webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

EPILOGUE

E P I L O G U E

~**~

Direk Babe Sweet

"Kahit na madalas hindi magkasundo si Xiana at L, marami silang personalities na magkatulad. Gaya nalang ng pagiging totoo nila sa sarili nila. Alam naman siguro ng buong mundo kung gaano ka-wirdo ang dalawang yan. Ang gugulo at ang kukulit nila On-Cam man or Off-Cam. They are just being themselves. Wala silang pake kung husgahan man sila ng mga tao, basta nagpapakatotoo sila. That's one of my reasons kung bakit kampante akong isali sila sa 1hundred Days. Kasi, alam kong hindi ako mapapahiya.

And letting them enter the show, is like preparing myself for what may happen to my last rule."

"Yan, isama mo 'yan. Yung last sentence idagdag mo sa teaser for the wedding."

"Yes, direk."

Ni-minimize ko ang clip at binalikan ang isa pang clip na isa sa mga gustung gusto ko.

"Wala nga talaga. Pwede bang yung dahilan nalang kung bakit siya nakakainis?" ang sagot ni Xiana nang tanungin siya kung anong traits ni L ang gusto niya.

Wala siyang masagot pero kita naman sa ngiti niya na marami siyang naiisip na sagot.

"Nakakainis siya kasi tuwing magkasama kami mas pinapa-realize niya sa akin kung gaano siya ka-espesyal sa akin... mahal ko siya."

"Isama mo yan sa last part ng episode," utos ko sa video editor.

"Yes, Direk BS."

Hindi pa napapanood ng viewers yan. At hindi ko rin hinayaan na may makakuha ng kopya ng clip na yan dahil sigurado akong kakalat sa internet. Kahit si Lian hindi alam ang sinabi ni Xiana. Umalis kasi siya ng time na yun. And I wanna surprise him in that way.

Pumikit ako at napangiti. May bago na namang nagkatuluyan dahil sa'kin.

Masaya ako na wala ng hadlang kina Xiana at L. Ang rule lang naman ang umaagwat sa kanilang dalawa. But, falling in love means breaking the rules.

After months, nagpakalat ng announcement ang Big Hint Entertainment na ni-revise nila ang last rule. They can date a labelmate now. Ngunit tatlong taon ka na dapat nilang artist after debut.

Ang kapalit para mapunta sa pangalan ni Xiana si Baby Timo? Kailangan nilang magpakasal ni L after 10 years. With that, magiging anak na nila si Baby Timo.

Nilabas ko ang phone ko at tiningnan ang dalawang pangalan na isusunod ko.

Napangiti ako ng malawak. It's now your turn Jeisan and Eniv. Ang dalawang taong nadadaan daanan lang ang isa't isa ngunit hindi nila alam na sila ay para sa isa't-isa.

END