulong sa kaniyang katabi.

"Girl, baka naiingayan na sa atin"

"Ano ka ba, baka kinikilig lang siya kasi mga magaganda ang nasa harapan niya"

"Sa awra niyang iyan sa tingin mo kinikilig siya, nasa ilong ba ang utak mo?"

Agad silang napatili nang marahas na pinatigil ng binatilyong driver itong sinasakyan naming jeep.

"Pwede na po kayong bumaba kahit hindi ko pa natatanggap ang bayad niyo" walang emosyong bulalas nito.

"Kami po ba ang tinutukoy niyo?" nauutal pang usal ng isang babae.

"Sino pa ba ang nag-iingay diyan, hindi ba't kayo lang naman?" napahawak sa bibig ang isang babae na para bang gulat na gulat.

"Bakit mo na kami pinapababa pinalayo mo lang kami papuntang palengke eh!"

Silang dalawa na ang nagyayamot ngayon habang dumadabog pa.

"Bumaba na po kayo, wala po akong pasahero na maiingay nakakarindi na kasi" ilang ulit niya na itong pinagsasatsat subalit wala pa ring lumalabas sa kanilang dalawa.

"Manong, may mga pasahero po rito papuntang palengke, pakiangkas nalang po" aniya sa napadaan na jeep.

Bigla itong tumigil at hinintay ang dalawang babae na lumipat sa kaniyang sasakyan.

"Dito lang kami!" usal pa ng isang nakalugay ang buhok.

"Please po, lumipat nalang po kayo ihahatid ko pa po sila sa pantalan, ayaw ko pong mapahiya sa dalawang dayuhan" napadabog muna sila na para bang inis na inis matapos ay lumipat sa isang jeep na papunta mismong palengke.

Matapos na umalis ang isang jeep ay tsaka lamang siya bumalik sa kaniyang pwesto.

Humarap siya sa amin.

"I'm begging my apology for..."

"No that's okay, you don't have to give us some apologies"

Ngumiti lamang siya sa amin matapos ay pinaandar na ang jeep.

Nagpapasalamat na lamang ako dahil hindi siya nagtataka kung bakit hindi nagsasalita itong kasama ko, nakakapagod na kayang makipag-kwento.

Mahigit kalahating oras din ang pamamalagi namin sa loob ng jeep, para nga akong nahihilo na nasusuka.

Lumabas na kami ni Uncle Jazzib sa jeep at pinasalamatan ng marami ang driver ng jeep.

Nauuhaw ako.

Akma na sanang aalis ang driver nang bigla na naman akong pumalapit sa kaniya.

"I'm sorry for being so uhmm you know, but we're thirsty and we don't know where to get some drinks" bigla siyang napatalikod sa amin matapos ay nilagay muna sa jeep ang susi ng kaniyang sasakyan.

"I'll guide you where to drink some water for free, just follow me" sinunod namin ang kaniyang sinasabi. "Ngayong oras sana ay sumisimsim na ako ng kape" aniya pa habang umiiling-iling na para bang nagsisisi dahil sa paghatid sa amin.

Hindi namin kasalanan ang kaniyang pagiging mabuti sa harapan namin, para siyang duwag kung umakto.

Tutulungan niya kaming pumarito sa pantalan matapos ay bigla-biglang magsisi kung bakit niya kami tinulungan, kailangan talaga na may kapalit ang pagtulong ng taong ito.

Pero wala siyang magagawa dahil wala naman kaming maibibigay sa kaniya.

"Wala na nga silang binayad, ako pa ang gagastos sa kanilang mga inumin, siguro ako nalang rin ang magpapaligo sa kanila, magpapakain, maglalaba ng mga damit"

Nais ko siyang pagsalitaan sa wikang tagalog ngunit baka ay sisingilin ako ng bayad nitong taong ito.

"Pabili nga po ng tatlong ice water!" parang nagagalit niya pang usal sa tindera ng mga inumin.

Inabot niya ang tatlong piso sa tindera kapalit ang tatlong selopin ng tubig.

Bakit ba siya nagagalit gayong tatlong piso lamang ang kaniyang binayad sa tindera?

Pakainin ko pa siya ng pera diyan.

"Here take this" tinanggap ko ang handog niyang tubig.

"Thanks for this" tumango lamang siya sa akin.

Agad ko na itong ininom sapagkat nauuhaw na talaga ako.

Inabot niya rin ang isa pang tubig kay Uncle Jazzib, tinanggap naman ito ng aking tiyuhin subalit parang nadismaya ang driver nang hindi nagpasalamat sa kaniya si Uncle Jazzib, himala siguro kapag makakapagsalamat ang isang umid.

"He's mute" dagling napaawang ang kaniyang labi matapos ay naitiklop din.

"It's obvious" usal niya matapos ay napaharap sa rumaragasang alon ng karagatan.

Napasinghap ako ng hangin, tila napapariwara ang aking mga problema sa angkin nitong esensya.

Tuluyan na kaming napaupo habang patuloy pa ring lumalagok ng tubig, tinatanaw ang bawat paghampas ng alon.

Napatingin kami sa gawi ng driver matapos na tumayo ito.

"I'd better be going now"

Napatayo rin kami at sumunod sa kaniya sa paglalakad.

Nilingon niya kami matapos ay may nagtatakang tingin sa mga mata.

"Why are you following me?"

"We just wanted to secure your safeties after you leave this place" napatango siya at napangiti sa amin matapos ay naglakad kasabay namin.

"Punyeta nasaan na ang sasakyan ni Papa!"