webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Sejarah
Peringkat tidak cukup
98 Chs

XLII

Juliet

"ANO????" Gulat na tanong ko at as usual, tinawanan lang ako ni Niño.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng punong molave na inukitan ni Niño. Nasa loob lang ito ng hacienda Enriquez pero malayu-layo sa mansion.

"Bakit mukhang gulat na gulat ka? Noong nakaraang linggo ka pa pumayag na magpakasal sa akin, hindi ba?" Pang-asar na tanong ni Niño at sumisilip na naman ang pilyo niyang ngiti na halos isang linggo ko na ring nakikita.

Simula nang pumayag akong magpakasal sa kaniya eh nagsimula na ring lumitaw 'yang pilyo niyang ngiti. Hay nako, mga lalaki talaga humahangin bigla kapag nakuha na ang gusto nila.

"Pero Niño, sinabi kong magpapakasal ako sayo KAPAG bumalik ka mula sa gyera." Paglilinaw ko dahil INANNOUNCE NA NIYA SA ENRIQUEZ FAMILY NA IKAKASAL NA SIYA, GHAAADD!!!

"Kung hindi ko sinabi sa iyong nasa gyera tayo ngayon, malalaman mo ba? Ramdam mo ba?" Tanong niya at umiling-iling naman ako bilang sagot.

"Ito ay dahil walang ginagawang kahit anong paghahanda ang kampo ng Señor Presidente. Ang lahat ng mga pagpupulong at pagdedesisyon ay nauuwi lang rin sa wala sapagkat mas nananaig ang mga pansariling interes ng gabinete. Nais nilang makipagtulungan sa mga Amerikano para sa magiging pakinabang nito sa kanila at ang punto ko ay matagal-tagal pa ang digmaan kaya nais kong simulan na agad ang mga araw na gigising akong kasama ka." Saad niya na nakatingin nang diretso sa akin. Ramdam ko ang seriousness niya sa bawat salitang binitawan niya kaya hindi ko na siya kinontra.

"Okay—este—sige. Basta... hayaan mo akong humanap ng tyempo para sabihin kanila Ama at Ina." Sagot ko.

"Hindi na kailangan, binibini sapagkat alam na nila."

"ANO?????!!!!"

"Sa katunayan ay magkakasama sila ngayon sa aming tahanan upang pag-usapan ang kasal. Maaaring mamaya ka nila kakausapin o bukas at siguro'y pinag-uusapan na nila ang petsa ng pamamanhikan at kasal sa mga oras na ito." Sabi pa niya.

O. My. Ghad.

Anong sasabihin ko kanila Ama at Ina??? Ano nalang ang sasabihin nila sa akin? Isang maharot na anak na hindi man lang nagpaalam na magpapakasal na at NI HINDI MAN LANG TINANONG KUNG PWEDE NA BA AKONG MAGPAKASAL HUHU LORD HELP ME.

"Hindi ako sigurado kung maayos ba ang nagiging pag-uusap nila ngayon kaya't... sasabihin ko na ito sa'yo." Simula ni Niño kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya.

"Kung sakaling hindi nila pahintulutan ang kasal ay itatanan kita." Saad niya at hindi naman ako agad nakarespond.

Hindi ko alam kung nag jo-joke lang ba siya o hindi dahil kalokohan na naman 'tong pinagsasabi niya pero hindi kasi siya nakangiti, nakatingin lang siya nang diretso sa mga mata ko.

"Juliet, seryoso ako nang sabihin ko sa'yong ikaw lang ang nais kong makasama habang buhay at handa akong gawin ang lahat para sa nais kong ito lalo na't pinahintulutan mo akong pakasalan ka." Aniya.

"Pero hindi kita pinahintulutang itanan ako, duh??" Mataray na sabat ko kaya bigla siyang natawa.

"Itatanan pa rin kita kung umabot man sa ganoong sitwasyon." Saad niya.

"Pero sa tingin ko naman ay hindi."

Nakatingin si Niño sa malayo habang sinasabi 'yung huling mga salitang lumabas sa bibig niya, mukhang may dinudungaw siya na dahilan para mapangiti siya kaya naman tumingin ako sa direksyong tinitignan niya at nagulat nang makita si Kuya Ernesto (naks nakiki-kuya na ako HAHAHA!) na nagwawagayway ng puting bandera.

Omyghad, teka! GYERA NA BA??!!!

"Niño! Bakit nagwawagayway ng bandera si Padre Ernesto?? Inaatake na ba tayo ng mga Amerikano???" Nagpapanic na tanong ko pero agad din naman na akong kumalma nang bahagyang matawa si Niño sa narinig niya mula sa akin.

"Ang ibig sabihin niyan ay nagwagi tayo." Nakangiting saad ni Niño.

"Nanalo tayo sa gyera?" Kunot-noong tanong ko.

"Nanalo tayo sa pagkuha ng basbas ng iyong ama't ina." Nakangiting sagot niya na mukhang natatawa pa rin sa akin pero napipigilan niya.

Gahd.. ngayon ko lang narealize na mukha nga akong tanga huhu! First of all, pari si Kuya Ernesto kaya bakit naman siya magno-notify kung may sumusugod na, ano ka ba naman Juliet! Nakakahiya ka talaga!

Pero teka... nanalo sa pagkuha ng basbas... sa kasal ba?

"Matutuloy ang ating kasal, binibini." Wika ni Niño kaya napalingon ako sa kaniya. Nakaukit sa kaniyang labi ang matatamis niyang mga ngiti na as usual, nakakatunaw sa puso ko.

Ewan ko ba, napaka-genuine talaga ng ngiti niya na mahahawa ka nalang din talaga sa pag-ngiti. Ang lalim pa ng dimple sa left side, kagigil!

"Halika na't pumunta sa aming tahanan, binibini." Lahad ni Niño ng kamay niya upang alalayan ako sa pagtayo.

Pero teka, tahanan? As in tahanan nila??!! Omyghad hindi ba't nandoon sila Ama at Ina?? Baka makalbo ako huhu no way!

"Huwag kang mag-alala't pumayag na nga sila." Assurance sa akin ni Niño dahil mukhang nahalata niyang kinabahan ako.

Oh well... ano pa bang magagawa ko 'di ba?

Inabot ko ang kamay ni Niño at tinulungan niya akong tumayo atsaka kami nagtungo sa bahay nila.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts