webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Tour

Nagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.

Ano na ang nangyayari?

Wala na 'yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga 'yung wala.

Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. 'Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.

Anong ginagawa niya roon?

May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.

O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer na lang kasi, manlalabo na talaga ang mga mata ko.

Ilang oras ba akong tulog? Bakit pakiramdam ko, malapit ng matapos ang seminar na ito?

"Congratulations everyone and thank you all for coming and joining this five-days seminar-workshop. In behalf of Microsoft Corporation, we are humbly expressing our gratefulness through this token of appreciation. Enclosed with it is the certificates for those who attended and to their respective companies."

Inayos ko 'yung sarili ko nang marinig ulit na magsalita ang nasa harapan. Agad ding may gumalang ibang staff para ipamigay ang kung ano ang kanilang ipapamigay.

Nang maibigay na 'yung certificate na may pangalan ko mismo at 'yung token daw na ipapamigay nila na hindi basta-bastang token lang. Isang gadget na hindi ko alam kung ano ang tawag basta gadget talaga.

Aatupagin ko na sana ang ibinigay nila nang biglang tumabi ulit si Engr. Sonny sa akin.

"Have you slept well?" inilapag niya sa lamesa ang bitbit na certificate, ako naman ay inaayos na ang mga gamit na nagkalat sa harapan ko. Tapos na ang seminar at malapit na rin ang pananghalian. Half-day lang kasi ang seminar sa huling araw na ito.

"Sorry talaga, Engineer Sonny. Hindi ko na kasi napigilan ang antok ko," patuloy na paghingi ko ng dispensa habang inaayos ang mga gamit.

"That's fine. That's understandable naman. Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi?" natatawang tanong niya pa.

Sasagot na sana ako sa naging tanong niya nang biglang may lumapit sa aming isang lalaki. Nakatingin lang siya sa akin at hindi agad nakapagsalita.

"Ikaw si Ayla Encarquez 'di ba? P-Puwede ba kitang maka-usap, Miss?" pasimple kong pinasadahan ng tingin ang lalaking lumapit sa amin. Naka-corporate attire rin siya. Halata ring isa sa mga participant sa seminar na ito. Marami kasing tao kaya hindi ko talaga kilala ang lahat pero bongga talaga na nagulat ako nang malaman niya ang pangalan ko.

"U-Um, pu-puwede naman po…" nahihiyang sabi ko kasi nakakagulat naman kasi talaga. Promise talaga, hindi ko talaga siya kilala pero mukha naman siyang matinong tao kaya why not coconut 'di ba?

Napangiti siya sa naging sagot ko tapos ay nilingon niya ang kabilang direksiyon kaya wala sa sarili akong napatingin sa harapan ko na si Engr. Sonny pala! Muntik ko nang makalimutan dahil sa pag-approach ng lalaking ito sa akin. Naka-chin up, naka-ekis ang dalawang braso sa may bandang dibdib, halos umigting ang kaniyang panga, at seryosong nakatingin sa akin gamit ang kaniyang madidilim na mga mata na animo'y nimbus clouds sa sobrang kulimlim nito.

Anak ng baboy!

"I-In private sana, Miss Ayla?" agad kong naibalik ang tingin sa lalaking ito nang magsalita ulit siya.

Naibalik agad kay Engr. Sonny ang tingin ko para humingi ng kumpirmasiyon sa sinabi ng lalaking ito.

Mas lalong naging seryoso ang tingin niya sa akin, nanatiling tahimik kaya talagang iniwasan kong matingnan siya sa kaniyang mga mata. "P-Puwede po ba, Engineer?" may pag-aalinlangan na tanong ko sa kaniya.

Marahas siyang nagbuga ng hangin at inalis sa pagkaka-ekis ang kaniyang braso, umiwas ng tingin sa akin. "Make it faster. I'll be waiting outside," 'yon lang ang sinabi niya sa isang seryosong paraan at walang pag-aalinlangang tinalikuran kaming dalawa at nagmartsa palayo.

"Miss Ayla, Richard nga pala," nagsalita ulit ang lalaking nasa harapan ko kaya naibaling ko na talaga ang tingin ko sa kaniya. Inabot na rin niya sa akin ang isang kamay niya kaya para hindi maging ingrata sa paningin niya, tinanggap ko ito at madaliang nakipagkamayan sa kaniya.

Richard? Wala naman akong kilalang Richard ah? Hindi rin pamilyar ang mukha niya sa akin. Hindi ko talaga kilala ang lalaking ito pero bakit kilala niya ako?

"Uh, Richard? Puwede bang malaman kung paano mo ako nakilala?" lakas-loob na tanong ko matapos ang kamayan naming dalawa.

Natawa siya sa sinabi ko pero agad ding kumalma at ngumiti na sa akin. "Oh I forgot. Hindi mo nga pala ako kilala. I'm Sia's friend and I'm from Osmeña Business Empire and tiga-Negros din ako. Nakilala kita kasi may hawig kayo ni Sia e, and I remembered she said na she has a cousin na medyo hawig niya raw. Actually, matagal na kitang gustong makilala pero ayaw ni Olesia. But look what fate brought me," tuloy-tuloy na naging kuwento niya.

Huh? Ina-acknowledge ni Sia na may hawig kaming dalawa? Himala yata! Para sa akin, hindi kasi nga mas maganda si Sia kaysa sa akin. Naweirduhan ako sa kinuwento ng lalaking ito pero hindi ako nagpahalata sa kaniya at nanatili akong nakangiti sa kaniya at nakatitig.

Guwapo naman itong si Richard pero hindi niya kasing guwapo si Engr. Sonny. 'Yung normal lang na guwapo, 'yung walang epekto sa mga babae. Sorry ha. Ganoon kasi talaga ang pagde-describe ko sa kaniya.

"Ah… magkakilala pala kayo ni Sia," sa haba ng kaniyang sinabi, 'yon lang ang nasabi ko.

"Yep. Um, kailan ka babalik ng Negros? Can we have dinner tonight? Treat ko."

"Bukas pa 'yung flight ko pabalik ng Negros kaso hindi ko alam kung puwede ba ako mamayang gabi."

"So can I get your number, then?" inilabas niya ang kaniyang cell phone at malawak na ngumiti sa akin.

"Oo sige. Mas mabuti siguro 'yon," inabot niya sa akin ang cell phone at agad kong t-in-ype ang aking numero sa kaniyang contacts.

"Thanks, Ayla! I hope you could come tonight."

"Sige…"

Kumaway na lang ako sa kaniya bago siya nawala sa aking paningin. Nang maalalang naghihintay nga pala si Engr. Sonny sa labas ng venue, agad kong sinalikop ang mga gamit ko at dali-daling lumabas ng venue.

Iginala ko ang tingin ko para hanapin kung nasaan na si Engr. Sonny. Noong una, hindi ko pa siya nakita kasi marami pa rin ang taong palabas ng venue pero nang makita ang mga nililingon ng ibang tao sa tuwing dadaan sila sa isang pasilyo, doon ko siya nakita. Nakasandal sa pader, nakapumulsa, at malalim yata ang iniisip. Mukhang walang pakialam sa mga babaeng napapatingin sa kaniyang magkasalubong na kilay.

Kahit na ganoon, hindi nabawasan ang karisma ng kaniyang mukha. Mas lalo tuloy itong naging guwapo sa aking paningin.

Binagalan ko ang aking paglalakad at pinagmasdan ng mabuti, sinasa-ulo, ang bawat corners ng kaniyang mukha. Kung sa pagkain pa, walang patapon, lahat mapapakinabangan.

Masiyado na yata akong binabayo ng aking pag-iisip. Suminghap na lang ako para ipa-alala sa sarili ko na hindi dapat ganito ang nasa isipan ko. Humigpit ang hawak ko sa aking mga gamit nang nasa mismong harapan na niya ako.

Naputol ang kaniyang pagiging tulala at agad napatingin sa akin.

"What took you so long? Anong napag-usapan niyong dalawa?"

Anak ng baboy?

Napamaang na lang ako sa sunod-sunod na naging tanong niya.

Marahas ulit siyang bumuga ng hangin at biglang hinablot ang kaliwang palapulsohan ko.

"C'mon, kanina pa naghihintay ang pananghalian natin."

Sa sobrang bilis ng pangyayari, nandito na kami sa magarang restaurant ng hotel na tinutuloyan ko. Nang maka-upo kami sa table na pandalawahan, nakalatag na ang mga pagkain. Marami siya actually at hindi lahat iyon pamilyar sa akin. Iba ito sa kinakain kong breakfast at dinner dito sa hotel. Inclusive na kasi 'yung mga pagkaing iyon sa binayaran ng kompanya kaya hindi ko alam. Pero sigurado akong hindi pa ako nakakakain ng mga putaheng ganito. Halatang pang-mayaman talaga.

Magkaharapan kaming dalawa sa lamesa. Ganoon pa rin ang kaniyang mga tingin sa akin, parang makulimlim pa rin.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kanina," sabi niya sabay muwestra sa mga pagkaing nasa harapan naming dalawa. Isang senyas na dapat ay kumain na kaming dalawa.

Nakakahiya man pero ginalaw ko rin ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Masamang tumanggi sa grasya, 'no.

"S-Sorry, Engineer… ang dami kasing sinabi no'ng si Richard."

"Mm-Hmm, first name bases. Magkaibigan kayo?"

Alam kong masama ang magsalita habang ngumunguya kaya nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako sumagot sa kaniya.

"H-Hindi, Engineer. Kaibigan daw siya ng pinsan ko kaya kilala niya ako."

"Anong sinabi niya sa'yo?"

Nand'yan na naman ang nakaka-intimidate na tingin ni Engr. Sonny. Hindi ako sanay na ganiyan siya kasi ito ang unang beses na nakita ko siya sa ganiyang estado. Palagi kasing maaliwalas lang ang kaniyang mukha, laging nakatawa, laging nakangiti sa lahat ng taong makakasalubong niya. Ibang-iba ngayon, masiyadong seryoso ang awrang nakapalibot kay Engr. Sonny ngayon.

"Nanghingi lang ng number kasi i-lilibre niya raw ako ng dinner mamaya, Engineer."

Natahimik siya. Hindi ko na rin siya nilingon ulit dahil pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Medyo nag-aalangan din akong tingnan siya kasi nga sa naging awrahan niya kaninang sobrang seryoso.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mag-vibrate ang cell phone ko na nasa bulsa ng coat na suot ko. Tumigil muna ako sa pagkain at inatupag muna ang cell phone ko. Baka importanteng mensahe lang sa kung sino man.

Unknown Number:

Hi Ayla! Si Richard 'to. This is my number. Just beep me if I still fit in your schedule tonight! :)

Matapos mabasa ang mensahe. S-in-ave ko muna ang kaniyang numero tapos saka ako nagtipa ng sagot.

Ako:

Okay, Richard.

"Tss…"

Nang marinig ko ang scowl ng taong nasa harapan ko, mabilis kong naitago ang cell phone ko pabalik sa coat ko at nagpatuloy sa pagkain. Nanatili akong tahimik. Alam ko namang bawal mag-cell phone sa harapan ng hapagkainan pero wala namang ganoong rules sa bahay namin. Hindi naman kasi istrikto ang bahay namin pagdating sa mga ganoon.

Pasimple kong tiningnan si Engr. Sonny. Hindi na niya ginagalaw ang kaniyang pagkain, nakasandal na siya ngayon sa kaniyang upuan, naka-ekis na naman ang dalawang braso, at nakatingin ulit sa akin.

"Magbihis ka. 'Di ba first time mo rito sa Manila? I'll tour you around," kalmado ang kaniyang boses kaya para kumpirmahin, natigil talaga ako sa pagkain para tingnan siya.

Hindi na kasing kulimlim ang kaniyang mga titig ngayon. Mukhang kalmado na rin ang kaniyang mukha. Hindi katulad kanina na daig niya ang pinagsakluban ng buong mundo sa sobrang busangot ng mukha.

"Talaga, Engineer? Gusto ko 'yan," ngumiti ako sa kaniya dahil magandang ideya ang kaniyang sinabi.

Wala na rin namang seminar mamayang hapon at malaya kami kung gagala man. May budget pa naman ako rito. Kasi talagang nasa utak ko na gagala sana akong mag-isa ngayong hapon but since nag-offer na si Engr. Sonny, hindi na ako hihindi.

Matapos ang isang oras. Sinundo ulit ako ni Engr. Sonny sa hotel. Pareho na kaming nakabihis ng isang normal na damit, 'yung hindi naman pang-office attire na katulad no'ng sinusuot namin sa seminar.

Isang simpleng skinny jeans na binili ko lang sa isang local store sa aming bayan, sapatos na sneakers na sa ukay-ukay ko pa nabili noong nag-aaral pa lang ako ng kolehiyo, isang statement shirt na kulay orange naman ang sinuot ko sa pang-itaas na nabili ko naman online. Mumurahin lang itong suot ko kasi wala naman akong pera para ipambili ng mga mamahalin at branded na mga gamit. May mas mura naman kaya roon tayo sa mura! Sinamahan ko naman ng maliit lang na sling bag na nabili ko rin sa online kasama nitong t-shirt na suot ko. Cell phone, pera, at pabango lang ang laman ng bag na iyon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Engr. Sonny pero siguro naman sa mga sikat na landmarks dito sa Manila, gaya ng Luneta Park!

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya nang makasakay na kami sa sasakyan niya.

Sigurado ako ngayon, maaliwalas na talaga ang kaniyang mood. Parang wala ngang bahid ng pagkabusangot kanina.

"K-Kayo ang bahala, Engineer. Wala naman po akong alam sa Manila."

"Pero sure akong may gusto kang puntahan, 'di ba? Tell me, what is it?"

Lumingon ako sa kaniya habang tinatahak niya ang medyo magulo at malawak na daan ng Metro Manila.

"Sa Luneta Park sana, Engineer. Kung okay lang?" may pag-aalinlangan na tanong ko pa.

"Sure, off we go to Rizal's graveyard site!" sabi pa niya kaya natawa na lang ako.

True enough, dinala nga niya ako sa pinakasikat na landmark sa buong Pilipinas. Kung saan nagsisimula ang kilometro ng bawat ciudad at bayan sa buong Pilipinas… ang Luneta Park!

Picture doon, picture rito ang ginawa ko. Willing namang naging photographer si Engr. Sonny sa akin at full-support siya sa naging trip kong ito. Matapos namin sa Luneta Park ay siya naman ang nag-decide kung saan kami pupunta. Wala na kasi akong ibang alam na lugar dito sa Manila kaya wala na talaga akong ma-suggest sa kaniya.

Kung saan-saan niya ako dinala. Kahit na nakalimutan ko kung saan kami nagpunta buong maghapon, hindi ko makakalimutan kung gaano kapayapa ang puso ko, ang sarili ko. Sobrang gaan ng lahat. Sobrang smooth lang. I've never felt this kind of feeling to anyone. Maski kay Zubby na mismong matalik kong kaibigan, hindi ko naramdaman ang ganitong kapayapang buhay. It's like finally, after those mourning years of my life, I've savored serenity. The serenity of life I never thought I would experience in my entire life. This is the life I wanted. The life I never had.

Nakatingin ako kay Engr. Sonny habang abala siyang makipag-usap sa mga taong alam kong ka-level niya lang din. Nandito kami sa isang bar. Isang mamahaling bar. Isang bar na may artista. Isang bar na punong-puno ng mga mayayaman.

Gabi na, matapos naming maghapunan, dinala ako rito ni Engr. Sonny para raw kitain ang kaniyang mga kapatid. Nandito nga ibang Lizares brothers pero ang kaniyang kausap ngayon ay ibang tao.

Ibang-iba talaga ang mundong ginagalawan naming dalawa. Sobrang out of place ako. Pareho nga kaming hindi nakapagbihis ni Engr. Sonny pero 'yung damit niya, bagay na bagay pa rin sa lugar na ganito. Hindi katulad ko na naka-jeans, ibang-iba sa mga babaeng nandito na nakasuot ng mga dress na sobrang sexy at igsi ng laylayan ng palda. Mga magaganda rin sila, naka-make up, at halatang mga sopistikada at mayayaman.

Mabuti na lang at nasa isang sulok lang ako. Walang isang nangahas na lapitan ako para kausapin matapos akong iwan ni Engr. Sonny para kausapin ang isang kilala. Nasa iisang table kami ng mga Lizares pero abala sila sa mga babaeng katabi nila. Sa mga babae at lalaking kausap lang nila. Out of place nga ako pero hindi pa rin talaga maiwasang may titingin sa akin. Hindi kasi talaga ako nababagay sa ganito. Ibang-ibang 'to sa mga pistahan namin, sa mga inumang nangyayari sa bayan namin. Wild na wild ang mga tao, kaliwa't-kanan ang mga inumin, nagsasayawan. Masiyado ring malaswa ang kanilang mga sayaw.

Ang lala pa talaga ng mga tao sa Manila.

Nakakabingi ang musikang hatid ng bar na ito. Humigpit ang hawak ko sa orange juice na ibinigay sa akin ni Engr. Sonny kanina.

Gusto ko sanang igala ang tingin ko sa paligid para makita ang mga artista na nakita ko kanina nang pumasok kami pero masiyadong masakit sa mata ang iba't-ibang kulay na nandito sa loob. Katulad din sila ng mga taong nandito, nagsasayawan din ang mga ilaw.

Madami talaga akong nakitang artista kanina. Sa table nga namin, nandito 'yung sikat na model na girlfriend pala ni Sir Darry Lizares na si Miss Callie Dela Rama. Sobrang ganda niya pala sa personal. Sa facebook ko lang kasi siya nakikita. Tapos may isa pa, 'yung si Beatrix Gallardo na isa ring modelo at artista, nandito rin. Hindi ko nga lang ulit nakita pero nakita ko 'yun kanina nang makarating kami. May mga sikat din na artista katulad ni Sandi Hinolan na literal na nasa kabilang table lang kasama ang iilang sikat din na personalidad sa iba't-ibang larangan ng industriya.

Masuwerte na ako ngayon. Dati, sa TV at cell phone ko lang nakikita ang mga 'yan tapos ngayon nasa mismong harapan ko na. Gusto ko sanang magpa-picture pero nakakahiya na. Kanina pa talaga ako nahihiya sa sarili ko.

"Who's that girl, Darry?" kahit sobrang ingay sa loob, kahit nakakasilaw na ang mga nagsasayawang ilaw, narinig ko ang sinabi ng isang sopistikadang babae kay Sir Darry Lizares at nakita ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa kahit na naka-upo lang naman ako.

Mas lalo akong napayuko at napahawak sa basong hawak ko.

"Yeah, Dar, I saw her kanina with Sonny. Why is she with Sonny nga pala?" tanong naman ng isa pang babae.

"She's Ayla and she's one of our employees in the milling. She's here because of a seminar with Kuya," casual na sagot ni Sir Darry Lizares na hindi man lang nakatingin sa akin. Nanatili ang kaniyang tingin sa dalawang babae.

"'Yung seminar na in-attendan ni Sonny for almost one week? The reason why he always ditches our invitations kahit na nasa Manila lang naman siya?" anang isang babae na pamilyar na sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya pero nakita ko na siya noon na kasama si Engr. Sonny. Matagal na panahon na at sigurado akong isa siya sa mga kaibigan nila Miss Yulia.

"Is that part of your benefits sa employees niyo Darry na kailangang isama niyo ito sa mga gala niyo?" tanong naman ng isa.

Nagtawanan silang lahat dahil sa tanong ng babaeng iyon.

Wala na ba talaga silang ibang mapagdiskitahan? Bakit ako pa talaga ang papansinin nila?

Hindi ko na ulit narinig ang pinag-usapan nila dahil siguro mas lumakas ang musika sa loob ng bar na ito o dahil halos magbulongan na sila o dahil malayo na ang puwesto nila mula sa akin? Ewan ko ba, mas mabuting balewalain ko na lang.

"Hello everyone!" sa kalagitnaan ng sayahan ng lahat, may isang magandang babaeng lumapit sa puwesto namin. Hindi ako nakawala sa kaniyang paningin. Kitang-kita ko rin ang kaniyang pagtingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Hi baby Sonny!"

Sakto ring lumapit si Engr. Sonny sa table na kinabibilangan ko kaya agad siyang napansin ng babaeng kararating lang. Kilala ko siya. Isa siya sa mga sikat na personalidad sa Pilipinas na nakita ko kanina sa baba ng bar na ito. Isang sikat na modelo at aritista, si Beatrix Gallardo.

Siya na mismo ang lumapit kay Engr. Sonny at umangkla sa kaniyang mga kamay sa kaniyang braso. Tumitig si Engr. Sonny sa kaniya, napatigil na rin sa paglalakad.

"What are you doing here, Beatrix?" tanong ni Engr. Sonny gamit ang kaniyang malakulog na boses.

"Kanina pa akong nandito, Sonny dear. I just heard my ex is here raw so yeah, I'm here to see you," bumitaw si Miss Beatrix kay Engr. Sonny at pinisil sa magkabilang pisnge ang huli.

Ex? Ex-girlfriend ni Engr. Sonny si Miss Beatrix? Ang sikat na modelong ito? Dati niyang karelasyon? Bakit hindi ko alam?

"Nagkita na tayo, Beatrix, that's enough," pinigilan ni Engr. Sonny ang mga kamay ni Miss Beatrix na nakapisil sa kaniyang pisnge at nilampasan ang dalaga para maglakad muli.

Mababakas sa mukha ni Miss Beatrix ang gulat sa ginawa ni Engr. Sonny sa kaniya. May narinig pa nga akong nag-ooh galing sa mga malapit na tao na katulad ko'y nakatingin din sa eksena nilang dalawa.

Lumapit si Engr. Sonny sa akin at sa isang mabilisang galaw, agad niya akong nakaladkad palabas ng bar na ito. Sa sobrang bilis ng nangyari at sa sobrang gulat sa ginawa niya, hindi ko talaga namalayan na nasa loob na ako ng sasakyan niya.

"U-Uuwi na ba tayo, Engineer?" agad na tanong ko habang nagmamaniobra siya sa kaniyang sasakyan. Nilakasan ko rin ang loob ko para tingnan siya nang ilang segundong hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya.

Seryoso ang kaniyang tingin sa harapan, magkasalubong ang makakapal na kilay niya at madilim na madilim ang kaniyang mga mata. Nakita ko rin ang maya't-mayang pag-igting ng kaniyang panga.

Galit ba siya? Sa anong paraan? Sa anong dahilan? Dahil ba sa dati niyang kasintahan? Kung ganito ang kaniyang reaksiyon, bakit sila naghiwalay? Mahal pa ba nila ang isa't-isa? Base sa nakita kong aksiyon mula kay Miss Beatrix kanina, alam kong may nararamdaman pa ang babaeng iyon sa kaniya. At sa ganitong kilos din ni Engr., mukhang mutual pa rin talaga, pero bakit ganito? Bakit kami umalis? He could have stayed there and ignore me.

Ilang minutong pagda-drive at hindi pagsagot sa naging tanong ko kanina, biglang huminto ang kaniyang sasakyan. Agad kong iginala ang tingin sa labas para tingnan at malaman kung nasaan kami. Hindi niya ako inihatid sa hotel kung saan ako nag-sstay. Sa isang lugar na hindi ko alam kami napadpad.

Lumabas siya sa kaniyang side kaya sa pagmamadali ko, lumabas na rin ako sa sasakyan niya.

Agad nagtama ang tingin naming dalawa nang makalabas ako. Gusto ko siyang tanungin kung nasaan kami at kung ano ang ginagawa namin dito. Sa takot ko na hindi niya ulit sagutin ang magiging tanong ko, mas pinili kong manahimik na lang.

Walang isang salitang lumabas sa aming mga bibig. Sa pamamagitan lang ng tingin agad kong nalaman ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang pumasok kami sa loob kaya sumenyas siya sa akin gamit ang kaniyang ulo na sundan ko raw siya.

Habang papalapit kami sa entrance ng aming pinuntahan, doon ko unti-unting nalalaman kung nasaan kami.

Intramuros. Ang walled city ng Manila.

Pamilyar sa akin ang Intramuros dahil noong huli akong nanood ng balita, ni-report ito ng isang station na magbubukas na ang Intramuros hanggang gabi at magiging extended na ang mga hours at kung anu-ano pang tungkol sa Intramuros. Hindi ako masiyadong pamilyar sa kung anong mukha nito pero alam kong minsan itong tinirhan noong unang panahon. Malaki raw ang inambag ng Intramuros sa ating kasaysayan.

Nakasunod lang ako kay Engr. Sonny pero iginagala ko rin ang tingin ko sa paligid lalo na nang tuluyan kaming nakapasok sa loob.

Unang tapak ko pa lang, agad akong namangha sa kagandahan ng Intramuros. Para akong pumasok sa isang time machine at agad akong dinala sa panahon kung kailan marami ang kasaysayan ang nagawa. Para akong dinala sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Para akong dinala sa isang dimension kung saan any moment ay makakasalamuha ko ang mga magigiting na bayani ng ating bansa.

Ang ganda. Walang halong biro. Ang ganda talaga. It feels like the year eighteen ninety-two.

"Sorry to drag you here. I just want to get out there," narinig kong sabi niya.

Lumingon ako sa kaniya na pa-upo na sa isang bench na nasa ilalim ng isang malaking puno na pinalamutian ng mga lights, 'yung parang mga Christmas lights.

"Bakit mo gustong umalis doon? Mukhang okay ka naman sa lugar na iyon, ah?" lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa kaniyang pagka-upo. Gusto ko mang igala pa ang paningin ko sa kabuuan ng lugar, mas pinili kong hindi kasi baka kailangan ni Engr. Sonny ng ka-usap.

"I am… but I know you're not. Alam kong hindi ka sanay sa lugar na ganoon and sorry to drag you there. I should've brought you here instead."

Tumagal ang naging titig ko sa kaniya ng ilang segundo. Naghahanap ng sagot sa kaniyang sinabi. Naghahanap ng biro sa kaniyang sinabi.

Pero wala akong nahanap kaya ako na mismo ang natawa. Hindi ko alam kung natatawa ba talaga ako dahil nakakatawa naman talaga o natatawa ako sa kaba.

"Anong kinalaman ko roon? Okay naman ako sa naging puwesto ko ah? Siguro umalis ka dahil nandoon 'yung ex mo?" tanong ko.

Pinantayan niya ang aking tingin pero kusa rin siyang umiwas at napayuko na lang.

"Alam kong nandoon siya. Pinilit lang talaga ako ng mga kapatid ko na dumaan doon. Kinausap lang ako ng iilang investors and I didn't know na pupuntahan talaga niya ako at gagawa nang ganoong eksena."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa side features ni Engr. Sonny. Malayo ang kaniyang tingin at sobrang seryoso nito. Ibang karisma ang nailalabas niya sa tuwing nagiging seryoso ang kaniyang mukha. Kilala siya ng lahat na isang palangiti at masiyahing tao, lalo na sa central, pero madalang mo lang talagang makita ang ganitong klaseng expression sa mukha niya. Sobrang seryoso na animo'y papatay ng tao na hindi ko alam kung papatay ba talaga o gustong mag-alaga ng hayop o kung may nakalimutan lang ba siya o walang laman ang kaniyang utak. Hindi mo talaga mahuhulaan kung ano ngayon ang tumatakbo sa kaniyang isipan.

Mas lalong umigting ang kaniyang panga sa bawat patak ng segundong naging tahimik kaming dalawa. Dagdagan pa na tahimik din ang paligid kahit may mga nakikita naman akong mga taong gumagala rin sa loob.

Itinukod niya ang dalawang siko sa ibabaw ng kaniyang tuhod at biglang sinabunutan ang lumalabong niyang buhok.

"I am fucking confuse!" mahina pero may diing sambit niya habang ginugulo ang kaniyang buhok.

Okay, ano ang nangyayari?

"H-Hey, Engineer," pinigilan ko ang kaniyang kamay na nakasabunot sa kaniyang buhok. "Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo kung confuse na confuse ka talaga."

Hinawakan ko ang kaniyang kamay para tuluyan siyang pigilan sa kung ano man itong ginagawa niya. Nagpaubaya siya, tumingin siya sa akin, nakipagsukatan ng tingin. "Kung confuse ka, sa kung anong klaseng bagay man iyan, kailangan mong maging mahinahon. Hindi nareresolba ng ganiyang klaseng frustrations ang pagiging confuse mo. Ano ba kasi ang bumabagabag sa isipan mo, Engineer?" dinaan ko sa tawa ang huling tanong ko para kahit papaano'y mawala ang pagiging seryoso ng atmosphere naming dalawa.

Isang malalim na buntonghininga ang kaniyang unang sinagot sa akin. Dumaan ulit ang ilang segundo bago siya tuluyang nakasagot sa akin.

Nakita ko kung paano niya binasa ang kaniyang labi bago nagsalita. Umiwas ako ng tingin at napalunok na lang sa sariling na-iisip. Anak ng baboy talaga.

"I am really confuse," aniya kaya napatingin ulit ako sa kaniya pero wala sa akin ang tingin niya. Nasa may bandang ibabang parte ng aking mukha. Kung hindi ako nagkakamali, sa may labi ko.

Kasabay ng pagpitik ng mabilis ng aking puso ay ang kaniyang unti-unting paglapit sa akin hanggang sa lumapat ang kaniyang labi sa aking labi.

Hindi ako makagalaw. Gusto ko pero para akong nanghihina sa sobrang lapit niya sa akin. Nakapikit siya pero nang makita kong nakapikit siya, kusang pumikit ang mga mata ko para damhin ang malalambot niyang labi. Hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa akin. Unang beses ko sa ganito pero bakit hindi ko magawang pigilan siya? Ano bang nangyayari sa'yo, Aylana Rommelle?

Ilang segundong hindi kami nakagalaw. Ganoon lang, nakalapat lang ang kaniyang labi sa aking labi habang dinadama ang bawat pintig ng aking puso na sa sobrang bilis ay para na akong mabibingi.

"Now my confusion is gone," nakangising sabi niya nang lumayo na siya sa akin.

Bakit ako hinalikan ni Engr. Sonny? Ano 'yung nangyari?

~