webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Umum
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 10

C H A P T E R  T E N

~**~

"Paepal talaga. Paepal kasi eh. Nakakainis!" panay ang irap ko kay Lian hanggang sa makauwi kami ng bahay. Paanong hindi ako maiinis? Eh hinalikan niya ako sa harap ng mga camera! Sa harap ng maraming tao!

*Flashback*

"Saan mo siya nahanap?" tanong ni Sunny matapos mag-give way ng mga estudyante upang makita kami ng 1hundred Days team.

Sabi na eh... dudumugin sila.

Nahuli kong nakatitig si Direk BS sa kamay kong hawak ni Lian kaya agad ko itong hinila.

Tiningnan ko si Lian at ngumiti ng nakakaloko bago sumagot kay Sunny.

"Alam niyo po ba di ako makapaniwalang sa CR ng girls ko makikita si─" Di ko natapos ang sasabihin ko kasi tinakpan ni Lian ang bibig ko gamit ang isang kamay.

"Nahanap po ako ni Xiana sa library. Nagbabasa kasi ako ng mga libro. Advance lesson for next school year."

Kinagat ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ako. "Sinu─" Ang sasabihin ko dapat ay sinungaling kaso di na nasabi dahil inakbayan niya ako at tinakpan ang bibig ko.

"Ang sweet ng girlfriend ko. Hinintay niya talaga akong matapos."

"Ano bang pinagsasasabi mo?" asik ko nang magkaroon ng pagkakataong makapagsalita.

"Sabi ko ang sweet mo." At sa ikinagulat ko at ng lahat, hinalikan niya ako sa pisngi.

Yung sinabi niyang girlfriend tanggap ko pa since On-Screen couple kami. Pero yung halikan niya ako sa pisngi? WHUT. THE. EFF!!!

*End of Flashback*

Kaya ngayon nandito ako sa bathroom ng kwarto ko at kinukuskos ng maigi ng sabon ang kaliwang pisngi ko kung saan ako tinuka ng unggoy. Wow. Pati pala unggoy nanunuka na. Akala ko manok lang eh.

"Ang arte naman."

Napalingon ako sa may pintuan at nakita si Lian.

"Swerte mo nga hinalikan kita eh."

"So laking pasasalamat ko pa pala?" sarkastik na sabi ko. "Tsaka ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Humakbang siya papasok ng bathroom. At humakbang pa kaya napaatras ako.

"Ang sarap kasing halikan ng pisngi mo. Pwedeng isa pa?" patuloy pa rin siya sa paglapit at ako naman patuloy sa pag-atras until maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.

"Tigilan mo ko kung ayaw mong sumabog mukha mo!" banta ko sakanya pero parang wala lang sa kanya.

Nakuha pa ngang ngumiti ng mokong. "Okay lang. Atleast mahahalikan kita."

Say huwaaat?! Tama ba ang pagkakarinig ko? Eh napakaarte ng unggoy na yan sa katawan lalo na sa mukha. Ingat na ingat yan sa mukha niya. Ni ayaw nga nyan magka-eyebags eh.

Pinunasan niya ang sabon sa pisngi ko gamit ang likod ng palad niya kung saan abot ang sleeve ng suot na sweater tapos hinalikan nga ang pisngi ko.

"Aba talagang...!" Sasampalin ko dapat siya nang hawakan niya ang kamay ko. The other one lifted up to give him a punch ngunit mabilis niya itong nahuli. Nilagay niya ang mga kamay ko sa likuran niya, almost hugging his waist.

Hawak niya ang mga kamay ko sa likuran niya gamit ang isa habang ang isa naman ay kumilos payakap sa akin. We were so close. I can smell his vanilla perfume mixed with his natural sweet scent. Ang bango bango niya. Ang gwapo gwapo niya. His eyes were smiling at me. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Inaakit ako ng mga iyon.

He smiled, so his sexy dimples exposed.

Ramdam na ramdam ko ang paghaharumentado ng puso ko.

I closed my eyes as I bit my lowerlip.

Just as I thought, being with Lian is a bad idea. Nakakabaliw!

Para akong natauhan nang muli kong buksan ang mga mata ko.

"OUCH!" daing niya nang kurutin ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Nang mabitawan niya ako, sinulit ko ang pagkakataon. Hinawakan ko siya sa braso at mabilis akong umikot papunta sa likuran niya. Ayun, pinilipit ko ang braso niya! Aray siya ng aray pero lalo kong pinipilipit ang braso niya. Hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko pa ang isa niyang braso at itinaas ng pa-180 degrees. Lalo siyang nagreklamo sa sakit.

"Isang beses mo pang gawin yun malilintikan ka na talaga, naiintindihan mo?"

"Malilintikan? Nalilintikan na nga ako ngayon eh. Ayus ayusin mo naman yang grammar mo."

"Sumasagot ka pa ha?" Sinipa ko ang alak alakan niya kaya napaluhod siya. Binitawan ko na ang braso niya at hinawakan sa damit pagkatapos kinaladkad ko palabas.

Sinara ko na ang pinto at ni-lock.

"May ganti lahat ng pananakit mo sa'kin, Xiana! Kaya humanda ka! Muah!"

Alam ko kinilabutan ako sa huling sinabi ni Lian pero bakit pagtingin ko sa salamin nakita ko ang repleksyon kong nakangiti?

Matapos kong mag-night shower nagpunta na ako sa hidden room. Ito yung akala mong tatlong magkakatabing malalaking salamin lang na nakadikit sa wall pero ayun pala ay pinto ng isang malawak na kwarto. Walang camera ang naka-install sa kwartong ito kaya ayos. Actually lahat naman ng bedrooms and bathrooms walang cameras. Pero mas pinipili kong matulog dito kaysa sa kwarto ko dahil mas komportable ako dito. Mas malaki at mas malambot kasi ang kama tapos mas maganda ang ambiance.

Half asleep half awake ako kinaumagahan. Naging fully awake lang nang may makita akong bata sa living area. Napapaligiran ng mga laruan. Hindi lang yun, 1hundred Days team is in the house, too!

Napangiti ako at na-excite kaya tumakbo ako papunta sa bata. Nag-indian sit ako sa tabi niya.

"Hello, anong name mo?" tanong ko. Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalaro.

Napatingin ako kay Direk BS. "Ang suplado niya ha."

Tumawa si Sunny. "Parang si Direk BS ang suplada."

Sinamaan siya ng tingin ni Direk BS kaya tumahimik siya.

"Call him Baby Timo, three years old. From Philos Orphanage. Makakasama niyo siya during your days in 1hundred Days."

"Po? Uhm, bakit?" Nag-aalinlangan pa ako sa tanong ko.

"Obviously kailangan ng kapayapaan itong bahay na ito at bata lang ang makakapagbigay nun," sagot ni Sunny. "Jusko, saganang sagana ang bahay na ito sa awayan at bangayan ninyo ni L. Tawa kami ng tawa habang pinapanood ang mga nakuhanan ng mga cameras na naka-install dito sa bahay."

"Sorry po. I know L and I should be sweet in this show pero di ko po maiwasang bugbugin ang unggoy na yun. Sobrang mapang-asar kasi."

"It's okay," Direk BS told. "Sa umpisa lang yan." And she gave me a meaningful stare. Kinilabutan ako kasi parang nakikita niya ang future.

"Wow! May baby na tayo?"

Nagsipaglingunan ang lahat nang magsalita si Lian. Kalalabas niya lang sa kwarto niya at nagsusuot ng shirt.

Tumingin ako sa camera at nakatutok nga sa kanya. Umiling iling ako. May bago na namang pagpi-piyestahan ang fans niya sa internet.

Paglapit ni Lian, sinipa niya ang mga laruan palayo kay Baby Timo kaya umiyak ito.

"Kahit kelan ka talaga!" asar na sabi ko sa kanya tapos nagsimulang pulutin ang mga laruan at binigay kay Baby Timo.

"Grabe nag-make out lang tayo kagabi may baby na agad tayo?"

Dahil sa sinabi niya lumipad ang paa ko sa bibig niya. "Make out pinagsasasabi mo?" Humarap ako sa camera at tumanggi. "Hindi totoo yun wag kayong maniwala."

Tumawa lang si Lian tapos nakipaglaro na kay Baby Timo. Nagselos ako kasi naging close agad sila. Okay. Pareho naman silang boy. Pero kung babae siguro ang batang aalagaan namin, ako ang unang magiging close nun. I'm sure of it.

Sa kabilang bahay daw mag-i-stay ang babysitter ni Baby Timo kaya kung sakaling mahirapan man kami sa pag-aalaga sa kanya o walang mapag-iiwanan, tawagan o puntahan lang namin siya. Three times a day din siyang pupunta sa bahay para asikasuhin ang bata.