webnovel

CHAPTER 1

Napabalikwas ng bangon si Kogure ng mapanaginipan nya ang mga magulang nya. Namatay sa isang aksidente ang parents ni Kogure kaya maaga itong naulila.

"Apo umiiyak kaba." bungad ng lola ni Kogure ng makita itong nakayuko.

"Hindi La. Naalala ko lang sila Mama at Papa kamusta na kaya sila sa langit." sabe ni Kogure na hindi maitago ang lungkot.

"Pasensya kana apo kung maaga kang naulila. Alam mo bang mahal na mahal ka ng mama at papa mo dahil napakabait mong bata. Wag kanang malungkot apo sigurado akong binabantayan ka ng mga magulang mo." anya ng lola ni Kogure.

"Ayos lang ako La. Nawala man sila pero meron naman akong magandang lola na love na love ko." ngiting sabe ni Kogure at hinalikan sa pisnge ang lola nya.

"Ikaw talaga apo." wika ng lola ni Kogure at lumabas na ito ng kwarto.

Tinignan muna ni Kogure ang picture ng mga magulang nya bago ito lumabas.

"Apo ipinagluto kita ng favorite mong pagkain hinanda ko na rin ang baon mo para hindi kana bumili sa canteen...

"Paano ko ba naman hindi kakainin yan kung luto yan ng pinaka maganda at pinaka mabait kong lola. Salamat dito La ikaw ang pinaka the best." ngiting sabe ni Kogure at niyakap ang lola nya.

"Sige na apo kumain kana wag mo na akong bolahin at baka malate kapa." masayang sabe ng lola nya at naupo na nga si Kogure para kumain.

Nasa college na ngayon si Kogure mula ng makapagtapos sya sa SHOHOKU. "Kogure....

"La nandyan na ata si Akagi kailangan ko ng pumasok." sabe ni Kogure at nagpaalam na sa lola nya.

Pag labas ni Kogure nakita nya si Akagi na naghihintay sa kanya. "Tara na." sabe ni Kogure at sabay silang nag lakad ni Akagi.

"Bakit parang ang tahimik mo. Hindi paba kayo nag uusap ni Misha?" tanong ni Kogure habang naglalakad sila ni Akagi.

"Pwede ba Kogure wag mo ko tanungin ng tungkol sa kanya." naiinis na sabe ni Akagi.

Ngumiti nalang si Kogure at hindi na nagsalita. Pagdating nila sa school sinalubong sila ni Kiko. "Fafa Akagi at Kogure." natutuwang bati ni Kiko sabay hawak sa braso ni Akagi.

"Pwede ba wag mo kong tatawaging Fafa Akagi masasapak na kita eh." sabe ni Akagi at napanguso naman sa kanya si Kiko.

"Sorry na Fafa Akagi namiss kasi kita eh." ngiting sabe ni Kiko.

Hindi maiwasan ni Kogure na mapangiti dahil kitang kita sa mukha ni Akagi ang inis kay Kiko. "Sige Akagi papasok na ako kita nalang tayo sa gym mamaya." sabe ni Kogure at iniwan na sila Kiko at Akagi.

Pagpasok ni Kogure nagulat sya ng hatakin sya ni Ran. "Dito kana lang maupo Kogure wala naman akong katabe eh." nagpapacute na sabe ni Ran.

"Wag dyan Kogure dito kana lang mas maluwag dito." sabe naman ni Jang.

"Pwede ba mahiya naman kayong dalawa. Kogure dun kana lang sakin hehehe." ngiting sabe naman ni Jinger.

Hindi tuloy alam ni Kogure kung saan sya uupo. Nakita nyang may bakante pang upuan kaya dun sya naupo malapit sa bintana.

"Ayan kasi kayo eh." nakasimangot na sabe ni Ran.

Maraming babaeng nagkagusto kay Kogure mula ng mag excel ito sa lahat ng subject hindi lang ito mabait kundi masipag rin..

"Pare nakahanap kana ba ng partner mo para sa gagawin nating research?" tanong ni John.

"Kailangan ba ng partner dun? Akala ko kasi individual." nabiglang sabe ni Kogure dahil wala syang partner.

"Akala ko rin individual pero sabe ni prof dapat daw may partner." sabe ni John

"Ang pagkakaalam ko wala pang partner si Liezel dahil busy pa sya sa defense nya." singit ni Ashton.

"Sinong Liezel?" tanong ni Kogure.

"Hindi mo ba naabutan si Liezel pare sya lang naman yung babaeng walang ginawa kundi mag aral ng mag aral parang ikaw hahaha." tumatawang sabe ni John.

"Pagtapos ng klase natin puntahan mo nalang sya sa library dun lang naman yun naglalage kapag wala dito. Pasensya kana Kogure kundi namin nasabe sayo na kailangan ng partner kagabe lang din kasi ako nasabihan eh." paliwanag ni Ashton.

"Ayos lang sige pupunta nalang ako mamaya sa library." sabe nalang ni Kogure.