webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
42 Chs

Crazy Boy

Habang ako nakatayo pa din at nakasandal sa cabinet. Bakit ganon yun? Umiling ako at tahimik na umupo sa upuan habang tinititigan siya. I don't know how to invite him to eat with me.

Naghanda pa din ako ng pagkain naming dalawa. Yung ibang tao sa bahay ay kumakain na din at pinupuri ang luto ko. Minsan lang kasi ako magluto kapag nandito sa bahay. Isang oras na kong naghihintay kay Ethan para kumain. Hindi na ko nakapagpigil kaya lumapit na ko sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Hey, let's eat. Mamaya na yan I'll help you later." Hindi pa din siya nagreresponse at nagbabasa pa din, parang walang naririnig.

Maybe I will eat alone tonight. I don't want to bother him. Malakas akong napabuntong hininga dahil pakiramdam ko galit siya sakin. Tatayo na sana ako ng hilahin niya ulit ako paupo.

"Hintayin mo ko. Wag ka ng magbuntong hininga diyan. I'm not mad at you, okay?" napangiti naman ako sa kaniya at tinulungan siyang magligpit ng gamit. Kilala niya talaga ako, kahit mood ko alam niya.

Tumayo na siya at pinagpag ang sariling damit. Tumayo na din ako ng biglang kumulog ng malakas dahilan para matumba ako, na naudlot dahil nahawakan agad ako ni Ethan sa bewang. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, kaya medyo naiilang ako dahil sa titig niya.

"Be careful Maze." Hinalikan niya ako sa noo bago ako bitawan. Buti na lang malayo ang dining area sa living room, kundi nakita yon ng mga tao dito.

"Hey! para saan yung kiss na yon! nakakailan ka na ngayong araw ha!" reklamo ko sa kaniya, nakakailan na ngayon yun hindi ko pa naman siya sinasagot hay.

"Okay sorry. Hindi na po, Tara na nga kain na tayo alam kong nagrereklamo na din tiyan mo kakahintay sakin. Sorry about that." natawa naman ako sa kaniya.

"Buti alam mo!" he pinch my nose.

Pagkatapos kumain ay agad na naghanda si Ethan para makauwi na. It's already eight o'clock. Maaga pa siya bukas.

Pero bago siya makalabas sa pintuan ay bumuhos agad ang malakas na ulan. It's not safe to drive lalo na kapag naulan, gabi pa naman. Lumingon ako sa katabi ko at nakita ko siya napakamot ng ulo. So cute.

"Stay here, bukas ka na lang umuwi ng maaga. It's not safe outside, dala mo naman lahat ng kailangan mong aralin diba?" I'm really worried about his studies, baka hindi siya makapag-aral kung nasa condo niya yung ibang kailangang aralin.

"Yeah, but I can handle it. Malapit lapit lang naman ang condominium dito." Umiling ako sa kaniya at hinarap siya.

"It's not safe okay? just stay here. Let's go." hinila ko na siya at pinapasok sa guest room.

Mayroong dalawang bed dito and cabinets para kung magtatagal ang mga bisita they can put their clothes there, sa tabi naman nito ay may malaking mirror if you want to check your OOTD. Meron ding flatscreen and aircon sa loob and of course ceiling fan. Sa kabiling side naman ay may two chairs and table, sa tabi naman non ay may sofa at side table. May restroom din sa loob para hindi na lalabas ang mga guest.

"Okay ka lang ba mag-isa dito?" tanong ko sa kaniya. Tingin ko naman okay lang naman siya dito, makakapagfocus siya dahil tahimik sa loob.

"Yeah, thank you. Uuwi na lang ako ng maaga bukas, I have classes tomorrow." pinatong niya sa table ang gamit niya at binuksan ang aircon.

"Okay no problem! feel at home. Just call me if you need something. Maliligo lang ako" tumingin siya sakin at ngumiti.

"Shower well" nilalatag niya ulit ang mga gamit niya sa table at kinuha ang libro niya.

"Pwede kang maligo dito, may clothes kang dala?"

"Wala, hindi ko alam na dito pala ako hanggang bukas" he chuckled about it. Oo nga pala biglaan lang talaga ang ulan ngayon.

"Dalhan na lang kita ng clothes mamaya. Wait me here." pumunta na ko sa kwarto at naligo. Maghahanap pa ko ng malaking damit sa closet ko, tingin ko naman may magkakasya kay Ethan. Kay Dad kasi ayaw niya na pinapakaelaman ang gamit niya.

Nagb-blower ako ng buhok nang magvibrate ang phone ko.

Joana:

'Hey girls! review tayo bukas sa starbucks pweaseee:<<'

Miguel:

'Tara tara! gora ako tomorrow wala namang gagawin sa house.'

Katrina:

'Lezzgooo miss ko na kayo gravee! exam na naminn sa isang araww kaya kailangan ko ng motivation.'

Miguel:

'Shalaa dzai mahal na mahal mo naman kami'

Katrina:

'of course!! duh'

Joana:

'Ikaw Nats? makakasama ka ba?'

Me:

'Nope. Family time tomorrow sa isang araw ako mag-aaral.'

Buti hinayaan na lang nila ako dahil alam naman nilang miss ko na talaga si Dad. And tomorrow balak ko nga siyang isurprise, so 7:30 am lagi ang dating niya kaya maaga ako gigising bukas.

Nakahanap ako ng oversized hoodie and I'm sure kasyang kasya 'to kay Ethan. It's color black and his sweatshort is color black too. Pagbaba ko ay kumuha muna ako ng KitKat sa refrigerator para ibigay din sa kaniya. Nagtimpla din ako ng iced coffee dahil magpupuyat yun panigurado sa kakaaral.

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. He's still on his glasses while reading his book, he is really a busy person tonight.

"Hey! here's your clothes and this is you chocolate and coffee too. Do you need my help?" Nilapag ko sa kabilang mesa ang mga pagkain at pinatong naman ang mga damit sa kama.

"No it's okay. Bakit nag-abala ka pa kumuha ng chocolate at mag timpla ng coffee? I'm good." humarap ito sakin and I can see the tiredness in his eyes, well it's normal if you're a med student, madaming readings and memorizations.

"You need it eh. Take a shower, I'll wait you here." Umupo ako sa katapat niyang upuan at sumenyas sa kaniyang maligo na.

"Okay fine, but you don't need to wait me here, you can sleep na. You also need to rest." Kinuha na nito ang damit niya at kinurot muna ang pisngi ko bago pumasok sa CR.

Pero he look at me again at sabay kindat. Wtf?! That's weird.

Natawa na lang ako sa kaniya at binato sa kaniya ang isang unan.

Crazy boy.

______________________