webnovel

CAUGHT IN HIS TRAP

"Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."

jadeatienza · perkotaan
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Scandal

Chapter 25. Scandal

MABILIS na nagdaan ang mga buwan. Bago makapagtapos ng kolehiyo ay tuluyan nang nabawi ni Heizen ang Salazar Group of Companies sa kamay ni Fina. Pinatalsik at kinasuhan din nila ang mga dapat kasuhan. Even some of the board of directors were put behind the bars. Kasama ng mga ito si Fina na mabubulok sa bilangguan.

Tatlong buwan mula nang hawakan niya ang kumpanya ay nahanapan agad nila ang butas sa Finance Department. May mga winaldas na pera ang mga gahaman sa kayamanan at ang iba'y tinago sa fake bank accounts.

In span of half a year, everything went back to the way it was before. She was praised by the business industry for being brave and fighting for her rights. Kung noo'y kalahating taon ang lumipas nang sabihin bumagsak ang kumpanya sa mga kamay niya, ngayo'y nagkataong anim na buwan din ang kinailangan niya para tuluyang mabawi ang lahat ay maisaayos ang pamamalakad sa kumpanya.

Break time na niya at nagpapahinga sa kanyang opisina nang mag-video call si Ali. The latter was busy on their concert and tours on some western countries.

"Hey, your cleavage is showing," puna agad nito pagkasagot niya sa tawag.

She chuckled heartily. "Sorry naman. Kusang lumilitaw, ano'ng magagawa ko?"

He groaned to protest. "You really grew..."

Ngumisi siya. "Halos malunod ka nga, hindi ba?"

"Don't talk that way..." He groaned and she knew exactly why.

Humagikgik siya. "Gustung-gusto mo naman!"

Tumawa rin ito kahit halata naman ang pangningislap aa mga mata. "How are you?" pilit na iniwas nito ang usapan.

"Just fine. Medyo pagod. Ang daming ginagawa. And you know what? Nalaman naming tinipid din ng bruhang Fina na iyon ang cafeteria food! Kadalasan daw na lugaw lang ang kinakain ng mga empleyado. May ibang projects din siyang inaprubahan tapos wala naman palang project. C-in-orrupt lang talaga nila ang pera." Parang bata siyang nagsusumbong.

"I want to go home now and massage your tired body."

"Masahe nga lang ba? Huh?"

Tumawa ito. "Let's get married now."

Napanguso siya. "I still can't. Feeling ko, kailangan pa ako sa kumpanya. Aayusin ko muna ang lahat."

"Everything is in perfect place, baby. Habambuhay ka ring kakailanganin ng kumpanya, at tutulungan kita."

"Tinulungan mo na nga akong hulihin kung sinu-sino ang mga dapat managot..."

"Kaya nga maayos na ang lahat. Magpakasal na tayo, Heize." Tunog-nagsusumamo ito.

"'Tsaka na natin pag-usapan, Ali. Babawi pa ako sa mga empleyado."

He frustratingly groaned and just sighed heavily. "Alright, then. And you should always know that I'm so proud of you, baby."

She smiled widely. "Kumusta pala ang concert diyan?"

"Tiring yet fulfilling. I still can't believe it's our fifth year."

"Kaya nga. Parang kailan lang noong trainee ka pa, tapos inalok mo 'ko ng kasal."

"I'll never get tired asking you until we get married."

Ngumuso siya. "Magpapakasal naman tayo."

"Yes, my princess. I'm just waiting. Open the door. Kanina pa may kumakatok."

Doon lang niya iyon napansin. Na-eskandalo siya nang biglang pumasok ang sekretarya niyang ni Nona.

"Ma'am Heizen!" humahangos na tawag nito. "Sorry sa istorbo pero kailangan mong makita ito!"

Hindi na niya napansin si Ali nang mabilis na lumapit ang sekretarya niya at pinakita ang cellphone.

Parang intro ng sex scandal video ang pinakita nito sa kanya.

"Ay, ano ba iyan? Bakit naghahalikan sa hallway?!"

"Eh, Ma'am..." Saglit na natahimik si Heizen. "Totoo po ba'ng naging P.A. ka ng isang sikat na myembro ng Eclipse noon?"

Naningkit ang mga mata niya at tumango. "Bakit?"

"Si Ali raw iyang nasa video at P.A. niya... Matagal na raw nakuhanan."

"Wait... What?!"

Ali cursed on the other line, too. Hindi pa pala nito pinatay ng video call.

"I'll call you back, Heizen. Don't go anywhere yet! Magpapadala ako ng bodyguards."

Hindi siya makapaniwalang may ganoong video sila ni Ali. It was obviously cropped. Kasi iyong parteng naghahalikan lang sila hanggang sa nabuksan lang ang pinto ang in-upload.

Nahilot niya ang sentido. Ilang linggo na naman siyang pagpi-piyestahan ng madla, sila ni Ali.

She just got back on her feet, but she's on headlines again.

'The Salazar Princess Was Never A Personal Assistant But A High-End Escort?'

'Did Heizen Salazar Used Ali To Get Back On Her Feet?

'How Much Did Ali of Eclipse Pay His Personal Assistant? "

Nag-init ang ulo niya sa mga nabasa. Tatlong araw na siyang hindi lumalabas ng mansiyon mg mga Salazar at tatlong araw na rin siyang pinag-uusapan ng madla. Pati si Ali ay kabi-kabilaan ang headlines pero iisa lang ang pinupunto tungkol sa kanilang dal'wa.

Tinawagan niya ang sekretarya.

"Nona, magpapa-presscon ako bukas. Just invite VBS Media, wala nang iba. I don't like the other broadcasting networks, puro kasiraan ang Headlines nila tungkol sa akin!"

Only Velizario Broadcasting System didn't tag her as a whore.

'The Salazar Princess Worked Real Hard To Claim What Was Really Hers'

"Dapat ganito ang mga headlines. Nakakaloka! Wala man lang nagsabi na baka may relasyon kami ni Ali or what. Pokpok agad ako?!"

Napakislot siya nang kumatok ang mayordoma ng mga Salazar at sinabi sa kanyang nilang nandoon ang mga magulang ni Ali. Agad na bumangon siya at mabilis na inayos ang sarili. Para sa mabagal kumilos na gaya niya ay mabilis na ang labinlimang minutong pag-aayos.

She wore a knee-length sleeveless ruffled dress and let her hair loose. Naglagay na lang din siya ng light pink blush on at pink lipstick. She also wore a black stiletto, partner sa itim niyang dress.

Pagkababa niya sa sala para salubungin ang mag-asawa ay napamaang siya nang makitang napaka-simple ng kasuotan ng mga ito. Dra. Aliana was only wearing an off-shoulder blouse and a shorts while Dr. Alexander was wearing a plain white shirt and a khaki shorts.

"I, uh, magandang araw po!" bati niya at nagmano. Yumakap sa kanya ang ginang at humalik sa pisngi.

"I'm sorry if I smell a bit barbecue. May barbecue party sa bahay, eh. Susunduin ka sana namin."

"P-Po?"

"My son will be late. Kaya kami na ang nagpresintang sumundo sa iyo. Hindi na kami nakapagbihis."

She felt awkward talking to Ali's father so casually. Kahit noong nagbabakasyon kasi ito ay bihira niyang makausap. Halos hindi mapaghiwalay ang mag-asawa.

"Didn't you know? I told Ali to inform you about tonight's party."

Pang-party naman ang getup niya, pang-sosyalan nga lang. Hindi bagay sa barbecue party ng mga ito.

"Uh..." She immediately checked her phone and saw that Ali had missed calls earlier. Siguro'y noong tulog pa siya. Pagkagising niya kasi ay nanggigigil na tinawagan niya ang sekretarya para ihabiling magpapa-press conference siya.

"Ayos lang kung hindi ka makakasama," si Dr. Alexander Quijano.

"P-Pasensya na po. Babawi po talaga ako sa susunod. May importante po kasi akong gagawin bukas kaya hindi po muna ako makikipagkita kay Ali."

"We understand, hija. I knew you'd decline kaya pinagdala ka na namin ng barbecue. Wella, pakikuha naman sa sasakyan."

Doon lang din niya napansing nandoon si Wella. Sinamahan na niya ito sa garahe. Sumunod na rin ang mag-asawa.

"We will set a family dinner soon. Ayusin n'yo muna ng anak ko ang issue."

"Opo, Sir."

"Call me 'Tito' if you aren't comfortable with 'Papa'."

Napanguso siya para pigilan ang pagngiti.

"Oh, dear, look at her blushing! No wonder our son fell for her. Wala pa ba kaming apo?"

"Mama!" bulalas niya't natutop agad ang kanyang bibig. She'd been practicing on how to call her mom or mama in front of the mirror. Ngayon ay nabigla siya dahil sa tinanong  ito.

Nagtawanan ang mga ito at yumakap ulit sa kanya si Aliana.

"I'm glad that you'll be my daughter-in-law. We will wait for you at our humble home."

Nangilid ang mga luha niya sa sobrang saya at tumango.

"Bagay talaga kayo ni Ali! Congrats! Ninang ako kung sakaling buntis ka na, ha!" hirit pa ni Wella nang yakapin siya nang mahigpit bago sumakay ng sasakyan.

Nakangiting kinawayan niya ang papalayong sasakyan ng mga ito. Pagkuwa'y natulog na habang maaga pa dahil kailangan niya ng sapat na lakas para bukas.