webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 25

*** C H A P T E R T W E N T Y F I V E

Naging close agad kami ni Chander during our first stay in Palawan. Siya ang palagi kong kausap at kabiruan habang nag-aayos ng set para sa commercial shooting.

Dalawa kasi ang gagawin. Part 1 and Part 2. The commercial is about two college students. A boy and a girl na parehong crush ang isa't-isa na nagsimula sa tinginan hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa't isa during summer days (which is dito sa Puerto Princesa ang setting) and then voila! Magkaaminan.

I will play the girl's role at si Chander naman ang sa lalaki. Nacu-cute-an ako sa story. Kaya komportable akong tinrabaho iyon.

Tinawag na kami ni Chander at sinabi ng direktor na magsisimula na kami. Nasa studio kami na inayos na parang nasa isang school. Well, nakaupo ako sa labas ng isang classroom. Katapat at kausap ko si Bell, ang nagpo-portray na kaibigan ko.

Tapos, dumaan si Chander. Mapapalingon ako sa kanya. Then I would act like the world seems to stop. Diretso lang ang tingin niya pero ako sinusundan siya ng tingin.

Lalong naging natural ang acting ko nang makita ko ang pagmumukha ni Lian sa mukha ni Chander.

"Cut!"

Nabalik ako sa realidad ng sumigaw ang direktor. Nilapitan ako ni Chander at agad na niyayang kumain dahil nagugutom na daw siya.

Sa second day, medyo intimate ang naging shooting. Wherein kinailangan mag-topless ni Chander at ako naman swimsuit.

Right after we finished the commercial shoot, we leave the Palawan. Si Chander at karamihan sa staffs bumalik sa syudad.

Habang ako naman ay sa Tagaytay. Gabi na ako nakauwi at tama nga si PD. Hindi ko maaabutan si Lian. I was a bit disapointed not to see him. Pero pinasaya naman ako ni Baby Timo.

Pagod ako sa biyahe kaya hindi ko alam nung una kung totoo bang may humahaplos sa buhok ko o nanaginip lang ako. Medyo dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Lian. Hm, nananaginip nga siguro ako. Nasa Makati si Lian ngayon, alam ko.

"I love you..."

Para akong natigilan ng marinig ko ang malambing na boses na 'yon. Napakapamilyar na sigurado akong si Lian ang may-ari niyon at wala ng iba. Binuksan ko ang mga mata ko. At sa ikinagalak ko, nakita ko ang lalaking miss na miss ko na.

Nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang hinahaplos ang buhok ko.

Panaginip man o hallucination lang, niyakap ko pa rin siya. Napatunayan kong totoo ang lahat nung inalis ni Lian ang mga braso kong nakapulupot sa kanya. Syempre, para mang-inis.

Nagmaktol ako na parang bata at niyakap ulit siya. Inalis naman niya. Niyakap ko ulit siya tapos inalis na naman niya.

"Edi wag kung ayaw mo!" Tinalikuran ko siya at sa gawi ni Baby Timo ako humarap. Pumikit na ako ngunit dumilat ulit nang ako ay may napagtanto.

May chibi pillow kasi akong nakita sa pagitan namin ni Baby Timo. Nang kunin ko ito... ang chibi ay katulad ng mukha ni Lian.

"Ang cuuuuute!" Di ko mapigilang sabihin.

I heard Lian chuckled.

Humarap ulit ako sa kanya. "Bigay ng fan?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Pina-customize ko para sa'yo. Nagseselos na ko kay Baby Timo palagi nalang siya ang nakakatabi mo. So ayan, kahit chibi ko manlang..."

Hinampas ko sa kanya ang cute na unan. "Ang sweet mo talaga!"

Inilantad ni Lian sa akin yung katawan niya. I mean, yung T-shirt niya underneath his denim jacket. Sa bulsa ng T-shirt niya ay may isang pirasong rose.

Napangiti ako at kinuha iyon. Umupo ako tapos niyakap siya sa bewang niya. He hugged me back as he kissed my head.

"Na-miss kita ng sobra," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Ramdam ko sa boses niya ang sinseredad... kung gaano niya ako ka-miss at kung gaano niya ako kamahal. Bigla akong napaisip. Is this guy a kind of boyfriend that deserves to be hidden?

No. Masyadong malambing si Lian na dapat ay ipinagmamalaki... hindi tinatago. I am proud that he is my boyfriend but I can't shout it to world.

"Matulog ka na, Lian. Maaga ka pang babalik sa Makati."

"Sa biyahe nalang ako matutulog. Ngayon na nga lang ulit kita nakita, eh."

Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Alam kong pagod siya buong araw pero nagawa niya pa ring bumiyahe ng malayo just to see me. Paano ako naging ganito ka-swerte sa kanya?

"Wala pa ngang isang linggo tayong hindi nagkikita," sabi ko. Pero ang totoo, saglit lang na hindi ko siya makita miss ko na agad siya. Siya ang palagi kong naiisip habang nasa Palawan kami.

"Sanay ako sa'yo," aniya. "Kaya hinahanap hanap kita."

"You should sleep, Lian. You need energy for tomorrow."

"You sing for me."

Kinantahan ko siya hanggang sa nakatulog siya sa balikat ko. I felt relieved nang marinig ko ang mahihina niyang hilik. Kailangan niyang magpahinga. At ako naman, kailangan kong mag-isip ng mabuti kung ano anga tamang gawin para sa relasyon namin nang hindi nasisira ang mga pangarap namin.

After maging busy ni Lian, naging maluwag na kahit papaano ang schedule namin at dire-diretso na kaming nakakapag-film sa 1hundred Days kahit na naghahanda ang UNQS at Pentagon para sa upcoming award night.

Na-nominate si Lian bilang Best Male Solo Artist and I am so proud of him. Araw araw hindi ko nakakalimutang bumoto online at hindi rin ako napapagod na hikayatin ang fans ng UNQS na tulungan siyang makuha ang award. Sa ranking siya ang nangunguna pero hindi ako pumi-petiks lang. Boto pa rin ako ng boto ng walang kasawaan.

Dumating ang pinakahihintay ng lahat. Ang Gold Awarding event which is every year nangyayari. Ito ang pinakamalaking awarding ceremony sa lahat. Ma-nominate ka lang dito, maging proud ka na dahil bino-broadcast ang awarding event na ito worldwide.

Unang tinawag ang mga nominated bilang Best Male Solo Artist Of The Year which is kabilang si Lian. Todo palakpak pa ako nung banggitin ng MC ang stage name ni Lian "L".

"And the Best Male Solo Artist Of The Year goes to..."

Drum rolls...

"L! Congratulations!"

"I knew it!" Sa sobrang saya ko napatayo ako habang todo palakpak. "I'M SO PROUD OF YOU!" sigaw ko sa kanya habang tumatalon talon. I almost forget na naka-skirt ako so umayos agad ako ng tayo.

Pag-akyat ni Lian sa stage, nagkatinginan kami at sumaludo siya sa akin. Ngumiti siya sa MC matapos iabot sa kanya ang trophy.

Paanong hindi siya mananalo eh palaging mega hit ang mga solo tracks niya at milyon milyon ang views ng mga performances niya sa YouTube. Sobra talaga akong proud sa kanya!

Boyfriend ko yan! Boyfriend ko yan!

Umalis ang dalawang MC sa stage para bigyan ng moment si Lian. Request ng audience na kantahin niya ang Fall For You ng Second Serenade. Ni-cover ni Lian ang kantang iyon and within 24 hours ng pagka-upload ng video sa Youtube, it already reached 10 million plus views.