webnovel

Saan ba ako nagkulang? (2)

Editor: LiberReverieGroup

Hinintay muna ni Lu Jinnian na maisara ni Qiao Anhao ang pintuan bago niya ibaba ang cake. Ibinigay niya ito kay Madam Chen at lumabas ng bahay.

Naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin. Kunuha niya mula sakanyang bulsa ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas siya ng isang stick, pero noong akmang ilalagay niya na ito sa kanyang bibig, bigla niyang naalala ang sinabi sakanya ni Qiao Anhao noong nasa ospital sila: Masama ang sigarilyo para sa kalusugan mo, itigil mo na 'yan.

Natigilan siya ng ilang sadlit bago niya ibaba ang isang stick ng sigarilyong nasa kanyang bibig. Nagdadalawang isip siya noong una pero bandang huli ay ibinalik niya nalang ito sa kahang nasa kanyang kamay. Hindi pa siya nakuntento, naglakad din siya papunta sa basurahang malapit sakanya para itapon ang kaha ng sigarilyo at ang kasama nitong lighter.

Halos sampung minuto na siyang nasa labas ng bahay at nang maramdaman niyang medyo kumalma na siya, naisipan niya ng pumasok ulit sa loob.

Pagkabukas niya ng pintuan ng kwarto nila, narinig niya ang rumaragasang tubig na nanggagaling sa shower. Muli nanamang nanumbalik ang init na naramdaman niya kanina at kinailangan niya nanaman itong pigilan. Pumunta muna siya sa changing room para kumuha ng malilinis na mga damig bago siya naglakad papunta sa kabilang kwarto para doon maligo.

Pagkabalik niya sa kwarto, nakita niyang nakatayo na si Qiao Anhao sa salamin at nagpapatuyo ng buhok.

Humahaba na ang buhok ni Qiao Anhao at kahit madalas naman siyang nagpapaayos ng buhok, hindi pa rin maiwasang nabubuhol ito kaya kinakailangan niyang gamitin ang kanyang mga daliri para tanggalin ang mga nagkabuhol.

Inihagis ni Lu Jinnian sa kanyang gilid ang twalyang hawak niya at naglakad papasok. Lumapit siya kay Qiao Anhao at kumuha ng suklay para daha-dahan itong suklayan.

Natigilan si Qiao Anhao at napatingin siya kay Lu Jinnian sa salamin. Matagal niya itong pinagmasdan bago siya yumuko.

Tinanggal ni Lu Jinnian ang mga nagkabuhol at kinuha nito ang hairdryer para patuyin ang buhok niya.

Rinig na rinig ng mga tenga ni Qiao Anhao ang tunog na nanggaling sa hairdyer.

Matapos siguraduhing tuyo na ang buhok ni Qiao Anhao, hindi nakalimutan ni Lu Jinnian na muling suklayin ito. Nang makuntento na siya, ibinaba niya ang suklay at sinabi, "Tapos na."

Muling tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian sa salamin at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti habang naglalagay ng kanyang facial lotion.

Tahimik lang si Lu Jinnian habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok bago siya humiga sa kama.

Pagkatapos maipahid ang lahat ng kanyang mga facial products, umakyat na rin si Qiao Anhao sa kama at nang makahiga at maakapagkumot na siya, biglang tumayo si Lu Jinnian para patayin ang mga ilaw.

Nakasindi pa rin ang mga kandilang nasa sahig na nagbibigay ng magaan sa pakiramdam na uri ng liwanag sa buong kwarto.

Bandang huli, pareho na silang tahimik na nakahiga. Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin si Qiao Anhao habang inaalala ang mga nangyari. Bakit kaya hindi itinuloy ni Lu Jinnian na may magyari sakanila?

Paulit ulit niyang inisip ang mga nanyari at hindi niya mapigilang mainis, samantalang si Lu Jinnian na katatapos lang maligo ay naguguluhan na sakanya dahil napaka likot niya. Nang muli siyang umikot, hindi na talaga natiis ni Lu Jinnian at hinawakan na nito ang kanyang kamay para kumalma siya.

Ang buong akala ni Qiao Anhao ay itutuloy na nila ni Lu Jinnian ang hindi nila natapos, pero nanatili lang ito sa paghawak ng kanyang kamay at mukhang wala namang balak na gumawa ng ibang bagay. Naiinis at nalulungkot siya kaya muli siyang umikot. 

"Hindi ka makatulog?" Tumingin si Lu Jinnian sa mukha niyang natatamaan ng mga ilaw na nanggaling sa mga kandila.