"LAHAT AY MAKINING! ISANG ANUNSYO MULA SA EMPEROR AT ISANG MAGANDANG BALITA NA TIYAK KUNG IKAKALUGOD NINYONG LAHAT"
sa isang malawak na pamilihan lahat ng mga tao ay natigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa isang matandang may hawak na kasulatan. agad silang nag kukumpulan upang makinig sa anunsyo lalo't galing ito sa emperor siguradong magandang balita ito sa buong bayan ng tsina.
" IPINARATING NG EMPEROR SA KANYANG NASASAKUPAN NA ILISTA AT GUMAWA NG LARAWAN LAHAT NG MGA MAHARLIKANG PAMILYA NA MAY ANAK NA BABAE NA NASA LABING WALONG TAONG GULANG UPANG MAG PARTICIPAR SA PAG PILI NG MAPAPANGASAWA NG IKA APAT NA PRENSEPE NG KAHARIANG YUAN"
Lahat sila ay nagulantang at masaya sa narinig nilang balita lalo na ang mga kababaehan na mula sa maharlikang pamilya ito na ang kanilang pagkakataon ang araw na kanilang pinakahihintay na mangyari sa apat na prensepe tanging ang mga kilalang pamilya at ang kanilang anak na mga babae ay walang ibang pinapangarap na mapapangasawa kundi ang ika- apat na prensepe bukod sa mga sabi sabing matalino, mabait at makisig ay may angkin din itong ka gwapuhan.
bumaba ang matanda sa lamesa at nag tungo sa harapan ng paskilan ng mga anunsyo at marahang idinikit ito, pagkatapos ay agad nag tungo sa kalisa at siniyasan tsaka umalis habang ang mga tao naman ay panay basa sa anunsyo.
tinatanaw niya mula sa malayo sinisiguradong naka alis na nga ang kalisang sinasakyan nito ng masigurado ay agad siyang nag lakad palapit sa paskilan ng anunsyo sa kabila ng maraming tao nag bigay daan ito sa kanya ng mapag alaman nito kung sino ang nais na buamsa at makaalam ng anunsyo. iyon ay walang iba kundi ang dating ministro ng kahariang yuan na si ministro yanbo matanda na at mahaba na ang kanyang balabas kulogot na rin ang kanyang balat. seryosong binasa ng ministro ang nakasulat at unti- unti na ring nag si alisan ang mga tao at bumailk na sa dati nilang ginagawa. napangiti ang ministro at marahang hinaplos ang kanyang kulay puti na balbas mukhang sumasang ayon talaga sa kanya ang tadhana!
"mag aasawa na pala ang prensepe huh... ni hindi man lang niya alam na may anak siya sa isang mahirap na babae napakatanga mo talaga prensepe lui xu" mahina niyang sabi habang patuloy na tinitigan ang naka sulat.
"siguro naman oras na upang gawin kung misirable ang buhay mo mahal na prensepe hindi na ako makapag antay pa na malaman ng lahat ng mga tao lalo na ang emperor kung ano ang nangyari bago ang tatlong taon".
isang naka sout ng salakot ang huminto sa likuran ng ministro at dala dala ang isang napakahabang espada ito ang isa sa mga tauhan nito.
"kumpermado anak nga iyon ng mahal na prensepe at matatagpuan sila sa lungsod ng yinglonggu nakatira sila sa isang maliit na kubo ang balita ay wala silang makain buong araw dulot ng hindi sapat na pag ani ng mais" lahat ay detalyado matagal na niyang minamanmanan ang mag ina ng palihim sadyang napakatalino nga ng ministro, humarap sa kanya ang matanda
"nais kung makita ang mag ina'ng iyon nais ko lamang kumustahin ang kanilang kalagayan lalo na ang susunod na magiging emperor ng bayang ito hindi na ako makapag antay pa hindi na ako makapag antay na bumagsak ang prensepe" tumango naman ang kanyang tauhan at nauna itong nag lakad sa kanya patungo sa kalisang naka parada sa di kalayuang kalsada ng marating na ito ng ministro agad siyang sumakay ngunit bago pa man tuluyang umalis nais niyang bigyang surpresa ang prinsepe sumulat siya sa papel gamit ang isang napaka itim na tinta. pagkatapos ay ipinalipad niya ito gamit ang isang puting ibon.
(XU RESEDENCE)
masarap ang simoy ng hangin mga dahong unti unting nahuhulog makikita ang mga dekorasyon na may halong kanluraning at tradisyunal na elemento, na nagbibigay kulay sa buong paligid ng pamamahay. Ang tahanan ay puno ng malalaki at maliliwanag na mga bintana, na nagbibigay ng sapat na liwanag at paghinga sa buong lugar. Bukod pa rito, mayroong mga espasyo para sa mga okasyon at pampamilyang gawain. ngunit may isang lagusan na kapag iyong binuksan ay makikita mo doon ang napakalaking harden mga kalsi - klasing bulaklak na halos sip-sipin ng bubuyog ang katas ng mga bulaklak dahil sa sobrang tamis sa harapan nito ang isang napakagandang pabilion na gawa sa kongkretong kahoy dalawang palapag ito at sa itaas ay may nakasabit na isang mahabang kurtina,
tahimik lamang na pinag mamasdan ni lui xu ang mga paru-parung lumilipad sa ibabaw ng mga bulak-lak ng kanyang harden hindi mo akalaing lahat ng mga nag gagandahang bulaklak ay ang prensepeng lui xu ang nag tanim.
mula sa himpapawid isang puting ibon ang papunta sa dereksyon ng prensepe napa-kunot noo naman si lui xu ang akala'y dadaan lamang ay huminto ito sa kanyang balikat napatingin ang prensepe sa paa nito may nakataling isang maliit na papel mabilis niya itong kinuha, napansin naman ang kanyang bantay na si xuanzang
"mahal na prensepe hayaan niyo ako ang bumasa niyan" tumingin naman si lui xu
"ako na" tugon pa niya sa kanyang bantay tumango naman ito sa kanya.
ibinalik na niya ang tingin sa papel at daha dahan niya itong binuksan
"NAKALIMUTAN MO NA ATA ANG NANGYARI TATLONG TAON NA ANG NAKARAAN, HINDI MO MAN LAMANG BA KUKUMUSTAHIN ANG IYONG ANAK NA NAG HIHIRAP" nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang binasa hindi siya makapaniwala naisin man niyang hindi maniwala at baka hindi totoo o di kaya ay patibong ito ngunit bakit ay pakiramdam niya ay tunay ang ipinahayag ng sulat na ito sa kanya. hindi kaya may kinalaman ito sa mga pera-perasong panaginip niya.
linapitan niya ang kanyang bantay
"xuanzang hindi panaginip ang lahat ng iyon totoong nangyari sa akin iyon at... may.." nais niyang sabihin ang buong katotohanan ngunit hindi niya maderetsang sabihin
kumawala ng malakas na tawa ang kanyang bantay hindi parin ba nakakalimutan ng kanyang amo ang panaginip na iyon ang pag siping niya sa isang babae
"ba..bakit ka natatawa?"
mabilis na itinikom ng kanyang bantay ang bibig nito ng tingnan siya ng seryoso sa mata ng prensepe.
"na ano natatawa lamang ako sa mga paruparung nag huhulian sa isa't isa kamahalan"
napatingin naman ang prensepe dito ngunit wala naman siyang nakitang paruparung nag huhulian.
"wala namang paruparu?"
"a...."
"sabihin mo sa akin pinag tatawanan mo ba ang binanggit ko sayo? paano kung totoo nga at nag bunga iyon ng isang sangol maniniwala ka pa ba?"
"huh? pero paano imposibling mangyari iyon kamahalan"
"hindi magiging imposible ang lahat nang iyon nais kung hanapin mo lahat sa lugar nito ang babae na nasa larawan sa lalong madaling panahon bago pa tayo ma unahan ng isang traydor na opisyal"
"kanina pa kita hinahanap mahal na prensepe nandito ka lamang pala sa iyong bulwagan"
napalingon si lui xu sa pintuan kung saan nakatayo ang kanyang ina humakbang ito palapit sa kanya nagulat ang prensepe at baka narinig niya ang usapan nila ng kanyang bantay.
"pagbati mula sayo ina"
"hindi ba't sabi ko hindi mo na kailangang mag bigay galang sa akin sapagkat ito ay nakakababa ng respeto mo bilang prensepe" natutuwa niyang sabi
tumingin si lui-xu sa kanyang bantay at suminyas ito agad namang naintindihan niya ito at umalis na.
"ano at naparito kayo ina?"
mabilis na ipinulopot ng mahal na esposa ang kanyang kamay sa bisig ng kanyang anak hindi mapantayan ang kasiyahan na kanyang nararamdaman nagyon.
"may maganda akong balita sayo, alam mo bang nakinig ang iyong ama sa iyong sinabi at ngayon tiyak kung nababaliw na ang mga maharlikang binibini at nag uunahan na rin sila upang makuha ang loob ng prensepe" nakangiti nitong sabi natigilan naman ang prensepe sa narinig nito, napansin naman ng ina niya ang kanyang pagiging tahimik
"may problema ka ba mahal na prensepe? Hindi ba dapat ay masaya ka sapagka't pinaboran ng emperor ang iyong kahilingan?"
"may ibang dahilan ina" sabay tanggal niya ng kamay na naka pulopot sa kanyang bisig at nag tungo sa isang upuan na gawa sa kahoy na naka harap sa bintana.
"dahilan? Anong ibig mong nais ipahiwatig lu-xu? Hindi kita maintindihan"
Hindi niya alam kung ililihim ba niya ito o hindi sa kanyang ina paano kapag inamin niya na may anak siya sa isang estrangherang babae ay baka ma apektuhan ang repotasyon ng kanyang ina bilang maharlikang esposa ng emperor ng kahariang yuan kailangan niyang maka- isip nng paraan bago pa maging huli ang lahat kailangan niyang makilala ang ina ng kanyang anak at makita ang bata.
(YANG XI RESEDENCE)
Sa labas pa lang ng pintuan ng pamamahay ay makikita na ang karangyaan nito kaya sa tuwing dumadaan ang mga tao rito ay hindi mapigilang mamangha dahil sa ganda nitong taglay. Dahil sa buong kapital ng lungsod nang yuan sila ang pinakamayaman at kilala bilang matagumpay na negosyante hindi lamang tela kundi pati na rin ang mga alahas ay sila rin ang nag titinda sa buong kapital ng yuan, namumuhay at nakapag aral ng mga iba't ibang eteqo si yang xi dahil sa kanyang ama nakukuha niya rin ang kanyang nais, maliban na lamang sa isang bagay iyon ay ang pag aasawa dahil kahit sinong lalaki na ang irecomenda ng kanyang ama para sa kanya ay wala siyang kahit isang natipuhan. Ngunit hindi na ngayon..
"woy! Binibining yang wag ho kayong tumakbo at baka mapaano kayo" pag babala pa ng kanyang katulong dahil hindi ito magkamayaw habang tumatakbo papunta sa silid ng kanyang ama upang ibalita ang kanyang natunghayan desedido na siyang mag asawa , hindi bilang asawa ng isang normal na tao na makikita lamang sa paligid kundi ang maging asawa ng anak ng emperor.
"tumahimik ka na lamang at sumunod sa akin wala naming bisita si ama nagyong tanghali hindi ba?" nakangiting sabi niya sa kanyang katulong. Umiling iling naman ito
"Mabuti.." at buong pwersang binuksan ang pintuan ng silid ng kanyang ama
"binibini.. hindi ka dapat umasta nang gan---"
"magandang araw ama" pag bati nito
"magandang araw, anong ginagawa mo dito hindi ba dapat ay nasa pamilihan ka?" tanong pa nito sa dalaga habang abala sa pag kukuwenta ng mga salapi na nakalatag sa mesa.
"handa na po akong mag asawa!" masigla niyang sabi dahilan upang matigilan ang kanyang ama sa ginagawa nito at sumilay ang ngiti sa labi pati na rin ang katulong kulang na lang ay maging papel ang bunga-nga nito at ng tuluyan ng mawaksi dahil sa lapad ng ngiti.
"aba eh mabuting balita yan sa wakas ay papakasalan mo na ang anak ng aking kaibigan"
Biglang sumimangot ang dalaga
"hindi po siya ang nais kung pakasalan ama" deretsa niyang sabi
"huh… ede sino? Yung kababata mo ba?"
"hindi ang ika- apat ng prensepe"
Halos lumuwa ang mga mata ng matanda sa sinabi ng anak
"ang ibig mong sabihin ay ang mahal na prensepe nako yang xi! Emposible ang sinasabi mo"
Padabog na umupo ang dalaga sa harapan ng ama na para bang magkukuwento ng isang kapanabik panabik na storya na nabasa niya sa libro.
"hindi emposible ama dahil ngayon lang inanunsyo ng eunuco na binuksan ng emperor ang pintuan ng kanilang palasyo sa lahat ng mga maharlikang binibini na lalahok sa seleksyon para maging asawa ng prensepe ama at nais kung ako ang mapili kaya sige na payagan muna ako at mag hanap kayo ng mahusay na mang-guguhit upang gawan ako ng sarili kung larawan" tumingin ang kanyang ama sa katulong nito ngumiti ito sa kanya at tumango tango na para bang sang ayon sa sinabi ng binibini.
"alam mo bang hindi lamang pag aasikaso ang iyong a-atupagin kapag naging asawa kana ng prensepe? Alam mo bang maaring maging malungkot ang buhay mo sa loob ng palasyo" dahil sa sinabi ng kanyang ama ngumuso ang dalaga na para bang tatlong taon na bata.
"kung hindi mor in naman ako papayagan mas Mabuti pang mamatay na lang akong matandang dalaga kaysa mag asawa sa taong hindi ko naman mahal"
"ohoy kawawa naman ang aking binibini hindi ko makakayang mamatay siya ng dalaga ginoo" sabay kindat kay yang xi
"hanggang nagyon makulit ka parin kahit Malaki kana o siya sige bukas na bukas mag hahanap ako ng mahusay na mang-guguhit upang gawan ka ng sarili mong larawan"
Hindi naman mapantayan ang kasiyahang nadarama ni yang xi pinapangako niya sa kanyang sarili na aalagan at mamahalin niya ang prensepe habang buhay.
(YINGLONGGU CITY)
"Xingyun Anak nandito na si inay gusto mo bang kumain sandali lamang mag huhugas muna ng kamay ang inay!" tawag niya sa kanyang anak, kakagaling lamang ni yue sa pagtatanim ng mais
"kung hindi ako pumunta rito hindi ko malalaman ang sitawsyon niyong mag ina hirap na hirap na pala kayo bakit hindi kayo humingi ng tulong sa akin" nagulat si yue ng lumabas mula sa kubo ang isang matanda si ministro yanbo
"sino kayo?! " matapang niyang tanong bigla niyang naalala ang kanyang anak baka napahamak na ito. Binilisan niya ang kanyang lakad
"sandal lamang binbini kalma lamang hindi ko naman sinaktan ang iyong anak ah ang ibig kung sabihin ay bakit ko naman sasaktan ang anak ng prensepe hindi ba?" at sinabayan niya ito ng isang mapanganib na ngiti.
"hindi siya anak ng prensepe nagkakamali kayo at mas lalong hindi ko kilala ang iyong pinag-sasabi kaya't makakaalis na kayo"
"hindi pa ba umabot sayo ang balita? Binuksan na ng emperor ang seleksyon, at alam mo ba ang ibig sabihin niyon? Ang ibig sabihin handa ng mag aswa ang ika- apat na prensepe ang ama ng iyong anak" natigilan si yue sa sinabi ng ministro, hindi siya dapat ma apektuhan sapagkat may prenoprotektahan siyang mahahalagang tao na kapag sumuway siya ay maaring mapahamak at hindi niya gugustuhing mangyari iyon. Matapang niyang hinarap ang ministro
"ang akala mo siguro ay naapektuhan ako sa sinabi mo? Hindi! Wala akong pakialam sa prensepeng tinutukoy mo kaya maari bang umalis kana sapagka't napakarami ko pang aasikasuhin hindi ito ang tamang araw upang tumanggap ako ng bisita"
Mukhang naiirita naman ang ministro kaya bumaba na siya ng hagdan ngunit bago pa siya tuluyang umalis
"baka sakaling mag bago ang desisyon mo maaga pa upang makasali ka ng seleksyon kausapin mo lang ako at tutulongan kitang maka pasok sa palasyo at ang anak mo" tsaka nag lakad palabas ng kubo napansin ni yue na may nahulog na sulat mula sa kamay ng matanda mabilis niya itong kinuha sa lupa at binasa.
"PRENSEPE LU -XU"
TO BE CONTINUED….