webnovel

Ang pagbisita sa mga magulang (3)

Editor: LiberReverieGroup

Pero nanatiling walang imik si Qiao Anxia, na halatang ilang na ilang, at

pagkalipas ng halos kalahating minuto, doon niya lang niya dahan-dahang

iniangat ang kanyang ulo para silipin si Qiao Anhao.

Masayang itong nakangiti habang naghihintay na kunin niya ang mangkok na

hawak nito, pero dahil sa mga personal niyang dahilan, hindi niya ito kayang

tignan ng matagal kaya dali-dali niyang ibinaling ang tingin niya sa iba at kinuha

ang mangkok ng mama niya bago siya muling yumuko para humigop ng sabaw.

At dahil dito, muli nanamang bumigat ang paligid.

Hindi makapaniwala si Qiao Anhao na ganun ang gagawin ni Qiao Anxia kaya

bigla siyang natigilan.

Mula palang noong bumaba ng hagdanan si Qiao Anxia, hindi na natutuwa si Lu

Jinnian sa pambabastos na ginagawa nito kay Qiao Anhao. Pinilit niyang

magtimpi bilang respeto na rin kina auntie at uncle Qiao, pero sa pagkakataong

ito hindi niya na matiiis na makitang napapahiya ang asawa niya kaya bigla

siyang tumayo para paupuin ito at kausapin ng mahinahon, "Tama na, buntis ka

ngayon kaya dapat unahin mo ang sarili mo."

Dahan-dahan niyang hinalo ang sabaw at tinanggal ang mga mantikang

lumulutang bago niya maingat na isubo kay Qiao Anhao.

Maging si uncle Qiao ay hindi na rin natutuwa sa mga ikinikilos ni Qiao Anxia

kaya tinignan niya ito ng masama para balaan, pero para hindi naman tuluyang

masira ang mood ng lahat, masaya siyang tumingin sa dalawa at binago ang

usapan, "Qiao Qiao, sobrang swerte mo naman at nakahanap ka ng napaka bait

na asawa."

"Hindi po yan totoo. Ako po ang maswerte na pinakasalan po ako ni Qiao Qiao,"

magalang na sagot ni Lu Jinnian habang maingat na sinusubuan si Qiao Anhao

ng mga paborito nitong pagkain, at nang maubos na ang laman ng plato nito,

muli niya itong pinuno ng iba pang mga paborito nito.

"Jinnian, grabe! Kilalang kilala mo talaga si Qiao Qiao ah! Alam na alam mo

yung mga paborito niya," Kinikilig na papuri ni auntie Qiao.

Magalang na ngumiti si Lu Jinnian bilang sagot bago niya silipin si Qiao Anxia,

na halatang lalong sumimangot.

Kung siya lang, kanina niya pa ito gustong patulan pero dahil alam niyang mahal

na mahal ito ni Qiao Anhao, wala siyang magagawa kundi intindihin ito.

Pero walang ibang halong rason, dahil ang gusto niya lang ay mapasaya si Qiao

Anhao.

Alam nila pareho ni Qiao Anxia na ito ang may kasalanan kay Qiao Anhao, at

kung nasaktan man ito, siya lang ang dapat sisihin, kaya hindi niya hahayaan na

pagbuntangan nito ng galit ang inosente niyang asawa.

Oo, baka nga nasaktan niya talaga ng sobra si Qiao Anxia at wala siyang

pakielam kahit habambuhay na siyang kamuhian nito, pero wag naman sana

nitong idamay si Qiao Anhao dahil isa sa pinaka kinatatakutan niya ay ang

makita itong nalulungkot.

Kumuha si Lu Jinnian ng isda at hinimay ito bago niya ilagay sa mangkok ni

Qiao Anhao. Noong napansin niyang nakasilip sakanila si Qiao Anxia, hindi siya

nagpa apekto at imbes na mailang ay kumuha siya ng tissue para punasan ang

mga labi ni Qiao Anhao.

Nabanggit ni Qiao Anhao sa auntie at uncle niya na naghahanda na sila para sa

nalalapit nilang kasal at kahit hindi siya tunay na anak ng mga ito, kahit kailan

ay hindi niya naramdaman na trinato siya ng mga ito na mas mababa kaysa kay

Qiao Anxia.

Kaya habang kumakain sila, sinamantala nila ang pagkakataon na pagusapan

ang ilang detalye tungkol sa kasal. Marami rami na rin silang napagkasunduan

nang biglang tumingin si auntie Qiao kay Qiao Anxia at nang'iintrigang

nagtanong, "Xia Xia, kailan niyo ba balak magpakasal ni Cheng Yang? Kung

mauuna kayo kina Qiao Qiao at Lu Jinnian, edi sila ang magiging bridesmaid at

groomsman niyo, pero kung mas maaga sila, edi kayo nalang muna sa kasal

nila!"

Malungkot na nga si Qiao Anxia dahil kay Lu Jinnian at ngayon naman binanggit

pa ng mama niya ang pangalan ni Cheng Yang kaya lalo pa siyang nalugmok

dahil naalala niya nanaman na halos kalahating buwan na noong bigla nalang

siyang hiwalayan nito at simula noong gabing yun, hindi na siya tinawagan nito

ulit… kahit isang isang beses.

*THUD!*

At sa pagkakataong ito, hindi niya na talaga kayang magtimpi kaya bigla niyang

dinabog ang hawak niyang chopsticks sa lamesa.