ASH POV
"Bakit ako narito?" Tanong ko sa sarili habang ginagala ang aking paningin sa isang pamilyar na silid.
"Dinala kita rito. Wala ka ba maalala?"
Napalingon ako sa aking kaliwa. Naroon si Tyrone naka upo habang nililinisan ang kaniyang de remote control na eroplano.
"Tyrone..."
"May masakit ba sa iyo?" Tanong niya saka naupo sa aking tabi.
"Wala naman."
"Tsk! Meron. Yung puso mo!" Biro niya sabay halakhak.
"Puwede ba?! Bakit ako nandito? Ano, inutusan ka ng tuta mong kaibigan?" Inis kong sabi.
"Tuta? Matapos kang sambahin, --"
"Ano ba?! Umayos ka nga!" Sigaw ko pero patuloy pa rin siya sa pag tawa.
"Naiinis na ako--"
"Sorry. 'To naman! Bakit ka nga ba narito? Siyempre gaya ng dati, niligtas kita." Naka ngiti niyang sabi sabay tayo upang iabot sa akin ang sopas na mainit-init pa.
"Anong nangyari? May nakaka alam ba na narito ako?"
"Basta nakita na lang kitang... nag collapsed. Tapos ayon humihinga ka pa naman kaya di na kita sinugod sa ospital." Biro niya.
"Nag collapsed ako? Wala akong maalala--"
"Wala kang maalala?"
"Wala e."
"Ako 'to! Si Spencer Vahrmaux! Kiss mo nga ako?" Seryoso niyang sabi na ngumuso pa.
Natatawa naman ako nang kurutin ko siya sa binti gamit ang daliri ko sa paa. Nakaka tawa talaga si Tyrone. Isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya ay ang sense of humor niya.
"Uy biro lang yon ah. Pinapatawa lang kita." Biglang sumeryoso ang mukha niya at mapait na ngumiti sa akin.
"Sanay na ako sa 'yo. Salamat ah. Tsaka ang sarap nito. Mas masarap pa sa luto ni---"
"Favourite talaga namin nila marco at Spencer yan. Pero pinaka hate ni Spencer ang pasta. Lalo na ang carbonara."
"Ano? Pero pinag luto ko siya non at mukhang nagusguhan niya naman..."
"Ow? That's miracle!. Anyway, may nararamdaman ka bang weird?"
Usisa niya na talaga naman ipinag lapit pa ang aming mga mukha.
"Weird? Ang bantot ng hininga mo." Biro ko. Amoy mint yung bunganga niya. Sadyang wala lang talaga akong alam sa sinasabi niya kaya ko nasabi 'yon.
"Sus! Gusto mo lang na halikan kita eh!" Natatawa niyang sabi.
"No way!"
"Pero seryoso? May gusto ka bang kainin? Nahihilo ka ba?"
"Bakit? Kailan ka pa naging doctor?" Taas kilay kong tanong habang tuloy sa pag kain.
"Wala naman..."
"Wait, ano ba'ng iniisip mo? Na baka buntis ako?" Kunot noo kong tanong.
"Ganon na nga!" Naka ngiti niyang sabi.
"Hindi." Mataray kong sagot.
"What if-"
"Never! Hindi sa tutang 'yon!"
"Okay. Sabi mo eh!" Usal niya at nag kibit-balikat.
"Tyrone, alam mo ba na ginagamit lang ako ni Spencer?" Tanong ko matapos ubusin ang sopas.
Sandali siyang tumingin sa akin bago muling yumuko saka sumagot.
"Sorry ash. Pero wala akong alam. At kung meron man, hindi ko pahihintulutan. Lalo na at kilala ko kung anong klaseng babae ka." Seryoso niyang sabi habang nananatiling naka yuko.
"Ang sama ng ugali niya. Bagay na bagay sila ng bruhang 'yon. Tsk!"
"Ginamit mo rin naman siya sa sariling interes. Di ba? Ginamit mo siya para saktan si Trixie. Pero pare-parehas lang kayong nasaktan sa huli." Mahina niyang sabi saka tumayo.
"I don't think so..." bulong ko.
"Bakit?"
"Ako yung napag kaisahan dito. Ako yung niloko at sinamantala--"
"Kasi hinayaan mo sila. Nangyari na. Bumangon ka ulit. Magsimula ka. Ipag patuloy mo yung buhay mo. Maraming paraan para saktan ka ng iba o saktan ang sarili natin. Pero bakit mo hahayaan na masaktan kung puwede mo naman piliin ang sumaya?"
"Hindi ako makapaniwala! Parang panaginip lang..."
"Masamang Panaginip?" Sambit niya sabay hagikgik.
"Hindi ako naniniwala na magagawa ni Spencer yung ganong bagay." Seryoso niyang sabi matapos kunin sa akin ang pinagkainan ko ng sopas.
"Bakit? Lahat kaya mong gawin para sa mahal mo! Sabi ni Trixie, ginamit ako ni Spencer dahil alam niya na makikinabang ako! Ako din hindi makapaniwala!"
"Kilala ko si Spencer. Oo Babaero siya, pero hindi niya ugali ang pag laruan ang gaya mo--"
"Gaya ko? Ano ba 'ko? Uto-uto?"
"Mabuting tao ka Ash." Sambit niya ng di ako tinitignan.
"Mabuti? Bakit 'yan ba ang sinabi ni Spencer? "
"Hindi. Alam ko. Kahit pa noon alam ko na napaka buti mo. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit naging kaibigan mo sila Havah..."
"Kilala mo ang mga kaibigan ko sa GRU?"
"Oo. After ko maka graduate, bumalik ako sa GRU para mag train ng mga player. Kilala mo ba si Ivan Hucraine?"
"Oo. Player sa NBA?"
"Oo. Pinaka batang player siya ngayon sa Miami. Graduate sa GRU at ako ang coach niya." Masaya niyang sabi ngunit hindi ko siya nakikitaan ng kahit na anong yabang man lang.
"Matagal na kitang kilala. Nagulat na lang ako dahil kilala ka ni Ann. At trabahador niyo pa ang tiyahin ko sa lupain niyo. Tas yung dad ni Ann driver ng Papá mo. Si tito sergio?"
"Dati. Noong maayos pa ang buhay namin."
"Matagal na kitang gustong makilala. Kaya nagulat ako nung nag bump ako sayo. Sa gymnasium?"
"Ah, Oo. Nagalit ako kanila Havah. Paano ba naman kasi, pinagtsitsismisan nila ako. Ayaw nila sa Cupcake Lady."
"That's not true!"
"Yeah. That's true!"
"Okay. Cupcake lady ka at ako ang cherry sa top." Nakangiti niyang sabi habang kagat ang ibabang labi.
"May Stalker pala akong Piloto. Kaya naman pala palagi kang sumusulpot kapag--"
"Parang mushroom?" Taas kilay niyang tanong.
"Uh? Hindi ah!" Si Spencer Pascual lang ang mushroom ko.
"Bakit ka nga pala umiyak sa gymnasium?"
"Yun ba? Kasi nakita ko yung post ni Papá na nasa turkey siya kasama yung--"
"Ahh."
"At ang salbahe mo. Gusto ko pa sana humagulgol pero umepal kang hayop ka!" Biro ko habang sinusuklay ko ang aking buhok gamit ang daliri.
"Ang liit ng mundo." Sambit niya na ipinagtaka ko.
"Oo. Kaya nga nag tatagpo ang hindi naman para sa isa't-isa."
"Nagulat ako nung sinabi niyang girlfriend ka niya. Madalas ko kasi maka chat si Trixie. Palagi niyang nababanggit sa akin yung kasalan..."
"So super close kayo?" Taas kilay kong tanong.
"Ano bang iniisip mo? Ibahin mo ko kay Spencer..."
"Anong alam mo tungkol kay Trixie?" Tanong ko.
"Fifteen si Trixie nung makilala niya si Spencer na kasalukuyang seventeen years old. Ang alam ko, matapos mamatay ng grandparent niya, unti-unti sila nag hirap. Natakot si Trixie na baka hindi na siya maka rampa o makapag travel..."
"So, takot silang mag hirap?"
"Ang alam ko, si tita kasandra, at Mr. Generoso ay mag kaibigan na dati. Bago mamatay ang father ni tita kasandra, nakiusap siya kay Mr. Generoso na wag papabayaan si kasandra at Trixie."
"Kung ganon, may dahilan pala ang Father niya..."
"PROMISE. Minsan kasi kahit hanggang kamatayan dala-dala natin yan..."
"May ibang gusto si Spencer noon. Pero kami-kami lang ng mommy niya ang nakaka alam."
"Sino? Sino ba'ng babae--"
"Sorry Ash. Masyadong personal. Isa pa, it's not my story to tell."
"Kung sino man siya, sana mahanap na siya ng tuta mong kaibigan..."
"Wishing best for him now?" Natatawang sabi ni Tyrone.
"Hmp!"
"Kung hindi ko lang kilala si Spencer, niligawan na kita." Naka ngiti niyang sabi habang naka tingin sa aking mukha.
"Ayoko sa athlete! Ayoko sa businessman! O sa pilot!" Mataray kong sabi.
"Anong gusto mo? Celebrity? Si Paulo?"
"Basta."
"Tatawagan ko si Spencer para ipaalam na maayos ang---"
"Gusto mo ba upakan kita? Walang makaka alam! At isa pa, wala naman siyang pakialam..."
"Pero kaibigan ko--"
"Okay. Aalis na rin naman na ako."
"Sabi ko nga hindi ko ipapaalam. Sige na mag be-bake pa ako."
"Tulungan na kita."
"Sige. Halika!"
Hinawakan niya ang aking kamay saka inalalayan sa pag hugas sa sink. Medyo nabigla ako pero pinilit kong bawiin ang kamay ko.
"Ako na. Kaya ko."
"I know. Pero gusto ko." Seryoso niyang sabi habang naka tagilid ang ulo nang tignan ako.
Matapos niyang punasan ang aking kamay, hinawakan niya ang aking bewang at pinaupo sa high chair.
"Anong gagawin ko?" Tanong ko habang naka tingin sa mesa.
"First, crack my egg." Sagot niya dahilan para mag titigan kami.
Halos sabay nag blink ang mga mata namin bago ko muling nag salita.
"Gusto mo mabaog?" Tanong ko habang naka tagilid ang nguso.
"Sabi ko nga crack the egg." Mahina niyang sambit dahilan para mag tawa kami.
"Paano ba kayo mag bond ni Spencer?" Tanong niya habang nag mi-mixed ng baking powder at sugar.
"Bond? Uhm... bahay-bahayan na nag ba-bond?" Sagot ko sabay tawa.
"Believe me Ash, hindi ko pa nakita si Spencer na naging interesado sa isang babae gaya mo." Nakangisi niyang sabi habang tuloy sa ginagawa.
"Of course! He has to. Dahil kasama sa plano 'yon!"
"Gusto mo ba siya makausap?"
"No way!"
"Ako gusto ko kayo mag-usap...-"
"No need. Kausap naman kita. Kahit wala kang kuwenta."
"Lumalabas na yung totoo mong kulay!" Natatawa niyang sabi sabay pahid sa akin ng harina sa pisngi.
"Totoo naman." Napatigil ako ng maramdaman ko ang ginagawa niyang pag tali sa aking buhok gamit ang chopstick. Sunod ay binalot niya ang buhok ko sa hairnet. Napa ngiti naman ako dahil naalala ko sa kaniya si Spencer Pascual."
"Thanks." Sambit ko.
"Ayos lang. Baka malaglagan ng kuto--"
Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para maputol ang kaniyang sasabihin.
Nang tumalikod siya, doon ko lang napag tanto na naka boxer lang pala siya at naka suot ng apron.
"Alam mo ba na magaling mag luto si Spencer?" Tanong niya.
Agad ako nag lihis ng tingin bago pa siya humarap.
"Oo. Madalas siya mag luto."
Pinapanood ko siya kung paano niya ilagay sa cup ang bawat mixture bago ipasok sa oven.
Puwede ba ako maki banyo? Naiinitan na kasi ako. Ang kapal ng dress ko..."
"Ayos lang. May naiwan ka namang damit. You can used my brief kung gusto mo--"
"No way!" Sigaw ko. Bigla ko kasi na-imagined yung bagay na hindi naman dapat.
"Kidding. May naiwan naman si Ann na mga damig diyan. Pili ka na lang..." natatawa niyang sabi.
"Agad akong umakyat sa kuwarto niya at diretsyong tumungo ng banyo. Medyo masakit lang sa mata dahil kulay grey at black lahat ng nakikita ko. Ultimo yung bathtub niya ay kulay grey."
"Puwede na rin." Sambit ko saka diretsyong nag alis ng damit.
Habang nasa bathtub ako, iniisip ko kung ano ba ang kasalanan ko sa Dios para pabayaan niya ako sa mga taong sinaktan ako?
Matapos kong ibigay yung sarili ko ng buong buo, bakit? Bakit Spencer? Akala ko totoo lahat ng nakita at naramdaman ko? Kaya ba, ganon na lang siya kakampante na patuluyin si Trixie sa bahay niya nung nakita ko silang nag hahalikan sa pool?
At ang lakas ng loob niya para sunduin ako sa hacienda. Dahil may alam na si Trixie.
"I don't mind her. I'm just worried about you..." Sinungaling! Kaya ba nasa Cebu rin siya nung gabing 'yon? At yung tawa ni Spencer? Grabe! At kaya siya umiiyak habang kinakantahan ako, dahil ba nakokonsensiya siya?
Hindi ako papayag na hanggang dito lang ako! Makikita niyo! Papatunayan ko yung sarili ko.
Mag bibihis na sana ako nang aksidente kong mahulog sa sink ang kuwintas na pamana pa sa akin ni lola.
"Shit!" Sigaw ko.
Nag suot muna ako ng bra at panty na pag mamay-ari ni Ann. Medyo masikip iyon dahil medyo tumaba ako ng kaunti.
Humanap ako stick o anumang bagay para masungkit ko iyon. Kasalukuyan akong naka tuwad habang binubuksan ang tubo sa ilalim nang biglang bumukas ang pinto.
"Kailangan ---mo---ng tulo--ng?"
Natawa naman ako dahil sa pag piyok niya sa huling salita.
"Oo sana. Yung kuwintas ko nahulog."
Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Kita ko pa ang pag galaw ng kaniyang adams apple na para bang ngayon lang nakakita ng dibdib ng isang babae.
"Pangarap mo 'to no?" Naka ngisi kong tanong habang naka nguso sa aking dibdib.
"Sorry." Seryoso niyang sabi saka binasa ang ibabang labi.
"Dit-- Aah!" Sigaw ko nang madulas ako sa toothbrush na ginamit ko para masungkit ang kuwintas.
"Masyadong mabilis ang mga nangyari. Pag dilat ko ay natagpuan ko na lang aking sarili na nasa ibabaw ni Tyrone."
"Ash.." sambit niya.
Madilim at mapait ang awra ng kaniyang mukha. Halintulad sa bahag-hari na walang sigla. Hindi ko alam pero parang ramdam ko ang bigat sa kaniyang dibdib.
"Ss-sor--" sambit ko.
'Di pa man ako tapos mag salita nang bigla niyang hawakan ang aking ulo at akmang hahalikan. Bago ko pa man iiwas ang aking mukha, biglang bumukas ang pinto at padabog na pumasok ang animoy militar na sasabak sa gera.
Halos sabay kaming lumingon ni Tyrone sa kinataayuan ni Spencer na ngayon ay nanlilisik na naka tingin sa amin. Bago pa man ako tumayo, mahigpit niyang hinawakan ang aking kaliwang braso saka inilayo kay Tyrone.
"Spencer," sambit ni Tyrone saka tumayo.
"Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko. Dahil nasa kamay mo ang pag kain ko!" Matigas niyang sambit. Agad kong inalis ang kaniyang kamay na mas lalong mahigpit at mainit na humawak sa aking balat.
Inalis ni Spencer ang kaniyang Tuxedo saka pinasuot sa akin.
"Ako ang nag sabi na wag sagutin ang tawag mo..." sabat ko habang salitan silang tinitignan.
"Hindi kita kinakausap." Matigas niyang sabi nang di nag aalis ng tingin kay Tyrone.
"Wala kang pakialam kung mag sasalita ako o hindi. At ano ba ang ginagawa--"
"Ikaw! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Sigaw niya.
"Spencer nasa bahay kita!"
"Bahay mo? Oo bahay mo! Kaya lahat ng gusto mo gagawin mo?" Mataas niyang himig nang naka duro kay Tyrone.
"Ganon na nga. Kaya makaka alis ka na." Mahinahon na sambit ni Tyrone.
Agad akong pumagitna ng akmang hahawakan niya ang apron ni Tyrone.
"Umalis ka riyan!" Sigaw ni Spencer nang di nag aalis ng tingin kay Tyrone.
"Ikaw ang umalis! Hindi mo 'ko utusan!"
"Alila lang kita. Kaya kahit anong sabihin mo, susunod ka sa gusto ko!"
"Alila? Bakit ano ba ang kasalanan ni Ash sa 'yo?"
"Siya wala. Pero ikaw!"
Agad binaba ni Spencer ang kamao saka ako tinulak sa pader.
"May nangyari ba Ash?" Lumuluha niyang sabi habang mahigpit na pisil ang aking braso.
"Bakit, akala mo ba ikaw lang ang marunong maki pag laro? Hindi mo pa ako Kilala!" Matapang kong usal.
"Tarantado ka!" Sigaw niya kay Tyrone saka sunod sunod na binalingan ng suntok.
Gustuhin ko man bawiin ang sinabi ko Pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang saktan! Gusto kong maramdaman niya yung tinik sa dibdib ko.
Mas pinili naman ni Tyrone na saluhin lahat ng suntok ni Spencer. Hinihingal itong tumayo saka ako muling hinarap.
"Bakit Ash?" Nanginginig niya akong hinawakan sa balikat at braso habang pknapantayan ang aking tingin.
"Akala ko iba ka!" Sigaw niya bago kami iwan ni Tyrone.
Akala ko rin iba ako. Pero hindi! Basura lang din ako gaya ng ibang babae niya.
"Natasha!" Sambit ng Mamá nang makita akong naka tayo sa double door.
"Mamá..." nahihiya man akong tignan sila, pero niyakap pa rin ako ni Mamá.
"At bakit ka narito?" Tanong ni Trixie na salubong ang kilay.
Nagulat naman ako sa pag sulpot ni Kasandra mula sa kaniyang likuran.
"Anak ako ni Papá. At iyang nanay mo anong --"
"Pinabalik na siya rito ni dad."
"Ano?!" Napatitig ako kay dad na walang emosyon.
"Ash, dapat tayong mag usap." Ani Papá
"Papá--"
"Bakit mo nagawa sa kapatid mo yun ash?"
Seryosong tanong ni Papá habang nakapamulsa.
"Pa, mag papaliwanag ako--"
"Para saan pa? Sinira mo na lahat ng meron ako! Lahat inangkin mo na!" Sigaw ni Trixie na ngayon ay lumuluha sa galit.
"Dahil sa 'yo, muntik pa na hindi matuloy ang kasalan!" Sigaw ni Papá.
"Ano?"
"Napakasama mo Ash! Pinagkait mo na nga sa akin na mabuo yung Pamilya ko pati ba naman yung lalaking mahal ko inahas mo pa?!"
"Hindi yan totoo! Pinagkaisahan niyo--"
"Alam kong galit ka sa akin Ash. Hindi ako naging mabuting ama sayo.. " *napahilamos ang Papá sa kaniyang mukha habang pilit na tinutuwid ang pag sasalita.* "hindi ako naging mabuting asawa. At sinisisi ko yung sarili ko sa pagkamatay ni Austine! Yung pag hihirap na pinagdaanan niyo sa sandaling nawala ako... lahat yon kasalanan ko! Ako! Pero bakit nag higanti ka sa kapatid mo na walang ibang gusto kundi ang matanggap mo siya?!"
Tuluyan ng napahagulgol ang Papá at napa upo sa sofa. Halos madurog ako sa aking nakikita. Bakit parang ako pa ang lumalabas na masama? Gayong nag tagumpay silang saktan at pag laruan ako?
"Arturo, bakit hindi mo muna pakinggan ang paliwanag ni Ash? Kilala ko si Natasha... kilala mo ang anak mo! Tayo ang nag palaki sa kaniya!" Mahinahon na sabi ni Mamá habang himas ang aking likod.
"Tama ka Belinda! Kilala ko ang anak natin. Na kahit kailan, hindi magiging ganiyan!"
"Pero--"
"Belinda! Galit ang nag tulak kay Natasha para saktan ang anak ko!"
Sigaw ni Papá na siyang tumarak sa puso namin ni Mamá.
"Anak mo rin si Natasha..."
"At anak ko rin si Trixie! Patas ang tingin ko sa kanila!"
"Papá, naririnig mo ba ang sarili mo? Ni wala ka pa ngang naririnig galing sa akin! Bago pa man ako tumapak dito sa hacienda mo, nahusgahan mo na ako dahil narinig mo na ang paliwanag ng Pabirito mo!"
"Nahusgahan? Ang sabi ni Trixie, sinadya mong kumalap ng impormasyon kay Spencer para saktan siya! Lahat umayon sa Plano mo! At nag tagumpay ka na sirain ang meron sila!"
"Natasha, mag salita ka anak. Alam kong hindi mo yun magagawa--"
"Nagawa niya na! Ano ba ang tingin mo kay Natasha? Santo na hindi puwedeng magkasala?" Sigaw ni Trixie na ikinagulat ni Mamá.
"Trixie!" Saway ni Papá.
"Nakita mo ba kung paano niya bastusin ang Mamá? Bakit hindi mo siya sampalin gaya ng ginawa mo sa akin noon?" Tanong ko habang naka turo kay Trixie.
"Kita mo na? Hindi ka patas Papá! May kinikilingan ka! Ako ang pinagkaisahan dito! Ako ang sinira at nawalan! Pero kahit na ano pa ang paliwanag ko... balewala lang din naman sa iyo! Kasi bulag ka. Bulag ka sa pag mamahal mo sa kanila! Kaya kahit pa anong panloloko nila, tapat ka pa rin sa kanila!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tuluyan na akong maiyak. Kung masasalamin lang sana ni Papá ang aking puso, sigurado akong maaawa rin siya sa akin. Pero hindi. Dahil hindi niya ako nakikita. Hindi ko rin siya maramdaman.
---
Isang linggo buhat nang lumayas ako sa Hacienda. Umalis na rin ako sa bahay ni Tyrone at mas pinili kong ipag patuloy ang buhay. Nag paka busy ako sa trabaho bilang Manager sa Amber's Standard Cosmetic.
Kahit paano, naliligaw ko ang aking isip sa mga problemang pinagdaanan.
Dalawang linggo lang ang dumaan Pero parang napakatagal na panahon ko na na hindi nakikita si Spencer. Kapag may pag kakataon ako, sinasamahan ko si Mamá sa Dialysis center. Minsan naman lumalabas kami para mag bond. Kahit kaming dalawa lang.
"Kay Mamá ko rin nalaman na umalis na nh bansa si Spencer Vahrmaux kasama si Trixie. Umalis si Trixie para ipag patuloy ang pag rampa. At nariyan si Spencer para suportahan siya. Madalas ko mapanood si Trixie na rumarampa. Kapag siya na ang nasa entablado, sobrang hiyawan at tilian ang maririnig mula sa mga audience. Grabe. Sobrang taas na talaga ng narating niya. Si Beatrixie ang nag papamukha sa akin na hindi ako kailanman nararapat kay Spencer Vahrmaux. Dahil ako, wala pa akong napapatunayan."
Masyado akong maraming pinag kaka abalahan pero paminsan-minsan, sumasagi pa rin sa isip ko si Spencer Vahrmaux. Hanggang ngayon, nag-sisisi pa rin ako dahil sa katulad niya lang naisuko ko ang sarili ko.
"Roman, mag papasama sana ako sa inventory room. Ayos lang ba?" Tanong ko sa isa sa aking staff.
"Yes ma'am. Tapos na rin ako dito."
"Paki baba na lang yung ibang kahon." Utos ko.
"Ma'am, may dumating po palang invitation kanina para sa inyo.."
"Invitation?" Napa tingala ako nang isipin kung saan kaya galing iyon.
"Required ba tayong pumunta diyan?" Tanong ko habang nag i-inventory.
"Yes ma'am. Galing kasi 'yon sa taas. Usap-usapan na sa susunod na linggo, mag kakaroon ng Cosmetic Competition." Usal ni Roman na may malapad na ngiti.
"Totoo ba yan bakla?"
"Yes Ma'am! At di lang basta pipichugi ang Competition. Dahil Victoria's Angel ang rarampa para irepresent ang bawat product ng top fifteen local or international Cosmetic Brand na pinakamabenta sa merkado!"
Saglit akong napa tigil habang iniisip ang sinabi ni Roman. May subject akong cosmetic noong college at two years din iyon. Siguro ay ito na ang God's calling para naman ilabas yung hidden talent ko pag dating sa cosmetic.
"Kung ganon, mag paregister na tayo. Mag email ka sa kanila at kunin mo yung criteria para sa gaganapin na Competition. This is it bakla!" Tili ko habang nag tatatalon.
"Kailangan natin ng isang modelong babae ma'am. Depende kasi sa Victoria's Angel kung sino ang mapipili nilang Artist. Babase sila sa modelong unang mag rerepresent ng cosmetic brand." Mahinahon na saad ni Roman.
"Kung ganon, may kilala ako. Si Ann! Tama si Ann!"
"Kung ganon ma'am tuloy na tuloy na? Aaah"
"Ano ba ang pag lalabanan?" Tanong ko saka naupo.
"Ten percent ng two million mapupunta sa Charity na ililista mo."
"Sa dialysis patients! Tama. Ililista ko ang Charity para sa kidney dialysis!"
"Five percent mapupunta sa mga kapos-estudyante Fund..." pag papatuloy ni Roman.
"Tama!" Malungkot kong sabi nang sumagi sa aking isip si Austine.
"The rest sa mag wawagi!"
"For sure, mga ka-kompetensya natin ang makiki-lahok."
"Ganon na nga po. At ang goal natin ay makuha ang taste ng pinaka sikat sa Victoria's Angel. Si Beatrixie Surio!"
"What?" Taas kilay kong tanong.
"Three years na itong event at lahat ng natatapatan niyang artist, nananalo! Believe--"
"Let's break it then." Kumpiyansa kong sabi saka ngumiti.
"Ma'am?"
"Mananalo tayo kahit hindi tayo ang mapili ni Beatrixie Surio. Sana nga lang hindi tayo ang mapili niya!"
"Pero ma'am?"
"Wala ka bang tiwala sa Product natin? Makikita mo, galing at husay ang paglalabanan. Hindi ang impluwensiya o estado sa buhay." Seryoso kong sabi saka siya iniwan sa inventory room.
Meron pa akong three days para mag sanay. Kailangan malaman ito ni Tyrone. Sana lang ngayon ko maasahan si Ann. Para sa akin si Ann ang pinaka perpektong babae na babagayan ng Amber's Standard Cosmetic.
"Roman?" Tawag ko sa aking staff na kasalukuyang nag kakape.
"Yes ma'am?"
"Ipapasa ko lang ang report na 'to. Ikaw muna ang bahala--"
"No problem ma'am."
"Thank you!"
Matapos kong lumabas ng mall, Agad akong tumungo sa "Sunrise Hotel."
"Good morning. Hinahanap ko Si President Mervie..."
"Manager Natasha Amorine?" Tanong niya habang naka tingin sa kaniyang kuwaderno.
"Yes Ako nga."
"Ako po ang Secretary ni Madam. Kanina pa po kayo hinihintay."
Naka ngiting sabi ng secretary saka ako pinag bukas ng pinto.
Agad din napawi ang malapad kong ngiti ng makita ko ang Mommy ni Spencer na seryosong naka tingin sa akin.
"Take your seat." Tipid siyang ngumiti saka tumango sa secretary na agad din kaming iniwan.
"Good morning madam." Nahihiya kong sabi at di makatitig ng diretsyo sa kaniya.
"Kumusta ka Natasha?"
Nag angat ako ng tingin saka inilapag sa kaniyang mesa ang report.
"Mabuti naman po. Madam." Saglit pa lang akong naupo pero gusto ko na agad umalis. Hindi ako sanay sa awra ng Mommy ni Spencer na madilim at masyadong seryoso."
"Pero hindi iyan ang sinasabi ng mga mata mo..." Mahina niyang sambit habang tinitignan ang aking report.
"Madam?"
"Sana nga lang maging masaya ka sa desisyon mo Natasha." Saglit niya akong tinignan sa aking mata bago muling ibalik ang tingin sa aking report.
"About po sa amin ni Spencer, I really am sorry Madam."
"Hindi ako ang nasaktan mo Natasha. Kundi si Spencer. Buong buhay niya, umikot sa kung ano ang gusto ng daddy niya para sa kaniya. Kung ano man siya ngayon, iyon ang kagustuhan ng daddy niya. Malayo sa buhay na pinapangarap ni Spencer..."
Nakaramdam ako ng agam agam sa aking dibdib matapos marinig ang sinabi ng kaniyang ina. Bakit kailangan niya pa sabihin sa akin ito kung araw na lang ang bibilangin para sa kasalan ni Spencer at Trixie?.
"Nabanggit sa akin ni Spencer yung about sa inyo ni Tyrone.. aham!" Nag aalangan niyang sabi habang pailalim akong tinitignan.
"Pero--"
"Nakausap ko na kanina si Tyrone. Actually mag kasunod lang kayo.."
"Naka usap niyo na si Tyrone?"
"Inamin niya sa akin na sinabi mo lang 'yon dahil gusto mong saktan ang damdamin ni Spencer." Mahinahon niyang sabi saka umiling na parang dismayado sa aking ginawa.
"Let me explain--"
"No need. Anak ko ang may kasalanan kung bakit umabot kayo sa ganito. Parang anak ko na rin si Trixie. Ayokong mamili sa inyong dalawa. Pero susuportahan ko si Spencer sa gusto niya. Minsan lang sa buhay ko, nakiusap ako sa babaeng mahal ni Spencer at ikaw 'yon."
Napa buntong hinga ako matapos kong maalala yung sinabi ni madam na kahit anong mangyari manatili ako sa tabi ni Spencer. Pero hindi ko ginawa. Wala akong ginawa.
"Kahit paano, napamahal na ang kapatid mo sa anak ko dahil simula't sapul, hindi sumisira ng pangako si Generoso. Ang problema nga lang, parehas silang mag-ama na tumutupad ng pangako. Kaya hindi ito madali para sa kanilang mag-ama." Mapait itong ngumiti bago sumulyap sa kaniyang relo.
"Ginawa ko na po ang dapat. Una sa lahat, kapatid ko si Trixie noong nalaman ko na si Trixie pala ang papakasalan niya, sinubukan ko po siyang iwan. Kahit pa ang daming dahilan para saktan ko sila, hindi ko ginawa. Sadyang mahal ko ang anak niyo kaya kahit mali na, nilaban ko yung nararamdaman ko..." lumuluha kong saad.
"Ganon din siya Natasha. Ipinaglaban ka niya sa Ama niya. kaya sinubukan ka niyang hanapin. Hanggang sa kinaumagahan bumalik siya sa resort para i check ang footage. At nahanap ka niya sa bahay ni Tyrone. Kung saan sinabi mo na..."
"Ginawa niya 'yon?"
"I'm sorry Natasha. I have to go now." Sambit niya sabay bitbit ng kaniyang LV bag.
Hindi ako agad naka tayo dahil hindi ko lubos maisip ang dahilan kung ano ba ang talagang nangyayari? Sa kabilang banda, may nasilip akong pag-asa sa puso ko dahil sa mga nalaman ko.
"Aasahan kita sa Competition. Naniniwala ako sayo Ash." Sa wakas ay ngumiti siyang muli bago ako talikuran.
"Spencer..."bigkas ko nang makalabas ng opisina.
"Sana hindi pa huli ang lahat! Gusto ko manggaling sa kaniya lahat ng totoo!"
"Mag-hihintay ako! Hihintayin ko ang pag-babalik mo..." smbit ko kasabay ng padamay sa akin ng luha ng kaligayahan.