webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
42 Chs

Happy To Be Back

Sinabi niya dito ang pakay niya kung bakit siya nasa mall mag-isa. Naikwento din nito na kakauwi niya lang kahapon at sinalubong siya ng ibang kamag-anak niya, siya lang daw kasi ang umuwi mag-isa. Ang loko kinikilig pa dahil nandun din daw ang girlfriend nito, one month pa lang daw sila pero talaga seryosong siya sa babae.

"Kailan ko siya makikita?" tanong ni Maze kay drake. Nasa National Bookstore sila ngayon para bumili ng iba niya pang gamit na kakailanganin.

"Next week" ngumiti ito sa kaniya, kumislap naman ang saya sa mata niya dahil makikilala niya na ang girlfriend nito. "Sa bahay namin punta ka ah?" tumango naman agad siya.

"Nga pala what are you doing here?"

"Bibili lang sana ako ng pangregalo sa pinsan ko, you know Lawrence diba? birthday niya bukas" tumango tango naman siya.

Pumunta na sila sa cashier para magbayad ng mga binili niya. Talagang namiss niya ang kababata niya, para niya kasi itong kuya.

"Ano gagawin mo after?" tumitingin tingin ito sa mga libro, malapit kasi ang mga libro sa cashier.

"I'll buy some clothes?" tumingin pa siya sa taas para isipin kung ano pang pwedeng gawin. "Yeah! bibili na lang ako ng mga clothes, pasukan na bukas eh"

Kumain muna sila ng lunch sa paborito nilang kainan, noong mga bata pa lang sila. Nagkwentuhan sila at nalaman na din pala nito ang tungkol sa kanila ni Ethan.

"Pano ka napapayag ni tito Christian? alam mo naman malapit si daddy kay tito kaya nalaman din namin"

"Well nung una hindi ko talaga gusto ang mga gustong mangyari ni dad pero naisip ko. If I really want to have my own freedom, kailangan kong tanggapin yon. And it's not all about my freedom, para din yun sa future ng hospital." napangiti ako ng maalala ang usapan ni dad. Atleast I met him.

"How about Ethan? Kamusta naman siya?" ngumiti ito sa kaniya halata dun ang pang-aasar, dahilan para tarayan niya.

"He's fine, hindi ko nga inexpect na ganon kabait yung lalaking yun." natawa naman kami parehas. Buti na lang talaga dumating na ang order nila, alam niyang magtatanong pa ito tungkol kay Ethan.

Namili na sila ng damit at sinamahan siya nito. Sinamahan niya din si Drake para mamili ng regalo kay Lawrence, bumili siya ng t-shirt at relo para pang regalo din.

Pagkarating sa parking ay naghiwalay na sila. Kumaway pa ito sa kanya bago umalis.

Ngayon namang ay dederetso siya sa mansion para bisitahin ang ama. Pero she decided to buy some foods muna bago pumunta. Bumili siya ng pizza at milktea para sa mga tao pa sa bahay, sigurado siyang hindi pa nagmemeryenda ang mga ito sa ganitong oras. Napatingin siya sa relo niya, three o'clock na rin pala.

Nang makarating na ay agad siyang sinalubong ng mga ito, may mga formal na bumati, may mga yumakap naman sa kaniya at sinabi ng namiss siya ng mga ito. Actually namiss niya ang lahat.

"Where's dad?" tanong kay niya manang celia.

"Nasa kwarto ang ama mo" tumango naman siya at ngumiti. "salamat po." umalis na ito sa kusina.

Kumuha siya ng dalawang plato, at nilagyan niya ito ng dalawang pizza.

Pumasok siya sa kwarto at nakita niyang nanonood lamang ito ng action movie. Walang sa sariling napangiti siya.

Wala sabi sabing umupo siya sa tabi nito naging dahilan para magulat ito sa kaniya. Natawa siya sa reaction ng kaniyang daddy para kasi itong nakakita ng multo.

"Jusko naman Natasha Maze! aatakihin ako sa puso nito eh. Akala ko minumulto na ko ng nanay mo" natawa na lang sila, kahit kailan talaga magugulatin ito.

Alam niyang kamukhang kamukha niya ang nanay niya kaya ganito na lang ang reaction nito nang makita siya.

"Whatever dad, I missed you" yumakap siya ng mahigpit, yumakap din ito ng mahigpit sa kaniya.

"I missed you too anak, nood na lng tayo" nag-aya na ito manood at alam niyang wala na siyang takas dito.

Nanoood nga sila habang kumakain ng pizza at umiinom ng milktea, nagkukwentuhan din sila tungkol sa mga nangyayari ngayon at sa mga naging ganap niya habang mag-isa siya. Naging masaya siya sa usapan ng kaniyang ama.

She was happy to be back at her home.

_____________________________