webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 18

C H A P T E R E I G H T T E E N

~**~

Hindi ako nakakilos. At hindi rin ako nakapagsalita. Hanggang sa nasa harapan ko na siya.

"Gusto din kita," ulit niya. Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil niya iyon. "Gustung gusto kita, Xiana. Naunahan mo lang akong umamin at hindi mo manlang ako binigyan ng moment kanina para makapag-react."

Tuluyan ng nagwala ang puso ko. Nagwawala rin ang mga paruparo sa tiyan ko. His words make me crazy.

Umiling iling ako at bumitaw sa hawak niya. "You know the agency's last rule, Lian. No dating with a labelmate."

"Edi wag tayong magdate. We can be together by not considering it as a date."

"Nakuha mo pang mamilosopo, ha? You know the last rule means don't fall in love with a labelmate," giit ko.

"Still, I want you. I don't care about the rules, Xiana. I want you. Only you." Niyakap niya ulit ako. Ilang segundo ko siyang hinayaan bago ko siya tinulak.

"Hindi pwede, OK? Let's don't take the risk just because we like each other. Pinirmahan natin ang kontrata. Ibig sabihin pumayag tayo at susundin natin ang mga nakasulat doon. We shouldn't break their rules or they might break our dreams." Then I walked out.

After that night naging madalang nalang kami magpansinan ni Lian. Or should I say, ako ang lumalayo. Kapag lumalapit siya at kakausapin ako, umiiwas na agad ako. Unfortunately, busy kami pareho sa trabaho. That's why hindi masyadong dumadalaw ang 1hundred Days team. Ang sabi ni Direk BS bahala na daw ang mga cameras na naka-install sa bahay. Nung sinabi niya yun bigla kong naalala ang gabing nag-aminan kami ni Lian. At natatakot ako na baka ilabas ng show ang video at malaman ng agency namin.

"Waaah! Mommy, ikaw ba talaga yan? Ang ganda mo!" Nagtatatalon si Jisoo pagpasok ko ng office ni PD.

Pinagtipon tipon niya kaming Style dahil gusto niya kaming i-escort sa GSB 100 Years Grand Ball. Nandito na kaming lahat at si PD nalang ang hinihintay.

Si Danna, sexy-ng sexy sa costume na Moana. Si Mia naman, snow white. Si Jisoo, Anna at si Misoo naman Elsa ng Frozen.

"Mommy, bakit ang sexy sexy mo? Inggit ako," parang nagmamaktol na sabi ni Jisoo habang sini-sway sway ang braso ko.

"Sexy ka din naman," sabi ko sa kanya.

"Ehh. Ang payat payat nga eh. Ano bang secret mo? Bakit ang laki ng boobs mo?"

Tinakpan ko nga yung bibig ni Jisoo.

"In born na yang boobs niya kaya mamatay ka sa inggit," sabi ni Misoo sa kanya.

"Mamatay ka din parehas tayong flat!"

Nagsimula na naman ang bangayan ng kambal.

"Oo nga, Xiana. Ang sexy mo kahit ang takaw takaw mo. Nakakainggit ka di mo na kailangan mag-diet," sabi ni Danna.

"Mag-workout ka kasi para kahit hindi ka na mag-diet. Intense workout."

"Ayoko magwork out nakakapagod."

Napa-pokerface ako sa sinabi niya. Hinarap ko si Mia. Aba, may kausap na naman sa phone. Kilig na kilig pa ang bruha.

Bumukas ang pinto at sa wakas dumating na rin si Mr. Perez.

"Gosh, PD! What took you so long?" pag-iinarte ni Misoo. Siniko siya ni Danna para sawayin.

Ganyan si Misoo. Minsan parang tropa lang ang tingin kay PD. They're close anyway. Parang yung bonding ng close na close na mag-Tatay. Anyway, biglang pumasok sa isip ko si Lian. Ganun din kasi siya kay PD. Mas matindi pa nga eh.

At bakit naman siya ang iniisip ko ngayon? Okay. Fine. I admit.  Miss ko na siya. Sobra.

"Hinintay ko pa yung Pentagon. Ang babagal kumilos kaya ngayon inaayusan palang sila. Yung tatlong rookie group naman masyadong excited nauna na sa event. So, tara na girls?"

Pagkababa namin sa kotse, mga nakakasilaw na camera flash ang bumungad. Ang iingay rin ng fans na sinisigaw ang pangalan ng grupo namin. Miski pangalan ni PD sinisigaw nila. Ngiting ngiti ako habang naglalakad sa red carpet. Pagtungtong namin sa platform para picture-an ng isang minuto, hindi ko mapigilang tumingin sa hinihintuan ng kotse ng bawat celebrity. I am actually looking for Lian. Buong araw ko siyang hindi nakita. Paggising ko wala na siya. Sabi nung chef namin nung tinanong ko siya habang nagluluto siya maaga daw umalis si Lian para sukatin ang costume niya.

Maraming journalist at iba pang mga taga media ang nasa venue. Maraming photographers ang nagkalat. Sa dami ng tao hindi ko alam kung nasaan si Lian. Ni hindi ko nga alam ang costume niya.

Inanunsyo na ng host ang cotillion. Bale ito ang first part ng party. Bawat grupo may pinili silang kasali sa sayaw. At ako ang napili sa grupo namin.

Nasa pangalawa ako nakapila sa pila ng mga babae. Kaharap naming nakatayo ang mga lalake. Wala akong ideya kung kasali ba si Lian o hindi. Pinasadahan ko isa isa ng tingin ang mga gwapong lalaking nasa harapan namin. Si Chander ang nasa pinakaunahan ng pila. Nakasuot ng Peter Pan costume. Nginitian niya ako nang magtapo ang mga tingin namin. I smiled back tapos tumingin sa katabi niyang si Stefan, na Prince Charming ang peg. Tapos tiningnan ko pa ang katabi niya, at ang sumunod na katabi nito hanggang sa nagsimula ng tumugtog at kumilos ang mga lalake papunta sa amin kaya hindi ko na nagawang tingnan ang lahat ng lalakeng nakapila.

Naglahad ng kamay ang mga lalake sa katapat na babae. Nagpalakpakan ang mga nanonood. Since si Stefan ang katapat ko, siya ang first dance ko. May part na magda-drumroll at ayun ang hudyat para iikot kami ng kasayaw namin para ipasa sa iba. Sumunod na nakasayaw ko si Chander.

"Hi, Tinker Bell." He flashed a charming smile.

"Hello, Peter Pan." I grinned at him.

Nagkamustahan kami, nagbiruan at nagtawanan habang nagsasayaw. When another drum rolls hit, inikot niya ako at binitawan.

Si Vernon ng Thirteen (crush ni Jisoo) dapat ang makakasayaw ko kaso may humarang sakanya. Itataboy ko pa sana ang humarang nang kunin nito ang kamay ko at inilagay sa braso niya. Yumakap na rin siya sa bewang ko.

Pag-angat ko ng tingin sa kanya nanlaki ang mga mata ko. "Lian?"

"I'm Terrence." Nilipat niya ang mga kamay kong nasa balikat niya papunta sa batok niya. "Tinker Bell." He winks at me and my heart flutters.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang kilig. Hindi naman talaga partner ni Peter Pan si Tinker Bell dahil may Wendy na siya. Ang totoong bagay kay Tinker Bell ay si Terrence. We danced and roamed around the floor. Hindi kami nagsasalita at nagki-kwentuhan. Nagtitinginan lang kami sa isa't isa pero ang saya saya na namin. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi namin.

Nag-drum roll.

Tinaas ni Lian ang kamay kong hawak niya at marahan akong inikot. Binitawan niya ang kamay ko. Nalungkot ako dahil ipapasa na niya ako sa iba.

Pero akala ko lang pala iyon. Dahil siya rin ang sumalo sa akin. Hinawakan niya ako sa bewang at hinila palayo sa lalaking lumapit sa akin kanina para ako naman ang isayaw.

"Nasa akin ka na ipamimigay pa ba kita sa iba?"

Lalo akong kinilig sa sinabi niya. I snaked my arms on his neck then gaze up to him. I stared at him like he's the most handsome person I've met on my entire life. I stared at him in a way of expressing my deep feelings towards him.

"Looking in their eyes," sinasabayan ni Lian ang kanta. Ganda talaga ng boses! "I see a memory. I never realized how happy you made me oh Xiana."

Napangiti ako nang palitan niya yung Mandy ng pangalan ko.

Well you always made me happy, too, Lian, without even trying.