webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 19

C H A P T E R N I N E T E E N

~**~

"Bagay sa'yo yung costume mo," puri ko sa kanya which is veeeery true. Ang gwapo gwapo niya sa Terrence costume niya. Ang cool ng damit sa kanya and his hair? Argh. Ang lakas makagwapo ng hairstyle niya! He even dyed his hair. Shit, Lian. Magwawala na naman ang fangirls mo nyan.

"Mas bagay ka sa'kin, Xiana." He leaned down and kissed my hair.

I walked away when love was mine

Caught up in a world of uphill climbing

"Why life needs to be complicated?"

Napatitig ako sa kanya nang magseryoso ang mukha niya. "Why can't I have you that easy? Why can't I be with you without having a hard time?"

"Because we signed a contract. We pledged to follow what's written on it."

"Kung alam ko lang na lalalim ang nararamdaman ko sa'yo edi sana nung una palang lumipat na ako ng agency."

Well you kissed me and stopped

Me from shaking

And I need you…

"But you know I can give up everything I have right now... just for you."

"Shut up, Lian! You can't just give up your dreams because you like me."

"Damn it, Xiana! I don't just like you!"

"Lian!" saway ko sa kanya para hinaan niya ang boses niya.

Malakas ang tugtog pero narinig kami ng mga katabi naming sumasayaw.

"Siguro hindi kasing lalim ng nararamdaman ko sa'yo ang nararamdaman mo sa akin kaya ayaw mong sumugal." Huminto siya. Ngumiti ng mapait at iniwan ako sa dance floor.

Nagkaroon ng mga special number. Kumanta si Falls at Iasha. Sumayaw ang ibang grupo at rumampa ang mga artista. Lahat sila enjoy na enjoy. Ako, nalulungkot. At hinahanap ko si Lian. Nakailang excuse na nga ako sa mga kagrupo ko na mag-c-CR lang para hanapin siya ngunit mukhang wala na siya sa venue.

Obvious ba. Ayokong labagin yung rule. Pero di ko talaga mapigilan yung nararamdaman ko eh. I'm torn between not breaking the rule and and wanting to be with the guy I love. Ang hirap labagin ng rule lalo na't maaapektuhan nito ang taong mahal mo.

"Ano ba yan, Xiana. May LBM ka ba? Kanina ka pa pabalik balik," sita sa akin ni Danna.

Nginitian ko lang siya at umupo sa tabi ni Jisoo.

"Mommy." Kinalabit ako ni Jisoo at may binulong sa akin. "Kung si Kuya L ang dahilan kung bakit hindi ka mapakali, nandun siya sa may chocolate fountain."

"Sige, salamat." Tumayo ako para umalis na pero bumalik ako nang may ma-realize. "Paano mo nalaman?"

Nagkibit balikat lang siya at nakangiting tumingin sa gawi ni Vernon.

Nakita ko si Lian na nakatayo nga malapit sa chocolate fountain. He's talking and laughing with Ainon.

May kumirot sa puso ko habang pinapanood ko sila.

Nung napatingin sa akin si Lian, naglaho bigla ang ngiti niya. Naging seryoso ang mukha niya. Nagtaka ang kaharap niyang si Ainon kaya tumingin ito sa kung saan nakatingin si Lian─ sa akin.

***

Nahihilo na ako sa kakahanap kay Lian dito sa maze garden. Kanina, nung lalapitan ko siya bigla siyang nagpaalam kay Ainon at umalis. Sinundan ko siya hanggang sa makarating ako dito sa maze garden. Dahil sa dami ng pasikot sikot, hindi ko alam kung saan na siya nagsusuot. Ni hindi ko na nga alam kung paano ako makakalabas dito.

Umupo ako sa nakita kong bench. Bigla kong naramdaman ang pagod at pangangalay ng binti ko. Hinubad ko ang suot kong stilletos at minasahe ang paa ko.

"Nasaan na ba yung mokong na yun," sabi ko at sumimangot. Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang buwan na bilog na bilog.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Pagkarinig ko palang sa boses na iyon lumakas na ang tibok ng puso ko. Dahan dahan akong lumingon at nakita ang taong kanina ko pa hinahanap.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nasa tapat ko na siya. Nakatingala ako sakanya habang siya naman ay nakayuko sa akin.

"Lian," tawag ko sa pangalan niya at tumayo.

Walang sabi sabing niyakap niya ako. "What should I do, Xiana?" he murmured. Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

Ako din, Lian. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at lumayo para tingnan ako. "You know why I like you? Because I love you! I love you so much, Xiana."

Yumuko ako at tumango. "I love you, too."

Pagtingin ko sa kanya, kita kong natigilan siya. Ngunit lumipas ang ilang sandali ngumiti siya na para bang narinig niya ang matagal na niyang inaasahang marinig mula sa akin.

"And I want you," sabi ko pa. "I want you mine and only mine. Ayokong mapunta ka pa sa iba. So yeah, let's break their last rule."

Lumawak ang ngiti ni Lian. Hinawakan niya ako sa bewang at sinabing, "Bukas na bukas sabihin na natin kay PD."

"No," agap ko. "Wag tayong padalos dalos ng kilos."

"Anong gusto mong palabasin? Isikreto natin ito?"