webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 8

C H A P T E R  E I G H T

~**~

Nagbabasa ako ng Fallen by Lauren Kate habang naglalakad sa hallway. Matagal na sa akin ang libro na ito ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin natatapos basahin. Masyado kasing busy. Minsan nga sa sobrang hectic ng schedule ko, biyahe lang ang pahinga ko. Nagsabay pa ang upcoming release ng new album namin at ang pasahan ng mga requirements sa school dahil malapit na ang bakasyon.

Nabitawan ko ang librong hawak ko nang may nakabunggo sa akin. Sinundan ko ng tingin ang babaeng tumatakbo. Pasalamat ka babae ka. Dahil kung lalake ang nakabunggo sa'kin? Hinabol ko na 'yan at tinuruan ng leksyon. Hindi manlang marunong mag-sorry!

Lumuhod ako para pulutin ang libro. Sakto sa pagtayo ko, may nakabangga na naman sa akin. Another girl running in haste.

Tiningnan ko ang paligid. Kung hindi nagmamadaling tumakbo, mabibilis na naglalakad ang mga estudyante mapa-babae o man o mapa-lalaki.

Anong meron?

Lumapit ako sa grupo ng mga babaeng mabilis na naglalakad para tanungin sila kung anong nangyayari nang biglang may nagsalita sa intercom.

"Hoy, Xiana! Inuutusan kita, pumunta ka sa quadrangle. Inuulit ko, pumunta ka sa quadrangle. Makikita mo hinahanap mo!"

Pagbanggit palang sa pangalan ko nagsilingunan na sa akin ang mga estudyante.

Teka... may hinahanap ba ako? O di kaya...

I gasped.

Di kaya may binully na naman ang unggoy?

Tumakbo ako ng mabilis. Sinaway ako ng nakakita sa akin na professor nang mahuli niya akong tumatakbo pababa ng hagdan. Malayo ang quadrangle mula dito sa building ng College of Arts kaya pagkarating ko ay hingal na hingal ako. And the moment na tumigil ako sa pagtakbo, naramdaman ko agad ang pagtulo ng pawis sa katawan ko.

Nang ilibot ko ang tingin ko, ang daming mata ang nakatingin sa'kin. Ang daming tao ang nagkukumpulan.

May mga babaeng tumili sa harapan, yung mga malapit sa stage. Lahat tumingin sa harapan.

Namilog ang mga mata ko nang makitang isa-isang dumating ang members ng Pentagon. Lahat sila naka-porma at may lapel. The people cheered and screamed. May mga professors din akong nakita sa gilid na pumapalakpak habang sinisigaw ang pangalan ng grupo "Pentagon".

"Padaanin niyo siya," sabi ni Lian sabay tinuro ako.

Parang red sea na nahati ang mga tao at binigyang daan nga ako. Tulala akong naglakad papunta sa harapan.

Lian smiled at me. Then the music hit. Pentagon performed. Maraming sumasabay sa kanta nila at may ilan rin na kalog at sinasabayan ang sayaw nila.

Wow. So may school visit pala ang Pentagon?

Pinagmamasdan ko si L habang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya. Lian is different everytime he's on stage, everytime he's performing. He's serious, he's fierce, he's hot and he's sexy. Kaya kapag nagpe-perform siya, kilala ko siya bilang L. Parang dalawang tao ang nasa loob niya. L, the serious one and Lian, the funny one.

At kung papipiliin ako sa dalawang character na iyon, I'll choose both. Nakakakilig si L habang nagpapakitang gilas sa stage lalo na ang facial expression na ipinapakita niya habang sumasayaw at kumakanta. Seryoso ang mukha niya yet nang-aakit. Lalo na yung mga tinginan niya... ugh! Miski ako, hindi maiwasang mag-fangirl everytime na pinapanood ko siya lalo na kung live at sa malapitan.

Ngunit si Lian... ay nakaka-inlove.

Part na ni L kung saan naging malumanay ang kanta. May nilabas siyang isang pirasong rose mula sa loob ng jacket niya at naglakad papunta sa akin.

Nag-init ang pisngi ko at alam kong nagba-blush ako ngayon. Hindi ko alam kung sa vibrations lang ba ng speakers o sadyang tinatambol ang puso ko. I feel like I'm hyperventilating lalo na ng inabot niya sa akin ang bulaklak.

What's with the flower? Bakit niya ako binigyan? Totoo nga bang may school visit ang Pentagon o sadyang may surprise lang sa akin si Lian? Ganito ang kadalasang nangyayari sa nababasa kong libro. The guy would surprise the girl and he would ask her if she can be his girlfriend. SAY WHAT?

What will I say? What will I say?

Hinila ako papuntang stage ni Lian. The rest of the members clapped their hands. May mga bumagsak na rose petals mula sa itaas. Pag-angat ko ng ulo, nakita ko ang mga estudyanteng may hawak na timba at naghahagis ng petals.

Tiningnan ko si Lian. Ang bango niya talaga. Ang gwapo niya. Ang ganda ng smile niya.

"Xiana," tawag niya sa pangalan ko.

Magsasalita sana ako nang marinig ko ang napaka-familiar na drum roll. Tumigil sa pagwawala ang mga tao. The drum followed by another very familiar sound, tunog sa isang wedding ceremony.

Lumakas lalo ang tibok ng puso ko.

Akala ko totoo na... show lang pala.

Tiningnan ko ng masama si Lian at inirapan siya.

"Ano na naman?" sabi niya pero hindi ko pinansin.

Naghiyawan ang mga tao nang magpakita si Direk BS kasunod ang dalawang hosts na sina Gelie at Theo.

Isa lang ang ibig sabihin nito, the episode of the show has now begun.

"Ano, nakita mo na?"

Kunot noo akong napalingon kay Lian. "Huh?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi para maiharap ng maayos ang mukha ko sa mukha niya.

"Eto, oh. Diba palagi mong hinahanap hanap 'to?" Ang tinutukoy niya ay ang mukha niya.

"Bakit ko naman hahanap hanapin 'yang sobrang makapal mong mukha? Kung pwede nga lang ibaon sa lupa 'yan matagal ko ng ginawa."

"Ikaw, alam mo? Kung pwede ka lang halikan kanina ko pa ginawa!"

Kinurot ko siya sa tagiliran. Napasigaw siya ng aray. "Manyak!"

"Ako pa? Sabi mo nga halikan kita kapalit ng pagpirma mo ng kontrata eh."

Tiningnan ko ang lahat. Gulat sila at halatang nagpapadala sa kasinungalingan ni Lian.

"Gawa gawa ka ah!" At sinikmuran ko siya.

Napaluhod siya sa ginawa ko habang nakahawak sa sikmura niya.

May humawak sa akin na dalawang men in black at nung sinamaan ko sila ng tingin at ready to fight na, nagsalita agad si Direk BS na dadalhin na nila kami sa conference room ng building nila kung saan gaganapin ang official contract signing.

***

"Pwede ba naming malaman kung paano ka niligawan ng partner mong si L?" tanong ni Gelie.

In a snap, namula ang pagmumukha ko sa galit. Ramdam ko ang panlilisik ng mga mata ko. My blood is boiling.

Naikuyom ko ang mga palad ko sabay tumingin kay Lian, na biglang naglaho sa tabi ko. Natagpuan ko siyang nakatayo sa gilid ni Mr. Perez at kinukulit ito.

"We gave L the first instruction. And that is to court the chosen female participant. Kaya sa kanya namin binigay ang dalawang kontrata dahil kailangan ka niyang suyuin at papirmahan sa'yo ang kontratang payag ka na maging female participant. Then, siya mismo ang magbabalik sa amin ng kontrata," paliwanag ni Sunny.

Kaya naman pala hindi na niya binalik sa akin ang kontrata niya matapos niyang pirmahan. Ang sabi niya, siya na daw ang bahala. Siya naman talaga ang bahala sa lahat dahil siya ang dapat na nanligaw. Siya dapat ang pinahirapan ko!

Alam ko namang ginawa niya yun para makabawi sa akin at para pagtawanan ako.

Lalong dumiin ang pagkakakuyom ko sa palad ko hanggang sa sobra na akong nanggigil kaya, nahampas ko ang mesa.

"BWISIT KA TALAGA, LIAN! NAPAKASINUNGALING MO!" hasik ko habang sumusugod kay Lian. Ang unggoy naman nagtatatakbo kaya paikot ikot kami sa buong conference room.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nagsitayuan ang lahat at nakitakbo na rin para pigilan kaming dalawa. Yung mga camera man kanya kanyang punta sa gilid para hindi masagi ang mga apparatus nila. Ang ingay sa room na ito, ang gulo. Maraming sumisigaw dahil inaawat kami at kami naman ni Lian ay nagsisigawan dahil nag-aaway.

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG ALILAIN AKO EH IKAW NAMAN PALA ANG BINIGYAN NG INSTRUCTION!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga taong nakahawak sa akin. Ang dami nila kaya hindi ako makaalis anumang pagpupumiglas ang gawin ko. May mga nakahawak sa braso ko, sa tuhod at sa mga paa.

"Malay ko bang kakagat ka!" katwiran pa ni Lian. "Matalino at palaban ka nga, pero hindi ka pala ganoon ka-segurista."

Baligtad pala. Si Lian dapat ang manliligaw at ang dapat na manunuyo sa akin. Isa siyang lapastangan! Kaya naman pala kapag may pagkakataon na kakausapin ko si PD at magtatanong tungkol sa pagiging participant namin sa show, palagi siyang umeepal. Ehhh kasalanan ko ba? Aaminin ko na-excite ako sa pagkakapili sa akin bilang female participant ng 1hundred Days. Sino ba naman ang hindi? Karamihan humihiling na maging participant. It's a kind of adventure you don't wanna miss in your life.

Hindi ako naging segurista. Nagdududa na ako pero hinahayaan kong sumunod sa agos lalo na kapag sumasabad siya kapag kinakausap ko si PD tungkol sa show. Inaagapan niya malamang ang conversation na magbubuking sa kanya.

Sinubukan ko ulit kumawala. Tumakbo si Lian sa likod ni Mr. Perez, na ini-spread out ang mga braso bilang harang.

"Sinungaling ka! Manloloko! Nagpauto pa ako sayong animal ka!"

Huminga ako ng malalim. Pumikit. Inhale, exhale. Pagdilat kong muli, buong pwersa kong itinaboy ang mga nakahawak sa akin sa pamamagitan ng paghila sa mga braso ko tapos pataas na parang sumuntok ako sa hangin ng malakas tapos umikot ako ng mabilis na may kasamang pwersa.

May mga natamaan ako sa mukha lalong lalo na ang mga nakahawak sa paa ko. Ang mga nakahawak naman sa braso ko ay nasiko ko ng bongga.

Pakiramdam ko umaapoy ang mga mata ko sa sobrang pagkainis. Humawak si Lian sa balikat ni Mr. Perez at ginawa siyang shield.

Sumugod ulit ako. And this time, wala ng makapipigil sa akin kaya malaya kong nabugbog ang lapastangan.

"Xiana, stop." Ang ma-awtoridad na boses ni Direk BS ang nagpatigil sa'kin. Tumingin ako sa kanya. Her expression is blank but serious.

"Kung siya rin lang naman ang magiging parrtner ko, wag na!" reklamo ko.

"Bakit, natatakot kang ma-inlove sa'kin?" tila walang kadala-dalang sabi ni Lian. Baka gusto niyang dagdagan ko ang kalmot sa braso niya at pasaaan ko ng matindi ang mukha niya!

Pagtayo niya, nagpagpag siya ng kamay at inayos ang damit na parang walang nangyari. Halatang halata ang pamumula ng pisngi niya na posibleng maging pasa mayamaya kung hindi aagapan.

May inutusan na dalawang tao si Mr. Perez na kumuha ng pang-hot and cold compress para hindi magkapasa ang mukha ng talentee niya.

"In your dreams! Ayokong makasama sa iisang bahay ang isang katulad mo!"

"Ha! Bago mo sabihin yan tanungin mo muna ako kung gusto ko ba. Para akong makikipag-live in sa isang gangster na walang ibang gawin kundi ang bugbugin ako."

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit kita binubugbog!"

"You two. Stop. Hindi ganyan ang dapat na On-Screen Couple. Dapat sweet kayong dalawa," ani Mr. Perez.

"PD, hindi ka po ba nag-aalala? Makakasama ko sa isang bahay ang manyakis na si Lian!"

Nasaktan ang bibig ko ng biglang takpan ni Lian ang bibig ko. "Wag ka ngang magsalita ng mga ganyan! May mga cameras, oh!" Binitawan niya ako at humarap sa mga cameras na nakatutok sa amin. "Hello po! Hindi po totoo ang narinig niyo. Hindi po ako manyakis. Mabait at gentleman po ako." Hindi pa siya nakuntento. Inutusan niya ng paulit ulit ang staffs na naka-assign sa pag-e-edit ng video na burahin ang part na sinabihan ko siyang manyak.

"Sa totoo lang nahihiwagaan ako kung bakit kayo ang piniling maging couple ng 1hundred Days. Eh, ang gulo gulo niyo kapag magkasama! Paano pa kapag tumira na kayo sa iisang bahay? Baka magpatayan na kayo nyan," biglang reklamo ni Mr. Perez at tumingin kay Direk BS. "It's not that against ako sa desisyon niyong sila ang piliin. Malaki ang maitutulong ng show ninyo sa career ng dalawang batang ito. Napakalaking opportunity ang maging participant ng show. Pero sigurado ba kayo sa dalawang ito? Walang sisihan ah. Walang bawian ng bayad."

Napa-poker face ako sa huling sinabi ni Mr. Perez.

Ngumiti si Direk BS. "Una palang, sigurado na ako sa dalawang 'yan."

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong may malalim pang ibig sabihin ang sinabi ni Direk BS.

"Ayoko pa din," giit ko. "Iba nalang ang gawin ninyong female participant, Direk BS. I backed out."

"Hindi ka pwedeng magback out, Xiana, dahil napirmahan mo na ang unang kontrata kung saan nagsasaad na pumapayag ka bilang maging bahagi ng show, ang maging female participant," wika ni Mr. Perez.

"Edi hindi ko pipirmahan yung kontratang kung saan pumapayag akong si Lian ang magiging partner ko. Hindi ko pipirmahan ang huling kontrata hangga't pangalan niya ang nakalagay doon." Nilingon ko ang unggoy at hindi ko mapigilang mapangisi. Paano, ngiti ngiti niyang nililigpit ang mga kalat na sanhi ng pagrarambulan namin habang inuutusan ang mga camera man na sundan siya at video-han. Talagang pinagtatakpan niya ang pagiging manyak niya ng pagiging "mabait" daw. Anyway, wala naman akong sinabing hindi siya mabait.

"Oops! Hindi rin pwede dahil nakapirma na si L. Wala na kayong ibang choice. Kung ayaw mo talaga, haharap ka sa korte sa kasong paglabag sa pinirmahang kontrata. Gusto mo bang masira ang career mo?" pananakot naman ni Direk BS.

"Kasama po sa rule ng agency namin ang dating with labelmate is not allowed, alam niyo naman po siguro yun kasi hindi lang ang agency namin ang may ganoong rule. Bakit niyo po kami pinagpa-partner?" Tumingin ako kay Direk BS tapos kay Mr. Perez.

"So natatakot ka nga na baka ma-break mo ang rule?" sabad ni Lian.

Napairap ako sa kawalan.

"Come on, aminin mo nang natatakot ka dahil alam mong malaki ang possibility na mainlove ka sa'kin."

"Shut up! Di kita kausap!" sabi ko nang pinanlilisikan siya ng mata. May lalaking inaagapan ang pasa niya sa mukha. Hay nako. Pwede naman siya ang maghawak ng ice pack. Tss.

"Kung sigurado ka namang hindi ka maiinlab walang magiging problema."

Medyo natigilan ako sa sinabi ni Lian. Kaya ba ayos lang sa kanya? Pero, duh? That's not the problem. Ang pinuputok ng butsi ko ay yung magsasama kami sa iisang bahay! Imagine that? Kawawa ang bahay.

"Kung hindi ka nga natatakot, then sign the contract. Prove L that he's wrong," paghahamon ni Direk BS at inabot sa akin ang papel at ballpen.

"Talaga!" And without thinking, I signed the contract.