webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 4

~**~

C H A P T E R  F O U R

Naibuga ni Lindo ang tubig nang bigla ko siyang higitin sa damit.

"Ano yung tinext mo kay Mia, ha?"

"Anong text?" Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa damit niya pero di ako nagpatalo.

"Mauuna na ako sa dressing room. Inaantok na ako," paalam ni Toshi ngunit walang pumansin sa kanya.

"Sinabi mong excited ka ng makama siya. Binabastos mo ba yung ka-grupo ko ha?" Hinila ko siya at lalong humigpit ang pangkakahawak ko sa damit niya.

"What?" Biglang nanlaki ang mga mata niya. Tumingin siya kay Toshi. "Toshi! Bakit mo tinext si Mia ng ganun? Baka ma-turn off sa akin yun sabihin niya wala akong respeto sa kanya."

"Hay, inaantok na talaga ako. Mauna na ako sainyo ha?" Toshi ran, trying to escape.

But he can't.

Nang nakahawak pa rin sa damit ni Lindo, hinarang ko ang binti ko sa daraanan ni Toshi kaya naman pumlakda siya sa sahig.

Narinig kong tumawa sina Rem, Warren at Lex.

Binitawan ko si Lindo at si Toshi naman ang pinitsirahan. Hinila ko siya patayo at dinikit sa pader.

"How dare you text Mia like that!" I hissed at him.

"Ah.. eh... Di naman ganun. Hayaan mo muna akong magpaliwanag."

Pinitik ko ng malakas ang tenga niya. Sumigaw siya sa sakit.

"Sorry na sorry na! Na-typo lang naman ako eh! Ang dapat na itetext ko "excited na akong makasama ka". Sorry na! Wag mo kong sisihin at wag mo na kong saktan!"

Binitawan ko na siya. Ngunit hindi naalis ang pagkairita sa mukha ko. Si Toshi naman, umiwas ng tingin. Hindi makatingin ng diretso sa mukha ko. But he looked sincere and he has those apologizing looks.

"Kung alam ko lang na itetext mo ng ganun si Mia edi sana si Warren o si Lex nalang ang inutusan ko."

Nilingon ko si Lindo. "Bakit kasi nang-utos ka?"

"Nagsisintas kasi ako ng sapatos. Ayokong pinaghihintay ng matagal na reply si Mia kaya inutusan ko si Toshi. Nakalimutan kong engot pala 'yan."

"Hoy, ang sama mo naman, Lindo! Baka nakakalimutan mo, kung hindi sa akin hindi kayo magiging close ni Mia─"

Tiningnan ko ng masama si Toshi. Tumahimik naman siya at yumuko.

"Si Rem? Bakit di siya ang inutusan mo?"

"Baka mautusan 'yan. Tignan mo nga." Nilingon niya ang leader nila na may sarili ng mundo kasama sina Lex at Warren.

Nakataas ang phone niya at may ka-video chat.

Tila nawala bigla ang vexation ko ng makita ang magandang pagmumukha ni Kangji sa screen.

Napansin niya rin ako at kumaway sa akin. I smiled back and waved at her. Dahil dun, napalingon sa akin ang tatlo. Nginitian ko si Rem, na nginitian ako pabalik.

Rem is one of my crushes. And Kangji is my girl crush. Kaya masaya ako na nagkatuluyan sila. Alam ko yun hindi pa man pinapalabas sa TV. Tapos na ang filming nila pero yung ini-air sa TV ay On-Going pa din.

"Yow! Kamusta mga tropa!"

Napalingon kaming lahat. Dumating ang Pentagon galing sa backstage. At ang sumigaw ay walang iba kundi si Lian. Napaka-hyper niya at nagtatatalon pa.

Nagkamayan ang Dark B at Pentagon. Ako naman, pinapanood sila.

"Anong meron? Bakit nakahawak ka sa damit ni Toshi?" tanong ni Lian sa akin nang mapansin ako.

Nagkatinginan kami ni Toshi. Hawak ko pa pala siya sa damit.

"Kunin mo na nga 'to, L." Ang tinutukoy ni Toshi ay ako. "Ibalik mo na sa agency niyo. Nakakatakot ang babaeng 'to."

"May sinasabi ka, ha?" I took a step and lifted my fist.

Napaatras naman si Toshi with matching pikit pa ng mga mata.

"Xiana, chill." Ibinaba ni Lian ang kamay kong nakataas. Tapos, inakbayan niya ako. Tinaboy ko iyon ngunit binalik rin niya. "Bye, guys!" Nagpaalam siya sa Dark B at sa mga ka-miyembro niya bago ako hinila papunta sa kung saan.

"Smile!"

Click!

"Fierce naman!"

Click!

"Side view! Yan good."

Click!

"Ikot ka."

Sinunod ko ang utos niya.

"Ay ang pangit. Ikot ka ulit."

"Ayoko na! Pinapagod mo lang ako," reklamo ko. Nasa rooftop kami ng GSB building. Actually, pumuslit lang kami dito. Bawal pumunta dito, eh. Kaso dahil nga may kasama akong pasaway, here we are. Siya umaarteng photographer at ako na naman ang model niya.

Spell walang magawa?

"Di kita pinapagod. Sadyang ang pangit mo lang anumang anggulo."

Nandilim ang paningin ko sa sinabi niya. Ha. Kung alam lang niya puring puri ako ng mga photographers kapag may photoshoot para sa isang magazine or para sa album namin.

Nagmartsa ako papunta sa kanya. "Ang pangit pala, edi maghanap ka ng ibang model mo!" At tinadyakan ko siya sa tuhod.

Napamura siya sa sakit.

"Serves you right," sabi ko sa kanya. Hinablot ko ang phone niya, ang ginamit niyang gadget para picture-an ako kanina. Habang iniinda niya ang sakit, chineck ko ang Gallery at binura ang napakadaming pictures.

Nangalay ako sa mga pinagawa niya sa akin. Andun yung itaas ko daw ang mga kamay ko sa ere, mag-jump shot at kung anu-ano pa. Lagpas isang daan ang pictures na nakuha niya. May mga candid at wacky. Mabuti nalang nakita ko agad bago pa niya gawan ng kalokohan. For sure, he'll post this on Internet and everybody will make fun of it.

Hinagis ko ang phone niya. Nasalo naman niya ito gamit ang isang kamay.

"Isusumbong kita kay PD, pinilayan mo ako." Ang arte talaga ng unggoy.

As if on cue, tumunog ang phone ni Lian. Nakita ko sa screen ang pagmumukha ni PD. Nagulat na natawa pa ako pagkakita sa contact photo. Ang tulis kasi ng nguso ni PD sa picture at ang mga mata niya ay nanlilisik. Pashnea talaga si Lian! Malamang pasimple niyang kinuhanan ng picture si PD habang pinapagalitan siya nito.

"Yes, mahal kong PD? Miss mo na ako?" nang-aasar na sabi ni Lian.

Lumapit ako at madaling pinindot ang Loudspeak para marinig ko pag-uusapan nila.

"Manahimik ka, L, baka tampalin kita. Sa susunod na linggo na ang official contract signing ninyo ni Xiana sa 1hundred Days. Be ready. Pirmado na ba ang dalawang kontrata?"

"Yung isa palang po. Ang pabebe kasi ni Xiana eh."

"Kailangan bago ang araw ng contract signing, napirmahan na ang dalawang kontrata."

"Teka, PD. Ilang kontrata ba ang pipirmahan?" tanong ko ng hindi na nakatiis.

"Tatlo. Sige na, marami pa akong gagawin." But after a few seconds, "Sandali nga, bakit parang kayong dalawa lang ang magkasama? Nasaan ang mga ka-grupo ninyo?"

"Yes, PD. Kaming dalawa lang ni Xiana dito sa rooftop ng GSB. Diba bawal dito?"

"Aba't! Hoy! Sinong nagsabing pumunta kayo dyan? Delikado dyan ah. Kapag kayo nagkatulakan dyan saksakan pa naman kayong dalawa ng kaharutan kapag nagsama. Umalis na kayo dyan bago pa may makakita sainyo!"

The call just ended. But in just a seconds, another call is inviting. Hindi na voice call kundi video call na.

"Hi, PD!" Nakangiting kumaway kaway si Lian. Pinagitna niya ang phone niya para makita rin ako ni PD.

"ANO YAN NASA RAILINGS KAYO? WAG NA WAG KAYONG MAGTATANGKA MAGHARUTAN DYAN AT BAKA MAY MAMATAY ISA SAINYO─"

"Anong klaseng harutan ba?" tanong ni Lian sa tonong nang-aasar. "Ganito ba?" Tinulak niya ako bilang pag-demo kay PD. Agad rin naman niya akong hinila pabalik.

Sinabunutan ko siya. "Papansin ka talaga, eno?"

"Mas papansin ka!" sabi niya sa akin.

"Wow, ako pa talaga ha!" Sabay kurot ko sa tagiliran niya.

Mukhang gaganti pa siya nang sumigaw si PD. "SINABI NANG WAG KAYONG MAGHARUTAN DYAN! PAPUNTA NA AKO DYAN! KAPAG KAYO TALAGA NAABUTAN KO DYAN SA ROOFTOP, PAGBUBUHULIN KO KAYO!"

Video call ended.

Nagkatinginan kami ni Lian. Kilala namin si PD. At sigurado kaming gagawin niya ang sinabi niya.

At nag-unahan na nga kami sa paglabas sa rooftop.

Hindi naman kami actually nasa railings ng rooftop. May malapad na bakal lang na nasa may bandang likuran namin. Nakatayo kasi kami pareho ni Lian at dahil na rin siguro sa anggulo ng camera, inakala niyang nakasandal kami sa railings. Ganunman, ayokong matali kay Lian! No freaking way!