ASH POV
Pag bukas ng tarangkahan, tumakbo ako patungo kay Mamá na kasalukuyang nasa Hardin. Nasa kaniyang tabi ang baston na bago lamang sa aking paningin.
Mukhang hindi niya ako maramdaman dahil sa tila napakalalim ng kaniyang iniisip habang naka tingala sa langit.
"Mamá?" Pag tawag ko.
Marahan itong lumingon sa aking direksiyon. Napangiti ng makita ang aking sapatos. Dahan-dahan na nag angat ng tingin sa akin saka ako pinaanyayahan na maupo sa kaniyang tabi.
"Akala ko ay hindi ka na darating." Nakangising sabi ni Mamá.
"Kumusta ka Mamá?" Tanong ko saka inabot sa kaniya ang tinapay na pinalamanan ng kesong puti.
"Hindi ba't ako ang dapat na nag tatanong niyan? Dahil ako--kahit malabo na ang kaliwang mata ko dahil sa katarata, ramdam naman ng puso ko na nahihirapan ang anak ko." Saad ni Mamá habang naka tukod sa baston.
Lumaki nga ang puti sa kaliwang mata niya. Hindi ko tuloy maiwasan na kaawaan ang lagay niya.
"Ma--nasasaktan ako." Sagot ko saka sumandal sa aking kinauupuan.
Natawa lang si Mamá sa aking sinabi.
"Bakit po? Nakakatawa ba ako umiyak?" Natatawa ko rin na tanong habang pinupunasan ang aking pisngi.
Umiling si Mamá. Kinagatan ng kapiranggot ang tinapay. Matapos lumunok ay nag salita rin siya.
"Ang pag mamahal ay parang bunga ng isang puno. Kapag pinitas mo ng hindi pa hinog, natural mapakla ang lasa. Kung kinagatan mo eh siguradong iluluwa mo rin. Masasayang lang. Sayang hindi dahil hindi mo nakain ng tama. Kundi sayang naman ang bunga dahil sa oras na dumating ang tamang panahon na kaniyang pag hinog-hindi na siya maaaring anihin pa dahil sinayang mo iyon."
"Hindi ko po maintindihan?" Sambit ko habang naka tingala sa direksiyon na tinitignan ni Mamá.
"Kung mapait o mapakla man ang pag pag ibig mo sa ngayon, dalawa lang ang maaari mong gawin. Ang tiisin ang mapaklang lasa o ang mag hintay pa ng tamang pag kakataon hanggang sa mahinog ito." Ani Mamá.
"Ibig ba sabihin, puwedeng hindi pa tama ang pagkakataon para sa amin? O baka naman mali ang taong minamahal ko sa ngayon? Alin ba doon ang Mali at hindi tama? Mamá?"
"Kailanman hindi naging mali ang mag mahal. Pero minsan, tinuturuan tayo nito maging madamot at bulag kahit pa sobra na tayong nasasaktan. Alam mo kung ano ang hindi tama?" Tanong ni Mamá saka ako nilingon.
"Ang mag-mahal sa kasalukuyan pero pilit na lumalakad pabalik sa Nakaraan. Iyon ang hindi tama. Natasha."
"Po? Hindi ko ---"
"Sabi mo martyr ako. Siguro nga martyr ako. Dahil kahit na anong pilit ko na kamuhian at talikuran ang Papá mo, hindi ko ginawa. Dahil kapag ginawa ko iyon- magiging Mali na ang lahat. Nagiging Tama lang ang pag mamahal kapag nanindigan ka."
"At kung sinasabi mo na nasasaktan ka--walang wala pa iyan sa pinag daanan ko buhat ng makilala ko ang Papá mo Natasha."
"Nag sisisi po ba kayo kay Papá?" Tanong ko habang tinititigan siya.
"Hindi. Hindi Kailanman." Nakangiting sabi ni Mamá.
"Kahit pa paulit ulit ka niyang sinasaktan?" Tanong ko.
"Sa dami ng kasalanan at pasakit na naranasan ko sa Papá mo, isa lang ang tinitignan kong dahilan para manatili sa tabi niya. IKAW at si AUSTINE. Sa dami ng pangit na nangyari kayo ang magandang nangyari sa buhay ko. Kaya bakit ako mag-sisisi?" Nakangiting saad ni Mamá.
"Mamá, hindi mo pala nabanggit sa akin na kababata mo pala si--"
"Si Gener." Usal ni Mamá.
"Mag kuwento naman po kayo Mamá." Pakiusap ko saka tumagilid sa pag upo upang makinig kay Mamá.
Isang matamis na ngiti muna ang kaniyang pinakawalan bago sinumalan alalahanin ang nakaraan.
BELINDA UNTOLD STORY
"Nakilala ko noon si Gener nang minsan akong sinama ng iyong lolo Ben. (Ama ni Belinda) sa piyesta. Trese anyos pa lamang ako non. Kasalukuyang high school."
"Siya lamang ang bukod tanging lalaki na kinagigiliwan noong gabing iyon. Kakaiba ang karisma niya at idagdag mo pa na laki siya sa Maynila. Taga Nueva Ecija ang kinalakihang magulang ni Gener. Ampon lang siya ng tita Gloria at ng asawa nitong si Jose."
"Piyesta nga noon at may sayawan. Samantalang ako-- sising-sisi dahil sumama ako kay lolo Ben mo. Wala naman kasi akong kakilala sa baranggay na dinayo namin. At isa pa, di ko hilig ang makipag usap sa kalalakihan. Alam mo naman ang Lola Dorina (Ina ni Belinda) mo, konserbatibo at dalagang pilipina." Natatawa niyang saad saka ibinalot ang natirang tinapay.
"Mag papaalam na sana ako na uuwi na lang nang bigla naman ako lapitan ni Gener. Nakipag kilala siya at nakipag kuwentuhan. Halos masira ko ang gabi ng mga babae noong isayaw niya ako. At Oo. Aaminin ko, kinilig ako sa kaniya noon."
Malapad ang ngiti ni Mamá habang patuloy sa pag sasalaysay. Parang kahapon lang iyon. Sa tuwing ngingiti at tatawa siya ay bumabata ang kaniyang itsura.
"Habang nag sasayaw kami, doon ay nabanggit niya sa akin na dati niya na pala akong nasusubaybayan. Ang Tiya Gloria niya kasi ay suki ni Mamá Dorina ng mga telang hinahabi at ginagantilyo niya noong araw. Si Gener ang napag utusan na kunin ang order nang minsang mag bakasyon siya sa Isabela kung saan lumipat ang mga nag ampon sa kaniya."
"Nang matapos ako sa pag aaral sa high school, doon ay nag tapat na siya sa akin. Ganon din naman ako. Kaya lang-- masyadong lumawak at nag sanga ang negosyo ng Pamilya ni Generoso. Hindi man tapos si Generoso sa kolehiyo pero matalino siya pag dating sa industriya ng negosyo. Nakabili ng lupain at nakapag patayo ng sariling kompanya."
"Tapos po?" Tanong ko nang mapansin ang pag tigil ni Mamá sa pag kukuwento.
"Nag hintay ako. Araw araw akong umaasa na babalik siya. Hanggang sa ilang buwan, ilang taon na ang lumipas pero wala pa akong balita sa kaniya. Isang kaibigan ni Lolo Ben mo na taga Maynila ang nag sabi na lumipad na raw si Gener papunta sa U.K.--"
"Tapos nakilala ko ang Papá mo. Sa panahon na sobrang nalugmok ako sa lungkot. Kaya siguro ganon na lang kami ipagtulakan sa amin ng mga magulang namin sa isat isa ay dahil parehas lang nila gusto na sumaya kaming dalawa."
"Nahuhulog na ang loob ko noon kay Arturo bago man kami ikasal. Kaya lang natatakot ako na baka kapag bumalik si Gener--ay huli na. Kaya noong ikinasal kami ni Arturo. Hinangad ko na sana ay maging masaya na siya. Dahil ayokong mag sisi sa huli."
"Pero bumalik ako Belinda. Binalikan kita." Tinig ng isang pamilyar na lalaki na naka tayo sa gawing kanan ko.
"Mr. Ge---"
"Kaya lang napag alaman ko na ikinasal ka na. Gustuhin man kitang makausap at mahagkan--hindi ko magawa. Mula sa malayo, pinagmasdan kita kung paano mo ipag hele ang bagong silang na si Natasha. Hindi ko na nagawa pa na mag mahal ng iba. At huli na rin ng malaman ko na may anak na pala ako kay Mervie. Unang kasintahan ko. Doon ay napag isip isip ko na baka hindi talaga tayo tama."
"Generoso..." malambing na sambit ni Mamá.
Napatayo ako at sa puntong iyon, naupo ang Ginoo.
"Hindi madali ang pinagdaanan ko Belinda. Hindi ko kayang lumaya sa lungkot. Uhaw ako sa pagmamahal ng tunay na pamilya. Kaya siguro dininig ng Dios na marinig ko ang dasal ng aking mag-ina. Hinanap ko sila. Naging masaya ako muli. Sa piling nila."
Hindi ko maiwasan na hindi indahin ang sakit at kirot sa aking dibdib. Napaka salimuot pala ng pinagdaanan nilang dalawa.
"Alam ko na nag-hintay ka. At patawad kung hindi ako dumating sa takdang usapan. Pero maniwala ka Belinda. Ikaw ang dahilan kung bakit natuto akong panghawakan at manindigan sa aking pangako. Natuto ako na pahalagahan ang mga taong nasa paligid ko. Kahit pa si Kasandra--na palagi kong kinukunsinti."
"Sana ay mapatawad mo na ako Belinda." Saad ng Ginoo saka hinawakan ang kamay ni Mamá.
"Matagal na kitang napatawad Gener. Patawarin mo na rin ang sarili mo ng saganon ay matahimik nawa ang ating kaisipan." Naka ngiting saad ni Mamá matapos binawi ang kaniyang kamay saka pinatong sa kaniyang hita."
"Salamat. Sa katunayan ay ikaw talaga ang sinadya ko. Gusto lang kitang makausap. At iabot ito sa iyo." Saad ng Ginoo sabay abot ng Harmonica (music instrument)
"Nasa iyo pa pala ito?" Gulat na tanong ni Mamá.
"Oo naman. Palagi ko iyang ginagamit sa tuwing nalulungkot ako noon. Tinutugtog ko iyan nag babaka sakaling marinig mo ang sigaw ng aking damdamin sa tulong ng pag tangay ng hangin. Umaasa akong sa bawat tugtog ko ng Harmonica, naway maramdaman mo ang halik ko sa hangin na siyang darampi sa iyong balat..."
Hindi ko na namalayan ang aking pag luha. Tila ba tinatamaan ang aking puso sa naririnig. At kahit ano mang iwas ay di ko magawa. Napakasalimuot ngunit makulay ang takbo ng kuwento nitong dalawang tao na pinag tagpo at tinadhanang magkalayo.
"Natapos man ang ating relasyon, ngunit hindi ang ating kuwento. Na siyang ipagpapatuloy ng ating mga anak..."
"Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi mo Gener. Sana ay maging masaya na lang tayong lahat. Sana ay malagpasan na natin itong pag subok na kinakaharap ng mga anak natin."
Nilingon ko ang lalaking yumakap mula sa aking kinatatayuan. Si Spencer na masayang pinagmamasdan ang aming mga magulang.
"Sa tingin ko marami pa silang pag uusapan." Bulong ni Spencer saka pasimpleng pinisil ang aking dibdib.
"Tingin ko mas marami tayong pag uusapan." Sambit ko saka tumitig sa kaniyang mata ng makahulugan.
Napangisi siya at kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang labis na galak.
Kumaway pa sa amin si Mamá nang mapansin ang aming pag lisan. Nag iwan pa muna ako ng matamis na ngiti sa kanila bago sila talikuran.