webnovel

Cousinhood Series 3: Maybe This Time

Cousinhood Series 3 Maybe This Time A Novel written by Han Ji Mie Anna Cordero is the newest and smartest lawyer in DL Law Firm. Ilang taon palang mula ng makapasa ito sa board exam ay marami na itong napanalong kaso. Para kay Anna, lahat na nang nais niya sa buhay ay nasa kanya. Masayang pamilya, magandang career at mapagmahal na nobyo. Ngunit nabago ang lahat ng bumalik sa buhay niya si Alexander Cortez-Kim. Ang lalaking dapat niyang iwasan dahil na rin sa kanilang nakaraan. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, gumawa ito ng paraan para makasama niya si Alex. Matatakasan pa ba ni Anna ang binata na ginugulo muli ang ma-ayos na niyang buhay? Hindi lang iyon, pati din ang puso niya. 2021

HanjMie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
6 Chs

Side story 5 last

You are always at my heart, Itay. Hindi ko makakalimutan kahit kailan ang mga aral mo sa akin. 

NAKATINGIN sa malawak na lungsod mula sa matayog na building si Anna. Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi niya akalain na mararating niya ang buhay na kanyang pinangarap. Simula ng gabing iyon ay bumuhos ang biyaya sa pamilya niya. Malaking pera ang binigay ng mga Kim para sila ay magbagong buhay. Sila ang nagbayad ng lahat, mula sa pagkakahospital niya at pagpapalibing sa kanyang ama. Ngunit may kapalit ang lahat ng binigay ng mga ito. Sinabi ng mga ito na kahit kailan ay hindi siya pwedeng magpakita sa anak ng mga ito na si Alexander.

Walang nagawa ang kanyang ina kung hindi sumunod sa mga ito. Umalis sila sa probinsya nila at pumunta ng Manila para doon magsimula ng bagong buhay. Nakahanap ng trabaho ang Ate niya. Nagulat sila ng malaman na may iniwang malaking pera ang kanyang ama sa bangko. Hindi nila alam na nag-iipon pala ito ng pera para sa pagtanda nito kasama si Inay. She is proud of his father. Sinikap nitong ibigay lahat sa kanila at inisip din nito ang magiging kinabukasan nito kasama si Inay. 

"Atty. Anna." tawag ng kanyang secretary na naging dahilan para maputol ang kanyang pagbalik sa nakaraan.

"Yes!" lumingon siya.

"Mr. Andrade is here. Papasukin ko na po ba?"

Napataas ang kilay niya. Nandito na naman ang matandang iyon. "Yes."

Tumungo ang kanyang secretary. "Atty. Anna, tatawagan ko na po ba si Sir Carl para kapag may ginawang masama sa'yo ang matanda ay..."

"Wag na, Lisa. I can handle him." sagot niya.

Yumuko na lang si Lisa at lumabas na ng kanyang opisina. Hindi niya alam kung bakit mabinta ang ganda niya sa matatanda. Natatawa na lang siya kapag naiisip ang mga lalaking nanliligaw sa kanya kahit pa na sinasabi niyang may nobyo na siya.

Maglalakad na sana siya sa table niya ng pumasok ang matanda. Nasa likod nito ang kanyang secretary.

"Good morning Anna." nakangiting bati sa kanya ng matandang Andrada.

Gusto niya sanang ngumuwi dahil gusto niyang masuka sa ngiti at titig ng matanda. Mas matanda pa sa kanyang ina ang lalaking nasa harap niya ngayon. Ito ang matagal niyang manliligaw na talagang pinipilit siya. Hindi niya alam kung bakit gusto siya nito. Siguro ay dahil sa tinanggihan niya ang offer nito na maging legal consultant ng kompanya nito.

"Iwan mo na kami ni Lisa." sabi niya sa kanyang sekretarya. Nakita niya ang paalinlangan sa mga mata nito ngunit ng tinitigan niya ito ng masama ay agad itong lumabas. "What I can do to you, Mr. Andrada?" tanong niya.

"Masyado ka naman pormal sa akin, Anna. Matagal ko na sinabi sa iyo na tawagin mo na lang akong Luis." Lumapit sa kanya ang matanda.

She didn't pull back. Hindi siya natatakot dito. Kapag may ginawa itong masama ay siguradong kakasuhan niya ito. She can easily file case, after all, may cctv ang opisina niya.

"And I insist to call you Mr. Andrada." may diin na sabi niya.

"Bakit ba masyado kang pormal sa akin, Anna? Ang tagal na natin magkakilala at matagal na din akong nanliligaw sa iyo. Kailan mo ba ako sasagutin, Anna?"

"Mr. Andrada, I already told you. May boyfriend ako at mahal ko siya. At masyado po kayong matanda para sa akin. Mas matanda pa po kayo sa aking ina. I'm sorry but I'm loyal to my boyfriend. If you come here for that reason, please, leave my office and never come back." seryuso at may pagbabantang sabi niya.

Ngunit imbis na magalit dahil sa sinabi niya lalo lang iyon ikinasaya ng matanda. Ngumiti ito at hinawakan ang kanyang mahabang buhok na nakalugay. Agad niyang tinabig ang kamay nito.

"Don't touch me, Mr. Andrada. I can file a case to you. So now, leave my office before I call a security to throw you out." Inis niyang itinuro ang pinto ng office niya.

"Ang tapang mo talaga, Anna, kaya gusto kita. I like how pierce you are. Gusto ko sa babae ang kagaya mo na matapang at alam kung ano ang gusto. Lalo akong nang gigil sa iyo, Anna." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at malakas na tinulak.

Sa malambot na sofa siya bumagsak. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Tatayo sana siya para sugurin ito ng agad itong kumababaw sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Now, Lady behave and let me taste you. Tingnan natin kung hindi ka aamo sa akin."

"Get off me you, you old man jerk. Ipapakulong kitang hayop ka. Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan." sigaw niya rito at pilit na kumawala sa pagkakahawak ng matanda.

"I have my money, Anna. Hindi mo ako mapapakulong. Masisira muna ang pangalan mo bago mangyari iyon." Isang ngisi ang ibinigay ng matanda. 

Alam niyang tama ang sinabi nito. He is rich. Isa lang siyang simpleng attorney. Nasisimula pa lang siyang makilala sa larangan na pinili niya. Bababa na sana ang mukha nito ng biglang may tumutok sa ulo nito ng isang baril.

"Try to harm her and I will pull the trigger." isang galit na boses ang narinig niya.

Napatigil at namutla si Mr. Andrada.

"Now, get off her!" sigaw ng lalaki.

Agad na umalis sa pagkakadagan sa kanya si Mr. Andrada. Magpapasalamat na sana siya sa taong nagligtas sa kanya ng makita kung sino ito. Natigilan siya at parang binuhusan ang kanyang katawan ng malamig na tubig. Nanginig siya sa sobrang gulat.

"A-Alex..." banggit niya sa pangalan ng lalaking nakatayo ngayon sa harap niya na galit na nakatitig sa matandang Andrada. Nakatutok pa rin ang baril nito sa matanda.

Unti-unting lumingon sa kanya si Alex. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng magtagpo ang mga tingin nila.

"No one can harm you now that I'm here. I will protect you Anna like what I promise to your father. Hindi ko muling babaliin ang pangako ko sa kanya bago siya namatay." seryuso ang mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Napasinghap siya. Hindi ito maari. Alex is planing to go back to her life. Ngunit papaano ang pamilya nito. Alam ba nila ang mga plano ng binata. Her heart beat more crazy because of what he said. Hindi ito maari, may boyfriend na siya. Hindi pwedeng tumibok ng ganoon ang puso niya. Her life is about to mess up again.