webnovel

CHAPTER 9

Pumunta nga si Kogure sa birthday ni Katherine at hindi nya inaasahan na marami palang bisita ito. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba bawal ng mga nerd sa birthday ni Kath." tumatawang sabe ni Kiefer habang nakatingin sa suot ni Kogure.

"Baka naman inimbitahan sya ni Kath para maglinis." ngiting sabe naman ng tropa ni Kiefer.

"Akala ko no pets allowed. Yun kasi ang nakalagay sa gate nung pumasok ako rito pero bakit kaya nandito kayo." nang aasar na ngumiti si Kogure kay Kiefer saka ito umalis para puntahan si Katherine.

"May araw ka din sakin Kogure." inis na sabe ni Kiefer habang nakatingin ng masama sa gawi ni Kogure.

Inabot din ng 11pm ang birthday ni Katherine at hindi na namalayan ni Kogure ang oras "Happy birthday ulit Katherine pasensya kana kailangan ko ng umuwe. Yung regalo ko nga pala." nahihiyang binigay ni Kogure ang regalo nya para kay Kath.

"Thank you Kogure. Alam mo masayang masaya ako kasi pumunta ka." sabe ni Katherine at bigla itong yumakap kay Kogure.

Hindi naman magawang yakapin ni Kogure si Kath dahil may respeto sya sa babae. "Wala yun." nasabe nalang ni Kogure.

Pagkatapos magpaalam umalis na si Kogure dahil walang kasama ang lola nya.

Nag aantay ng bus si Kogure ng biglang hatawin sya sa likod. Laking gulat nya ng makita si Kiefer kasama ang tropa nito. "Pipiliin mo kung sino yung taong babanggain mo." seryosong sabe ni Kiefer at biglang sinuntok sa mukha si Kogure dahilan para tumalsik ang salamin nito.

Sa lakas ng suntok ni Kiefer dumugo ang ibabang labi ni Kogure. "Yan lang ba kaya mong gawin?" nakangiting tanong ni Kogure at naasar naman si Kiefer.

"Pare minamaliit ka ata nitong nerd na to eh." sabe ng tropa ni Kiefer.

Sa inis ni Kiefer sinuntok ulit nya si Kogure sa mukha pero di manlang nanlaban si Kogure. "Yun na yun?" nang iinis na sabe ni Kogure saka ito dumura ng dugo.

Susuntukin pa sana ni Kiefer si Kogure ng biglang may humawak sa braso nito. "Sino ka?" tanong ni Kiefer.

Ngunit hindi nagsalita ang lalaki at pinilipit lang nito ang braso ni Kiefer. "Aray tama na." pagmamakaawa ni Kiefer sa lalaki.

"Rukawa." sambit ni Kogure na hindi makapaniwalang makikita nya si Kaede.

"Next time pipiliin mo din yung taong bubugbogin mo." seryosong sabe ni Rukawa saka binitawan si Kiefer.

Tumakbo si Kiefer kasama ang tropa nito dahil sa takot kay Rukawa. "Kanina pa ako nakamasid sayo. Hindi lang kita nilalapitan." sabe ni Rukawa at tinulungan si Kogure.

"Salamat Rukawa....

"Mag iingat ka sa taong yun mukhang malaki ang galit sayo. Aalis na ako." sabe ni Rukawa saka iniwan si Kogure.

"Salamat ulit Rukawa." mahinang sabe ni Kogure habang nakatingin kay Kaede na naglalakad.

Samantala hindi naman magawang magpahinga ni Liezel dahil may tinatapos pa syang project. "Gabe na nag aaral kapa. Baka gusto mo naman kumilos dito kasi nagugutom na ako." mataray na sabe ni Shammy kay Liezel.

"Sige ako na magluluto pero tatapusin ko lang to." anya ni Liezel at lalong nag init ang ulo ni Shammy.

"Hindi mo ba ako narinig nagugutom na ako. Hindi makakapag hintay ang sikmura ko kaya kumilos kana." pagbubunganga ni Shammy.

"Sandali nalang to Shammy." pakiusap ni Liezel.

Dahil sa inis ni Shammy sinira nya ang project na ginagawa ni Liezel. "Sobra kana." umiiyak na sabe ni Liezel.

"Anong nangyare dito?" tanong ng lola ni Liezel.

"Wala po la." sagot nalang ni Liezel saka dumiretso sa kwarto nya.

Umiiyak si Liezel habang inaayos ang project na sinira ni Shammy. "Apo." pagtawag ng lola ni Liezel.

Pinagbuksan naman ni Liezel ng pinto ang lola nya. "Umiiyak kaba?" tanong nito.

"Hindi po lola napuwing lang po ako." pagsisinungaling ni Liezel.

"Inaway ka nanaman ba ni Shammy?

"Bakit po ganun ang ugali nya lola. Hindi naman sya dating ganun umangat lang sya kung tratuhin nya tayo parang alipin." umiiyak na sabe ni Liezel.

"Pinalalabas mo talagang masama ako kay lola noh. Ano bang masama sa sinabe ko? Inutusan lang kita umiyak kana. Ang arte mo naman." bungad ni Shammy habang nakataas ang kilay nito kay Liezel.

"Paano ko hindi iiyak sinira mo yung project na ginagawa ko. Alam mo bang kukunin na yun bukas. Nagsisideline ako para mabayaran ka Shammy para wala kanang isumbat samin ni lola lalo na sa mga magulang ko. Yumaman ka lang nagbago kana. Bakit pera lang ba nagpapasaya sayo? Siguro nga oo dahil hindi mo alam kung paano magmahal. Pagod na pagod na ako na lage nalang ako nag aadjust para sayo kahit anong gawin ko lage kang may nasasabe." seryosong sabe ni Liezel habang umiiyak.