webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Cravings

Nakakabingi nga ang malakas na tibok ng aking puso pero mas nakakabingi ang katahimikan naming dalawa sa loob ng kaniyang sasakyan.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay pero hindi ko pa rin naitatanong sa kaniya ang mga tanong na kailangan ko ng kasagutan.

Kailangan mo nang lumabas, Ayla. Magpasalamat ka na at lumabas. Tapos ang usapan. Tumigil ka na. Ayoko nang ituloy ang balak kong makipag-usap sa kaniya. Nauubusan ako ng lakas para itanong ang mga kailangan kong itanong.

"E-Engineer-"

"Ayla…"

Nabasag nga ang katahimikan naming dalawa, nagsabay pa kami sa pagsasalita.

Awtomatiko akong napahawak sa seat belt na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin.

"S-Salamat po-"

"Kumusta ka na?"

Sa pangalawang pagkakataon, naputol na naman ang pagpapaalam ko sana.

Invaded by his thunderous voice, I gather myself together to answer his question.

Anak ng baboy… mahigit isang buwan magmula no'ng mangyari 'yon, at ang unang itatanong niya ay kung kumusta na ako?

"Ma-Mabuti naman po… mabuti po, Engineer."

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa seat belt at sinusubukang pakalmahin ang puso kong kasing bilis ng pagtakbo ng libu-libong kabayo sa isang dalampasigan na payapa.

Gusto kong umiyak. Nagbabadya na ang mga luha ko. Gustong-gusto nang bumagsak. Lahat ng gabing nasa isipan ko siya't magbabalik sa akin ang isang gabing aming pinagsamahan, ay parang naging bula na biglang sumulpot sa aking utak at nagsisilbing trigger sa aking mga mata.

Pumatak ang isang luha sa kanang parte ng aking mata na agad kong pinahiran para hindi niya makita ang kahinaan ko.

"I miss… working in the company. But now, I'm back for good. Ang dami lang kasing inasikaso sa branch sa Manila kaya natagalan ang pagbabalik ko," dinaan niya pa sa mahinang pagtawa ang mahabang sinabi niya.

Ang nakahawak kong kamay sa seatbelt ay unti-unti kong ikinuyom.

Ganito ba siya? Kung makipag-usap siya sa akin ay parang walang nangyari? O talagang wala siyang pakialam sa nangyari at lalo na sa akin? Kasi ang totoo, hindi totoo ang sinabi niya. Hindi totoo na may gusto siya sa akin. Hindi totoo na napansin niya ako. Hindi totoo kasi ang talagang totoo ay si MJ Osmeña lang ang nakikita niya. Si MJ Osmeña lang ang gusto niya. Wala ka sa listahan, Ayla. Hinding-hindi ka niya mapapansin kahit kailan. Kahit ibigay mo pa ang sarili mo sa kaniya. Wala ka nang magagawa.

"S-Salamat ulit sa paghatid, Engineer, pero kailangan ko na pong pumasok sa loob. Inaantok na po kasi ako, Engineer," magalang na sabi ko.

Ako na mismo ang nagtanggal ng seat belt at inayos ang sarili ko bago bumaba sa kaniyang kotse.

"Ayla, sandali…"

Pero ang pagbaba ko ay agad niyang napigilan. Bumalatay ang kuryenteng galing sa kaniya sa lahat ng ugat na meron ako sa aking braso. Mas lalo nitong pinabilis ang tibok ng aking puso.

"'Yong nangyari nang gabing ���yon-"

"Kailan po, Engineer?" patay-malisyang tanong ko kahit na nagbabadya na naman ang luha sa aking mata.

"Uh, nevermind. Good night," kusa niyang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at ibinalik sa harapan ang kaniyang tingin.

Bakit ang sakit makita siyang napakaseryoso?

Lumipas ang ilang araw… balik trabaho, balik sa normal, nagbabalik na rin sa opisina si Engineer Sonny. Kalahati sa akin, natutuwa sa pagbabalik niya. Kalahati rin sa akin, nangangamba sa tuwing makikita ko ang presensiya niya. Nagiging distracted ako sa trabaho. Napupuna na 'yon ng mga kasamahan ko pero sinasawalang-bahala lang nila iyon pero alam ko sa sarili ko na napupuna na nga nila.

Dagdagan pa nang maya't-maya kong paghahanap ng iba't-ibang klaseng pagkain sa mismong kalagitnaan ng pagtatrabaho. Hindi ako 'to at nawi-weirduhan na ako sa sarili ko.

"Ayla, napapansin ko lang… tumaba ka ba?"

Kumakain kami ng pananghalian nang biglang magtanong si Shame sa akin. Dahil sa nagulat ako sa naging tanong niya, wala sa sarili akong napatingin kay Ezekiel na nakatingin na rin pala sa akin.

Matapos kong matingnan ang dalawa, napatingin naman ako sa katawan ko.

Tumaba ba ako?

Mukha nga, kasi masikip na sa'kin ang office uniform namin. Mabuti na nga lang at civilian day ngayon kaya nakakasuot ako ng mga damit na kumportable para sa akin, 'yong mas kasya.

"E, paanong hindi tataba 'yan? Kain nang kain 'yang si Ayla, e. Naghihinupang yata," sagot naman ni Ezekiel.

"Sabagay, baka nga naghihinupang ka lang, baka late lang dumating kaya ganiyan. Alam mo, Ayla, kung hindi ko lang talaga alam na NBSB ka, baka isipin kong buntis ka talaga at hindi lang naghihinupang."

"Grabe, buntis agad?" natatawa pang sabi ko habang inaabala ang sarili sa pagkain ng pananghalian.

"Who's pregnant?"

Napatingin kaming lahat sa nagsalitang si Sir Johnson.

Anak ng baboy!

Hindi nag-iisa si Sir Johnson, kasama niya si Engr. Sonny na prenteng nakapamulsa, at seryosong nakatingin sa may lamesa namin.

Dali-daling nagsitayuan ang mga kasamahan ko sa lamesa at isa-isa silang binati. Tahimik din akong napasunod sa bawat galaw nila.

"So, who's pregnant?" Matapos naming batiin sila ay inulit nga ni Sir Johnson ang unang tanong niya kanina.

"W-Wala po, Sir. Napansin lang po kasi namin ang pagtaba ni Ayla kaya 'yon po, haka-haka lang po," agad na sagot ni Shame.

Minsan talaga, nakakairita ang mga taong madaldal at hindi ma-control ang bibig sa pagsasalita. Kaya minsan ayoko sa mga madaldal, e.

"Pag-iisipan mong buntis itong si Ayla, e, hindi nga nagka-boyfriend 'yan, e," natatawa pang sabi ni Sir Johnson. "But anyways, I'm here to fetch you two. You'll be needing for the meeting later," dugtong niya sabay turo sa dalawang katabi ko.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin si Engr. Sonny. Seryosong-seryoso ang kaniyang mukha at mariing nakatingin sa akin. Hindi ako marunong magbasa ng expression ng isang tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan siya makatingin sa akin. Hindi seryosong tao si Engr. Sonny kaya nakakapagtaka na sobrang seryoso ng kaniyang mukha ngayon. Actually, simula ito nang dumating na siya galing sa isang buwan niyang pananatili sa Manila.

Ano ang nangyari sa isang buwan na 'yon?

"Kaming dalawa po ni Ezekiel, Sir? Akala ko po si Ayla 'yong isasama n'yo, Sir?" tanong ni Shame.

Ako? Isasama? Saan? Huh?

"The plan has changed. Maiiwan si Ayla sa opisina natin to continue the job that you two were doing. This is a request from above kaya wala tayong magagawa."

Tumango ang dalawa at magalang na sumunod nang sumenyas si Sir Johnson na sumunod silang dalawa sa kanila. Hindi na nga natapos ng dalawa ang pagkain ng pananghalian dahil urgent ang naging meeting nila. Napabuntonghininga na lang ako habang tinitingnan sila palayo.

Sumasakit ang ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa lahat ng nangyayari sa paligid ko.

"Ayla, kinakabahan ako. Sigurado ka bang wala pa 'yong result? Baka nag-crash ang site ng PRC dahil sa sobrang dami nang nag-aabang ng result kaya baka na-post lang tapos hindi lang natin ma-loading."

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa mga pinagsasabi ni Fabio sa kabilang linya. Mag-isa sa opisina, wala masiyadong magawa bukod sa mga kailangang gawin sa opisina, na-isipan ni Fabio na tawagan ako sa trabaho. Pinayagan ko na dahil kinakabahan daw siya. Ngayong araw din kasi ang expected releasing date ng board exam result nila.

Sumandal ako sa swivel chair at napatitig sa cell phone kong naka-loudspeaker lang at pinapakinggan ang lahat ng ka-dramahan sa buhay ni Fabio.

"I swear, Fab, wala pa talaga ang result. Malakas ang internet connection dito sa opisina kasi nasa amin 'yong server at router kaya pang-ilang beses ko mang i-load ito, ganoon at ganoon pa rin ang lumalabas," sagot ko sa lahat ng mga pinagsasabi ni Fabio.

"Kinakabahan na talaga ako, Ayla. What if hindi pala ako nakapasa? Kalahating taon ko itong pinaghandaan tapos hindi ko pala maipapasa ang labang pinaghandaan ko? What if, Ayla?"

"Hey, hey, hey, Fabio Menandro… relax, okay? Makakapasa ka. Nasagutan mo lahat ng tanong kaya makakapasa ka. Magtiwala ka nga sa sarili mo, Fabio. And please, 'wag kang mag-overthink ngayon."

"Thanks talaga, Ayla. Hindi talaga pumapalya ang pangchi-cheer up mo sa'kin. I really owe you this one, kaya para sa'yo ang lahat nang ginagawa ko ngayon."

Anak ng baboy!

Mariin akong napapikit, hindi malaman kung anong dapat isagot ko sa mga sinabi ni Fabio sa'kin.

"Ang mabuti pa, Fabio, matulog ka muna d'yan. Alam kong dapat ay nagpapahinga ka na ngayon. Wala kang tulog kagabi 'di ba? Matulog ka muna, Fab, ako nang bahalang maghintay. I-inform kita agad once nandito na 'yong result."

Sumagot si Fabio from the other line pero na-distract ako nang biglang may nagbukas ng pintuan ng opisina.

"E-Engineer…"

Anak ng baboy!

Dali-dali kong kinuha ang cell phone ko at pinatay ang tawag. Mabilis din akong tumayo a hinarap ang taong pumasok ng opisina.

Sinarado niya ang pinto at ang una niyang tiningnan ang cell phone ko. Tapos ay iginala niya ang tingin sa kabuuan ng opisina.

"You're chitchatting during work hours, are you done with your work?" Patuloy siya sa paggala ng kaniyang paningin sa paligid at 'yong tibok ng puso ko ay nakikisabay sa lakas ng kaniyang boses na halos mabingi na ako sa pakikinig nito.

"U-Um, ma-malapit na po, Engineer."

Itinago ko ang cell phone sa back pocket ng jeans ko.

Teka, ano bang ginagawa niya rito? 'Di ba dapat nasa meeting siya kasama ang iilang executives?

"Hindi ka pa tapos pero nakikipag-usap ka na sa cell phone mo and to think na hindi pa break time."

Umabante siya at patuloy pa rin sa pagsipat ng tingin sa paligid, na animo'y may hinahanap.

"M-May kailangan po kayo, Engineer?" Lakas-loob na tanong ko habang nilalabanan ang tension sa buong pagkatao ko.

He sarcastically chuckled and finally got a glimpse of me.

"Kailangan bang may kailangan ako sa'yo bago ako makapunta sa opisinang 'to? You forgot, Ayla? I'm one of the owners of this company. Technically, I own this office, I own you."

Anak ng baboy! Parang gusto kong pagtawanan ang sinabi niya. Gusto kong pagtawanan hanggang sa masaktan dahil na-insulto ako sa sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin.

"You never tell me, never ka pa palang nagka-boyfriend?"

Anak ng baboy!

Napatingin ulit ako sa kaniya, this time, gulat na gulat na talaga dahil sa naging tanong niya. Gulat na gulat na hindi ko maayos ang sarili ko.

He stopped roaming his eye sight around and fixed it to mine.

"NBSB, ayon nga kay Sir Johnson," dagdag niya pa.

Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko at dahan-dahang umatras nang bigla siyang umabante papunta sa direksyon ko. Prenteng nakapamulsa pa siya at mariing nakatingin sa akin, kulang na lang at ipako niya mismo ang tingin niya sa mga mata ko. Nakakasunog, nakakakilabot.

Atras ako nang atras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader ng opisina. Isang dipa ang layo niya sa akin pero nang makita niyang nasa dead end na ako ng pader, napahinto siya sa pag-abante. At lahat ng iyon ay nagawa ko sa hindi malamang dahilan.

"What happened that nig—"

"Wala po sa'kin 'yon, Engineer. 'Wag n'yo na pong isipin 'yon. Wala na po sa'kin 'yon. L-Lasing po tayong dalawa no'n. Wala po 'yon." Inunahan ko na siya sa pagsasalita.

Sa bilis ng pagsasalita ko, nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo dahil sa pagtataka. Ewan, 'yon ang pagkakaintindi ko sa ipinapakita niyang mukha sa akin ngayon.

"Right… we're both drunk that night, bu—"

"'Wag na po nating pag-usapan 'yon, Engineer. Hindi na naman po importante 'yon, 'di ba?" Pagak akong ngumiti sa kaniya, sinusubukang ipakita sa kaniya na talagang wala na para sa akin ang kung ano man ang nangyari.

Mariin pa rin siyang tumingin sa akin, gumagalaw ang bandang panga niya, mukhang pinipigilan ang sarili sa hindi malamang dahilan.

"A-Are you sure? Ang sabi sa'kin—"

Agad akong umiling para pigilan ulit siya sa pagsasalita.

"Humihingi po ako ng pasensiya sa nangyari sa gabing 'yon, Engineer. Lasing ako no'ng gabing 'yon kaya hindi ko po alam kung ano pong pinaggagagawa ko no'ng gabing iyon. Hindi ko na nga po maalalala sa sobrang tagal, e." Pagak ulit akong natawa. Sinusubukang pagaanin ang mabigat na pakiramdam sa kalooblooban ko.

Please luha, 'wag ngayon. At please, Engr. Sonny, 'wag ngayon.

"Sigurado ka? Gusto kong makasigurado na wala lang sa'yo ang nangyaring iyon. Gusto kong manigurado sa'yo na hindi mo ipagkakalat ang kung ano man ang nangyari sa gabing iyon. Ayoko lang malaman ni MJ 'cause we'll be soon getting married. Sana maintindihan mo, Ayla."

MJ Osmeña… tama nga naman, Ayla. Si MJ Osmeña 'yong gusto niya. Si MJ Osmeña ang papakasalan niya. Si MJ Osmeña lang.

Wala ka sa eksena, Ayla, at habang-buhay kang hindi masasali sa eksena.

Fabio Menandro Varca is calling…

Laking pasasalamat ko sa lahat ng himala sa mundo nang biglang nag-ring nang malakas ang cell phone ko, lalo na nang makita kung sino ang tumatawag.

"E-Excuse me po, Engineer."

Sinabayan ko ng yuko ang pagpaalam ko bago ko sinagot ang tawag at lumabas ng opisina.

Sobrang tanga nang ginawa mo, Ayla. Walang kupas ang pagiging tanga mo.

Naghanap ako ng tagong lugar at sabay nang pagsagot sa tawag ni Fabio ay ang pagbagsak ng mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.

Ang bigat sa dibdib. Ang sakit marinig mismo sa bibig niya ang mga salitang 'yon. Totoo pala ang usap-usapan, ikakasal nga siya kay MJ Osmeña. Hindi ikaw 'yong gusto, Ayla. Hindi ikaw kasi sino ka ba naman para magustohan ng isang Engr. Edison Thomas Lizares? Sino ka?

Kinatulogan ko ang pag-iisip sa napag-usapan namin ni Engr. Sonny. Maski ang pagiging pasado ni Fabio ay hindi ko magawang ma-sink in sa utak ko dahil 'yon lang ang tumatakbo sa utak ko. I just said my congratulations and heard every happy sentiment he had tapos iiyak na naman ako hanggang sa makatulog.

Masamang tiyan ang nagpabangon sa'kin, kinaumagahan. Sukang-suka na ako kaya tinakbo ko na ang distansiya ng kusina at ng kuwarto. Halos ilabas ko na ang laman ng tiyan ko. Medyo umiikot pa ang buong mundo ko. Kaya mahigpit kong hinawakan ang lababo naming gawa sa kahoy.

Nang matapos sa pagsusuka, hinilamosan ko ang mukha ko at napatulala sa isang tabi.

Ilang araw ko nang nararamdaman ang pagduduwal sa umaga. Minsan din ay para akong matutumba dahil sa umiikot kong mundo at minsan din ay umiinit ang buong katawan ko at para akong lalagnatin.

Isa lang ang dahilan nitong nararamdaman ko… nasobrahan yata ako sa pagta-trabaho. Stress in other words. Puwede na rin ang over-fatigue. Pagod na pagod na yata ang katawan ko kaya pinapadalhan na ako ng mensahe na maghinay-hinay sa trabaho. Pero anong magagawa ko, kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko. Bahala na itong nararamdaman ko, hindi naman ako papatayin nito. Walang sakit ang makakapatay sa'kin, tandaan n'yo 'yan.

"Saan ba puwedeng makabili ng Spanish bread sa oras na 'to?"

Habang tutok sa computer, out of nowhere ay bigla kong naitanong 'yon sa mga kasamahan ko. Tatlo lang kami ngayon dito kaya malaya ko silang nakaka-usap.

"Huh? Spanish bread?" Nagtatakang tanong pa ni Shame sabay lingon sa'kin na magkasalubong ang kilay.

"Sakto, malapit na rin pala ang break time. 'Yang tiyan mo talaga 'yong alarm clock natin sa break time, Ayla, e, 'no?" Natatawa pang sabi ni Ezekiel.

"Oo, Spanish bread… may alam ba kayo?"

Ewan ko ba, bigla lang sumulpot sa utak ko na matagal-tagal na rin palang hindi ako nakakakain ng spanish bread na tinapay.

"Marami sa bakery sa proper. Mamaya ka na lang bumili pag-uwi. Paniguradong walang ganoon sa canteen ngayon," sagot naman ni Shame.

Panigurado ngang walang ganoon klaseng tinapay sa canteen ng central ngayon. Pero gusto ko talagang kumain no'n, e. Ewan ko ba.

"Knock, knock!"

Bumukas ang pintuan ng opisina at biglang sumulpot ang ulo ng taong nagsalita kanina. Malawak ang ngiti niya sa aming tatlo.

"Come out, IT pips. Snacks sa office ni Engineer," sabi niya nang makuha niya ang atensiyon naming tatlo.

Hay naku.

"Ayos! Timing na timing talaga!" Tumatawa pang sabi ni Ezekiel na bigla na lang tumayo at iniwan ang table niya para sundan ang isang staff ni Engr. Sonny na siyang tumawag sa'min kanina.

Si Shame naman ay tinapik ang balikat ko para masundan namin si Ezekiel na papunta na sa kabilang opisina.

Ayoko mang gawin 'to, pero kailangan kasi ayokong malaman ng mga kasamahan ko na sinasadya kong iwasan si Engr. Sonny.

Pagkapasok namin sa opisina nila, tumumbad agad sa amin ang staff ni Engr. Sonny na may kaniya-kaniya ng hawak na mga pizza, base sa shape na bitbit nila. Close ang dalawa sa kanila kaya matik lang na makipag-usap sa kanila.

Pero ang una kong tiningnan ay si Engr. Sonny na nakatayo malapit sa malaking bintana ng opisina niya, nakatalikod mula sa puwesto namin, at mukhang may hawak na cell phone na nasa tenga niya. Nakapamaywang siya at mukha ngang may kausap.

"Kuha lang kayo, busy pa kasi si Engineer," sabi no'ng secretary ni Engr. Sonny na si Rad.

May dalawang malaking pizza box sa lamesa. Base sa tatak, mukhang in-order sa Fugar Pizza Haus. 'Yong isang box, ubos na. Habang ang isa ay kakaonti pa lang ang nakukuha.

"Pepperoni at Hawaiian 'yan, Miss Ayla, kaso 'yong Pepperoni masiyadong masarap kaya mabenta." Napansin yata ni Teddy ang pagkakatitig ko sa dalawang box kaya agad siyang nagsalita.

Kukuha na sana ako sa Hawaiian pizza pero nang makita ko ang maliliit na slices ng pineapple as toppings at nang umabot sa ilong ko ang amoy nito, matinding pagngiwi ang nagawa ko.

Anak ng baboy! Bakit may pinya sa pizza?

Tinakpan ko 'yong bandang ilong ko at ako na mismo ang lumayo sa box na 'yon. Sumasakit ulo ko sa amoy ng pinya, kahit kailan talaga.

"Take this," sabay lapag sa isang platito na may lamang isang slice ng pepperoni pizza. "I guess you don't like Hawaiian," dugtong niya sabay dire-diretsong naglakad palabas sa kaniyang sariling opisina.

What just happened?

So sobrang bilis na naman ng mga pangyayari, hindi ko agad na-sink ang ginawa at ang sinabi ni Engr. Napatingin na lang ako sa kapirasong slice na iniwan niya sa mismong harapan ko. It is untouched.

"Ayla, kakainin mo pa ba 'yang pizza? Puwede akin na lang?"

Nabalik lang yata ako sa realidad nang marinig kong kinausap ako ng isang staff niya. Nakatingin lang siya sa pizza'ng tinitingnan ko rin.

"Shiela, ano ka ba! Naka-ilang slice ka na, o. Ibigay mo na lang 'yan kay Ayla."

Hindi ko pinansin ang pinagsasabi nila. Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa pinto at sa slice ng pizza.

Bakit?

Bakit siya ganiyan?

Bakit ganoon 'yong kilos niya?

Natural na lang ba talaga sa kaniya ang pagiging mabait na kaya niyang i-give up ang parte niya para sa ibang tao? Para sa akin? Ayokong mag-assume pero kung ganito ang pinapakitang aksiyon ni Engr. Sonny sa akin, mahihirapan akong kalimutan ang nangyari sa gabing iyon, sa mga sinabi niya sa akin. Mahihirapan talaga ako.

Bago pa man nila makuha ang slice na binigay ni Engr. Sonny sa'kin, ipinasok ko na ito sa bunganga ko at kinain. Gutom ako, naghahanap ako ng Spanish bread, but pepperoni pizza is enough, lalo na kung galing sa kaniya.

~