webnovel

Bloody Class (Completed)

"I will do anything just to be on top." Para sa pangarap, gagawin ni Vangelyn ang lahat kahit pa ang pumatay sa mga dati niyang kaibigan at para na rin sa kaligtasan niya. Si Erika na gustong makuha ang unang puwesto para makaahon sa hirap. Si Maybelle na gustong ipamukha sa mga magulang na may silbi siya sa pamilya. Si Chenerose na gustong patunayan na kahit hiwalay ang mga magulang ay kaya niyang magbigay ng karangalan. At si Rochelle, na kahit kulang sa atensyon ng magulang ay gagawin niya lahat para mapansin lang siya nito. How could those dreams kill their lives just to be on top? Sino ang mananalo sa madugong labanan para sa pangarap? Ito ang pasukan na hinding-hindi mo makakalimutan... Bloody Class Written by Zurichian

Zurichian · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
23 Chs

Chapter Eighteen

UWIAN ng kanilang pag-eensayo, naghintay si Rochelle na lumabas ng paaralan si Zethro. Sinundan niya ang lalake kasi alam niyang magsusumbong ito. Nagbayad siya sa mga tambay kaninang lunch break sa labas ng kanilang school. Hindi siya kampante kay Zethro kaya nagbayad siya upang ipapatay ito.

Nang makitang tuluyan na itong nakalabas. Tinawagan niya ang inutusan niya. Nakatayo siya sa gilid ng gate. Hinintay niya ang pag-atake ng mga tambay.

Hinila si Zethro ng mga barumbadong tambay. Malalaki ang katawan nito at marami sila kaya hindi magawang makalaban si Zethro. Dinala siya sa isang masikip na daan sa gilid ng gate.

Bugbog sarado ang naabot ni Zethro sa mga taong inutusan ni Rochelle. Napasuka siya ng dugo nang bugbugin siya baba nito. Tinadyakan pa siya at pinalo ng matigas na kahoy.

Napadasal si Zethro sa natamong kalagayan. Napaisip siyang humingi ng tawad sa kaibigan sa ginawa at sa hindi pagtupad ng pangako niya.

Gumapang siya habang sumusuka ng dugo. Ang puting uniporme niya ay napuno ng dugo at dumi. Sinubukan niyang tumayo pero nandilim ang kanyang paningin matapos tinadyakan ang ulo niya. Nahihirapan na siyang huminga matapos ang ginawang tadyak ng lalaki sa kanya hanggang sa nilamon na siya ng dilim.

HINDI mapakali si Erika sa loob ng kanyang kuwarto matapos tumawag sa kanya ang mga magulang ni Zethro. Tinawagan siya na hindi pa umuuwi si Zethro sa bahay nila. Pasadong alas nuebe y medya na ng gabi. Kinabahan si Erika nang husto sa balitang natanggap. May kutob siyang may mali sa nangyari. Nasisiguro niyang may hindi magandang ginawa si Rochelle sa nobyo niya.

Kinuha niya ang cell phone at kaagad tinawagan si Rochelle.

"Napatawag ka? Do you need something?" Napairap si Erika matapos marinig ang boses ni Rochelle. "Alam kong may masama kang ginawa kay Zethro," tugon nito.

"At kung mayroon nga, may magagawa ka ba?" Mapang-asar na turan ni Rochelle na sinundan pa nito nang mahinang tawa.  Napakuyom ng kamay si Erika matapos marinig ang sinabi ng babae. Tama nga siya. Si Rochelle lang ang puwedeng gumawa nito. Siya lang at wala nang iba pa.

"Huwag kang magtangkang magsumbong. Kilala at malapit ang pamilya namin sa isa't isa. Baka pagsisisihan mo ang gagawin mo." Kaagad na pinatay ni Rochelle ang tawag.

Magkaibigan ang ina ni Rochelle at Zethro. Kaya madali lang sa kanya na baliktarin ang lahat. Malakas rin ang paniniwalang hindi siya paniniwalaan kung sakaling magsusumbong si Erika.

Mas lalong lumakas ang pambablack-mail ni Rochelle kay Erika. Napaupo si Erika sa kama at tahimik na umiiyak. Hindi na niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya ay kontrolado ang bawat galaw niya. Gusto man niyang manlaban pero inuunahan siya ng takot. Alam niyang mas malakas si Rochelle dahil sa mga koneksyon nito. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa.

Hinila niya ang drawer na nasa side table ng kama niya at may kinuha siyang isang bagay doon. Isang kutsilyo. Gulong-gulo na ang isip niya. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin.

"Mas mabuti sigurong tapusin ko na ang lahat..." panay hikbi habang itinapat niya ang kutsilyo bandang palapulsuhan ng kanyang kaliwang kamay.