-Present Day-
"Hay nako, bakla! Ang tagal mong gumayak ha! Buti na lang at may gwapo dito na kapitbahay nyo"
Napairap na lang ako kay Carlos.
Hindi pa rin talaga nagbabago 'to. Malandi pa rin. Charot.
Nagpaalam na lang muna ako kila mom na aalis na kami ni Carlos para magpacheck up ako.
-
3 years ago... yung treatment ko sa New York ay naging maayos naman. Hindi nila pwedeng basta-basta tanggalin yung bala sa ulo ko dahil nasa sensitive part pala ito ng brain ko.
At isa pa, natatakot din ako sa maging resulta dahil there's a 50% chance na makakasurvive ako. Besides, kaya naman daw sa treatment muna ito kaya halos isang taon muna kami sa New York tumira at nagtayo kami ng restaurant business namin doon.
Then this year lang ay napagdesisyunan na namin na dito na lang ako magpagaling sa Pilipinas. Tita Dahlia also recommend their own hospital at doon na lang daw ako magpatreatment, and I agreed!
-
"Mag-iingat kayong dalawa ha!"
"Ikaw Carlos, ingatan mo ang anak namin"
"Of course, Tito Lance. And it's Carla po huh?
C-A-R-L-A not Carlos it's so ka der der"
Natawa na lang kami sa inasta nya.
Wala pa ring nagbago sa kanya. Maarte pa rin at mas babae pa yata 'to sakin kung makaasta.
Kinuha ko na ang Cloche Hat ko. Nakasanayan ko na magsuot ng ganitong sumbrelo dahil feeling ko safe ako habang suot-suot ko ito.
May driver ako para raw makasiguro sila mom na safe kami kapag umaalis.
"Simula ba nung umuwi kayo ay nagkita na kayo ni fafa Damien?"
It's been 3 years since we last saw each other.
"No. Not yet. Tsaka sa 2 months na pagstay namin dito muli ay hindi ko pa sya nakikita"
"Well, destiny will find a way for the two of you kung para kayo talaga sa isa't isa"
Carlos is right.
Kung para kami talaga ang para sa isa't isa, unexpected things will happen for the both of us. Like destiny...
Napatingin na lang ako sa bintana saka tiningnan ang mga lugar na nadadaanan namin.
Ang dami na talagang nagbago dito sa siyudad. Mas dumami na ang mga nakatayong gusali, business, at marami na ring sasakyan kaya sobra ang traffic.
Habang nakahinto ang sasakyan namin ay tiningnan ko ang sasakyang katabi namin
OMG it is my dream car!
Actually it is OUR dream car. Damien and I plans to buy that car before.
It's 2017 Aston Martin DB11
Bagong labas sya nun 3 years ago kaya pinagplanuhan na namin na bibilhin namin iyon kapag nakaipon kami.
But i have no idea kung matutupad pa namin iyon since wala na ako masyadong balita sa kanya.
Ang huling alam ko lang ay ang pagiging Doctor nya sa sarili nilang hospital at pagmamanage na rin nito.
So he's already a Doctor and CEO at the same time.
Kaya nga ngayon ay ipinagdadasal ko na sana magkasalubong manlang kami sa hospital nila pero nasabi sakin ni Tita Dahlia na mas prioritize nito ang bagong tayo na Hospital na nasa Tagaytay dahil mas gusto nya ang magstay doon kaysa dito sa Manila.
"Huy bakla, kanina ka pa napapabuntong hininga ah. May problema ba?"
"Wala, may naalala lang ako"
"Si Damien na naman noh? Paano kaya kung puntahan natin sya sa Tagaytay?" napatingin ako kay Carlos dahil sa suggestion nya pero sa huli ay nalungkot ako
"Hindi tayo papayagan nila mom and dad"
"Bakit naman? Akong bahala kila tito at tita"
"Alam mo naman na bawal sakin ang magpupupunta sa kung saan-saan diba? Tsaka delikado sa panahon ngayon"
"Hay nako bakla. Hindi naman kita pababayaan. I just want you to be happy.." napangiti ako sa sinabi nito saka sya niyakap
"Thank you, bes Carla" natawa ako nang bigla syang matigilan. Minsan ko lang kasi syang tawagin sa gawa-gawa nyang nickname
"You called me Carla! OMG i love you na talaga bes hihi"
Bago umandar ang sasakyan ay umisang tingin akong muli dun sa Aston Martin car.
But when I looked at it, the driver slowly opened the window..
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Damien is the driver of that Aston Martin!
"C-carla..si Damien. S-sya y-y-yun" nauutal ko pang sabi saka kinakalabit sa tabi ko si Carlos habang hindi ko tinatanggal ang tingin kay Damien
He's here. I saw him.
Is this destiny?
Nagkita kami sa isang unexpected way.
Sana maulit pang muli.
I'm so happy for him dahil finally ay unti-unti na nyang natutupad ang mga gusto nyang gawin.
Pero nang gawin nya ang mga wishlist na yun ay nasa tabi nya ako, magkasama kaming nagppromise sa isa't isa. Pero ngayon, sya na lang mag isa ang tumutupad no'n.
"Si fafa Damien? Nasaan?"
"There" itinuro ko ang sasakyan nya pero agad nyang isinara ang bintana dahil hindi ko namalayan na naka go signal na pala.
"Sya yun? For real? Baka namamalikmata ka lang dahil sobrang miss mo na sya?"
"No. I'm sure that he is Damien. Tsaka bakit mo naman nasabi na namamalikmata lang ako?"
"Kasi diba nasa Tagaytay sya"
Natigilan ako sa narinig at napayuko.
Oo nga pala. Wala sya dito sa Manila.
"Pupuntahan naman natin sya bes. Don't worry" i nodded at him
Walang gana akong sumandal at umayos ng upo sa pwesto ko.
Tinanaw kong muli ang mga nadadaanan namin papuntang Sevilla Hospital.
Sana si Damien na lang yung nakita ko kanina.
Hindi ko namalayan na huminto na pala si Mang Fernan at nang tumingin ako sa labas ay nandito na pala kami.
"Bes nandito na tayo. Tara na?"
Bumaba na kami pareho ni Carlos saka agad kaming pumasok at dumiretso sa sa loob.
***
"It's all good naman, Ms. Echavez. You're taking your medicines right. Tsaka wala naman akong nakikita pang problem nang i-CT Scan natin sya kanina"
"Uhmm Doc. Sancho Vasquez. Pwede ko po bang ipasyal itong kaibigan ko sa Tagaytay? Like bonding ganun"
"Pwede naman"
"Ano po yung mga bawal at pwedeng gawin ko?"
"Avoid na lang siguro sa pagsakay sa rides kung pupunta kayo sa Skyranch doon. I suggest na mag enjoy ka na lang muna sa climate at view doon. Kapag kasi sumakay ka sa rides sa Skyranch Tagaytay kung pupunta man kayo, maraming possible na mangyari sayo, delikado. Basta ingatan mo lang ang ulo mo"
"Thanks doc! I'll take care of my beshy naman hihi"
"Sige Carlos, ingatan mo 'yang si Madelaine" pagkasabi ni Doc no'n ay umalis na agad ito dahil may appointment pa.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa tinawag ni Doc kay Carlos
"I'm wearing a girl ootd and do a amke up for him pero Carlos pa rin tawag nya sakin? Nasaan ang justice?! Huhuhu.."
"Ayos lang 'yan bes. Di ka nya tanggap" kinurot nya agad ang braso ko kaya napa aray ako
"Bwisit kang bakla ka! Ang pino mo mangurot ha!"
Dumiretso na kaming bumaba pero nag aya pang pumunta sa cafeteria si Carlos. Bibili muna sya ng inumin nya.
Habang naghihintay ako ay pansin kong marami nang tao dito sa cafeteria. Sabagay, lunch time na rin.
Inabala ko muna ang sarili ko sa pagcecellphone hanggang sa may nagpatong ng tray sa harapan ko.
Patuloy ako sa pagscroll pero nagsalita na lang ako..
"Gutom ka bes? Kala ko ba inumin lang bibilhin—"
Natigil ako dahil nang mag angat ako ng tingin ay hindi si Carlos ang nasa harapan ko kundi si Damien!