"Hala siya! Dyana, kahapon pa yang ngiti mong 'yan ha. Tigilan mo na nga 'yan. Ang creepy mo!" Narinig kong saway ni Guia sakin pero hindi pa rin mawala-wala ang ngiti kong kahapon pa nga talaga nakapaskil sa mga labi ko.
"Yannie, magkwento ka nga. May nangyari bang maganda kahapon?" Usisa naman ni Loren.
"Oo nga, Yannie. Simula nung bumalik ka pagkatapos ng lunch break ay ganyan na yang mukha mo. Parang wala nang makakasira ng araw mo," dagdag pa ni Aiza.
Vacant namin ngayon at pinapaligiran nilang tatlo ang upuan ko. Curios na curios ang mga nangungusisang mga mata.
"Ganito kasi yun, diba nga ginawa kong ang usual gawain ko kahapon?..." At yun nga, kinuwento ko sa kanila ang buong nangyari.
Kinilig naman ang tatlo at tinukso-tukso pa nila ako pagkatapos.
Napatigil lang kami sa kulitan namin nang napadaan sa harap namin si Dione na lihim iniinda ang nangyari sa likod niya.
Siguradong kahit hindi niya sinabi, alam kong malakas ang pagkakatama ng bola sa likod niya.
Nakokonsensya tuloy ako dahil ito ako, ngiting-ngiti dahil naging blessing in disguise sakin yung nangyari sa kanya. Samantalang siya, iniinda pa rin yung nangyari sa likod niya.
Ang sama-samang kong kaibigan.
"Sandali lang, babes." Paalam ko sa tatlo. Tumango naman sila at gamit ang tingin, sinuportahan nila ako sa balak kong gawin.
Kinuha ko ang ointment na binili ko kahapon mula sa bag ko at pumunta sa kanya. Umupo ako bakanteng upuan katabi ng inuupuan ni Dione.
"Dione, o. Ointment para likod mo. Kamusta na? Umuwi ka ba agad kahapon? Hindi ka na kasi bumalik sa klase. Nag-alala kami."
Nginitian niya ako at ginulo pa nang bahagya ang buhok ko. Matangkad siya sakin kaya hindi nahirapang abutin ang ulo ko kahit na nakaupo kami.
"Sus, sweet naman. Oo e. Pinauwi na ako ni Nurse Raya para raw mas makapagpahinga ako sa bahay. Salamat dito." Tukoy niya sa binigay ko.
"Ganun ba. Tsaka sorry din sa nangyari. Pasensya ka na rin daw ulit sabi ni K-Kenneth. Hehe." Shit. Sana hindi niya nahalata.
Sa aming apat, siya lang ang hindi nakakaalam na may gusto ako kay Kenneth.
Girl thing. Kahit papaano, lalaki pa rin si Dione.
"Ayos lang talaga, Yan. Saka alam ko rin namang hindi niya sinasadya 'yon so no worries." Ngumiti na naman siya.
Kinurot ko ang pisngi niya dahil nanggigil ako.
"A—ouch naman, Dyana! Wag ang pisngi ko." Napalabi pa niyang maktol.
"Hahaha. Ang cute mo, Dione." Tumatawa kong sabi. Natigilan siya at napatulala.
"Okay, Class. Go back to your proper seat. I'm going to check your attendance." Dumating na ang teacher namin sa next subject kaya dali-dali na akong bumalik sa upuan ko.
____
Break time nang magkakasama kaming kumain nina Guia, Aiza at Loren sa isa sa mga mesa ng Cafeteria.
"Lenny, pinag-bake mo talaga si Kenneth ng cake? Anong sabi?" Maingay ang nasa kabilang mesa malapit sa amin kaya rinig na rinig namin ang pinag-uusapan nila.
Nagkatinginan kaming tatlo. Iisa ang iniisip.
Siguradong si Ken baby ko ang pinag-uusapan nila.
"Yes, girls. And guess what? He said that maybe he should just date me kasi masarap akong magbake!"
"Really, girl? Oo nga naman. Sinong tatanggi sa face of the campus? Kahit ang The Kenneth Aguirre, hindi magagawa yun," sabi ng isa sa mga kaibigan niya at sumang-ayon naman ang mga kasama niya. Nagtatawanan pa sila at patuloy na nagkulitan.
Bigla akong nalungkot at nawalan ng gana kumain.
Oo nga. Siya si Lenny Abe Natsumi, ang Face of the Campus 2020. Napakaganda at napaka-sexy niya. Anong laban ko?
Simpleng cute lang ako.
Yan pala yung mga tipo ni Ken baby ko? I sighed.
"Mas cute ka naman kesa sa kanya, Yannie." Pampalakas-loob na sabi sakin ni Aiza.
"Mas matalino ka rin," sinigundahan naman ni Guia.
"Mas magaling ka ring kumanta at sumayaw. Marunong ka ring mag-bake," dagdag ni Loren.
Tinawanan ko lang sila kahit na alam kong wala namang nakakatawa.
"Ano ba kayo. Salamat po sa compliments pero ayos lang ako 'no. Kenneth is not mine to begin with. Tapos na ba kayong kumain? Mauna na ako." Saka ako nagligpit ng kinainan at tumayo.
Aalma pa sana silang tatlo pero umalis na ako. Parang ang hirap huminga. May nararamdaman akong bara sa lalamunan ko.
Naglakad ako papunta sa mini forest ng school campus at nagtago sa pinakamalaking puno. Doon unti-unting pumatak ang mga pinipigil kong luha.
"Nagseselos ba ako? Ano ngayon kung i-date nga niya? Hindi naman siya akin."
Iyak lang ako ng iyak pero pigil ko pa rin ang makagawa ng ingay. Baka kasi may magawi dito at makita pa akong nagda-drama. Gagawin pa akong laughing stock kapag nagkataon.
Baka makita ko na lang sa campus site ang headline na,'Cute Student of 12 ABM-1, Dyana Keith Solis was seen being emo under a Tree in the Campus' Little Forest.'
Baka kinabukasan, magulat na lang ako. Famous na pala ako.
Imagine pa, self.
Ilang minuto bago matapos ang lunch break ay nahimasmasan na ako at bumalik ng classroom.
Naayos ko na ang sarili ko at siniguradong hindi ako mukhang kagagaling lang sa pag-iyak.
Pero bakas pa rin sa mukha ng mga kaibigan ko ang pag-aalala nang maupo ako sa aking upuan katabi nila. Kahit ganun, mas pinili pa rin nilang manahimik na lang at wag nang magtanong kung ano ang ginawa ko na ipinagpapasalamat ko naman.
Ayoko munang pag-usapan, baka maiyak na naman ako.
Ang hirap naman ng ganito. Lihim na nasasaktan dahil sa'yo, Ken baby ko.
Warning: UNEDITED
Enjoy reading, well, I hope so. 🧡
🦋
uncrushyou