webnovel

Capture My Heart

Ciara's world turned upside down when her mother died, but then she found a new hope through her little sister Clio. Afraid of losing her little sister, Ciara did everything to make her never leave her side even if it means hurting those people in her world. Her heart was frozen, consumed by fear and hatred. Is it possible for her to redeem herself, and find the light that will pull her out from her lonely world?

Nekohime · perkotaan
Peringkat tidak cukup
5 Chs

Chapter 3 - The Stranger

Maverick Ocampo.

The campus crush. The heartthrob.

Aware siya na maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya pero isang babae lang ang nakapukaw sa atensyon niya. And that was the girl he saw in the music room, few weeks ago.

Ciara Alona Velez.

Napagtanong tanong na niya sa iba ang pangalan nito pati ang section nito. Hindi na siya mapakali noong araw na masilayan niya ito. Gustong gusto niyang makilala pa nang lubusan ang babae.

Bakit ba ngayon niya lang ito nakita kung kailan isang taon na lang, gagraduate na siya ng highschool? Nasa 3rd year palang si Ciara samantalang siya naman ay nasa senior year niya. Wala naman siyang pake kung mas matanda siya dito. Basta, gusto niya talaga ito.

Yun nga lang ay mukhang mahihirapan siyang makuha ang loob nito. Suntok sa buwan ata na mapansin siya nito. Masungit daw ito at masama ang ugali, sabi pa ng ilan sa mga napagtanungan niya.

She's an Ice Queen.

Hindi naman siya naniniwala sa mga sabi sabi. Para kasi itong isang anghel sa paningin niya. She looked gentle, kind and harmless, like someone who needed protection from this cruel world. And he wants to be the knight that will shield her from harm.

"Kung ako sa'yo pre, lapitan mo na. Wala kang mapapala kung tititigan mo lang yan."

Napatingin si Maverick sa bestfriend niyang si Gelo. Mukhang tama nga naman ito, kaso kinakabahan talaga siya. Ngayon lang siya kinabahan nang ganito. Magaling siyang pumorma sa babae pero bakit pagdating sa babaeng 'to natatameme siya?

"Ano? Dinadaga ka ba?" panunudyo pa ni Gelo.

Nagsisisi si Maverick na isinama niya ito. Ang laking istorbo tuloy sa kanya. Hindi siya makasilay nang maayos sa crush niya nang hindi ito nagsa-side comment.

Humugot muna si Maverick ng isang malalim na buntong hininga bago nagpasyang lapitan si Ciara.

'Bahala na nga si Batman,' bulong niya sa isip niya.

Dahan dahang lumapit si Maverick kay Ciara. Kumakabog ang dibdib niya, parang gusto na niyang umatras pero heto na siya. Sayang naman ang pagkakataon.

Umupo siya sa tabi ng dalaga. He cleared his throat, making sure that it will caught her attention but Ciara's eyes remained fix on the book she was reading. Parang hindi man lang nito naramdaman ang presensya niya.

"Hi," lakas loob niyang bati dito pero hindi man lang siya nililingon nito.

"Ahem," he cleared his throat once again. "Did it hurt, when you fall from heaven?"

Ginaya ni Maverick yung pick up line sa napanuod niyang vlog ng isang koryano. Effective ata dahil nilingon siya ng dalaga ngunit nakataas naman ang isang kilay nito.

"Ahm...hi?" He smiled inwardly.

Bigla namang tumayo si Ciara at isinara ang librong binabasa. Walang lingon na naglakad ito paalis. Napaawang ang bibig niya. Hindi siya makapaniwala na itinuring lang siya ng dalaga na parang hangin.

Malakas na humagalpak naman ng tawa si Gelo. Kulang na lang maglupasay ito sa sahig ng library. Mukhang enjoy na enjoy ito na makita siyang palpak sa pagda-moves niya.

Sa sobrang lakas naman ng pagtawa ni Gelo, nagalit tuloy ang librarian sa kanila. Pingot pingot nito ang tainga nila habang pinapalabas sa library.

*****

Binilisan pa ni Ciara ang paglalakad niya sa takot na baka sundan siya ng lalaki. Ilang linggo na niya itong napapansin na laging nandun kung nasaan siya.

Hindi naman siguro siya stalker?

Abot langit ang kaba niya kanina nang lumapit ito sa kanya pero nagpanggap na lang siya na parang bingi at hindi niya ito naririnig.

Kung tutuusin gwapo ang lalaki, pang matinee idol ang datingan. Pwede niyang maikumpara ito kay Ian Veneracion dahil ganung level ang kagwapuhan nito.

Muntik pa siyang matawa kanina nang marinig niya ang pick up line nito. Sobrang gasgas na. Halatang nagamit na niya ito sa ibang babae. Akala ata niya bibigay siya dito.

Maraming nanliligaw kay Ciara pero ni isa sa kanila, walang makatawid sa mataas na pader na binuo niya para sa sarili niya. Walang nakakatagal sa kanya at wala naman din siyang pake. Sarili lang niya ang mahalaga sa kanya at ang bunso niyang kapatid.

Nang maalala ang kanyang little Clionna, dumaan muna si Ciara sa isang store paglabas niya sa kanyang school. Bumili siya ng isang box ng donut para ipasalubong sa bunso niyang kapatid. Dinamihan niya ang strawberry flavor dahil favorite ito ng kapatid dahil sa kulay. Pink.

Paglabas ni Ciara sa store, umupo muna siya sa waiting shed para mag-abang ng taxi. Lumipas ang ilang minuto, wala pa ring dumadaan. May dumaan man, may sakay sakay naman ito. Napatingin siya sa relo niya, malapit na palang mag-alas syete. Nawili na naman siya sa pagtambay niya sa library kanina.

Napasandal na lamang si Ciara sa kanyang inuupuan. Naiinip na siya sa paghihintay. Unti-unti pang bumubuhos ang ulan. Mukhang minamalas pa ata siya ngayong araw. Wala na ngang masakyan, stranded pa ata siya. Ayaw naman niyang magpasundo sa daddy niya. Galit pa rin siya dito at hindi niya pa rin pinapansin ito. Hindi niya ibaba ang pride niya kahit na kailan.

Tila inuulan naman ng swerte si Maverick ngayon. Hindi na siya nagsayang pa ng pagkakataon nang makita niya si Ciara na nag-iisa sa waiting shed. Mukhang wala itong masakyan. Dali dali siyang nagdrive palapit dito. Wala namang masama kung susubukan niya ulit magpapansin sa babae. Gusto niya lang din mag-offer ng tulong kung sakali ngang nahihirapan na ito sa pag-aabang ng taxi.

'Sana wala nang dumating na taxi,' piping usal niya.

Hininto niya ang kotse niya sa tapat ni Ciara. Agad naman itong nag-angat ng tingin at pinagmasdan ang kulay blue niyang volkswagen beetle.

Gumuhit ang pagtataka sa magandang mukha ni Ciara, pero agad na napalitan yun ng inis nang magbukas ang bintana ng kotse na nasa harap niya at tumambad sa kanya ang mukha nung papansin na lalaki sa library kanina.

'What does he want?' tanong niya sa isip niya.

"Wala ka bang masakyan? Hatid na kita."

Tumaas naman ang isang kilay ni Ciara. Tinuruan siya ng magulang niya na huwag sumama sa estranghero kaya mariin siyang umiling iling bilang sagot dito. There's no way in hell that she will accept his offer.

"Look. I'm not a bad guy. Concern lang ako sa'yo. Palakas na nang palakas ang ulan. Mamaya lang babaha na dito, alam mo namang bahain sa lugar na 'to. Baka mapano ka pa o kaya magkasakit ka. Don't worry, my uncle's a cop, so you are really safe with me," mahabang paliwanag pa nito.

Convincing. But still no.

Hindi na lang pinansin ni Ciara ang lalaki. Palakas nang palakas na nga ang ulan. Umiihip pa ang malakas na hangin at nababasa na siya. Nasaan na ba ang mga taxi kung kailan mas kailangan niya?

"Sige na. Huwag ka nang mahiya," sambit ulit ng lalaki. Hindi na ito umalis pa sa harapan niya. Panay ang pagdaldal nito. Mas madaldal pa nga ata ito sa babae. Kanina pa nagpupumilit ito na pumasok na siya sa kotse niya.

Napabuntong hininga na lang si Ciara. Mahigit isang oras na siyang naghihintay. Binabaan na lang niya ang pride niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagpasyang tanggapin na ang offer ng lalaki.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at umupo sa front seat. Agad naman siyang inabutan ng towel ng binata bilang pamunas.

"Basa na ang kotse mo," bulalas na lang niya.

"It's okay. Matutuyo din naman yan."

Tumango na lang si Ciara. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag. Napakurap kurap pa ang lalaki nang bigla na lang nagflash ang camera ng cellphone ng dalaga.

"I'll send your pic to my nanny para alam niya kung sino ang kasama ko kung sakaling hindi man ako makauwi ng ligtas ngayon," walang emosyong saad ni Ciara.

Hindi naman inaasahan ni Maverick ang mga sinabi at ginawa ni Ciara. Napabulanghit na lamang siya ng tawa. Sobrang natutuwa siya dito.

This girl is really something. Mas lalo tuloy siyang nagiging interesado dito.

"Tatawa ka na lang ba o magdadrive ka o bababa na lang ako?" pagtataray pa ng dalaga.

Ngumiti na lang siya bago pinaandar ang makina ng sasakyan niya. Sumulyap pa siya dito ulit bago tuluyang magdrive paalis.

*****

Ito ang unang beses na sumama si Ciara sa isang estranghero. Mukha lang siyang matapang kanina pero ang totoo grabe ang kaba niya. Paano kung masamang lalaki ang sinamahan siya at dalhin siya nito kung saan tsaka patayin? Ayos lang naman sa kanya kung mamamatay na siya ngayon, kaso iniisip niya si Clio. Kawawa naman ang bunso niya kapag nawala siya.

Pasimple siyang sumusulyap sa lalaki. Pinapakiramdaman ang kilos nito. Wala pa naman siyang dalang pepper spray o kahit anong pangprotekta sa sarili sakaling may gawin nga itong masama sa kanya.

Ngunit lahat ng tension sa katawan niya ay nalusaw nang biglang magpatutog ang lalaki. Akala niya rockband ang patutugtugin nito dahil yun naman ang kalimitang hilig ng mga lalaki, pero nagulat siya na classical music ang pumuno sa tainga niya.

'Song Without Words'

Yun ang title ng piyesa na naririnig niya. She relaxed a little while listening to the music. Gumagaan talaga ang pakiramdam niya sa tuwing nakakarinig siya ng tugtog ng piano.

"Do you like it?" tanong ng lalaki.

Hindi na namalayan ni Ciara ang pagngiti niya.

"Yeah," tipid niyang sagot.

Gustong gusto nang sumuntok ni Maverick sa hangin. Para siyang nanalo sa lotto nang sumilay ang ngiti sa manipis na labi ng dalaga. Kung hindi nga lang siya nagmamaneho, baka nagtatatalon na siya sa tuwa.

Hindi siya mahilig sa classical music. Nakakaantok. Pero mula nang marinig niya ang pagtugtog ni Ciara, parang naging favorite na niya ito agad. Lagi na siyang nakikinig ng classical.

Iba na talaga ang tama niya sa babaeng to. Mukhang malakas na. At wala na siyang kawala mula sa pagkakabihag nito sa puso niya.

*****

"Thanks!"

Hindi na nagawang habulin ni Maverick si Ciara dahil nagmamadali itong bumaba sa kotse niya. Nagpahatid lang ito sa tapat ng subdivision nila at hindi na siya hinayaang makapasok pa. Magkaganun man, swerte pa din siya ngayong gabi.

Buong byahe man itong hindi umiimik, atleast nagkaroon siya ng time na makasama saglit si Ciara. Hanggang ngayon pakiramdam niya lumulutang pa rin siya sa alapaap. Muli niyang nilingon ang papalayong pigura nito bago nagdrive ulit pauwi na may malapad na ngiti sa kanyang labi.

Mag-aalas otso na ng gabi nang makauwi si Ciara. Grabe ang traffic dahil sa lakas ng ulan. Kung hindi siya sumabay sa lalaki kanina, baka hanggang ngayon ay nasa waiting shed pa rin siya at para nang basang sisiw.

"Ginabi ka na ata hija, basa ka pa. Magpalit ka na agad ng damit at baka magkasakit ka pa," salubong agad ng kanilang kasambahay nang pagbuksan siya nito ng gate.

"Dapat tinawagan mo ko para nasundo kita," sambit naman ng daddy niya.

Hindi niya napansin na nakasunod lang pala ito sa kasambahay. Kasama din nito ang step mother niya. Imbes na humalik sa pisngi ng daddy niya gaya ng nakakagawian niya, nilagpasan niya lang ito at dire-diretsong pumasok na sa loob ng bahay.

Nakaramdam naman ng panglulumo si Larry sa ginawa ng anak. Hanggang ngayon masama pa rin ang loob nito sa kanya niya. Hindi na niya alam ang gagawin para muling mapalapit dito. Para itong naglagay ng isang matayog na pader sa pagitan nila at hindi niya ito mabasag basag.

*****

"Ateeeeee, what's that?" masayang salubong ni Clionna kay Ciara nang pasukin niya ang kwarto nito. Nagshower muna siya saglit at nagpalit ng pantulog bago puntahan ang nakababatang kapatid niya.

Gising na gising pa rin ito at nakikipaglaro kay manang. Para talagang kiti kiti ang kapatid niya kung maglikot. Parang hindi nauubusan ng energy.

Lumuhod siya sa harap ni Clio para maging kalevel ito. Halos magtatalon ito sa tuwa nang makita nito ang donut na pasalubong niya. Lumipad sa kung saan ang pagod ni Ciara habang masayang pinagmamasdan ang kapatid niya.

She's really her precious gem. Ito na lang ang meron siya. And she will do everything para manatili lang sa tabi niya si Clio. She loves her little girl more than she loves herself.

Kung kinakailangang itali niya sa bewang niya ang kapatid, gagawin niya. Nang sa gayon ay hindi ito mawala sa kanya o maagaw pa ng iba.