webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · Realistis
Peringkat tidak cukup
27 Chs

Chapter 20

Asher's POV:

**Asher's Condo Unit

Maaga akong nakauwi,kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko,Napansin ko na malakas na ang ulan,buti na lang pala at inagahan ko ang uwi ko kung hindi na abutan ako ng masungit na ulan na ito.

Napaka tahimik na ng unit ko mag mula ng mawala sya.Halos dalawang taon na rin ang nakalipas.Sanay na ako sa ganitong sitwasyon,pero may mga panahon pa rin na naaalala ko sya.Bakit pa kasi kailangan may mawala?

Bahagya akong umupo sa kanang bahagi ng kama ko.Kinuha ko sa side table ang picture naming dalawa na magpahanggang ngayon ay nakadisplay pa rin.

Lagi ko itong tinitignan sa twing nalulungkot ako,sya kasi ang happy pill ko,sya ang nagturo sa akin kung paano maging masaya,kaso nung natutunan ko naman ito..Saka naman sya nawala.

Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo,pumunta ako sa terrace,buti na lamang at may part ang terrace ng unit ko ng plastic na yero,hindi ko alam ang tawag dito pero transparent ito.

Mula dito sa kinatatayuan ko,pinagmamasdan ko ang pag buhos ng ulan,malawak ang sular ng terrace na ito,naalala ko tuloy yung mga panahon na kapag umuulan tulad ngayon ay naliligo kami,walang pakiealm kung malakas ang pagbuhos nito.Yan ang isa sa mga namimiss ko sakanya na hanggang alaala ko na lang pwede balikan.

Kasabay kasi ng pagluha ng langit ang pagkawala nya.Dito sa terrace din kasi na ito,habang nagtatampisaw kami sa ulan ay ang araw na nawala sya.

[FLASHBACK]

"Ash!Mangako ka sa akin na kapag wala na ako,kapag tumigil na ang pagtibok ng puso ko.Gusto ko gagawin mo pa rin ang pagligo sa ulan ha,tulad ngayon."-sabi nya

" Ano ba yang sinasabi mo?next week,naka schedule kana para sa operation mo.Magiging healthy na ang puso mo."-ako

"Paano kung tumigil na ito?sa hindi natin inaasahan?"-sya

" Hindi mangyayari yun diba?dahil magpapalakas ka pa?saka mahal na mahal mo ako e,hindi moko kayang iwan!"-sabi ko

Ngumiti sya sa akin.At habang nagpapakasaya ako sa ulan,nakatayo lang sya sa isang pwesto.Lagi nyang ginagawa ang ganyan hitsura,waring dinadama nya ang pagdampi ng ulan sakanyang katawan.

"Mahal na mahal kita !!"-sigaw ko

" Mahal na mahal din kita Ash!"-sigaw nya

Nakatayo pa din sya tulad kanina at tulad ng dati naming ginagawa muli akong sumigaw ng mas malakas,kasunod nito ang sagot nya sa sinabi ko.

"Mahal na mahal na mahal kita!!"-ako

Nakatingin ako sa kalangitan,pero kahit masakit sa mata ang pagpatak ng ulan,hindi ko ito alintana,dahil damang dama ko ang saya.Saya na kasama ko ang taong pinaka mamahal ko.

Hanggang sa hindi ko narinig ang sagot nya?.Bigla akong kinabahan.Napatingin ako kaagad sakanya.Halos panghinaan ako ng loob ng makita kong nakahawak sya sa kanyang dibdib,sa parte ng puso nya.Tumingin sya sa akin at marahang nagsalita,isang mahinang mahinang salita.

" Mahal..na ma..hal din ki..ta..Ash."-sabi nya.

Pagkatapos nyang magsalita bigla syang nag collapsed.Patakbo ko syang nilapitan.Ginigising ko sya.Ngunit ng pulsuhan ko sya.Wala na.Wala na akong maramdamang pagtibok mula sa puso nya.Dinala ko sya sa pinaka malapit na ospital,pero hindi sya umabot.Iniwan na ako ng pinaka mamahal ko.

Tuluyan nang tumigil ang pagtibok ng puso nya,kasabay nito ang pagtigil ng mundo ko.

[End of Flashback]

Hindi ko mapigilang mapaluha.Isinara ko ang pintuang salamin ng terrace.Isinara ko rin ang kurtina na,ito ang magtatakip para hindi makita ng nasa loob ang labas.

Babalik na sana ako sa aking kwarto at itutulog na lamang ang kalungkutang nararamdaman ko ngunit naisip ko na mag stroll muna.Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa keyholder na malapit sa telephone.Naka pajama lang ako na kulay gray at sando na puti,hindi na ako nagpalit,kinuha ko na lamang ang pulang jacket ko at kaagad umalis.

...........................

Kasalukuyan akong kumakain dito sa loob ng 7/11,nagutom ako kaka drive,kung saan saan lang ako nagpunta,dinaanan ko lang yung mga lugar na pinupuntahan namin nung buhay pa sya,hindi ko nga namalayan na mag aalas dos na ng madaling araw.Humihigop ako ngayon ng mainit na sabaw ng  instant mami,sobra kasi akong giniginaw,nasa lubong ko yata ang lamig dala ng malakas na ulan kanina.Pagkatapos ko kumain,uuwi na rin ako,may pasok pa pala bukas.

Habang kumakain ako,napansin ko ang isang lalaki sa labas ng store.Nakaupo sa gutter,pamilyar pa nga ang suot nyang damit,parang uniform ng Mclibee.

Hanggang sa mapatingin ako sa isang babae dito sa loob,pamilyar ang mukha nya,nakapila sya sa counter at may hawak na ramen.

Saan ko nga ba nakita ang babaeng ito?tanong ko sa sarili ko.Tinitigan ko maigi ang hitsura nya,hanggang sa matapos sya sa pagbabayad ng binili nya.

Palabas na ngayon ang babaeng singkit na yun,hindi ako pwedeng magkamali,nakita ko na sya somewhere.

Nakamasid pa rin ako sa babaeng yun,iniisip kung saan ko ba sya nakita.Ngayon ay nasa labas na sya ng store,nakatayo at parang nakatingin sa lalaking nakaupo sa gutter.Titig na titig sya.Magkakilala kaya sila?Dahil sobra na akong natatangahan sa sarili ko dahil hindi ko matandaan kung san ko ba nakita yung babaeng yun,nagpasya akong ubusin na ang kinakain kong mami.

Hindi pa man nagtatagal sa labas ang babae napansin ko na bumalik sya dito sa loob ng store,nagmamadali syang pumunta sa coffee vendo machine.Pagkatapos ay nagmamadi ding lumabas.Hawak hawak na nya ang isang cup ng kape.

Iniayos ko muna ang pinagkainan ko pero nakatuon pa rin ang paningin ko sa babaeng yun,palapit sya ulit sa lalaking nakaupo sa gutter,nang biglang may lalaking lumapit sakanya,naguusap sila at mya mya pa'y kinuha ng kausap nyang lalaki ang hawak nyang kape.Lalo akong na curios sa babaeng yun kaya pinagmasdan ko sila ng lalaking nasa gutter at lalaking kasama nya.Mya mya pa'y parang papasok ulit yung babae dito sa loob pero pinigilan n sya ng lalaking kasama nya,inakbayan sya at marahang naglakad palayo.

Ang kj naman nung lalaking kausap nya,mukhang concern lang yung babae dun sa lalaking nakaupo sa gutter,mag ooffer lang siguro sya ng kape dahil malamig ang panahon,pa ka kj naman nya.

Nagpasya na akong lumabas ng store,kailangan ko nang matulog baka malate pa ako bukas.Nang nasa labas na ako,sakto namang tumayo ang lalaking kanina pa nakaupo sa gutter.Basang basa pala ang suot nya,kaya siguro balak syang bigyan ng kape nung babae,kaso ininom naman nung kasama nya.Akma na akong lalapit sa kotse ko na nakapark sa tapat ng store na ito ng biglang mapaharap ang lalaking basang basa ang damit.

"Tristan?"-sabi ko

" Sir Asher?"-sabi nya

"Ikaw pala yan?kanina pa kita tinitignan diyan e?kaya pala pamilyar yang suot mo.Ano bang ginagawa mo dyan?."-tanong ko

Hindi umimik si Tristan sa halip umiling lamang ito bilang tugon sa tanong ko.

" Basang basa ka,saglit."-sabi ko

Hinubad ko ang suot kong jacket at dali daling iniabot sakanya.Agad naman nya itong isinuot.

"Salamat Sir Asher."-sabi ni Tristan.

" Saglit ibibili lang kita ng kape para mainitan ka."-sabi ko

"Huwag na Sir,okay lang ako."-Tristan

" Sigurado ka?"-ako

Tumango lamang muli si Tristan.

"Gusto mo ?daan ka muna sa unit ko?duon kana magkape may mga beer din ako duon?baka gusto mo?"-alok ko

" Pwede ba sir Asher?"-tanong ni Tristan

"Oo naman,ikaw pa ba?halikana,sumakay na tayo sa kotse ko."-ngiti kong sagot

" May kotse ka?"-Tristan

"Oo,halikana at magkape kana sa bahay."-sabi ko

Ngumiti naman si Tristan.Mukhang hindi naniniwala na may kotse ako kaya ng buksan ko ang nakaparada kong itim na toyota montero,gulat na gulat ang loko.

...........................

**Sa byahe

" Sir?saiyo talaga ang sasakyan na ito?"-tanong ni Tristan

"Oo nga haha!"-sabi ko

" E bakit nag gagrab ka pa kung may sasakyan ka pala?"-Tristan

"Nako,waste of time at malaking expenses ang magagmit ko,alam mo naman na sobrang traffic sa edsa,kaya much better na mag grab na lang atleast less gasolina ako."-sabi ko

Tumango naman si Tristan,mukhang nakuha na nya ang pinopoint out ko,naikwento na rin nya sa akin ang nangyari sakanila ni Hikari,kaya sya nandun sa tapat ng 7/11.Nagpalipas sya ng sama ng loob.Actually gusto ko sanang magsabi na nakita ko ang pangyayari sa naging encounter ni Hikari at nung ex ni Tristan kaso baka magkaroon pa ng bagong usapin ang magkaibigan na ito kaya hindi na lang ako nag comment.

Mabilis kaming nakarating ni Tristan sa condo unit ko.Dumiretso ako kaagad sa kwarto ko para ikuha sya ng damit na ipapaheram ko para makapag palit na sya,basang basa kasi ang suot nya.

Nang makakuha na ako ng damit,mabilis ko syang binalikan sa sala.

"Tris,heto gamitin mo.Dont worry hindi ko pa nagagamit yang mga damit na yan,ikaw na ang unang magsuot nyan baka magkasakit ka pa sa suot mong basa."-sabi ko

" Salamat sir,yayamanin ka pala e,hindi ka man lang nagsabi haha"-sabi ni tristan

"Sows,Magpalit kana sa kwarto ko na ikaw magpalit,may C.r dun,yung common bathroom kasi under renovation kaya yung sa kwarto ko na lang ang gamitin mo,magtitimpla na rin ako ng kape para mainom mo pagkalabas mo."-sabi ko

" Salamat sir."-tristan

Pumasok na si Tristan sa kwarto ko para magpalit ng damit agad naman akong nagtimpla ng kape.Inilagay ko ang tinimpla ko sa mini bar na nandito sa kitchen.

Mga ilang minuto lang ay lumabas na rin si Tristan sa kwarto.Bagay na bagay sakanya ang kulay puting tshirt na padala ni Dad galing Canada at itim na jogger shorts.

"Sir?bakit kailangan mo pang magtrabaho sa coffee shop?"-tanong ni Tristan

" Hindi ako ang mayaman parents ko haha"-sabi ko

"Haha,sabi ko nga"-sagot ni Tris

Umupo si Tristan sa stainless na upuan ng mini bar ko.Hinigop ang isang mainit na kape.Nagkwentuhan kami ng buong magdamag,at inaya ko rin sya na dito na magpalipas ng umaga.Sinabihan ko din sya na magpaalam sa parents nya na dito sya sa akin mag sleepover,pumayag naman ang mga ito sa paalam ni Tristan.

Alas kwatro na ng umaga ng magpasya kaming matulog ni Tris,sa sala na lang daw sya magpapahinga,kaya ikinuha ko sya ng unan at kumot para magamit nya.

Pagkabalik ko sa sala,dala ko na ang mga gagamitin nya,ibinato ko pa nga ang unan sakanya sanhi para magtawanan kami.Ngayon na lang ulit ako nakarinig ng isang masayang tawa mula ng mamatay ang mahal ko.Sana lagi na lang ulit ganito.

"Sir Asher,kanina nung nagpalit ako ng damiy sa kwarto mo,napansin ko yung picture frame sa ibabaw ng side table mo?Sino yung kasama mong lalake sa picture?kapatid mo?nasaan sya?Bat hindi mo kasama dito?"-tristan

" Ahh,Si..Anton yun."-sabi ko

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa tanong ni Tristan.Mabuti na lamang at hindi na sya sumagot pa sa sinabi ko.Paano ba naman kasi,nakatulog na sya.Masandal pala ang isang ito,tulog agad.

Hinayaan ko na lamang ang posisyon ni Tristan na nakaupo habang tulog.Kinuha ko ang kumot na nahulog sa sahig nung binato ko ang unan,ikinumot ko ito sakanya.

Binuksan ko rin ang lampshade na nasa gilid ng sofa na tinutulugan ni Tris.Pagkatapis nun pinatay ko na ang ilaw dito sa sala.Akma na akong papasok sa kwarto ko ng biglang magsalita si Tristan.

"Thankyou."-tristan

Sasagot pa sana ako kaso tulog na ulit sya e.Pinagmasdan ko muna sya mula dito sa kinatatayuan ko.Hindi talaga maikakaila ang resemblance nina Tristan at Anton.

Sobra ko na syang namimiss.Buti na lamang nandito ngayon si Tristan.Kahit papaano naibsan ang kalungkutan ko.

[End of Asher's POV]