webnovel

Ceo's temporary wife

Loui3sa · Fantasi
Peringkat tidak cukup
4 Chs

CHAPTER 3

Happy reading everyone!

Kaagad kong naibuga ang iniinom kong juice ng may mag sabi nun. Naku ha! Mapagkakamalan pa siguro akong nobya ni Mr. De Omaña pero shempre di ako papayag no.

Maging wife inalok sakin tas gagawin lang akong nobya? No way! Hindi ako papayag sa ganun, tsaka sayang yung 5x na sahod ko no pang bili din yun ng gamot ni papa. Pero sana lang talaga e wag na magpasaway si papa baka kase layasan na ko ni dhanikha kung magkataon no.

Kaagad akong bumaling kina Mr. De Omaña at kay Mrs. De Omaña, ina pala ni mr. Gerard tong ginang na kumakausap sakin kanina. Naku kung nalaman ko lang ng mas maaga siguro nagpalatag na agad ako ng red carpet nun.

"A-ano po?" nauutal na tanong ko sa ginang.

"I like you." simpleng sagot naman nito habang nakangiti sa akin.

Tumikhim akong bahagya. "Be specific madam. Baka mamaya 'gusto mo' po talaga ako as in gusto, naku baka di makapayag nyan madam 'tong anak mong dragon." birong anya ko, pero legit parang dragon daw ugali ng gungong na to.

Narinig ko naman ang halakhak ng ginang na ikinapagtaka namin ni gerard. Bumaling ako bigla sa kanya at sinamaan lang ako ng tingin, naalala nya siguro yung biniro ko sa ginang.

Oh well totoo naman e para syang dragon, gwapong dragon. Charot!

"Sorry hija." paumanhin ng ginang habang tinatapik ang aking balikat.

"Anyways, gerard wag ka ng mag selos dyan ha." baling ng ginang sa anak.

He tsked. "I like you for my son hija. That's what I'm taking about, pero mag ingat ka din sa isang yan. Naturingan kaseng playboy, mana sa ama." pabirong bulong sakin ng ginang.

"Mom! Seriously?! Sa harap talaga ng asawa ko?" inis na giit ng binata. Bahagya naman nagulat ang ginang at agad na hinawakan ang dalawang palad ni Amara.

"Ah e kung ganun pala, ay mag tino kana Gerard at baka sa kuya Ranier ko ipasa yung mamanahin mo." pangaral ng ginang sa binata.

"Yes mom." boring na sagot ng binata.

"Anyways, galingan nyo hijang gumawa ng bata ha. Gusto ko na kaseng magkaapo matagal na."

" But mom! Diba may apo ka naman na dun kay kuya?" sabat ng binata, sinamaan lamang sya ng ginang ng tingin kayanatahimik ang dragon.

Habang ako eto tahimik lang.

" Wag mo ng pakinggan ang isang iyon. Basta gusto ko yung magiging apo ko ay babae, lagi na lang kaseng lalaki yung inaalagaan ko. " anya ng ginang habang pinipisil ang aking kamay.

"S-sige po." nag aalinlangan sagot ni amara. Letche! Pagiging empleyado lang naman inapply ko dito ah bat naging asawa at ina ako? Ayoko namam magbayad ng 50 million dahil wala naman akong ganung kalaking pera.

Hay buhay nga naman oh!

"Sige na mauna na ko. Babush!" paalam ng ginang at bumeso pa sakin tsaka kay gerard.

Nang makalabas ang ginang ay naghanda na akong umalis din. Hahawakan ko na sana ang doorknob ng biglang may kamay na pumigil sakin.

Humarap ako bigla kay gerard na kalmadong nakatingin sakin,habang ako'y nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Anong kailangan mo?" kalmadong tanong ko.

"Ikaw" simpleng sagot nito.

"A-ako?"

"I mean ikaw anong kailangan mo?"tarantang saad nito.

Aba! Aba! Ako itong nag tatanong tapos tanong din ang isasagot? Yung totoo? Nag shashabu ba to?

"Wala naman. Sige na mauna na ko bukas na lang tayo mag kita." Paalan ko at hindi ko na hinintay pa ang isasagot nya.

*Fast forward

Kasalukuyan akong nag hihintay ng masasakyan pauwi sa bahay ng malantod kong bestie. Niyaya kase ako ni tita-ninang na kumain sakanila, and since hindi ako makahinde. Ayun dun tuloy ang punta ko ngayon.

Parang andami masyadong ganap sa buhay this day ha? Di pa nga ko nakakarecover sa pagiging asa ng dragon na yun tapos may meet with the mudra cakes ng naganap?!

Nakakaloka ha!

Humakbang pa ko ng mga limang hakbang hanggang sa may biglang may bumusina sa likod ko.

"Ay Barbielat ni Marilue!" gulat na bulyaw ko sabay tingin sa likodan ko.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa daan? Kita ng nasa gilid na yung tao tapos bubusinahan mo?! Tanga ba you?!" gigil kong bulyaw at marahas na tinanggal ang aking is the stilettos kong itim.

Naglakad na ulit ako at di na pinansin ang kung sino man ang nasa loob ng kotseng yun, tinted kase ito kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Dagdag mo pa na sobrang liwanag ng sasakyan nya, sa sobrang liwanag feeling ko kukunin na ko ni lord.

"Jusko lord! Wag naman po sana no!" hiling ko bago pinara ang paparating na taxi.

Nag tataka siguro kayo bat ang liwanag nung sasakyan nung lalaki, ano? Ganto kase yan. Medyo makulimlim kase ngayon kaya mukhang alas sais na ng  hapon samantalang mag aalas tres pa lang naman.

Uulan din daw ata, di ko sure. HAHAHAHA!

Nang makasakay na sa taxi agad komg sinabi ang lugar ng bestie kong malantod. "Ma'am andito na po tayo." giit ng driver bago ako nag linga linga, nakaidlip kase ako lalo na't alam kong  3-4 hours ang byahe. Pero bakit parang 30 minutes lang kaming byumahe?

"Ah salamat kuya." saad konbago kinuha ang wallet sa bag ko.

Kinuha ko dito ang limang daan. "Oh eto kuya bayad, keep the change!" giit ko ng akmang isasara ko na ang sasakyan. Bigla akong tinawag ng lalaki.

"Ineng! Anong keep the change keep the change ka dyan? Samantalang kulang pa nga ng singkwenta pesos yung binayad mo." dun naman nag inis ang dugo ko. Ako ata'y dinadaya ni manong.

"Hoy manong! Wag ka nga demanding dyan, at isa pa 450 lang naman talaga ang pamasahe mula sa opisina hanggang dito no!" bulyaw ko sabay pasok sa loob ng gate nila Louisa, my malantod na bestie.

"Tita gands! Louisa!" tawag ko habang kinakatok ang gate. Nang makarinig akong kaluskos, labis ang tuwa ko nang marinig ko ang mabibigat na hakbang papunta sa gate.

Nang buksan ito bumungad sakin ang taong pinaka ayaw kong makita sa lahat.

Si Jason....

________

Di na me nakakapag update dito, nabusy kase ako sa His property hehe.

-peudaizy