webnovel

Prologue

Bilisan mo na paandarin mo na tong sasakyan mo!!Papatayin nila Tayo!! - tinig ng isang takot na takot na lalake. "Eh sino ka ba? At talagang dito mo pa napiling magtago?? Idadamay mo pa ako? - pagtataka ng isang lalaki. "Wala na akong makitang paraan sige na kahet ibaba mo na lng ako sa susunod na bayan, wag mo lng ako iwan dito. Pakiusap. Nanganganib ang buhay ko...." hindi pa man natatapos sa pag sasalita ang lalake ay agad na silang nakadinig ng Putok ng Baril. "Bang!!!" Patungo ang bala sa kanilang direksyon at natamaan ang salamin. "Hoooy!! Ano yun ah!!! - pagtataka ng isang lalake. "Sige na paandarin mo na, bago pa nila tayo paulanan ng bala dito!!" Pamimilit ng isang lalaki.

Maya maya pa ay naaninag na nila sa kanilang salamin na papalapit ang mga armadong lalaki ngunit balot ng tela ang mga mukha. "Oh my god!" Sa takot ay biglang naapakan ng lalaki ang sasakyan at agad na humarurot ng alis. May nakaharang pa sa kanilang, dadaanan ngunit hindi niya ito napansin. Sumabit ang kabilang salamin dahilan para masira ito.

Habang sila ay papalayo pinapaulanan sila ng Baril ng mga armadong lalake, tila nakikipag karera naman ang sasakyan ng dalawang lalake sa pagmamadaling makaiwas sa mga bala.

"Habulin niyo yun. Lagot tayo kay General kapag di natin naabutan yun. " tinig ng isang armadong lalaki na tumatayong lider din ng grupo.

Agad silang sumakay sa mga sasakyan. At hinabol ang sasakyan ng dalawang lalaki.

"Sino ba ka ba ha? At bakit ka ba hinahabol ng mga yon? - tanong ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan ata halos paliparin na ito sa pagmamaneho. "Mahabang kwento basta ang alam ko, papatayin nila ako, at malamang ikaw na din dahil nakilala ka nila, at alam nilang ikaw ang kasama ko." Sagot ng isa pang lalakinh nakahiga na sa upuan maiwasan lang ang mga balan ibinabaril sa kanila. "Wow kapal mo ah! On the spot damay ako? Eh ikaw itong walang sabi sabing pumasok dito sa sasakyan ko eh. Ikaw naman ang hinahabol nila eh kung tadyakan na lang kita palabas ng pinto at iwan diyan sa gilid ng kalsada. Malamang ikaw naman ang hahabulin nila hindi ako! - tinig ng pagkainis ng lalaken nagmamaneho,

"Hoy! Ano ka ba? Kahet ihulog mo ko sa bangin hahabulin ka parin nila. Sa tingin mo ba ganun ganun lng yang mga yan? Eh mga halang ang kaluluwa ng mga yon kahet sino papatayin ng mga iyon. - pangangatwiran ng lalaki. "Wow really? So nandamay ka pa nga? Napaka bwisit mo rin eh noh. Alam mo bumaba ka na. - pilit na inaabot ng ng lalaking nagmamaneho ang pintuan ng kotse at pilit na pinabababa ang lalaki. " hoyy! Teka ano ka ba? Baba ako pero wag naman sa gantong sitwasyon - pamimilit ng lalaki. "Wala akong pakialam at wag mo kong idamay sa problema mo..." sagot ng lalake. Pilit niya pa ring inaabot ang lock ng kotse para bumukas eto. Dahil dito pagewang gewang ang kotseng sinasakyan nila. "Uy! Ano ka ba? Umayos ka nga maaksidente pa tayo sa ginagawa mo oh.." - pamimilit ng lalake - "Wala akong pakialam, bumaba ka na!!!" Sagot ng lalaking nag mamaneho! Patuloy sa pag gewang ang kanilang sasakyan.

Lingid sa kaalaman nila, nakasunod na ang mga armadong lalaki, at na tyempuhan ng isa sa mga ito ang gulong ng kanilang sasakyan. Dahilan para mawala sa preno ang sasakyan. "Oh shit! - sigaw ng nag mamanehong lalaki, "Bwisit nakasunod pala sila, ikaw kase pinipilit mo pa akong bumaba eh alam mo ng nag mamaneho ka oh. Sabi ng sa susunod na bayan ako bababa.! - sagot ng lalaki You Shut Up!!!!! Sabay suntok sa lalaki. Isa pang baril ang kanilang nadinig at sa pagkakataong ito natamaan na ang likod na bahaging salamin ng kotse. Dahila para ito ay mabasag.

Patuloy pa din sa pag gewang ang sasakyan hanggang hindi na ito mapigilan ng nag mamaneho. "Shit shit shit!!!!" - pag mumura nito. Maya maya pa ay nawalan na ito ng control sa sasakyan. At habang mabilis ang kanilang pag mamaneho, ay di nila namalayang may makakasalubong silang truck. Ito ay kanilang naiwasan ngunit sila ay napunta sa bahagi ng kalsadang may bangin. Tumama muna ang sasakyan sa puno, bago ito tuluyang mahulog sa matarik na bangin. Dumausdos ang sasakyan sa mga puno't dahon.

Nakita ito ng mga armadong lalaki at agad hininto ang kanilang sasakyan. Pinaulanan nila ng bala ang lugar kung saan bumagsak ang kotse sa pag sisigurong patay ang dalawang sakay nito. Hindi na din nila matanaw ang sasakyan sapagkat nababalutan ito ng mga makakapal ng puno at dahon.

Maya maya pa ay, may nakita silang lumiliyab at isang malakas na pagsabog ang kanilang nakita. Ito ay ang sasakyang sakay ang dalawang lalake.

"Huh, areglado na to kay General, sa lakas ng pagsabog na yan malamang abo na yung mga sakay niyan. Tayo na!"

At tuluyan ng umalis ang mga armadong lalaki, habang nilalamon ng apoy ang sasakyan.

-----