webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 28

~**~

C H A P T E R T W E N T Y E I G H T

Tinatapos nalang namin ni Lian ang ilang araw na participant kami sa 1hundred Days. Kapag may filming lang kami nakakapag-usap at nakakapagbonding. Behind the camera, nag-iiwasan kami. We aren't close now unlike how we used to.

But despite na nasaktan ko si Lian, he still respects me the same way. Kapag kailangan ko ng tulong, nandyan pa rin kahit na hindi ko siya tawagin.

"Mommy, wag kang magselos."

Napatingin ako kay Jisoo nang binulungan niya ako. "Anong nagseselos? Di ah," tanggi ko tapos tumingin ulit sa sweet na sweet na sina Lian at Abelle, isang female solo artist. Sikat din ang bruhang yan. Sabi nga ng host kanina bakit daw hindi bigyan ng collaboration project ang dalawa eh. Edi wow. Tss.

Kapag nangyari yun paniguradong mapapadalas ang pagsasama nilang dalawa. Edi wow talaga. Di nga sabi ako nagseselos. Landi landi nitong Lian na 'to may paghawak pa sa kamay ni Abelle. At siya pa talaga ang mismong humahawak! Tss.

Nagtilian ang mga tao nung hinalikan ni Abelle sa pisngi si Lian. Hindi naman obvious na type niya ang mokong? Ang utos ng host, kakanta lang sila habang nagpapaikot ikot at magkahawak kamay. Grabe! Grabe talaga!

Napairap ako sa kawalan. Hindi ko napansin na nakatutok pala sa akin ang isang camera. At ayun ang niro-roll nila sa screen. Nakita ko nalang na nagtatawanan ang lahat. Ang audience, hosts at maging mga kapwa ko guests na katabi ko lang nakaupo. They were all teasing me that I'm jealous.

Sinamaan ko ng tingin si Chander sa kabilang gilid ko. "Pati ikaw tinatawanan ako?"

Tumigil siya sa pagtawa tapos kinurot ang pisngi ko. "Babawi ako. Treat kita later."

"Yan na ang pinakamagandang bawi galing sa'yo." Nag-apir kaming dalawa.

Pagtingin ko ulit kay Lian, naglalakad na sila pabalik ng upuan ni Abelle. Daldal ng daldal si Abelle pero ngiti lang ng ngiti si Lian na halata namang pilit. Panay pa ang sulyap niya sa amin ni Chander. Ha. Magselos ka din! Hmp.

***

"Mommy?" tawag sa akin ni Jisoo nung nasa waiting room na kami.

Lumingon siya sa paligid. Sinigurong walang ibang nakikinig sa amin. Lumapit siya sa akin at bumulong. "Mahal mo naman talaga si Kuya L, diba?"

Nabigla ako sa tanong niya. "Grabe ka, Jisoo. Bigla bigla yan ang tanong mo."

"Eh bakit kasi tumanggi ka kay PD? Lalong magagalit yun pag nalaman niyang nagsinungaling kayo."

Bumuntong hininga ako. "Lian and I broke the last rule. Kapag nalaman iyon ni PD, baka magaya kami ni Lian kay Jonald.

Well, kung ako lang pwede pa. Kaya ko pang tiisin. Kaso si Lian... alam ko kung gaano siya kasaya magperform. He's living in his dreams. At ayokong sirain iyon. Isa pa, damay din kayo since ka-grupo ko kayo.

What if hindi makuntento si PD na alisin ako? What if i-disband niya ang buong UNQS? At baka ganun rin ang gawin niya sa Pentagon. Mahal ko kayo, Jisoo. Importanteng importante kayo sa'kin kaya kahit ako nalang ang mahirapan."

"Mommy, ang hirap naman nyan. Puro ka conclusion. Bakit hindi mo subukang kausapin si PD? Mabait naman siya. Anak nga ang turing niya sa atin eh. Baka maintindihan niya kayo ni Kuya L."

"Kilala mo si PD when it comes on disobeying him." Pero tama si Jisoo. Puro ako conclusions... kaya puno ako ng takot.

"Malay mo naman ang dahilan lang kaya nagalit si PD sa ginawa ni Lian sa Golden Award kasi basta basta nalang siya nagdesisyon nang hindi kinakausap si PD. Syempre PD natin siya-" Natigilan si Jisoo sa pagsasalita.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Jisoo habang nakatingin sa kung saan. Nung lumingon ako, nanlaki rin ang mga mata ko. Si Lian kasi dumating. At nakatingin siya sa akin ng seryoso. Nung lumapit siya sa akin, binati siya ni Jisoo tapos umalis at iniwan kaming dalawa.

"Um.." Hindi pa ako nakakapagcompose ng sasabihin bigla nalang niyang pinunasan ang pisngi ko gamit ang basang panyo. "Uy, ano ka ba!" Pinigilan ko siya dahil sinisira niya ang make-up ko. Duh.

"Hilig mo kasing magpahalik sa ibang lalake," mariing sabi niya. Tapos pinunasan na naman niya ang pisngi ko kung saan ako hinalikan ni Chander kanina. Yes, Chander kissed me. Pero dahil iyon sa game kanina ng show.

"Anong sinabi mo?" Tinulak ko ang kamay niya.

"Sabi ko ang pangit mo!" Tapos inihilamos niya sa buong mukha ko ang basang panyo.

"Argh!" reklamo ko sabay taboy sa kamay niya. Nung humarap ako sa salamin, di ko nagustuhan ang kinalabasan. Nag-smudge yung lipstick tapos kumalat yung liquid eyeliner.

Pagharap ko ulit sa kanya, nakatalikod na siya at naglalakad na paalis. Tumatawa pa mag-isa. Tss.

Then napansin kong lahat ng tao dito sa waiting area ay nakatingin sa'min.

***

Nasa playground kami ngayon. Nagfi-film sa 1hundred Days. Ngayon ang pang-99 days namin. And yes, kasalanan na bukas.

Masaya kaming tatlo. Ako, si Lian at si Baby Timo na naglalaro. Halos hindi na nga namin iniintindi na may mga cameras. Basta masaya kami. Until nung magpahinga kami at sabihin sa amin ni Direk BS na ngayong araw rin kami magpapaalam kay Baby Timo. Tapos na ang show, kaya ibabalik na siya sa orphanage.

Nagkatinginan kami ni Lian at parehong nalungkot. Pagkasabi palang ni Direk BS nun, naluluha na ako. Napamahal na ako sa bata. Kami ni Lian.

Binigyan kami ni Direk BS ng instruction. Sasabihin namin sa harap ng camera ang mga magagandang memories na hindi namin makakalimutan kasama si Baby Timo. At kung ano ang mensahe namin para sa kanya.

Habang nagki-kwento ako, hindi ko talaga mapigilan ang hindi maiyak. "Kung pwede lang na ako na ang mag-alaga kay Baby Timo..."

Kahit hindi pa turn ni Lian para magpakita sa camera, lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

Si Baby Timo naman naluluha na din habang nakatingin sa akin. Kandong kandong ko siya.

Natapos ang filming na malungkot. Ang saya ko kanina pero nalungkot ako dahil sa matatapos na ang show. Ganito pala yung feeling. Napalapit na kasi ang loob ko sa buong team. Kahit istrikta si Direk BS, may time na nakikipagsabayan siya sa kakulitan ko.

Si Sunny naman, mamimiss ko ang pagiging maingay niya. Ang mga direktors, writers at ibang pang staffs. Mamimiss ko sila.

Hating gabi, may kumatok sa kwarto ko. Magpapanggap na sana akong natutulog kaya lang bumukas ang pinto at niluwa nito si Sunny. Napaupo ako kasi yung mukha niya ay katulad nung time na hindi pa bumabalik si Lian.

"Pakitawagan naman si L."

"Bakit? Anong meron?" Nagsimula na naman akong kabahan.

"Nawawala na naman kasi yung soon-to-be-groom mo. Pinuntahan ko kanina sa kwarto niya para ipasukat sa kanya yung outfit niya para bukas pero wala siya. Taong yun, hindi marunong magpaalam."

"Ganun naman talaga yun kahit kay PD."

Hinalikan ko muna sa noo si Baby Timo bago tumayo. "Pakibantayan nalang muna si Baby Timo."

"Osige ako nang bahala. Paglabas mo daanan mo sa kabilang bahay si Direk BS. Sabihin mo nawawala yung male participant niya."

Ngumiti ako. "Hindi na kailangan. Dahil alam ko kung saan hahanapin si Lian."

Nakatayo ako sa tapat ng isang kakahuyan. Nakabukas ang flashlight na hawak ko. Madilim kasi at nag-aalinlangan ako kung tutuloy ba ako. Mukha kasing delikado. At, nakakatakot.

Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko habang nakatitig sa mga punong kahoy. What if may mga wild animals dyan? May zombie? May gumagawa ng nakakatakot na ritual? May cannibalism? Waaahhh. Natatakot talaga ako.

Pero alam at ramdam kong nasa loob si Lian.

Niyakap ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

I took a step forward. Papasok na ako nang matigilan dahil sa takot na nararamdaman.

"Kasi naman ehh," sabi ko sa sarili. Tinawagan ko si Lian.

Cannot be reached.

Hanep.

Anyway, bakit nga naman ako matatakot? Matapang ako. At malakas ako. Ilang lalake na nga ang napatumba ko eh. Yeah right, there's nothing to be afraid of, Xiana.

Inhale, exhale.

And besides, I know God is with me. As always. Alam kong nasa tabi ko lang siya ngayon at binabantayan ako.

Thinking of God, lumakas ang loob ko. At tinahak ko ang landas patungo sa paboritong lugar ni Lian.

Nasabi ko na naman nung una palang na kahit nakakatakot yung gubat na dadaanan, worth it kapag narating mo ang paraiso na ito. Mas nakakatakot, mas maganda ang kapalit.

Ang ibig kong sabihin, mas nakakatakot ang gubat ngayon dahil madilim unlike nung unang beses na dinala ako ni Lian dito na tanghali. Mas maganda ngayon dahil may mga alitaptap na tila pinapalibutan si Lian.

Yes, I found him instantly. Nakahiga siya sa tulay kung saan kami tumambay noon. Ginawa niyang unan ang mga braso niya habang nakatupi ang mga tuhod niya. Tulala rin siyang pinapanood ang mga fireflies. Sumi-senti ang mokong.

Hinawakan ko ang pisngi ko dahil ang lamig. Pero nakaka-relax.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya. Ginawa ko ang lahat para hindi niya malaman na nandito ako pero...

"Gabing gabi na ah," ang sabi niya. Sa mga fireflies pa rin nakatingin.