webnovel

Pagkatapos (36)

Editor: LiberReverieGroup

"Ospital?" Muling napakunot ang noo ni Xu Jiamu habang lumiliko sa isang

kanto.

Pero kagaya ng mga naunang tanong, parang walang narinig si Song Xiangsi

at nakatitig lang ito sa bintana.

Maswerte at walang traffic sa dinaan nila, kaya wala pang twenty minutes ay

nakarating na sila sa City Hospital. Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan,

nagmamadaling bumaba si Song Xiangsi at nagpasalamat kay Xu Jiamu bago

ito tumakbo papasok sa loob ng ospital.

Hindi na nakapagsalita si Xu Jiamu, at pagkalipas ng halos dalawang minutong

pagdadalawang isip kung susundan niya ba ito, naramdaman niya na hindi

talaga siya matahimik kaya nagdesisyon siyang mabilisang ipark ang kanyang

sasakyan at sundan ito.

Dumiretso si Song Xiangsi sa operating room sa third floor. May isang nurse

na nakasuot ng kulay pink na scrub suit ang nakaupo sa labas nito. Pero nang

sandaling lumapit siya, biglang kumunot ang noo nito at nagaalalang

nagtanong, "Ms. Song, lasing ka ba?"

Hindi na tumanggi si Song Xiangsi at tumungo habang nakatitig sa

nakasaradong pintuan ng operating room. "Anong nangyari? Noong bumisita

ako kanina, okay naman siya diba? Bakit bigla siyang hinimatay?"

Umiling ang nurse at detalyadong kinuwento ang nangyari. "Maayos naman po

ang lagay ni Mr. Song noong naggabihan siya. Masaya pa nga siya eh at

nagrequest pang manuod ng pelikula mo. Pero pagkatapos naming manuod,

matutulog na sana siya, pero bigla siyang hinimatay."

"Ganun ba, sige maghihintay nalang ako dito. Makakaalis ka na."

"Sige, Ms. Song."

"Mmh." Pagkaalis ng nurse, napahawak si Song Xiangsi sa pader para alalayan

ang sarili niya at dahan-dahang umupo habang nakatulala sa "In operation" na

sign na nakadikit sa pintuan ng operating room.

-

Narinig ni Xu Jiamu ang lahat… at nang maproseso niya na ang nangyari, dun

lang siya lumapit.

Sa sobrang tahimik ng hall way, kahit gaano pa kagaan ang yabag ng mga paa

ng isang tao, rinig na rinig pa rin ito kaya noong sandaling yun, napalingon si

Song Xiangsi at nang makita niya si Xu Jiamu, napakagat nalang siya ng

kanyang labi, at muling tumingin sa pintuan ng operating room.

Hindi nagtagal, huminto si Xu Jiamu at dahan-dahang sumandal sa pader na

nasa harapan ni Song Xiangsi habang nakatitig sa napaka putla nitong mukha.

"Hindi pa rin magaling ang papa mo?"

"Mmh," Sagot ni Song Xiangsi bago muling mabalot ng katahimikan buong hall

way. Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, tumingin siya ng diretso sa mga

mata ni Xu Jiamu. "Pagkatapos niyang maoperahan, bumuti ang lagay niya,

pero simula noong magumpisa ang taon na 'to, bigla siyang tumamlay at

nalaman naming na mas lumala nap ala ang kundisyon niya."

Tumungo lang si Xu Jiamu bilang sagot. Dahan-dahan, yumuko siya, pero nang

makita niya ang paa nito, muling kumunot ang kanyang noo at walang

pagdadalawang isip siyang lumuhod para hawakan ang isa nitong binti.

Hindi inaasahan ni Song Xiangsi ang gagawin ni Xu Jiamu kaya nang

sandaling maramdaman niya ang init ng kamay nito, biglang bumilis ang tibok

ng kanyang puso, pero bago niya pa maproseso ang nangyari, natanggal na

nito ang sapatos niya at nagaalalang nagtanong, "Bakit namamaga ang paa

mo?"

Dahil dito, napayuko nalang siya.

"Nasprain ka kanina?" Base sa naalala ni Xu Jiamu, medyo mataas din ang

pinagbagsakan nito kanina.

Nanatiling tahimik si Song Xiangsi.

"Bakit hindi ka nagsabi na ganito nap ala kalala?" Naniinis na tanong ni Xu

Jiamu.

Ilang segundo pang nanatiling nakayuko si Song Xiangsi bago niya tignan si

Xu Jiamu at nakangiting sinabi, "Ano namang sasabihin ko?"