webnovel

The Beginning of Runaway With Me

'Take me now to the magic called us'… subukan ko kaya ung genre na fantasy? Oh! Since nahiligan ko na ang mga witches, gawin ko na lang ding witch at wizard ung main characters! Yes! Hitting two birds with one stone! Tapos may mga iba pang klaseng magical creatures na idadagdag throughout the story. Dagdag ko ung mga foreign at local magical creatures dun sa story. Hehehe~ Kailangan ko magresearch tungkol sa magical creatures.

Kaso… pano ko sisimulan ung sa prologue para ma-capture ko agad ung interes ng mga readers? Simulan ko ba sa simula? Sa dulo? O sa gitna? 'Will you hold my hand and run away'… okay! Sa gitna natin uumpisahan!

"Diba… gusto mong… mawala… ung mga… problema at… sakit na… nararamdaman mo? Gusto… mo bang… sumama sa… paglayas ko… ngayon?"

Sabi ko habang tinatype ko na ang mga unang salita ng leading lady sa story ko. Hindi ko pa kase naiisip ung pangalan na gusto kong ibigay sakaniya kaya gawin muna nating unnamed habang sinusulat ko 'to.

At umuulan na ng scenario sa utak ko habang patuloy pa rin ako nagtatype sa laptop namin dito sa sala. Tuloy-tuloy lang ako magtype hanggang sa umabot na ng 556 words ung para sa prologue.

"Isa… dalawa… tatlo."

Sabi ko nung tinatype ko na ung pagbilang ko. Yan kase ung gagawin kong last dialogues para sa prologue. Para mabitin ung mga readers. Hehehe~

Hala! Nakalimutan ko pala sabihin sainyo! Tapos ko na pala isulat ung Love Yourself: Wonder! Hindi ko sigurado kung kelan ung sakto kasi busy sa school works… pero alam niyo ba! Un ung pinaka unang story na natapos ko after ng maraming failed attempts na magsulat!

~NOV 12 AT 7:04 PM~

: Jerviennnn

: Ask ko lang if pwede ko ba gamitin ung name mo sa story na gagawin ko???

Jervien: bakit naman

Jervien: ?

Jervien: ang pangit ng name na yan eh

Jervien: na papanhitan nga ako sa name na yan hahaha

: Grabe ka naman sa name mo ahahahaha

: Wala na kasi akong maisip na ibang name na magfifit sa character na naiisip ko, eh

: Okay lang naman kung ayaw mo ahahahhaa nagtatanong lang naman

~NOV 12 AT 7:18 PM~

: Uyy ano sagot mo??

~NOV 12 AT 7:23 PM~

Jervien: sige okay lang

Jervien: ibahin mo na lang

Jervien: tanggalin mo na lang yung "E" sa Vien para maiba hahaha

: Ahahaha sige sigee

: Salamatttt

At hindi na siya nag reply. Okay lang, susulat na ako ng chapter one. Hehehe~

Pano ko naman sisimulan ung kwento sa chapter one? Sa leading lady ba or kay Jervin? Alam niyo… gawin ko na lang 'tong experiment. Try ko naman simulan ung kwento kay Jervin.

Okay! Hapon ung time na nangyari ang senaryong naiisip ko at… uhm… hindi ko alam kung gagawin kong miserable ung school life ni Jervin kasi ano… hay ewan! Gawin ko na lang miserable para may rason siya sa pag lalayas niya!

"Nasa… eskwelahan ngayon… ang binata na… nagngangalang… Jervin Añonuevo. At… ngayong hapon… na ito… ay… breaktime… nilang magkakaklase."

Sabi ko sa sarili ko habang tinatype ko na ung intro ng chapter one. Meron na akong plot na naiisip, eh. Like, alam ko na kung pano patatakbuhin ung story na 'to kaso ang poproblemahin ko kapag tuloy-tuloy ko na siyang isulat ay ung details sa isang chapter at… ang sarili kong utak. Bakit? Kasi hindi nito mapigilan na ibahin ung idea. Kaya… good luck na lang sakin.

"Wag mong… tignan… contacts… mo, ha~ Sabi ng… dalaga kay… Jervin… habang… nakangiti at… naglakad na… pabalik… sa kanyang… upuan… sa bandang… harapan. Napatitig… na lang… si Jervin… sa dalaga… dahil sa… tingin… niya ay… may… kakaiba rito. Nang matauhan… ay… agad na… kinuha ng… binata… ang phone… at… tinignan ang… contacts. Ibon?"

Sabi ko sa sarili ko habang tinatype na ang mga pinagsasabi ko. At nagpatuloy pa ako sa pagsusulat ng biglang…

~NOV 12 AT 8:37 PM~

Jervien: tungkol saan ba yung kwento??

Jervien: hahaha

: May halo kasing fantasy un, eh ahahaha

: Di mo ata magugustuhan un

Jervien: ahh ganoon ba

: Oo, eh

: Basta about siya sa guy na sad na walang kulay ung buhay niya

: Tas may mamimeet siyang girl na dadalhin siya sa isang magical na lugar kung saan lahat ng dreams mo natutupad

: Basta ahahaha escape from reality

Jervien: para saan yan ginagawa mo??

: Wala

: Hobby lang

Jervien: okay okay hahahaha

: Ahahaha salamat ulittt

Jervien: sige hahaha

At dyan nanaman ulit natapos ung conversation namin ni Jervien sa chat. Dahil oras na para umakyat kaming pamilya sa second floor ay tumigil muna ako sa pagsusulat ng chapter one.

Kinabukasan, pinag patuloy ko na ang pagsusulat ko ng chapter one sa cellphone ko habang breaktime namin. Yeah, sinusubukan ko magsulat as much as possible dahil marami talagang ideas ung pumapasok sa isip ko.

"Ano ginagawa mo Ibon?"

Tanong sakin ni Juliana habang nakaupo at nakatingin na siya sa phone ko.

"Nagsusulat ako ng bago kong story."

Sagot ko sa tanong ni Juliana sabay tingin ko na sakaniya. Oh! Bakit di ko kaya ipabasa sakaniya ung chapter one kahit hindi ko pa tapos?

"Juliana, gusto mo ba basahin ung chapter one?"

"Shempre naman, noh!"

"Eto, hindi pa siya tapos, eh."

Sabi ko kay Juliana sabay bigay ko na sakaniya ng phone ko since tuwang-tuwa siyang babasahin niya ung chapter one ng Runaway With Me. Tahimik lang akong naghihintay sa magiging reaksyon ni Juliana habang binabasa na niya ung chapter one. Sana okay lang…

So… nag ring na ung bell kaya hindi ko na nakuha ung thoughts ni Juliana tungkol dun sa chapter one ng Runaway With Me. Second to the last subject namin ngayong araw ay related sa research at ganun din ung last subject namin… related sa research.

Hindi ko alam kung bakit pero after ng apat na meetings ng klase namin at ng teacher namin sa research ay ngayon lang siya nag decide na palitan ung seat plan namin according sa liking namin pero sa isang condition, alternate ang boys and girls.

Edi ayun na nga, nagkagulo na tapos… naiiyak ako kasi iniwan ako nila Christina at Violado. Sabi nilang dalawa sama-sama raw kaming tatlo, pero ang kinalabasan… silang dalawa lang magkasama. Naiwan sa likod si Juliana kaso may iba na siyang katabi at medyo ayoko na sa likod. Kaso… wala na bakanteng upuan sa harapan at kaming dalawa na lang ng teacher namin ang natitirang nakatayo.

"Bakit Ms. Tagum?"

Tanong ng teacher namin sa research habang tinitignan na niya ako.

"Wala na po siyang mauupuan sir!"

Sagot ni Violado sa tanong sakin ng research teacher namin, dahilan para agad niyang alisin ung mga gamit niya na naka patong sa isang upuan sa bandang harapan. Nung naalis na ng teacher namin ung mga gamit niya dun sa upuan… doon ko lang narealize na… magiging katabi ko pala si Jervien.

~"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Gusto mo bang sumama sa paglayas ko ngayon?" – Yvonne Tamayo (Runaway With Me, 2019)~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts