webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
71 Chs

Chapter 24

Chapter 24: Jealous?

Pagkatapos kong aksayahin ang oras ko sa pagbabake ng cookies ay naisipan kong pumunta sa bahay ni Prince para bigyan siya. Pasasalamat ko na rin ito dahil pinasukob niya ako kanina sa payong niya.

It's already 3:00 Pm na at mabuti't hindi na naulan pero medyo madilim pa rin ang paligid.

When I knocked once, the door immediately open to me. Ang bilis ah.

Bahagya akong napatawa dahil this time, he's wearing a shirt. Hindi naman ako nadismaya dahil sinunod niya 'yon sinabi ko sa kanya na bago niya buksan ang pinto niya ay magsuot muna ng damit. He's very obedient.

"Hi." Nakangiti niyang pagbati. "Bakit?"

"Gusto lang kitang bigyan nito. Pasasalamat ko sa 'yo kasi pinasukob mo 'ko kanina and at the same time pasasalamat ko na rin sa 'yo kasi pinagkatiwalaan mo ako."

"Luh. Nakakahiya naman, pero thank you." Inabot ko sa kanya 'yon tupperware na may laman na cookies at tinanggap naman niya ito.

"Sige, bye." Tumango lang siya sa akin bago ako umalis sa harapan niya. Why I'm always feel comfortable when I'm with him? Pakiramdam ko, sobrang bait niya.

-

~Monday...

"Anak, wake up!" Bahagya akong umunat at minulat ang mga mata. Ang aga naman akong gisingin ni Mama, 7:30 pa ang start ng klase ko eh.

"Uhm..?"

"Nasa ibaba si Oliver, naghihintay. Susunduin ka raw niya." Agad akong tumingin nang deretso kay Mama. Wait? Wala naman usapan na susunduin niya ako ah. Ano 'to? Suprise? Hala.

"Totoo po?" Gulat kong tanong.

"Yes, kaya maligo ka na at magpaganda. Ang gwapo-gwapo ni Oliver ngayon kaya magpaka-disente ka naman ngayon." I suddenly pucker my forehead and sit beside her.

"Mama, kahit hindi maayos ang itsura ng anak mo, she's still pretty and attractive." Pagmamayabang ko kay Mama. Haha.

"Ikaw talaga. Maligo ka na, 'wag mong paghintayin si Oliver sa ibaba."

Napakamot ako ng ulo at nagsimula ng gawin ang morning routine ko kapag may pasok. Pero ngayon, kailangan kong magmadali. Jusko, nakakabwiset naman si Oliver. Hindi ko inakala na pupunta siya dito para sunduin ako. Anong trip ng Mokong na 'yon?

-

Lalabas na sana ako sa pinto ng kwarto ko ngunit bigla akong hinarangan ni Mama.

"What I've said earlier?" Pinanglakihan niya ako ng mata at hinawakan ang magkabilang bewang niya. "'Di ba sabi ko, magpaganda ka?"

"Maganda na naman po ako Ma."

"No, pasok sa loob. Aayusan ko 'yan buhok mo."

No choice ako kundi sundin ang utos niya. Hays, si Oliver lang naman 'yon eh, pero ito si Mama, ituring siya animoy arista. Pagsasabihan ko talaga 'yong Mokong na 'yon na 'wag na niya uulitin 'to para hindi ako itrato ni Mama ng ganito.

"'Yan, Perfect!" Tiningnan ko ang buhok ko at sinuri nang mabuti. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti dahil sa ganda ng ginawa ni Mama, Fishtale braid ang ginawa niya, at nilagyan niya ng maliit na hair pin 'yong side ng buhok ko.

I'm starting to like a hairstyle like this, so simple but very pristine. May talent pala si Mama sa ganito.

"Did you like it?"

"Super po."

"Sabi ko sa 'yo eh."

Kanina naiinis ako na hinarangan ako ni Mama but then, nawala rin dahil sa ganda ng ayos ng buhok ko na gawa niya.

-

Nang pagkababa namin ni Mama, nakita ko agad si Oliver na nakaupo sa sofa namin habang naghihintay.

"Anong naisipan mo at pumunta ka rito? Nakakainis ka." Tumigil siya sa paggamit ng phone niya at tumingin sa akin. Habang si Mama naman ay dumaretso na sa kusina.

"Obviously, susunduin kita."

"At bakit? Hoy, siguraduhin mong this is would be your first and last time na gagawin mo 'to. Huwag mo na ulit ako susunduin, ha?" Lumapit ako sa harapan niya at hinawakan ang magkabila kong bewang.

"Bakit naman?"

"Basta makinig ka na lang."

Magsasalita pa sana siya ngunit bigla akong tinawag ni Mama para kumain. Inalok din ni Mama si Oliver, no'n una tumanggi ito ngunit pinilit siya ni Mama kaya napapayag din.

-

"So, Oliver, we were just want to say thank you kasi nahanap mo 'yong bike ni Jamilla at pinaganda mo pa. Sobra mo siyang napasaya." Nakangiting pasasalamat ni Mama kay Oliver.

"Wala po 'yon. Basta si Jamilla po, gagawin ko po ang lahat." Anong sinasabi niya? Pinandilatan ko siya ng mata pero ang loko, kinindatan lang ako. Hindi siya nakakatuwa.

"Aysus. Oliver, maghinay-hinay ka lang sa mga sinasabi mo, baka mamatay na sa kilig 'yan anak ko." Gulat akong tumingin kay Mama, ano 'yon sinasabi niya?

"Ma!" Suway ko dito.

"Basta Oliver, 'pag liligawan mo si Jamilla, 'wag mong iiwan. Alam namin na mabuti kang tao, kaya buo ang tiwala namin para sa 'yo." Tumingin din ako kay Kuya. Pinagkakaisahan ba nila ako? This is not what I expecting from them, bata pa ako para sa kanya, imbes na pagbawalan nila ako ay para bang mas lalo nila ako tinutulak kay Oliver.

"Pati rin naman ikaw kuya? Jusko. Bugaw na 'to, ah!"

"Thank you po." sabi ni Oliver.

-

Nagmadali akong kumain para makaalis na agad kami ni Oliver kila Mama at Kuya. Baka ano pa ang sabihin nila sa kanya at baka tuksuhin pa ulit ako ni Mokong dahil lang do'n.

Nang pagkalabas namin ng bahay ay tama nga ang hinala ko dahil inaasar ako ni Oliver ngayon. Bwiset.

"Paano ba 'yan? Boto sa akin ang pamilya mo."

"So?" Taas kilay kong tanong habang inaayos ko ang stand ng bike ko.

"Ligawan kaya kita." Tama ba pagkakarinig ko? Ligawan?

"Huh?"

"Tao po!" Napatingin ako sa gate at lumapit dito. Mabuti't perfect timing 'yong pagpunta dito ni Prince dahil hindi ko alam kung anong dapat kong i-react sa sinabi ni Oliver.

Nang pagbukas ko ng gate ay agad na ngumiti siya sa akin kaya gano'n din ginawa ko sa kanya pabalik. "Sorry, ngayon ko lang maiibalik 'tong tupperware niyo."

Tinanggap ko 'yong hawak niya, infairness, nilinis na niya bago ibalik.

"It's okay."

"Thank you ulit sa masarap na cookies mo. Ba-bye!" Nagpaalam na siya sa akin at naglakad na paalis.

Pagtalikod ko ay nakita ko agad ang magkasalubong na mga kilay ni Oliver at ang pagiging poker face niya ngayon. Ano na naman inaarte nito?

"Sino 'yon? Ano 'yan? Anong cookies mo raw?" Sunod-sunod niyang tanong. Makaarte naman siya, akala mo'y boyfriend ko eh.

"Eh ano naman sa 'yo?"

"Ano 'yon? Close kayo? Samantalang sa akin ang init ng ulo mo."

"Mabait kasi siya."

"Bakit ako? Masama?"

"Hindi naman, nagkataon lang na mas mabait siya kaysa sa 'yo."

"Ang daya naman." Nilagpasan niya ako at naglakad palabas ng gate namin. Sinundan ko siya ngunit sinimulan na niyang paandarin 'yong bike niya. Hindi ko alam na nakabike rin pala siya.

Nakakapangsisisi. Hindi ko inakala na ang laki pala ng epekto no'n sinabi ko kay Oliver. Akala ko'y papalagpasin niya 'yon kasi cookies lang naman 'yong binigay ko kay Prince, kaso ang nangyari, nainis yata at iniwan ako. Balak ko naman siyang bigyan eh.

-

Nang pagkapasok ko sa room namin ay agad kong nakita si Oliver na nakapikit habang nakikinig ng music gamit ang earphone niya.

Nang pagkaupo ko, hindi ako nagdalawang-isip para tanggalin 'yong suot niyang earphone. Bastos na kung bastos 'yong ginawa ko pero gusto ko lang mag-apologize sa kanya.

"Ano ba." Reklamo niya at sinuot ulit 'yong earphone niya.

"Pansinin mo na kasi ako." Dahil ako si Jamilla, nakaisip agad ako ng paraan para mas mabilis niya akong pansinin at 'yon ay kilitiin siya sa bewang.

"Stop doing that. Bakit ba?!" Cold niyang tanong. Take note, kiniliti ko na siya pero parang hindi manlang siya tumawa. Idol ko na siya sa pagpipigil.

"Dinalhan kita ng cookies." Pinakita ko sa kanya 'yon but he ignored it.

"Ayoko."

"Pakipot ka pa eh." Kumuha ako ng isang cookie mula sa tupperware at bahagya siyang susubuan ngunit ayaw niyang ibuka ang bibig niya. Ang sweet ko na nga ngayon eh, demanding pa siya.

"Ayoko nga sabi."

"Bahala ka, 'pag hindi mo 'to kinain, hindi na talaga kita papayagan na susunduin ako tuwing umaga." Pananakot ko.

Napangiti ako nang bahagya niyang buksan ang bibig niya at hinayaan akong ipakain sa kanya 'yong hawak kong cookie.

"Nakain ko na. So, we can go together to school everyday?" Seryoso niyang tanong sa akin pagkatapos niyang lunukin 'yong kinain niya.

"Oo na nga."

"Yes!" Masaya niyang saad sabay kuha ulit ng isa pang cookie sa tupperware na hawak ko at kinain. Para siyang bata no'n pagkasabi niya ng 'yes.

Siguro naman tama 'yon pagbawi ko ng sinabi ko sa kanya kanina, kung anong gustong isipin nila Mama kay Oliver, tatanggapin ko na lang kasi wala naman katotohanan.

"But Oliver, bakit mo 'ko iniwan kanina? Nainis ka ba sa sinabi ko?" Tumingin siya sa akin at bahagyang umiling. "Eh ano?"

"Nagseselos ako."

"Huh?"

"Basta. Nagseselos ako."

-

Nandito kami sa Cafeteria ng mga kaibigan ko for lunch, kasama rin namin si Oliver. Hindi ko siya niyaya, sadyang no'n pagpunta ko dito ay hindi ko alam na sinusundan niya pala ako. Kaya ang ending, sinama ko na rin, kaibigan ko rin naman siya eh.

"By the way, Jamilla. Tanong ni Mama, kung pwede raw umuwi muna tayo sa Laguna para sa Fiesta. And I asked her kung pwede rin sumama sila Claire at Jess. Pati na rin ikaw Oliver, ang sabi naman niya ay pwede raw." Paliwanag ni Aivin. Tuwing June nga pala fiesta sa branggay namin.

"Pwede naman siguro ako umuwi. Kaso kukulangin ako sa pamasahe." Napakamot ako ng noo at uminom ng juice na hawak ko.

"Ay, 'wag na kayong mag-alala about d'yan. Kasi libre ko na kayo ng pamasahe." 

"Thank you!" Sabay namin pasasalamat nila Claire at Jess. Pwera lang kay Oliver na nakikinig lang.

"Magpaalam muna kayo ha."

"Kahit hindi na, I know they will allow me, kasi kasama naman kita." Hirit ni Claire. Pareho kami ni Jess na binato siya ng rolled tissue at tinawanan dahil sa ka-cheesy-han niya. "Inaano ko ba kayo?"

"Gumaganyan ka na kasi." Matawa-tawang saad ni Jess. Kahit si Aivin ay natatawa rin pwera lang sa katabi ko na hindi pa nabibigyan ng emosyon hanggang ngayon dahil patuloy lang siya naanonood sa amin. Nagmumukha tuloy siyang out of place. Aware ba siya?

"Kailan ba magaganap 'yong fiesta?" Tumahimik kami dahil sa biglang nagtanong si Oliver. Woah. Nagawa niya kaming patahimikin.

"This week na, pero sa friday pa, pupunta tayo ng thursday at uuwi ng sabado. Bale, three days tayo do'n." Sagot ni Aivin pero tinanguhan lang siya ni Oliver.

"Sasama ka?" Bulong ko sa kanya.

"Oo naman, kasama ka eh."

"Ayiee!" Napatingin ako sa kanila na ngayon ay inaasar na ako. Bakit kasi nilakasan ni Oliver 'yon sagot niya? Narinig tuloy nila.

"Kinikilig na 'yan."

"No."

"Aysus, namumula ka eh." Asar sa akin ni Claire. Bahagya akong tiningnan ni Oliver at hindi na inalis ang tingin sa akin habang ngumingiti. Huwag niyang sabihin nakikisabay rin siya sa trip ng mga kaibigan ko? Jusko.

"Hindi ah."

"Hindi raw eh." Sabat naman ni Oliver, kaya mas lalo akong inasar nila Claire at Jess. Jusko, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Nahihiya na ako.

-

"Ang usapan, susunduin mo lang ako pero hindi mo 'ko ihahatid pauwi." Kanina pa ako nakikipagtalo kay Oliver. Gusto niya raw ako ihatid. Bakit ba siya ganiyan ngayon?

"Authomatic na 'yon. Tara na." Sumakay na siya sa bike niya. Ang ganda rin ng design ng bike niya, color dark blue, parang katulad lang din no'n akin kaso magkaiba lang 'yon kulay.

"Kaya kong umuwi mag-isa." Pagpupumilit ko.

"Sige, ako na lang mauuna sa 'yo sa bahay niyo." Sabi niya at sinimulan na paandarin ang bike niya. Argh! Ang kulit talaga ng Mokong na 'yon.

-

Habang papalapit na ako sa bahay namin ay nakita ko si Oliver na nakaupo lang sa bike niya habang hinihintay ako.

"You already got home. Bye!" Nagpaalam na siya sa akin at umalis na. He's so weird. Hindi ako sanay sa inaarte niya ngayon buong araw.

Noon slave niya ako, ako lagi ang nakasunod sa kanya pero ngayon na hindi na ay siya naman lagi ang nakasunod sa akin.

"Psst!" Tawag sa akin ni Prince mula sa pinto ng bahay nila, nakasandal lang siya. Kinawayan ko siya at ningitian.

"Sino ba 'yon?" Lumapit siya sa akin.

"Si Oliver."

"Boyfriend?"

"No."

"Nililigawan ka?"

"Hindi rin."

"Sure?"

"Oo."

"Uhm.. I see." Isa pa 'to. Parang ang weird din niya.

"Wala ka bang pasok?"

"Wala, bukas pa." Tumango-tango lang ako bilang tugon.

"Pasok na ako ha. See you around." Sabi ko sabay pasok na sa loob ng bahay namin.

-

Taray, ngayon lang araw na 'to na walang binigay or hindi nagparamdam sa akin 'yon secret admirer ko. Bakit kaya? Kasi everyday siyang nag-gi-greetings sa akin na mga 'good morning','good night' pero ngayon araw ay wala akong natanggap. Siguro, sumuko na yata. Sayang, gusto ko pa man din siya makilala.