webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
42 Chs

Moon And Stars

"Why are you hurting?" nagtataka kong tanong sa kaniya, ilang beses na ako nabo-bother dahil sa nakikita at naririnig ko mula sa kaniya. Nacucurious talaga ako, gusto ko malaman lahat at mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ko.

"Because I like you Maze." Tinitigan niya ko sa mga mata habang nakangiti  sakin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman at irereact ko sa sinabi niya. Napakaikli pero kakaiba ang tama. Pero naguguluhan pa din ako, gusto ko ng sakto na sagot. Sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip sa mga ganitong bagay. Baguhan lang talaga ako sa pakiramdam na ito.

Nanatili ang nagtatakang kong ekspresyon. And I heard him chuckled a bit.

"I know you're a little bit confused right now. Do you want me to tell you everything?" Napakamot pa ito dahil sa hiya.

Wala talaga sa plano ni Ethan na umamin agad at sabihin ang lahat kay Maze. Pero dahil sa takot na baka iwasan siya ulit nito dahil sa maling akala ay ginawa niya na ang tama. Tama na ang pagiging torpe. And yes, he already knew that Maze is jealous and scared like him. Yung nakikita niya kay Maze ay ganon din siya noon, at isa pa sa expression nito ang nagpapagulo sa isipan niya.

Hindi alam ni Ethan na parehas lang silang may gusto sa isa't isa. Kaya pati siya ay naguguluhan na din at madaming katarungan sa isip. Gusto man niyang magtanong, pero gusto niya munang sabihin ang side at ang lahat ng bagay na kailangang malaman ni Maze.

"Yes please. I want to know everything."

Nakita kong huminga muna ng malalim si Ethan bago magsalita.

"I like you since first year of college. Nakikita lang kita lagi kung saan, I really like your clothes, kung paano mo gawan ng paraan para hindi simple tignan. I love your messy bun hair, I find it cute and hot at the same time. Isang linggo na kita nakikita, hanggang sa hindi na ko makatiis at itanong ka sa kaibigan ko na si William, since same school lang naman kayo. Lagi ka niyang kinukwento sakin, kalog ka at madaldal, yun ang pinakanagustuhan ko sayo. Sobrang natural mo, walang arte, kung ano ka talaga, kung anong ugali mo yun ang pinapakita mo sa lahat. The way you smile at everyone makes me jealous before, kasi you can smile at them like that. Pero sakin nihindi mo nga ako kilala nun eh."

parehas kaming natawa dahil sa huli niyang sinabi. I really don't know, I'm not sure kung nakakasalubong ko ba o nakita ko ba siya before. Sa dami ng kaibigan ko sa iba't ibang university hindi ko na alam kung sino sino ang nakakausap ko.

"Hanggang sa malaman ko na may arrange marriage pala. Nagalit ako nung una, dahil di ko man lang naipaglaban yung taong gusto ko. Dahil sa takot kong ma-disappoint si daddy sinunod ko kahit guhong guho na yung mundo ko that time. Kahit nga name or clue about sa future wife wala man lang sinabi eh. Until we met in your mansion, nung una hindi pa ko makapaniwala, baka nananaginip lang ako pero yung time na magkausap tayo dun ko narealize na totoo pala lahat, at totoong ikaw yung nakikita kong babae para sakin." Sumandal siya sa upuan at tumingala sa langit.

"Dun ko naisip na hindi na dapat kita pakawalan kasi ito na yung hinihintay ko, hindi na dapat ako magbagal bagal. Ayoko sayangin yung matagal kong paghihintay dahil sa maliit na pagkakamali. And I'm sorry for not telling you about this, gusto ko kasi dahan dahanin muna. Alam kong prioritize mo ang studies mo at ganon din naman ako so everything takes time." hinarap niya ako.

"Sorry kung nabigla kita. I just want to say that I Love You." hinalikan niya ako sa noo at wala akong magawa kundi maiyak.

I didn't expect that, he's always surprising me. I love him so much. I don't regret my decisions, I can feel it. This what I really need and want.

I'm not ready to tell him. Gusto ko munang makurpirma lahat. like what he said 'everything takes time'. May tamang panahon para ako naman ang umamin. I want to take it slow.

He kissed me on the forehead while we were under the moon and stars. And this is the beginning of our story.

——————————