webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · perkotaan
Peringkat tidak cukup
35 Chs

Chapter 29 - Now Illegal

Maaga akong dumating dito sa school kasi meron kaming report ngayon ni Queenie, at buti nalang nasabihan nya ako kasi di ko talaga naalalang may report pala kami. Pero bago sya dumating ay agad kong nabasa sa second account ko yung message ni Jolo,

"Claudia, si Jolo to… may problema tayo" –Chat ni Jolo sakin

At nag-send sya ng picture ni Jackson (Rouser) na nakahiga at nagpapahinga sa hospital, mukang napasama yung lagay nya, at may tama daw sya ng bala sa tagiliran niya.

"May apat daw na rider na lumaban sa kanya, hindi malinaw yung motibo nila kung bakit nagawa nila to kay Boss, at isa pa dun. Di pa sila kilala ngayon, at hindi lang Badman ang dapat nating pigilan" –Jolo

"Naintindihan namin na baka busy ka ngayon kaya di ka naka-sunod, pero ayos lang yun. Nagpapagaling naman na si Boss. Sige Claudia" –Jolo

..

Hayssssss, naging busy lang ako kagabi, pucha parang anlaki ng namiss ko sa pagiging si Cloud Girl. Wala namang Danger Indicator kagabi, and di rin naibalita kaninang umaga yung nangyari sa kanya. Kainis talaga, wrong timing tong report na to, napa-rush pako!

"Claudine!! May goodnews!" –Kakadating lang ni Queenie

"Ano nanaman yan?" –Ako

"Hindi daw muna makakapasok si Sir today, may emergency syang pinuntahan bali hindi tuloy yung report natin!! 😉"

NAPADABOG AKO SA TABLE KO NUN!

"Pinagmadali mo ako tapusin yon tapos hindi pala matutuloy?! Arrrrrrghhhh!"

"Bat badtrip ka dyan?! Buti nga di tuloy eh, di rin ako gano nakapag basa kagabi kasi VC kami ni Alex nun, pero dala mo laptop ngayon noh, pag-aralan ko na muna, seryoso na to beh" –Queenie

"Putangina… oh" inabot ko sa kanya yung laptop ko "nasa desktop lang yung file, walang password yang laptop"

"Sorry na Claudine… alam kong may pinagkakaabalahan ka din na iba"

Nang sinabi ni Queenie, napalingon ako pabalik sa kanya, ano kayang tinutukoy nya sa pinagkakaabalahan kong iba?!

Baka alam nya yung sikreto ko?!

"Hayaan mo na yun beh, pero kabadtrip lang. Napuyat ako para lang dyan tapos di matutuloy… di tuloy ako nakapag K-Drama habit kagabi" –Palusot ko

"Ayus ka lang ba? Parang bago ko pa sabihin na wala si Sir, parang badtrip kana agad?"

"Wala beh, pasensya na din. Aralin ko nalang din yan mamaya para di tayo tameme bukas"

Medyo nagkanda-leche leche nako kanina, dami lang gumugulo sa isipan ko. Si Rouser napahamak, si yung mission namin na dapat na mahuli si Badman, yung apat na rider, at tong report na di naman pala tuloy ngayon

Kung hindi ako siguro ako busy kagabi, feeling ko may chance akong mailigtas sya… feeling ko rin umasa sya na dadating ako kasi alam nyang may kapangyarihan ako na puntahan agad yung isang lugar pag gugustuhin ko.

Wala naman akong ibang mapapag-sabihan ng ganito kong problema dito sa school kundi si Wendell lang, swerte ko dito sa batang to.

"Buhay pa sya?" –Wendell

"OO NAMAN! Wendell naman, bad joke yun!"

"Thank God, buti nakaligtas sya… Dapat puntahan mo sya doon sa Hospital"

"Balak ko na nga iyan eh, siguro di muna ako magpapasundo"

"You have a personal driver?"

"Yeah… bine-baby ako masyado ng Mommy ko"

"Or you can sneak inside sa hospital para ma-visit mo sya?"

"Pwede rin naman"

"It's a must because he's the only one who knows them well, I mean yung mga riders na bumugbog sa kanya"

"Bagong kalaban nga nanaman eh, parang timely lang noh. After ni Cable Blade, si Badman naman at etong riders na di pa natin kilala"

"While Rouser can't fight with you Ate, can I be your sidekick? Please! I'll be useful! Promise!"

Di ko alam kung pang-ilang beses na ni Wendell na hiniling tong 'Can I be your sidekick?' pero hindi talaga sya sumusuko eh

"Wendell naman, ambata-bata mo pa eh. Saka gabi ako nagpapatrol, 10pm mostly. Time na dapat you're sleeping na"

"10pm sleep is for the weak! Ano ako bata?!"

"Oo bata ka pa, Grade 4 ka palang… ako College na. Ate mo ako ha, you will obey me bunso"

"I just wanna help you taking down bad guys because, there's a joy in my heart that lacks of fulfillment. And that will be fulfilled if I'm going to do something that I really wanted to do… I wanna be a hero like you. And I should start as your sidekick…"

"I can't let you… wag ka nang makulit dyan. Natatakot akong baka hindi kita maprotektahan pag napahamak ka, like ni Rouser ngayon. Bata ka pa eh, at wag kang sasabay sa uso dyan porket may mga ibang tao na din na nagsipag-try. Bakit… di ka makipaglaro sa classmates mo?"

"Nope, I don't play like them… never"

"May other ways pa para magpaka-saya Wendell, C'mon… ambata mo pa at madami ka pang pwedeng gawin na iba, kesa magpaka superhero tulad namin ni Rouser. Kung pwede nga lang na bumalik sa pagiging bata eh para di gaano stress…"

After ng small talk namin na yun ni Wendell, napaisip din ako eh… bat ginigiit nya yung sarili nya na maging sidekick ko sya, maybe may kaya talaga syang patunayan na di lang talaga kapansin-pansin kasi… ambata nya pa talaga.

..

..

..

..

..

Nagpaalam ako kay Mommy na bisitahin ko si Jackson sa hospital, pumayag naman sya tapos aantayin nalang daw ako ni Kuya Benjo, kasama ko ngayon dito sina Jolo at Kenken. Unfortunately, hindi nakilala ni Jackson yung apat na bumugbog sa kanya,

"Di ko sila nakilala kasi nakahelmet sila. Pero ang pagkakatanda ko, tig-iisa sila ng motor. Yung isa medyo matangkad, tapos yung tatlo parang kasing laki ko lang" –Jackson (Rouser)

"Pare-pareho sila ng motor?" –Ako

"Hindi eh, tig-iisa sila at magkakaiba iyun. Barako, Mio, Raider, at Wave"

"Siguro… yan ang ipapangalan natin sa kanila, kasi yung motor ni Boss Rouser eh kaya Rouser hero name nya?" –Kenken

"Pwede rin hehehe" –Jolo

"Di ko alam kung bat nila nagawa iyon, pero sa tingin ko… mukang malaki ang galit nila sating mga hero. Kumbaga yun yung gusto nilang gawin, parang kalabanin pa yung ibang hero." –Jackson

"Di ata sila tulad ni Badman at Cable Blade na talagang lantarang krimen ang ginagawa?" –Jolo

"Parang ganun na nga" –Jackson

"Susubukan kong mahanap yang apat na yan… ano ulit ipapangalan natin sa apat na yon?"

"Barako, Mio, Raider, at Wave… yan yung bagong mga kalaban" –Jolo

"Basta yang apat na yan, kailangang mapigilan din sila… at si Badman, ako na siguro ang bahala sa kanya. Kaya ko sya labanan"

"Mabilis lang to Claudia, pag gumaling na ako, makakasama ulit ako sayo sa laban. Jolo,

Kenken, pag kailangan ni Claudia ang tulong nyo, wag nyo syang papabayaan" –Jackson

"Oo naman! Parang boss narin namin si Cloud Girl! 😊" –Kenken

"SShhhhhhh!!! Gago wag ka maingay!" –Jolo

Ngayong hindi ako masasamahan ni Rouser, balik solo nanaman ako. Sa totoo lang, mas magaan yung mga laban pag kasama ko sya, or pag may kasama akong ibang willing makipagtulungan tulad ni Mighty T. Sa case ni Cable Blade, nadalian kami kasi mag-isa lang sya, kahit na mas lamang siya sa pakikipaglaban, paano kaya ngayong isang grupo na yung kakalabanin ko.

..

..

..

..

..

Makalipas ang Ilang araw, wala parin akong nababalitaan tungkol kay Badman, o maging sa apat na rider na bumugbog kay Rouser. Pero ang krimen, parang lumalala nanaman. May mga bago nanamang nagsisulputan na Hero, pero di na mawari ng sambayanan kung talaga bang hero, itong mga nagpapakilala na hero. Kaya nagbigay na ng pahayag ang Regional Director ng PNP NCRPO na;

"Starting tomorrow, ipapahuli na po namin ang LAHAT ng magpapakilalang sila ay isang HERO or SUPERHERO. Dahil hindi na po sila nakakatulong sa pag-sugpo krimen, bagkos lalo pang tumaas at nagka-kumpiyansa ang iba na gumawa ng krimen dahil ALAM NILANG HINDI SILA HUHULIHIN NG MGA PULIS PAG NAGPAKILALA SILANG HERO SILA. Nilalagay na nila ang batas sa kanilang mga kamay at nawawalan na or nale-lessen na yung authority ng ating kapulisan dahil sa mga hero na ito noh. Pag may nakita po kaming naka-costume o nagpakilala na hero sya, huhulihin po namin agad. We used to love and admire them, pero they ngayon, they're not what they were meant to be anymore" –PNP Chief

"Wala po bang exception tong policy na to, etong pag-huli sa mga nagpapakilalang hero?" –Reporter

"Wala na po tayong palalampasin ngayon"

Malamang dahil to sa kagagawan nina Badman, Mio, Raider, Barako at Wave. Parang gusto talaga nilang sirain ang image naming mga hero sa madla, and sa part na to parang nag-wagi na sila. Talo-talo din yung opinion ng karamihan about nga sa issue na to; actually, maraming galit samin kasi they often see us nga as a threat, kumbaga para sa kanila hanggat merong 'hero', meron ding syempre na magpapakilala bilang 'villain', syempre pag walang hero nyan wala ring villain. Oppose dun sa part na yun, may mga tao pa din na naniniwala saamin, saaming mga hero. Minsan ang hirap na dedmahin yung opinion ng karamihan pero kailangan din natin pakinggan kasi iba yung sitwasyon nila sa sitwasyon namin. Basta kami ni Rouser… alam naming tama ginagawa namin.

"Pati rin po ba si 'Cloud Girl' ipapahuli nyo rin po?" –Reporter

"Yes po, pag lalabag pa rin sila sa aming policy pero di po namin sila huhuliin pag titigilan na po nila tong pinaggagagawa nila. Hayaan po ninyo na kaming mga pulis ang gumawa ng trabaho na para talaga samin" –PNP Chief

"Maraming Salamat po" –Reporter

Sure akong nabalitaan na din to ng iba pang hero out there, baka nainform na din nina Jolo at Kenken si Rouser na nagpapagaling pa din hanggang ngayon. So kung huhulihin kami ng mga pulis ngayon neto… labeled na ba kami as criminals? Wag naman sana,

Dapat maitama namin yung image na sinira nila….

Mahihirapan lang ako siguro sa part na… illegal na tong pagiging superhero ko ngayon.