webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 12

C H A P T E R  T W E L V E

~**~

Nasa poolside kami ngayon kung saan isasagawa ang first interview. Kandong ko si Baby Timo habang nakaupo at kaharap ang host na si Theo.

"Nung nalaman mong ikaw ang napiling female participant ni Direk BS, anong naramdaman mo?"

"Na-excite ako at na-curious kung sino ba ang magiging partner ko," tapat na sagot ko. "Nung nalaman kong si Lian ang makakasama ko sa bahay, gusto kong magback-out agad."

"Parang luging lugi ka ah!" side comment ni Lian na nasa gilid katabi ni Direk BS. "Tanungin mo muna ako kung gusto ba kitang maging partner diba!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Binigyan siya ng instruction na ligawan at suyuin ako, na magiging partner niya, pero anong ginawa niya? Sa sobrang loko loko niya binagligtad niya ang instruction. Ako DAW ang kailangan manligaw," hinanakit ko. "Kung anu-anong pinagawa niya sa akin. Kawawa naman ako."

"Mabalik tayo sa sinabi mo, Xiana, na gusto mong magback out nung nalaman mong si L ang partner mo. Bakit mo naman gustong magbackout?" follow up question ni Theo.

"Kasi palagi niya akong kinakawawa."

"Wow! Wow naman talaga!" bulalas ni Lian habang pumapalakpak pa. "Ako nga lagi mong binubugbog, ikaw pa ang kawawa?"

"Side comment ka ng side comment! Ikaw na kaya dito!" asik ko sa kanya.

"Oh, talaga umalis ka dyan!"

Tatayo na sana ako para umalis nang pinigilan ako ni Theo at nang iba pang crew. Di pa daw tapos ang tanong.

"Anong traits ang gusto mo kay L?"

Tumitig ako kay Lian, na nakahawak sa chin niya in a nagmama-gwapo way. Ha. Akala niya pupurihin ko siya infront of everyone? Asa siya.

Ang gusto kong traits ni L? Magaling siyang sumayaw at kumanta. Gwapo siya, sexy at may abs. Also, he's a really good companion. Hindi ka aantukin kapag kasama mo siya at hindi ka mabo-bored. Mabait siya at maaasahan. Sabihin mo lang na kailangan mo ng tulong, ikakansela niya ang lahat mapuntahan at matulungan ka lang.

Naalala ko tuloy yung time na naligaw ako at nasiraan ng sasakyan. Siya ang una kong naisip na tawagan. Kahit may live performance ang Pentagon nun pinuntahan niya ako. He chose me over that performance. Nung nahanap niya nga ako naka-dance costume pa siya. That was two years ago. At dahil dun napatunayan kong maaasahan ko talaga si Lian.

"Wala, eh. Wala akong maisip."

Tumingin si Theo sa ibang crew na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Ang tagal mong nag-isip, wala?" ani Sunny. "O baka naman nahihiya ka lang aminin?"

At nagsimula na nila akong tuksuin. Pati ang monggoloyd nakikisali pa.

"Wala nga talaga. Pwede bang yung dahilan nalang kung bakit siya nakakainis?"

"Grabe ka talaga sa'kin, Xiana." Iiling iling siyang tumalikod. Nung tinawag siya ni Direk BS, sinabi niya kukuha lang siya ng juice saglit.

"Para makabawi ka, L, anong ayaw mo kay Xiana?" tanong ni Genie kay Lian.

Yes, it's now his turn. Pagbalik niya saktong tapos na akong interviewhin. Mabuti nga umalis siya bago niya marinig ang dahilan kung bakit siya nakakainis.

"Isa lang naman ang ayaw ko kay Xiana." Tumingin sa akin si Lian bago pinagpatuloy ang pagsagot. "Ayokong ayokong makikita siyang umiyak."

Nag-iwas ako ng tingin. That's how we became close. During our trainee days, nakita niya akong umiiyak sa anex. Nung nilapitan niya ako at lumuhod para makita ako, sinuntok ko agad siya sa pagmumukha. Nagwala ako. Nagsisisigaw na bakit may mga lalakeng nangbubugbog ng babae.

Bago kasi yun tumakas ako para umuwi. Miss na miss ko na kasi ang mama ko. Tapos nadatnan kong binubugbog siya ng tatay ko na lasing na lasing. Nung nakita ako ng mama ko na nakasilip sa may bintana iminuwestra niya ang kamay niya na umalis ako. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak habang pinapanood na pinagsususuntok ng walanghiya kong tatay ang nanay ko at paminsan minsa'y tinatadyakan. Wala siyang awa.

Nilapitan ulit ako ni Lian that time at hinarap ang kaliwang pisngi niya sa mukha ko.

"Kung makakapagpagaan sa loob mo, sige suntukin mo pa ako," sabi pa niya dahilan para lalo akong mapaiyak.

Imbis na suntukin siya, hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Iyak ako ng iyak. And that day sinabi ko sa sarili ko na ayun na ang huling araw na iiyak at magiging mahina ako.

I have to be a strong woman kaya nag-aral ako ng akkido. Ang pananakit ng tatay ko sa nanay ko ang dahilan kung bakit naging palaban ako at kung bakit tinutulungan ko ang sinomang babae na makita kong inaapi.

Mom is my inspiration to work best. Pagka-debut na pagka-debut ng UNQS, kinuha ko siya sa bahay namin at pinatira sa isang magandang apartment. Ang tatay ko, balita ko may bagong asawa na.

"Ano naman ang mga katangiang gusto mo sa kanya?"

Enough for the reminisce, sabi ko sa sarili. Ayoko nang alalahanin ang mga sinapit ng Mama ko noon sa kalupitan ng tatay ko.

Lian smirked as he answer. "Gusto ko yung shape ng katawan niya."

"MANYAK KA TALAGA!" Hindi ko mapigilang hindi sumigaw.

Tumawa naman siya. "Yan. Yan ang gusto ko sa kanya. Napaka-palaban. Nakaka-turn on sa babae yung maganda na palaban pa. Tapos napakamaalaga pa niya na halos gawin na niyang baby yung mga kagrupo niya. And it may not be vocal, she cares for me too."

Medyo nanahimik ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na sasabihin niya yun. Ngayon ko lang ata narinig na pinuri niya ako.

"Hindi mo kasi tinanong kung gusto ba kitang maging partner eh," sabi ni Lian nang nakatingin sa akin.

Tumingin ako kay Direk BS tapos kay Sunny then kay Gelie. Anong pinagsasasabi niya?

"Kung tinanong mo kanina, sasagot ako ng oo. Kung ibang babae ang pinili nila, hindi ako papayag maging male participant. Because I know this episode wouldn't be adventourous when it's not you my partner."

***

"Mommy, bilisan mo," sabi ni Baby Timo nung sinabi kong magpapalit lang ako ng damit. Nasagi niya kasi ang baso na muntik pang bumagsak mabuti nalang nasalo ko. Kaso namantsahan ang damit ko.

"Opo, opo. Dyan ka lang ha? Wag kang aalis, Baby Timo. Pagbalik ko dapat nandyan ka pa din, kapag ikaw umalis magagalit si Mommy. OK?"

"OK. Lalaro lang."

"Good boy." Ginulo ko ang buhok niya bago tumayo. Inalis ko sa table ang pitcher at isang baso. Nilagay ko muna sa sulok baka kasi mabagsak ni Baby Timo habang wala ako. Mapano pa ang bata.

Tumakbo ako papunta sa hidden room. Dito kasi mas malapit at tanda ko may isang damit pa akong nilagay sa drawer.

Nung binuksan ko ang drawer saka ko lang napansin na may hawak pa pala akong isang baso na may lamang juice. Sa kamamadali ko hindi ko na napansin. Nilapag ko muna ang baso sa ibabaw ng drawer katabi ng panibagong damit saka ako naghubad. Mabuti nalang may wet wipes sa drawer. Pinunas ko iyon sa chest ko, sa parteng malagkit dahil sa juice.

"What the fuck!"

Sa gulat ko natabig ko ang baso at dahil ang swerte ko ngayon, bumagsak ito sa bagong damit. Ayun, basang basa!

Hindi ko napansin si Lian na natutulog. Akala ko gusot gusot lang yung comforter ayun pala may taong natutulog na sa ilalim nun.

"Naman ehh!! Wala na kong pamalit!" nagpapapadyak na sabi ko.

"Bakit kasi dito ka nagbibihis!"

Humarap ako kay Lian. "Bakit ba, dito rin naman ako natutulog! Ikaw, bakit ka nandito?"

Kaya naman pala kanina ko pa hinahanap ang mokong dito pala natutulog ng hapon.

Pinaekis ko ang mga braso ko nang mapansin kong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Jusko, nakalimutan ko naghubad pala ako ng damit at nakikita ni Lian ang bra ko. Waaaah!

"Huwag kang tumingin kumag ka!"

"Di talaga!" Humila siya ng unan at iniharang sa mukha niya. "Umalis ka na nga dito! Magbihis ka pala muna."

Pansin ko na medyo nauutal siya. Parang nate-tense na ewan.

Binuksan ko ang lahat ng drawer pero walang laman.

"Wala na kong damit. Pupunta nalang ako sa kwarto."

"Ng nakaganyan lang?" Itinaas ni Lian ang unan kung saan natatakapan ang katawan ko at mukha ko lang ang nakikita.

"Si Baby Timo lang naman ang tao."

"Makikita ka sa camera." Umupo si Lian, binitawan ang unan at hinubad ang black shirt niya. Nang nakapikit, inabot niya sa akin ang damit niya. "Suotin mo na muna."

Napangiti ako sa inaasta niya. Madalas ko siyang tinatawag na manyak pero gentleman naman talaga siya. At ngayon, sobra akong nata-touch. Kahit loloko loko siya mataas ang respeto niya sa mga babae. Nakaka-turn on tuloy.

Since nakapikit naman siya tiningnan ko ang abs niya at malaya akong kumagat labi. I see you again, nice view!

Hindi si Lian ang manyak dito. Ako ata. Wahahaha.