webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
42 Chs

Talk To Him

"Hey babe! sorry natagalan hinintay ko pa kasi si Kat! nagpasabay sakin, sobrang tamad kasi may sarili namang kotse" dere-deretso itong pumasok sa loob at may kasama pang reklamo.

"Manahimik ka! you insist noh!" sumunod naman dito si Kat na mabunganga. "Oh btw namiss kita sweetheart" yumakap ito sa kaniya at humalik sa pisngi.

"Nagugutom na ko! wala bang mag-aaya diyan?!" natawa naman siya sa dalawang ito napaka-ingay kapag excited.

"Oo nga ehem! umuugong na yung flat stomach ko!" parinig naman ni Kat. Pinatong nito ang wine sa ibabaw ng mini bar.

"Oh para saan yan?" turo niya sa wine na dala nito.

"Iinumin natin mamaya?"

"Ah sige" nagtawanan na lang sila.

Nagsisimula na silang kumain at tuwang tuwang ang dalawa dahil lahat daw ito ay masarap.

"Masisira diet ko nito!" nagpout si Kat pero todo kain pa din ito, kaya naman tinawanan na lamang nila.

"Sobrang sexy mo na, hindi na kailangang magdiet"

"Aww thank you" napahawak pa ito sa dibdib at nagpuppy eyes.

"Tumigil ka nga hindi ka cute! mukha kang asong bulok"

"Bahala ka diyan pangit mo baboy ka!"

"Tumigil kayong dalawa nasa harap kayo ng pagkain" kalmado niyang saway dito, pinipigilan niya lang tumawa dahil baka madamay siya sa asaran ng dalawang ito.

"Alagaan mo sarili mo, wala ka na ngang jowa hindi mo pa inaalagaan sarili mo"

"Wow ha makapagsalita 'tong si Natasha kala mong may jowa" nagtawanan naman sila.

"Sayang talaga si Mishy"

"Kuh Joana ha! wala ka lang makaaway eh"

"Mukha mo! anong tawag sa inyo?" sinimangutan naman nilang dalawa ito.

"Bwiset ka!" sabay na sabi nila ni Kat.

Nasa kwarto niya na ang mga kaibigan niya samantalang siya ay naghuhugas ng pinagkainan nila. Gusto pa sana ng mga ito na tulungan siya pero pinigilan niya na, mag-iingay lang ang dalawang yon. Dumeretso muna siya sa Cr para sa skin care niya. Naglagay muna siya ng headband at nagsimula na.

Pagkapasok niya sa kaniyang kwarto ay nagbabangayan na naman ang dalawa.

"Akin 'tong pillow na to!"

"Ako gagamit niyan nauna ako sayo!"

"Regalo ko yan kay Natasha kaya bitawan mo!"

Nag-aagawan ang dalawa sa malaking unan niya. Comfortable kasi ito at malambot, makakatulog ka agad. Kaya siguro nag-aagawan ang mga kaibigan niya.

"Maze oh! si Katrina ayaw ibigay!"

"Tumigil nga kayo may katulad pa kong ganiyan kukunin ko lang saglit" napakamot siya sa kaniyang ulo dahil sa stress. Kung nandito lang si Mishy edi sana may kaaway si Joana tapos silang dalawa ni Kat ang sasaway. 'Pag wala kasi si Mishy, si Kat naman ang magiging makulit at siya na lang makakasaway.

"Oh ito na"

Lumundag naman agad pababa sa kana si Kat at niyakap siya. "Thank you Nats!"

Nanood na lamang sila ng movie at nagkwentuhan. Masaya talaga sila kasama at kausap, hindi sila nauubusan ng kwento. Binabalikan din nila ang masasayang nakaraan, umiinom din sila ng wine kaya medyo relaxing.

"Mapunta nga tayo sayo Nats" seryosong sabi ng kaibigan niya.

Ito ang ikinakatakot niya kapag masyadong seryoso ang mga 'to.

"Ano talaga yung totoong nangyari?"

Huminga muna siya ng malalim dahil sa kaba bago magsalita.

"Nabanggit kasi sakin ni Ethan na may gusto siyang iba. I mean nagkunyari akong tulog and he's thankful daw na nakilala niya yung band na ben&ben and relate daw siya because he love someone at hindi siya sigurado kung parehas sila ng nararamdaman. And after that I decided to run away and avoid him. Because I think that's the right thing to do. Nasaktan ako kaya ko ginawa yun, narealize ko na kulang pa pala ako sa kaalaman about sa love."

"Kailan mo balak pansinin ulit?"

"Kapag okay na ko"

"You don't need to run away, dapat inisip mo muna kung ano mararamdaman niya sigurado akong naguluhan yun sa inakto mo. Sometimes you need to face everything, hindi ka naman sigurado kung ibang tao yung tinutukoy niya eh. Pero hindi ako hadlang sa ginawa mo o sa ginagawa mo ngayon. It's super okay to love yourself first, but sana nag-excuse ka sa kaniya diba?"

"I know you're not ready to be hurt but like what you've told us you're already inlove with him, and that's the part of loving someone. Hindi mo pwedeng itago sa kaniya ang nararamdaman mo, mas mahirap yung nasasaktan ka ng hindi niya alam kaysa sa nasasaktan ka ng alam niya, at least he's aware na someone is hurting because of him. And yeah you're inlove walang masama kung susubukan mong gawin kung ano yung tama para na din hindi ka magsisi sa huli." hinawakan nito ang kamay niya.

"I know this is your first time, bago ka lang sa ganitong pakiramdam. Everything takes time just love yourself first, before you love others, ibigay mo muna ang lahat sa sarili mo then after you heal, you grow. You can be with him na. Gets mo?" tumango naman siya.

"Ano na gagawin mo?" tanong ng dalawa niyang kaibigan sa kaniya.

"Ganon pa din, love myself muna. Pag okay na ko I'm going to talk to him and I'll tell everything."

_____________________________