webnovel

Pagpapatuloy (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Mmh." Pagkaupo niya, hinawakan nito ang isa niyang kamay. "Sisi, alam ni

papa. Konti nalang ang natitira kong oras kaya sinabi ko sa mga doktor na

ayoko ng uminom ng gamot."

Alam ni Song Xiangsi kung ano eksakto ang pinatutunguhan ng papa niya at

gustuhin niya mang pagtakpan ang katotohanan, alam niyang wala na itong

maitutulong, kaya kahit masakit, hinayaan niya nalang itong magsalita.

"Alam kong masasaktan ka, pero anak… kailangan mong maintindihan na lahat

naman ng tao ay namamatay talaga. Ayoko na ring nandito lang ako sa ospital

sa mga natitirang araw ng buhay ko… Alam kong abala ka sa trabaho, pero

kung wala kang gagawin, gusto ka sana munang makausap ni papa… pwede

mo ba akong iuwi? Gusto kong bisitahin ang mama mo…"

Sa pagkakataong ito, hindi na kinaya ni Song Xiangsi na pigalan ang mga

naipon niyang luha, at parang isang bata, tuluyan na siyang humagulgol sa

harapan ng kanyang papa … Sa totoo lang, hindi pwede pa siya pwedeng

lumabas ng Beijingdahil hindi pa tapos ang pagshu'shooting nila para sa

commercial, pero mas uunahin niya pa ba 'yun kaysa sa tatay niyang hindi niya

alam kung hanggang kailan nalang? "Sige, uuwi tayo, kailan mo gustong uuwi

papa?"

"Kung pwede sana, ngayon na."

Naiintindihan ni Song Xiangsi na kung may lugar mang gustong huling

puntahan ang papa niya ay doon yun sa lugar kung saan nagumpisa ang munti

nilang pamilya, at alam niyang natatakot ito na kung hindi sila uuwi agad, baka

hindi na ito umabot at mamatay nalang ito sa Beijing.

Kaya muli siyang tumungo. "Sige, magbubook na ako ng mga ticket natin."

"Maraming salamat, anak…" Nakangiting sagot ni Mr. Song bago ito muling

magsalita, na may tonong na para bang nagmamakaawa. "Sisi, lagi mong

sinasabi sa akin na may boyfriend ka… Noong inoperahan ako, binigyan ka

niya ng pera diba? Sabi mo rin sa akin, galing siya sa isang mayamang

pamilya na may sariling kumpanya, at mabait siya sayo… Mahigit sampung

taon na kayo ngayon… Siguro nasa thirty na rin kagaya mo… Magpapakasal

na ba kayo? May binanggit na ba siya tungkol sa pagaasawa?"

Hindi nakasagot si Song Xiangsi… Sa totoo lang, hindi niya alam kung anong

sasabihin niya.

"Sisi, nagsisinungaling ka ba sakin…" Bakas sa itsura ni Mr. Song ang sobra

sobrang pagaalala. "May balak ba siyang pakasalan ka o…. Niloloko ka lang

niya?"

"Hindi po," Nakangiting sagot ni Song Xiangsi para mabawasan ang pagaalala

ng papa niya, "Normal nalang naman po ngayon na medyo matanda na

magpakasal. Isa pa, hindi pa naman po matanda ang thirty… Sa ngayon,

sobrang busy niya pa po kasi sa trabaho, pero sabi niya papakasalan niya raw

po ako pag naayos na ang lahat."

"Talaga? Magandang balita yan." Masayang sagot ni Mr. Song. "Kung ganun,

dapat bisitahin niya ako… Kung gusto ka niya talagang pakasalan, dapat

puntahan niya muna ako… Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako,

kaya sana habang nabubuhay pa ako, mabigyan pa ako ng pagkakataon na

makilala ang taong papakasalan ng baby girl ko… pwede ba yun? Kahit bago

sana tayo pumunta sa mama mo?"

Makilala…. Pagkatapos magsalita ng papa niya, biglang napayuko si Song

Xiangsi. Hanggat maari ayaw niya naman talagang lokohin ang papa niya, pero

alam niyang ito nalang ang kaya niyang gawin para gumaan ang pakiramdam

nito, kaya pasimple siyang sumilip sa may pintuan, at nang maaninag niya na

nandoon pa si Xu Jiamu, muli siyang tumingin sa papa niya naghihintay ng

sagot, at masayang sinabi. "Pa, kasama ko siya ngayon. Sandlit lang ha,

tatawagin ko siya…"

Dahil dito, masayang tumungo si Mr. Song. "Sige! Sige!"

-

Pagkabukas na pagkabukas ni Song Xiangsi ng pintuan, sinalubong siya

kaagad ni Xu Jiamu. "Okay ka lang ba?"

Tumungo lang siya bilang sagot, at pagkatapos niyang isarado ang pintuan,

tumuro siya sa malayo para senyasan si Xu Jiamu na dun sila magusap.

Naglakad siya papunta sa direksyon ng CR at nang masigurado niyang sapat

na ang distansya nila para hindi marinig ng papa niya ang anumang

mapagusapan nila, huminto siya at puno ng pagdadalawang isip na humarap

kay Xu Jiamu. "Pwede ba akong makisuyo sayo?"

"Ano yun?"

"Pwede bang… magpanggap kang boyfriend ko?" Sa sobrang kahihiyan,

biglang yumuko si Song Xiangsi habang nagpapaliwanag, "Alam kong hindi na

kakayanin ni papa, at bago raw siya mamatay gusto niyang makilala ang

boyfriend ko, kaya, pwede ka bang…"