webnovel

Cousinhood Series 3: Maybe This Time

Cousinhood Series 3 Maybe This Time A Novel written by Han Ji Mie Anna Cordero is the newest and smartest lawyer in DL Law Firm. Ilang taon palang mula ng makapasa ito sa board exam ay marami na itong napanalong kaso. Para kay Anna, lahat na nang nais niya sa buhay ay nasa kanya. Masayang pamilya, magandang career at mapagmahal na nobyo. Ngunit nabago ang lahat ng bumalik sa buhay niya si Alexander Cortez-Kim. Ang lalaking dapat niyang iwasan dahil na rin sa kanilang nakaraan. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, gumawa ito ng paraan para makasama niya si Alex. Matatakasan pa ba ni Anna ang binata na ginugulo muli ang ma-ayos na niyang buhay? Hindi lang iyon, pati din ang puso niya. 2021

HanjMie · perkotaan
Peringkat tidak cukup
6 Chs

CHAPTER ONE

🌺🌺🌺

"CONGRATULATION, Attorney Cordero." Marami ang lumapit sa kanya para batiin sa pagkapanalo niya sa kaso.

"Maraming salamat po." Magalang niyang sabi.

She wins again another case this year. Ang kaso ng mang-gagawa ng isang pabrika na hindi binibigyan ng tamang sahod, at benepisyo ang na ipanalo niya ng araw na iyon. Masaya si Anna na nabigyan niya ng katarungan ang mga kawawang taong ito. She maybe in a private law firm but it doesn't mean that she can't help those people. Masaya siya kapag tumatanggap ng ganoong kaso.

"Attorney, maraming salamat po sa inyo." Na-iiyak na sabi ni Mang Kaloy.

Ito ang leader ng mga tauhan na siyang nagsampa ng kaso. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa matanda.

"Walang anuman po, Mang Kaloy. Masaya akong makatulong sa inyo."

"Malaking-malaki po ang itinulong niya sa amin, Attorney," sabi naman ng kasama nito na babae.

"Attorney, sana ay marami pa po kayong matulungan na kagaya namin. Iyong kailangan ng hustisya."

Hinawakan niya sa braso ang babaeng kaharap. "Iyon po talaga ang misyon ko, Aling Susan. Hindi ko din naman po mapapanalo ang kasong ito kung wala ang tulong niyo. Dahil maayos ang kooperasyon niyo at ibinigay niyo lahat ng ebedisyang kailangan ko kaya tayo nanalo."

Masaya si Anna kapag nakakapanalo siya ng kaso pero mas wala ng sasaya kapag nakikita niya ang saya sa mukha ng mga taong nabibigyan niya ng hustisya. Hindi man madali ang lahat ay ayos lang sa kanya. Ganoon nga yata talaga kapag bago ka sa ganoong propisyon. At saka, wala naman madali sa una.

Pagkatapos niyang magpaalam sa mga ito ay naglakad na siya papunta sa kanyang kotse. Bigay iyon ng law firm. Ganoon naman kasi kapag nakapasok ka ng DL Law Firm, nagbibigay ang mga ito ng sasakyan para magamit nila. Mabuti na lang talaga at nakapag-aral siya noong kolehiyo siya kung paano magmaneho. Hindi na siya nahirapan ng bigyan siya ng ganoon ng boss niya. Bumalis siya sa opisina dahil marami pa siyang kailangang tapusin na trabaho.

Kakapasok pa lang niya sa opisina niya ng bumukas ang pinto noon.

"Congratulations, Attorney Cordero for another job well-done." Bati sa kanya ni Attorney Leo John Dela Costa.

Ito ang may-ari ng law firm na pinagtatrabahuhan niya. Minsan lang ito nasa bansa dahil madalas talaga ito sa Australia. Doon kasi nakadistino ang lalaki. Ang kaliwang kamay nito ang siyang namamahala ng law firm na si Attorney Paula Xyler Martin. Attorney Martin is the top five in demand lawyer in the country. Nasa DL Law Firm na yata lahat ng magagaling na lawyer sa bansa kaya nga kilala ang law firm na iyon. Kaya nga nagpapasalamat siya ng makapasa siya sa pagka-abogado ay kinuha siya ng kompanya. Nasa Top five siya ng makapasa sa Bar Exam at siya ang napili ng DL Law Firm na kunin. Agad niyang tinanggap ang alok ng mga ito. Sino ba kasing hindi?

"Thank you, Attorney Dela Costa," aniya sa Boss niyang seryuso sa buhay.

"So, I have another case for you."

Tumawa siya ng mahina dahil sa sinabi nito. Inaasahan na niya iyon. Kaya lang naman ito pumupunta sa opisina niya ay para bigyan siya ng panibagong trabaho. May inilapag itong isang folder. Kinuha niya iyon at binasa. Napataas siya ng kilay ng mabasa ang report na bigay nito.

Nawala ang ngiti sa labi ni Anna ng mabasa ang isang pangalan na pamilyar sa kanya.

"Sapphire Castillo..." Basa niya sa pangalan ng taong nagsasamapa ng kaso. Sinunod niyang binukasan ang pangalawang pahina.

Anna breath suddenly become heavy. Dumaloy sa kanyang isipan ang isang ala-ala.

"Attorney Cordero, are you okay?"

Ang nag-aalalang boses ng boss niya ang siyang nagpagising sa naglalakbay niyang isipan. Nagtaas siya ng tingin. Ang nag-aalalang mukha ng boss niya ang bumungad sa kanya. Tumikhim siya at umayos ng tayo.

"Yes, Attorney Dela Costa. This is a new case?" Itinaas niya ang papel na hawak.

"Yes. Ms. Castillo wants to file a case to her late mother's relative. Niluko kasi siya ng mga ito para sa mga ito mapunta lahat ng na-ipundar ng magulang niya. She suffers because of them. Gusto niya din maibalik sa kanya ang iba pangari-arian na kinuha ng mga ito." Naglakad papunta sa mahabang sofa na nasa loob ng opisina niya ang kanyang boss at umupo doon.

Sumunod siya dito. Umupo siya sa katapat nitong upuan.

"Kung tatanggapin ko ito, kailan ko pwedeng maka-usap si Ms. Castillo?"

Ngumiti si LJ. "I going to talk to her guardian. Sa ngayon kasi ay hindi pa siya pwedeng pumunta dito sa opsina at ang taong umaalalay sa kanya lang ang pwede natin maka-usap."

Tumungo siya. "Okay. Let me know or Lisa for update, Attorney."

"Of course, I will give Lisa the contact number of her guardian." Tumayo na si LJ.

Tumayo na din siya.

"Anna, this one is special. Kaibigan ko ang guardian ni Ms. Castillo. He askes this big favor to me. I know you can win this case."

"Attorney Dela Costa, I will do my best. I can't promise you anything especially that I didn't talk yet to Ms. Castillo." Ito ang lagi niyang sinasabi sa mga kliyente niya.

Wala siyang pinapangako na kung ano basta gagawin lang niya ang lahat ng kaya niya. Mahirap magbitaw ng salita lalo na sa trabahong meron siya. Promise is a promise. She determines to keep every promise she made.

"I know." Tumalikod na ang boss niya at naglakad palapit sa pinto.

Sinundan niya na lang ito ng tingin. Nakahawak na sa door knob ang boss niya ng huminto ito at nilingon siya.

"Anna..."

"Yes, Sir." Napansin niya ang pagdadalawang-isip nito.

"Good luck." Iyon lang at tuluyan na itong lumabas ng kanyang opisina.

Na-iwan siyang nagtataka. Para saan ang huling katagang sinabi nito. May dapat ba siyang malaman.

"HINDI TALAGA MABUBURA iyang ngiti sa labi mo?" May panunuksong tanong sa kanya ni Sapphire.

Napatingin siya sa babaeng katabi. May naglalarong ngiti sa labi nito na siyang ikinatawa lang niya. Sino ba kasi ang hindi matutuwa? Ngayong araw niya muling makakaharap ng personal ang babaeng nilalaman ng puso niya.

"Halata ba?" tanong niya dito.

"Hindi halata, Alex." Sapphire said with sarcastic tone. Umiling pa ang babae.

Lalo pa siyang napangiti. Ilang taon na ba ang lumipas ng huli niyang makaharap ng personal ang babae? Anim na taon. Ang huling pagkikita nila ay iyong gabi na hindi niya makakalimutan. Ang gabing pareho nilang sinusumpa.

"Sa tingin mo, makikilala ka agad ni Anna?" tanong ni Sapphire.

"Hindi ko alam. Umaasa akong makikilala niya ako."

Tinapik ni Sapphire ang balikat niya. "Sigurado akong makikilala ka niya. Lagi ba naman kayong magpinsan sa business section ng mga magazine."

Tumawa siya ng mahina. "Ya... ya... ya... Alam ko iyon, Ms. Castillo."

Sinamaan siya ng tingin ni Sapphire na binaliwala na lang niya. Sanay na siya sa ganoong ugali ng dating kasintahan. Sapphire is his ex-girlfriend. Ex niya na ginawan niya ng masama kaya nga gusto niyang bumawi. Kaya nga tinutulungan niya itong makuhang muli ang mana na dapat ay para dito. Sapphire suffer too much because of her greedy relatives. Nang malaman niya kung nasaan ang dalaga ay agad niyang pinuntahan ngunit pinagtabuyan siya nito. Ginawa niya ang lahat para tanggapin siya ulit nito. Iyon lang at sa maling paraan siya bumalik sa buhay nito na naging dahilan para mawala sa dalaga ang lalaking muling nagpatibok ng puso nito.

Sa parking lot ng building niya ipinarada ang kotse. Nang maayos na niyang ma-iparada ang kotse ay bumaba siya at pumunta sa likurang bahagi ng kanyang kotse. May kinuha siyang wheel chair sa trunk. Inayos niya iyon bago lumapit sa passenger seat. Binuksan niya iyon.

"Let me carry you," aniya kay Sapphire.

Inilapit pa niya ang sarili sa babae. Inilagay ni Sapphire ang dalawang braso sa kanyang leeg. Inilagay naman niya ang isang braso sa likuran nito at sa ilalim ng binti nito. Ma-ingat niyang binuhat ang dalaga at inilagay sa wheel chair. Alex can't help but pity his ex-girlfriend. Pero mas hinangaan niya ito. Marami na itong pinagdaanan pero nanatili itong positibo sa buhay.

"Do you feel comfortable?" tanong niya habang inaayos ang balabal na tatakip sa hita at paa nito.

"I'm good, Alex." Sagot nito at binigyan pa siya ng matamis na ngiti.

"That's good to hear." Isinara na niya ang kanyang kotse. Umikot siya sa likuran at tinulak ang wheel chair ng dalaga.

Iilang buwan na bang nakapako sa wheel chair ang dalaga. Nagulat siya ng may tumawag sa kanya at sinabing nasa ospital si Sapphire. Agad siyang lumipad ng New York para matingnan ito. Siya pala ang nilagay na contact person ni Sapphire ng lumipad ito ng U.S para sundan ang kasintahan. Hindi niya alam kung paano ito na aksedente at kung bakit wala sa tabi nito si Santi. Tikom ang bibig ni Sapphire hanggang sa ma-iuwi niya ito ng bansa. Hindi na rin siya nagtanong pa dahil nirerespito niya ang desisyon ni Sapphire.

Ngayon nga ay siya ang tumatayong guardian ni Sapphire. Sa mansyon niya dito sa Maynila tumutuloy ang dalaga. Kasama nito ang mga katulong niya habang siya ay sa condo niya sa Makati. Akala nga niya ay tatanggihan ni Sapphire ang inaalok niyang tulong.

Nasa elevator na siya ng makatanggap ng tawag sa pinsan niyang si Lincoln. Napatingin siya kay Sapphire.

Hawak nito ang sariling phone at abala sa pag-asikaso sa negosyo nito. Napangiti siya dahil kahit nakatali ito pansamantala sa de-gulong na upuan ay pinapatuloy nito ang buhay. Ngayon niya napatunayan kung gaano katatag ang dating kasintahan.

"Hey! Where are you?" bungad agad ng pinsan ng sagutin niya ang tawag nito.

"Cole, hindi ka ba marunong bumati?" sumandal siya sa elevator.

"For what?" Mataray na sagot ng pinsan.

Tumawa lang siya sa tanong nito. Lincoln will never change. Huminga siya ng malalim.

"Nasa DL Law Firm ako. Kasama ko si Sapphire. Kaka-usapin namin ang abogadong nirekomenda ni LJ na hahawak ng kaso ni Sapphire. May kailangan ka ba?"

"Mom ask me to called you. Gusto niyang pumunta kayong lahat sa farm mamayang gabi."

"Ow! Bakit nagpatawag ng meeting si Tita?" .

"Don't know. Pumunta ka na lang kung ayaw mong magtampo si Mommy."

Isang malakas na tawa ang ginawa niya. "Fine. Pupunta din ba si Kuya Timothy?"

"Nasa farm na si Kuya. Mukhang wala silang date ngayon ni Ace." May panunuksong sabi ng pinsan.

"Really? Himala yatang iiwan ni Kuya ang sinisinta niya."

"Ace is with her parents. Kaya talagang kasama natin si Kuya bukas. Are you coming?"

"Of course. Takot ko lang kay Tita." Natatawang sabi niya.

"Then see you later."

Hindi na nagpaalam ng pormal si Lincoln sa kanya. Pinatayan lang siya ng pinsan. Tumawa siya ng malakas dahil sa ginawa nito. He loves how savage his cousin. Malamig man ang pakikitungo nito sa iba, alam niyang may ginuntuan itong puso. Hindi ganoon kasama ang pinsan at sa lumipas ng ilang taon ay alam na niya ang totoong ugali nito.

"Masaya kang ka-usap ang mga pinsan mo."

Napatingin siya kay Sapphire. May ningning ang mga mata nito. Yumuko siya para magpantay ang tingin nila.

"They add color to my life and you know how much I treasure them. I found peace at them."

"I know, Alex. Kaya nga masaya ako para sa iyo." Hinawakan ni Sapphire ang buhok niya.

Napa-iling siya para alisin ang kamay nito. Tumawa lang ito dahil sa ginawa niya. Sakto sa pagtayo niya ay ang pagbukas ng elevator. Itinulak niya ang wheel chair ni Sapphire. Nilapitan nila ang isang babae na nakatayo sa may pinto. Balisa ang babae. Patingin-tingin ito sa pinto. Kinakagat din nito ang daliri.

"Good afternoon." Bati niya sa babae.

Nakuha naman nila ang atensyon nito. "Good afternoon. May I help you, Sir?"

"We are here to see Attorney Cordero. I'm Alexander Kim and this woman is Sapphire Castillo. We have an appointment with Attorney." Sagot niya.

"Oh! Kayo po pa---" Hindi natapos ng babae ang sasabihin nito ng may narinig silang silang malakas na sigaw mula sa loob ng nakasarang pinto.

Napatingin sila doon.

"Si Ma'am Anna." Tatakbo na sana ang babae para pumasok ng pigilan niya ito sa braso.

"Ako na ang papasok," aniya at kinuha ang dalang baril mula sa likod ng kanyang pantalon.

Lagi siyang may bitbit na baril dahil na rin sa antas nila sa buhay. Minsan ay pumupunta silang tatlong magpinsan sa target shooting para mag-practice. In-case of emergency ang dahilan ng pagdadala niya ng baril. They have licensed to carry a gun.

Ma-ingat ang galaw na binuksan niya ang pinto at mga hakbang papasok ng kwartong iyon. Isang eksena ang nagpakulo ng dugo ni Alex. Isang matandang lalaki ang nakapatong kay Anna habang hawak nito ang dalawang braso ng babae. Nandilim ang paningin ni Alex. Mabilis ang hakbang na lumapit siya at inilagay sa ulo ng matanda ang baril na hawak.

"Try to harm her and I will pull the trigger." Galit ang boses na banta niya.

Nanigas ang likuran ng matanda. Itinaas nito ang kamay.

"Now, get off her!" Sigaw niya sa matanda.

Naging masunurin naman ito dahil umalis ito sa pagkakadagan kay Anna. Hindi niya inalis ang tingin sa matanda pati na rin ang baril na hawak. Kumukulo ang dugo niya sa lalaking ito. What did he think his doing?

Nasisiguro niya na kung hindi sila dumating ay may ginawa na itong masama kay Anna.

"A-Alex..." Isang nanginginig na boses ang nagpatigil sa mundo ni Alex.

Ilang taon na ba ang lumipas pero hindi pa rin niya makakalimutan ang boses ng babaeng bumihag sa puso niya. Ang batang babae na gusto niyang ingatan. Unti-unti siyang tumingin sa deriksyon nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Alex feels like his world stop revolving. Para bang nakalutang sila ng mga sandaling iyon at may nagkikislapang bituin.

Naririnig ni Alex ang malakas na tibok ng kanyang puso. Nakakabingi iyon pero wala na siyang paki-alam. Looking at Anna's eyes, he feels like home. Para bang nakita niya ang nawawala niyang pagkatao at nakikita niya iyon sa mga mata ni Anna.

Ngumiti siya sa babae.

"No one can harm you now that I'm here. I will protect you Anna like what I promise to your father. Hindi ko muling babaliin ang pangako ko sa kanya bago siya namatay."

Bago pa niya napigilan ang sarili ay nasabi na niya ang mga katagang iyon. Isang malakas na singhap ang nakuha niyang reaksyon kay Anniza. Nagbago din ang emosyon sa mukha nito.

'It's not too late for me to have you back, Anna Cardero. I will have you no matter what happen.' sigaw ng isipan niya.

Ngayon palang ay pinapangako na niya na makukuha niya si Anna dahil wala siyang nakikitang ibang babae na makakasama habang buhay kung hindi ito lang.

"I WILL FILE a case against Mr. Andrada. Hindi niya pwedeng gawin sa iyo ang ginawa niya ng hindi siya napaparusahan. I will make sure that he will root in jail." Galit na sigaw ni Leo John.

Tinawagan pala ito ni Lisa para sabihin ang nangyayari sa opisina niya. Mabilis itong umaksyon. Agad itong nagpatawag ng security guard at pinadampot ang matandang Andrade. Sigurado siyang nasa kulongan ngayon ang matanda dahil sa ginawa sa kanya.

Nakatayo si LJ sa harap niya habang si Alex ay naka-upo sa pang-isahang sofa. Naka-upo naman siya sa mahabang sofa at kaharap ang boss niyang namumula sa galit. Kasama din nila ng mga sandaling iyon si Sapphire, naka-upo ito sa isang wheel chair na talagang ikinagulat niya kanina.

"I'm fine now, Attorney Dela Costa. Wala naman nangyari. Malaking client natin si Mr. An---"

"Wala akong paki-alam kung malaking client natin siya, Anna. He almost raped you. Hindi lang iyon, dito pa talaga niya gagawin ang krimen niya sa opisina ng DL. Hindi na siya nahiya. Dapat lang siyang parusahan." Sigaw ni LJ.

Napayuko siya dahil sa pagsigaw nito. Minsan niya lang makitang magalit ang boss niya kaya naman. Hindi na siya nagsalita pa dahil baka lalo lang magalit ang boss niya. Nakakatakot pa naman ito. Maraming nagsabi sa kanya na nakakatakot ang boss niyang iyon magalit kaya dapat niya itong iwasan.

"Anna, alam mong obsess sa iyo si Mr. Andrada kaya dapat tumawag ka na a---"

"Lj, can we discuss that later? Can we talk to Attorney Cordero about our own complain?" Putol ni Alex sa iba pang sasabihin ni LJ.

Napatingin sila kay Alex. Seryuso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Si Anna ang unang nag-iwas ng mga tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni Alex. Para kasing pati ang kaluluwa niya ay binabasa nito. Napalunok siya.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng opisina niya bago nagsalita ang boss niya.

"Are you okay to talk to them?"

Tumingin siya sa boss niya. "Yes po."

"Okay. I leave you now but I'll be back after your meeting. Pag-uusapan natin ang kasong isasampa kay Mr. Andrada." Tumayo na si Sir LJ.

"Attorney De---"

"Anna..." May pagbabanta ang boses na banggit nito sa pangalan niya.

Walang nagawa si Anna kung hindi ang itikom ang labi niya. Paano siya makakatutol kung ganitong klase ang boss niya. Tumingin muna ito kay Alex bago lumabas ng kanyang opisina.

Isang malakas na tikhim ang narinig niya ng isinara ni Sir LJ ang pinto. Napatingin siya kay Alex na mataman pa rin na nakatingin sa kanya. Umayos siya ng upo at ibinalik sa walang emosyon ang mukha.

"Shall we start?"

Tumaas ang kilay ni Alex pero hindi ito nagsalita. Naglabas siya ng hangin at tumayo para kunin ang report paper na ibinigay sa kanya ng imbestigasyon team. Bumalik siya pagkatapos sa kina-uupuan at tiningnan ang hawak na papel.

"You are here to file a case against your Tita and cousin," aniya.

"Yes, Attorney. Nalaman ko kasi na minapula nila ang last well ng magulang ko. Buong akala ko ay lubog sa utang ang magulang ko ng mamatay sila. Iyon pala ay hindi totoo. Nasa totoong last well kasi ni Daddy na kapag nag-refuse akong hawakan ang kompanya ay sa kanila

mapupunta ang mana ko. Which hindi ko tinanggihan? It's my parent's legacy kaya talagang hahawakan ko." Paliwanag ni Sapphire sa kanya.

"Okay. Where's the lawyer who read the last well? We need him to testify. Kailangan natin siya para masabi na talagang ang last well ng magulang mo ay sa iyo mapupunta hindi sa Tita mo. Kailangan ko din ng kopy ng last well na iyon bilang ebidensya. At kailangan natin malaman kung paano nila namanipula ang huling habilin ng magulang mo."

Napansin niyang nagkatinginan si Alex at Sapphire. May lungkot sa mga mata nito habang si Alex ay nakikisimpatya. Ini-abot din ng binata ang kamay ni Sapphire. May munting kirot na nararamdaman sa kanyang puso si Anna. Alam niyang hindi niya dapat iyon maramdaman. May kasintahan siya at mahal niya ito. Mahal niya si Carl at ito na ang nilalaman ng kanyang puso. Huminga siya ng malamin at ibinalik ang tingin kay Alex ngunit agad niyang pinagsisihan ang ginawang pagtingin dito dahil bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso.

"Attorney Perez died last month. Hindi din naman makita ang ginawang last well ng magulang ni Sapphire. Kaya wala kaming sapat na ebidensya para may ipanglaban sa kanila." Ang binata ang sumagot sa mga tanong niya.

Nanlamo si Anna sa narinig na sinabi ni Alex. Paano niya mapapanalo ang kaso kung ang pinaka-ebidensya na kailangan niya ay wala.

"Okay kung ganoon ay paano niyo nalaman na minapula ang last well ng magulang mo, Ms. Castillo." Kay Sapphire na siya tumingin.

Pero kahit sa babae na siya tumingin ay nararamdaman pa rin niya ng mga titig ni Alex. Anna tried hard to calm herself. She tried to unbothered those stares but she can feel it in her bone. Bakit ba kasi ganoon kung tumingin sa kanya si Alex? Na-iilang na talaga siya.

"It's illegal, attorney." Si Alex ulit ang sumagot sa tanong niya.

"What?" salubong ang kilay na tumingin siya kay Alex.

Anong pinagsasabi nitong illegal? Anong ginawa nito para makuha ang impormasyon na iyon?

Tumaas ang sulok ng labi ni Alex. "Don't worry. It's not involved of killing someone. I just hack Anna's cousin computer. Doon ko nakita ang scan copy ng last well ng magulang niya."

Hindi alam ni Anna kung bakit nanindig ang balahibo niya sa sagot nito. Bakit abot hanggang ka-ibuturan niya ang takot sa binata? Alam niyang hindi dahil sa sagot niya kung hindi dahil sa maaring may alam na ang binata sa ginawa niya noon.

🌺🌺🌺

Let's start their love story. Everyday update. Basta hindi lang pagod ang lola niyo from work.

HanjMie

HanjMiecreators' thoughts