webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · perkotaan
Peringkat tidak cukup
46 Chs

Chapter Nine

"Okay class, it's time to select our representative for the upcoming Prom Night" deklara ni Mrs. Alvarez, ang homeroom teacher nila.

Next month na ang Junior & Seniors Prom nila, one of the biggest events in the campus that everyone is looking forward to.

"Anyone wants to nominate?" tanong ulit ng guro. Ilang mga kaklase nilang lalaki at mga kababaihan ang sabay sabay nagsipag taasan ng kamay.

"Yes, Mr. Santos?" the teacher pointed at one of the students.

"Ma'am, I nominate Ms. Louise Saavedra as our class representative for Ms. Prom!" nagkaingay ang klase, everyone cheering and supporting the nomination.

Sa totoo lang, hindi naman siya mahilig magsasali sa mga ganitong contest, kahit pa nga mula elementarya ay ilang ulit na rin siyang napilitang sumali dahil lagi siyang nano-nomenate bilang muse ng klase.

"Okay" isinulat ng kanilang teacher ang pangalan niya sa black board "any other nominations?"

Leana, one of the girls in Marcie's "mean girls" squad stood up and nominated Marcie. She almost wanted to roll her eyes. Marcie was acting as if hindi nito alam na ino-nomenate siya ng kaibigan. Whatever. Marcie can have it. Hindi naman siya interesado. There were still a few names nominated before the whole class voted. Out of the 4 names, it narrowed down sa kanilang dalawa ni Marcie. She almost wanted to tell her classmates not to vote for her,

but that would make her look arrogant kaya't nanahimik na lamang siya. In the end, she won in the voting. Landslide. Siguradong lalong magpuputok ang butsi nitong malditang to sa kanya. The class also voted for a male representative para maging "Prom King", and Arthur Atienza won. Well, he deserved it. Ito naman talaga ang pinaka may hitsura sa kanilang klase.

After class, ipinaiwan silang dalawa ni Mrs. Alvarez to debrief them kung anong kailangang gawing preparations. This is like a full-on beauty contest.

Iniisip pa lang ni Louise ay na e-exhaust na siya. There will be rehearsals after school and even on the weekends! Ipinaliwanag sa kanila ni Mrs. Alvarez na 50% ng score ay manggagaling sa talent portion, swimsuit and evening gown competition at question and answer, habang ang natitirang 50% ay

galing sa boto ng buong eskwelahan.

"It looks like we're gonna be spending more time together from here on, Louise" nakangiting sabi sa kanya ni Art habang palabas sila ng silid matapos ang briefing na ang tinutukoy ay magiging mga rehearsals nila. Bilang mga representative ng section nila ay sila ang magkapareha.

"Looks like it" nakangiting tugon niya.

Art has always been friendly and polite. Laking pasasalamat niya na hindi ang preskong si Justin Timoteo and nanalo, kung nagkataon ay hindi niya alam kung paano niya matatagalan ang makatrabaho ito. Justin courted her once, at ito na ang pinaka mayabang at feeling poging lalaking nakilala niya.

Like a routine, library ang punta niya kadalasan paglabas ng klase. Well, not to read books or study but to meet Gael. Gusto niyang mapahiya na ginagawa nilang "dating" place ang library pero sa ngayon ay hindi pa niya kayang maging public sila dahil hindi pa rin niya alam kung paano ipaliliwanag sa ama. Knowing how strict and conservative her dad is, natatakot siyang pagbawalan nito at maputol ang relasyon nila.

It seemed like only yesterday when Gael first kissed her, but it's been 4 months now. 4 months na pala silang mag nobyo. So far so good. It's been the happiest 4 months of her life. Gael is a perfect gentleman, although may pagka seloso at possessive ito kung minsan.She discovered so many things about Gael, mga bagay na hindi mo aakalain from him kung hindi mo ito kilala ng lubusan. Kagaya na lamang na napaka thoughtful pala nitong tao despite the bad boy image. Bagaman sinabi na nito sa kanya na ikatutuwa nito kung hindi na nila kailangang itago ang namamagitan sa kanila, naging

understanding ito sa kanyang sitwasyon at rason kung bakit hindi pa niya magawang ibunyag sa lahat ang relasyon nila.

"sweetheart, hindi na ako makapag intay na masabi ko sa buong Sta. Martha na akin ka. That Louise Saavedra is my girl" minsang sabi nito sa kanya habang nasa cafeteria sila. Kapag breaks ay nakakapag sabay naman sila sa cafeteria dahil madalas ay kasama nila si Cindy, kaya kahit paano ay hindi pa rin sila agad matsi-tsismis ng mga makakating dila sa campus.

She sweetly smiled at him bago hinigop ang iced tea niya "saglit na lang naman at graduation na, I promise, sa graduation, pwedeng pwede na"

"Hay nako ang sweet niyo naman! baka naman langgamin kayo niyan!" sabat ni Cindy habang inilalapag ang tray ng pagkain nito sa mesa nila.

"ikinakahiya yata ako niyang bestfriend mo Cindy eh"

"Sus! kung alam mo lang Gael, patay na patay sa'yo yan!"

"Bes!" she complained. Medyo napahiya sa sinabi ng kaibigan. Totoo namang patay na patay siya sa nobyo pero siyempre, hindi naman niya gustong sabihin dito. Ni hindi pa nga nito sinasabing mahal siya nito,

Humagikgik si Cindy "bakit ba kasi hindi pa kayo mag out, nahihirapan tuloy kayong lagi akong kasabit sa mga lakad niyo eh"

"We enjoy having you around!" katwiran niya.

Pinaglipat lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Gael "really?" sarcastic na tanong nito at saka kumagat ng burger.

Nagkatawanan na lamang sila. Truth be told, syempre maraming mga pagkakataon na gusto nilang dalawa lang sila, kaya nga library na ang naging tagpuan nila for now. Konting tiis na lang naman, graduation na in 3 months. Hustong maka graduate siya, whether her dad likes it or not, she will tell the whole world that she is Gael's woman.

She is so looking forward to graduation, sabay silang ga-graduate ni Gael, ito ay sa kursong Engineering, at siya naman, high school. She couldn't wait for the day na legal na sila. She's planning to do so many things with him, kagaya halimbawa ng sumama dito on his motorbike at mag libot sa karatig bayan ng Sta. Martha o kaya naman ay yung simpleng dinner date sa isa sa mangilan ngilang restaurant sa bayan. Simple things na gingawa ng mag nobyo na hindi pa nila nagagawa dahil nga nagtatago pa siya.

"You're late" si Gael. Halatang bored na ito sa kakahintay sa kanya. She glanced at her watch, yes, he's right, she's almost an hour late. Tinext na kasi niya ito kanina na huwag na siyang hintayin pero hindi ito pumayag.

"Sabi ko naman kasi sayo kanina bukas na tayo magkita eh" she answered while sitting down from accross him.

"I can't let a day end without seeing you, sweetheart" he gave her a charming smile.

She touched his cheeks "sorry na po. May after class meeting kasi para sa Prom King and Queen representatives eh" paliwanag niya.

"I'm not surprised at all na ikaw ang napili. Ikaw naman talaga pinaka maganda sa buong SMU" nasa boses nito ang pagmamalaki

"hmp, sabi mo lang yan kase maha-" hindi niya naituloy ang sasabihin. Right. Hindi pa nga pala sinasabi nitong mahal siya nito. Yes, he told her numerous times that he likes her very much pero hindi pa nito binibigkas ang salitang 'i love you' sa kanya.

"...anyway, kami ni Arthur ang representative ng klase" pag iiba niya ng topic.

Tumango tango ito "so, madalas kayong magkasama niyan?"

"Kailangan eh. Madaming rehearsals"

Nakita niyang tumiim ang bagang nito. Kilala niya si Gael. Kahit gaano ito kaguwapo, he is the jealous type.

"Wala ka pong dapat ipag selos, Mr. Aragon" natatawang sabi niya.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka popormahan niyan, kung hindi baka samain siya sakin" seryosong sabi nito.

When he uses that tone and that expression on his face, he can be very intimidating. Lalo lamang nabibigyang justice ang pagkakaroon nito ng bad boy image. She heard that Gael was known sa kabilang unibersidad na pinanggalingan nito as someone you won't want to mess with. Ito yung tipo ng taong

walang pakialam sa estado mo sa buhay, he won't shy away from a fight, lalo na kapag nasa tama ito. Matunog din ang usap usapan na playboy daw ito .

Sa totoo lang, hindi naman niya na sense ito from Gael. Sure, there are always girls na nagpapapnsin dito pero hindi naman niya ito kinakitaan kahit kailan ng interes. She had asked him about the past relationships he had and he was honest in saying that most of them were just flings at hindi seryoso.

According to him, she's the second girl na nakarelasyon nito ng may label. His first girlfriend was the girl with him in the picture na nakita niya noon sa silid nito. Magkababata raw ang mga ito but the family migrated to the US 5 years ago, at dahil parehas pa raw bata ang mga ito noon, the long distance relationship did not work. She couldn't help feeling a little jealous na naka display pa rin sa silid nito ang larawan, pero minabuti niyang manahimik na lamang. That girl was his past and she is his present, no comparison needed.

Ang sumunod na buwan ay lubhang naging abala para kay Louise. Sa halos araw araw na paghahanda para sa patimpalak ay halos wala siyang naging oras upang makasama ng mas matagal ang nobyo. She's can only be glad na sa wakas ay sumapit na ang gabi ng prom.

Louise took one last look at the mirror and inhaled deeply. Nasa backstage pa sila at naghihintay tawagin para i-anunsyo ang bagong Prom King & Queen ng SMU para sa taong ito. She was wearing a light pink off-shoulder, mermaid cut satin gown. The gown hugged her curves perfectly, lalong na emphasize nito ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Her hair was pulled up in a bun, while a few strands was left loose framing her face for a softer look.

"...and now, for the moment you have all been waiting for..." anunsyo ng MC ng gabing iyon. Binuksan nito ang hawak na envelope. Excitement filled the air.

There were a total of 12 female and male candidates for that evening, each representing their sections. Iginala ni Louise ang mga mata sa buong

stadium na iyon, trying to find a certain person. Ngunit bigo siya. Ni anino ni Gael ay hindi niya nakita. Hindi niya maitago ang disappointment, kahit pa alam niyang hindi nito nagustuhan na interpretative ballet dance ang talent niya for that evening, inasahan pa rin niyang pupunta ito.

Hindi naman niya kasi inasahan na isa pala sa requirement ng contest ay kailangan na collaboration between partners ang talent ng mga kalahok. Art is unfortunately abyssmal in singing but he was a terrific dancer, at siya naman ay marunong mag ballet. Their adviser came up with an

interpretative dance idea that everyone thought was fantastic. They were also running out of options, wala silang magiging talent presentation for their class and that would be embarassing. Gael didn't like it, lalo na at may pabuhat buhat pa raw ang sayaw. In the end, napapayag din niya ito, kahit pa nga

sinabi nito sa kanya na hindi nito alam kung makakapunta ito sa gabi ng patimpalak.

"...your 2010 St. Martha University Prom King and Queen are..." sabik na sigawan ng mga tao ang maririnig. "...Mr. Arthur Atienza and Ms. Nina Louise Saavedra!" dumagundong ang nakabibinging palakpakan at sigawan ng mga tao. Siya ay inalalayan ni Art papunta sa gitna kung saan naroon ang animoy dalawang tronong para sa hari at reyna. Inilipat sa kanila ng mga nanalo last year ang korona. From the crowd ay nakita niya ang ama at yaya

Adela niya. They're looking so proud of her. Her heart was breaking from the inside pero pinilit niyang ngumiti para sa mga pictures.

"Bes! congrats!" masaya siyang sinalubong ng yakap ni Cindy pagbaba niya ng entablado.

"Thank you bes" iniikot niya ang mga mata sa paligid. Still no sign of him.

"hindi nagpunta?" tanong ni Cindy.

Isang malungkot na iling ang kanyang isinagot.

"Hayaan mo na bes... now's not the time to be sad! Magpalit ka na ng damit at nang makapag start na tayo ng party party!" masayang wika nito, obviouslytrying to cheer her up.

Sinamahan siya nitong magpalit into a simplier prom gown. It was a red wrap around gown, backless at ang slit sa tagiliran ay

umabot sa kalahati ng kanyang hita, exposing perfectly shaped legs. She paired it with a Jimmy Choo strappy silver sandals na may taas na 3 pulgada.

"Weetweew" sipol ni Cindy nang makita siya "Gael doesn't know what he's missing tonight!"

She gave out a fake laugh. She doesn't want to ruin this night for Cindy. Matagal nang excited ang kanyang best friend para sa gabing ito.

Simula ng umupo sila ni Cindy sa kanilang mesa ay hindi na yata natapos tapos ang mga lalaking nag aalok na isayaw siya. She politely declined all of the them, pagod siya, pagdadahilan niya.

Ang kaibigan ay inimbitahan ang boyfriend nito bilang date, kaya naman halos walang pinalalampas na tugtuginang dalawa. Those two were having so much fun. She smiled. At least sa kanilang dalawang magkaibigan, isa man lang ay masaya tonight.

"May I have this dance?" si Art, nakalahad ang kamay nito sa kanyang harapan.

"Sorry Art, napagod talaga ako... " she took a sip from the punch she was drinking.

"Aww c'mon Louise. Simula kaninang natapos ang contest ay hindi pa kita nakitang tumayo ni minsan diyan sa upuan mo" he said in a friendly way

"please?" he gave her the puppy eyes

She smiled at him. He looked cute trying to look pitiful.

"Sige na nga" inabot niya ang kamay nito and let him lead her to the dance floor. Hustong naroon na sila sa gitna ng bulwagan ay nagpalit ang tugtugin, the lights were dimmed. Pumailanlang ang isang OPM na kanta. She felt a little uneasy when Art held her waist at bahagya siyang hinatak palapit dito.

"You're very beautiful tonight. Sayang at hindi ka nakita ng boyfriend mo ngayong gabi"

"Alam mong may boyfriend ako?" takang tanong niya.

"Well, I assumed" kibit balikat na sagot nito "I often see you two together on breaks. Well, actually tatlo pala kayo ni Cindy" tumawa ito.

She laughed as well. "You're a very good dancer kanina. I hope hindi ka nabigatan sa'kin"

"Are you kidding? you're paper weight" pagmamayabang nito.

"Okay, okay, eh di ikaw na ang malakas" biro niya. Nagkatawanan sila. Art seems to be a genuinely nice guy.

"Oh ayan na pala ang boyfriend mo eh" said Art na nakatingin sa likuran niya.

Louise turned around instantly and saw Gael making his way to the dance floor. He was wearing his trademark fitted blue jeans na ipinaloob ang laylayan sa black Dr. Martens boots nito, white shirt and leather jacket. His hair was combed back and tied into a knot. Nag echo ang kinikilig na tili nang mga kababaihang estudyante, each one wanting na sana sila ang puntahan nito.

Louise stood there. Tila tumigil ang paligid para sa kanya. She couldn't take her eyes off the man, na sa tingin niya ay isang rugged Greek god na bumaba mula Mount Olympus. No one in school, or rather no one in Sta. Martha can pull off this look but Gael.