webnovel

Call Center Agent: SANYA

CALL CENTER SERIES #1 As a call center agent, they have the job to help customers with their inquiries and answer their question. And for five months of working, Sanya Lacson has always been on top of her game. Whilst, she didn't expect that on one unfortunate call, her life will get tangled with the CEO of the company she work with. The CEO named Justin Klein Cordova. all rights reserved 2020

misseuright · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
7 Chs

Chapter 3

SANYA

"...Yes, Sir. I've already settle the credits that should be on your account. So, all in all you don't have anything to worry anymore, okay?"

Sumimangot ako saka inambahan na susuntukin ang monitor.

"Okay. That's a big help."

Napaingos ako sa sagot ng customer. Big help mo mukha mo, lahat na ng way ginawa ko punyemas ka!

I smiled para lumabas na mahinahon at masigla ang boses ko kahit nagngingitngit na ako sa galit. "A'right. Is there anything else that I can help you with—" Napatigil ako sa pagsasalita dahil naputol na ang tawag.

"Bwisit kang matanda ka, kukuha kuha ka ng package na yon tapos ayaw mong bayaran, may papacredit ka pa. Bwisit." Bulong ko. Buti na lang di ako naka-auto in kaya di ako agad napasukan ng call.

"Gigil ka na naman dyan."

Napalingon ako sa nagsalita, it's Alleya, my co-team member. Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Gago kaso yung customer na yon, parang tanga."

Umiling-iling ito saka sinuot uli ang headset niya. "Hay nako, araw araw naman may ganyan. Masanay ka na." Shepressed something on her avaya, second later ay may kausap na siyang customer.

Nagkibit balikat ako saka nag-type to put documentation sa account. Napatingin ako sa oras and realize that it was 12:45 am already.

First break ko na pala!

I aux short break and take my 15 minute break. I grab my tumblr and close my PC's monitor. Nagpaalam ako sa coach na pupunta akong pantry to grab some snack.

Habang naglalakad palabas ng production floor, from our bay ay madadaanan ang account office kung saan ginaganap ang mga meeting, or some stuff sa loob ng prod. At this moment, mukhang may meeting na nagaganap sa loob.

At the couches, inookupa ito ng mga operating managers, while the man who is speaking at the middle was...

Justin Klein Cordova.

I continue staring at his well built body while passing by the aisle. I couldn't be more satisfied with the view since the room was a transparent glass yet a soundproof one.

Tingnan mo nga naman ang siraulong Cordova na yan, he has well built body. From his age na 25 ay hindi na masama. He has this dashing fierce black eyes, shinning and soft looking black hair, at ang mukha niya talaga'y makinis! Parang naka-rejuv!

Kung delusional lang ako or mapang-imagine masyado katulad ng mga katrabaho ko, I'll think that we are meant to meet each other.

But no, meeting him is kind of a nightmare. Geez.

Until I was going to passed the room when his eyes met mine. Nanlaki ang mata ko saka napaiwas ng tingin.

Nagmamadali kong tinungo ang pintuan palabas ng prod. Nilabas ko ang production badge para makalabas, the guard came and check me if I have production tools with me. After I was checked, I went to the elevator. While waiting for the elevator to arrive, I scan the place. Medyo creepy kasi ako lang tao ito ngayon, medyo malayo din dito sa elevator yung pinto ng prod at yung Comfort room.

After a minute or two, I went inside the elevator and choose the 9th floor where one of the pantry is located.

After a minute, I arrived at the floor and went out of the lift. A quiet floor welcomed me. May mga tao, pero iilan lang sila. Naglakad ako papalapit sa food station para mamili ng pagkain pero wala akong matipuhan kainin kaya nagtungo na lang ako sa vending machine.

"Wala naman matinong makain dito..." I heaved a sighed and decided to have a cup of instant noodles.

I grab my money at pinasok ito sa vending machine, only to be brought back to me. "Ay ang arte! Tsk!" Bulalas ko saka muling pinasok ang pera dito, pero iniluwa ito muli ng makina. Napakunot ang noo ko. Problema nito?

Kinuha ko muna ang pera ko saka pinokpok ng pinokpok ang gilid ng vending machine. "Gumana kang gaga, nagugutom na ako!" Maktol ko saka pinalo uli ang gilid nito. I look at my wrist watch, I still have 10 minutes to eat.

Sinubukan ko muling ipasok ang pera ko pero iniluwa ulit yon. "Aish!" Nainis na sigaw ko. Buti na lang walang tao dito, kundi mapagkamalan na akong nababaliw dito.

Napairap ako sa kawalan.

"Bwisit kang vending machine ka! Dapat sayo tinatapon—

"Even talking to a lifeless machine is your job, huh?"

Napalingon ako sa nagsalita. That cold yet husky voice caught my attention. His playful smile and eyes met my sight.

"S-Sir..." I stutter and suddenly get ashamed of what I am doing earlier. Iniisip ko kung anong gagawin ko, kung bibili pa ba ako ng pagkain o aalis na lang at babalik sa prod. Total, ilang minuto na lang ang natitira before I even had my meal.

Mas lalo akong napalayo ng vending machine ng humakbang siya palapit dito. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo, he looked at me kaya napaiwas ako ng tingin. On my periphal vision after me, he then eyed the vending machine.

"Such a crappy food." He hissed. Problema nito?

Napakibit balikat ako at napagdesisyunan na bumalik na ng prod. Magpapaalam pa ba ako o wag na?

Ah! Parang tanga. Pati simpleng bagay pino-problema ko!

I mentally shook my head and decided to just walk away.

Humakbang na ako paalis ng lugar na iyon when his voice suddenly filled my ears. Damn seductive voice. Kung di lang siya masungit baka jinowa ko na to.

Charot lang, yari ako sa nanay ko kapag nagkataon.

"Wait." I felt his presence getting near me! Heto na naman si puso, parang may karera sa bilis ng tibok. Huminga ako ng malalim.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "Yes, Sir?"

Congratulations, Sanya! Di ka nautal!

"You will eat right? Why leaving?"

Napatanga ako. Duh, short break lang meron ako. "Ah, matataposna break ko."

Tumaas ang kilay niya. "So?"

Napaingos ako. "So, Sir kailangan ko ng bumalik or else ay ma-co-call out ako for over break. Okay?"

Pero mukhang matigas talaga tong lalaking to. "I don't care. You'll eat with me. You're my slave, remember?"

Huh?

Kailan niya pa ako naging alipin?

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis dahil sa narinig. "Hoy, lalaki! At kailan mo pa ako naging alipin? Sabi mo assistant, so more likely ang trabaho ko ay i-assist ka lang like kung may meeting ka, or what here on this building. Hindi A.LI.PIN!"

Nngumisi ito lalo saka umiling-iling, like he is disappointed with what I said. Nako, tusukan ko siya dyan eh.

He walk towards me, pero di ako nagpatinag at nanatiling nakatayo sa harap niya. He took two step forward and suddenly bend his face, fortunately I was able na ilayo mukha ko, or else baka...

Arrrg!

He smirked at me while looking intently in my eyes. He's like figuring something out.

"Whatever, Ms. Lacson."

He held his face away from me and walk passed my position.

"Buy me coffee at starbucks. Bring the coffee after five minutes at my office."

Anoooo?

Jusko, ang layo ng starbucks dito! Mas lalo akong male-late!

Napalingon ako kung saan dumaan ang bwisit na lalaking yon!

Antipatiko na nga, sabog pa!

"Bwisit ka talagang lalaki ka!" Nanggigigil na sambit ko habang nakakuyom ng mahigpit ang mga kamay ko.

I can't believe that guy is a well known business tycoon!

Bwisit, kung di ko lang boss yon baka pinatulan ko na yon.

Napatingin ako sa vending machine saka ito dinuro. "Kasalanan mo ang lahat ng ito!"

Saka ako nagmartsa paalis ng lugar na iyon.