webnovel

BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish)

Pymi, the messenger of the bookstore deities has found a perfect target to be played and given a curse in disguise through powerful items. Arwin and Aderson Dela Vega have lived their life wasting every damn paper and putting little value on whatever they have. Now, they have angered the Goddess of papers, the scratch queen, Ppela. Taste the wrath of someone who has been disregarded, ignored, and made feel unworthy.

hanarilee · perkotaan
Peringkat tidak cukup
34 Chs

Scratch One

Nag-iingay at magulo ang lahat ng mga estudyante sa classroom dahil wala pa si Maam Oliger, ang kanilang guro sa Filipino na siyang subject dapat nila ngayon. Mukhang aabsent nanaman ang maganda nilang guro- maganda, as in may magandang kalooban.

Kaya naman, ginamit ni Charlotte ang bakanteng oras para gawin ang script at plot para sa kanilang roleplay sa Wednesday. Busyng-busy si Charlotte sa pagsusulat nang mapansing niyang may anino sa harap niya at nagsalita.

"Cha, eto na yung activity ko," sabi ng kaklase niya habang iniaabot ang dalawang intermediate pad ng papel na naglalaman ng Pearson Moment Correlation Problems.

Third year High School pa lang sila, pero mayroon na silang mga advance na subjects sa science at math. Dagdag pasakit ito para sa kanilang mga estudyanteng nasa Special Science Curriculum. Nakakapressure dahil may mga subjects na dapat ay sa kolehiyo pa ituturo pero sa mas murang edad ay inaaral na nila sa mabilis na pacing.

Oo nga pala! Muntikan na niyang makalimutan. Bilang lider ng kanilang row, tungkulin niya na kolektahin ang mga activities at assignments ng kanilang row bago ipasa kay Maam Estrella, ang kanilang guro sa Statistics. Siya rin ang nagco-compile ng mga papel nila sa loob ng isang expandable envelope.

Wish lang ni Charlotte ay may plus points ang mga leaders. Aba, mabigat rin dalhin sa araw-araw ang envelope na iyon, ano? Pero charot lang. Hindi naman niya pwedeng iwan nalang ang envelope sa classroom. Wala siyang tiwala sa pagkaburara ng kanyang mga kaklase.

Laking pasasalamat niya sa kaklase. Mabuti na lamang ay pinaalala sa kanya ni Sigmund dahil kung hindi baka mapahiya siya mamaya sa harap ng klase. Unpredictable pa naman si Maam Estrella. Minsan akala mo, makakalusot ka na, pero magugulat ka nalang na napansin niya ang kahit na kaunting dumi at pagkakamali. Minsan nama'y hinahayaan niya lang kapag nasa magandang mood siya.

Napakaraming responsibilidad ni Charlotte, pero keri lang! Pasasaan pa at matatapos rin ito. Nakakaiyak sa dami ng ginagawa at hirap ang kanilang buhay bilang isang estudyante. Pero mas nakakaiyak kapag bumaba nang husto ang kanyang grado. Ayaw niyang dumating ang panahon na siya'y mahulog papunta sa kabilang section. Ayaw niyang matulad sa kakambal. Hindi siya papayag na mahiwalay sa mga kaibigan niya.

"Thank you Sigmund! Nakalimutan ko i-collect! Buti nalang talaga, pinaalala mo!" Sinuklian naman siya ni Charlotte nang malapad na ngiti.

"Welcome," matipid na sagot ni Sigmund, at pagkatapos ay umalis na.

Ang bait talaga ni Sigmund. Siguro, noong nagpaulan ang langit ng kabutihan, sinalo niya lahat. Siya na yata ang pinakamabait at pinakamaaasahan sa lahat ng kanyang mga kaklase. Ni minsan ay wala pang binigo si Sigmund kapag siya ay inuutusan o kapag may mga responsibilidad na iniaatang sa kanya.

Sunod niya namang pinuntahan sina Andy at Julian na ang upuan ay nasa likuran niya lamang. Nakaupo silang dalawa sa mga arm rest ng arm chair nila habang gigil na gigil na nagpipindot sa cellphone.

"Activities niyo please."

"Wait lang," sagot ni Andy nang hindi inaalis ang atensyon sa cellphone. Mobile Legends nanaman ang inaatupag nila? Baliw talaga ang magbabarkada na'to sa online games!

"Activities niyo...kailangan ko na," paalala ni Charlotte pero parang hangin lang siya na hindi pinansin. Wow, dinedma ang beauty niya teh.

"Enemy defeated!" sabi ng kung sino mang character sa Mobile Legends. Sana ay i-pause na lang nila ang laro. Haler. Kanina pa siya naghihintay dito at kanina pa nasasayang ang oras niya.

"Tangina! Panalo! Haha!" Hindi maintindihan ni Charlotte kung bakit sa tuwing natutuwa ay kailangang may kasamang mura lagi sina Francis.

"Activities niyo, Julian and Andy. Para macheck ko na," paalala niyang muli sa kanila. Baka kasi nakalimutan na nila ang presence niya dahil lang sa nanalo sila sa ML ngayon.

"Puta! Legends! Hahaha." Si Julian. Isa din itong takaw mura. Tapos kinuha na niya sa gusot-gusot niyang folder ang activity niya. Medyo marumi tignan pero pwede na. Pwede na itapon sa basurahan, pagbibiro pa ni Charlotte sa kanyang isip.

"Wala eh. Magaling ako eh!" pagyayabang ni Blue.

"Yung sa'yo Andy?"

"Na kay Sigmund the slave." Napag-utusan nanaman ang kawawang si Sigmund. Palibhasa, sa sobrang kabaitan nito, hindi niya na alam na inaabuso na pala siya. Ang tanging nasa isip at hangarin lang naman niya ay ang makatulong sa kanyang kapwa. Ngunit iba na pala ang nasa isip ng iba. Para kina Andy at Ark, isa siyang alila, isang utusan na susunod sa anumang gusto nila lalo na kapag sila'y tinatamad sa buhay.

"Okay."

"Pabuhat ka lang, hoy! Mahiya ka naman!" sabat naman ni Ark.

Next.

"Eren? " tawag niya kay Eren na kasalukuyang nagdo-doodle sa likod ng kanyang notebook. "Eren, yung activity mo sa biology." singil ko sa kanya. Naghalungkat naman siya sa bag niya at iniabot niya sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanya pagkatapos.

"Domeng alert! Domeng Alert!" Napalingon si Charlotte sa sumisigaw na si Ark.

Mabilis niyang hinablot ang papel ni Eren. Natataranta bumalik ang lahat sa kani-kanilang mga upuan. Mahirap na.dahil kapag nakapasok na si sir Domeng sa kanilang classroom, wala ng makakatayo. Wala ng makakakilos.

"HAHAHAHA! Joke lang! Mga uto-uto!" natatawa-tawang sabi ni Ark habang napapahawak pa sa kanyang tiyan. Labis ang saya ni Ark dahil may napagtripan nanaman siya.

Hanep ang laughtrip! Oo, pinakaba nila ang kanilang mga kaklase para lang sa wala! Porket alam nilang grabe ang kaba ang kanilang mga kaklase, mabanggit lang ang pangalan ni sir Domeng.

Nakipag-apir pa si Andy kay Ark. "HAHAHAHA! Epic! Tang ina! HAHAHAHA." Bukod sa paglalaro ng sports, dito talaga nagkakasundo ang kambal- sa pantitrip at panloloko ng mga tao! Para silang pinaglihi sa programang Just for Laughs. Kapag kasama mo sila, para kang nasa isang hidden camera prank.

Isang babaeng di katangkaran, at medyo chubby ang pumasok. Si Maam Queenie Manzares. Siya ang adviser ng Special Science Class section 2, III-Andromeda.

"III- Cassiopeia, Sir Domingo is not here today because his daughter was confined at the hospital. "

"Yehey!"

"Yes!" sigaw ng lahat dahil para talaga silang nanalo sa lotto! Yehey wala si sir Domeng!

"Shhh! Quiet! Pero may iniwan siyang activity at assignment sa inyo. Class President, I'll leave the activity sheet, as well as the instructions here. Pass your activity sheets at the Araling Panlipunan Department. Just put your outputs on his table. Understand? "

"Yes maam!" sagot ni Vanny, ang mahinhing class president ng kanilang klase.

"Be quiet. Don't disturb the other classes. Understood?"

"YES MAAAM!" sagot nila at pagkatapos ay lumabas na si maam Manzares sa classroom.

"Sigmund, ikaw na. utal matangkad ka naman." utos sa kanya ni Vanny.

"Okay." Nagsimula ng magsulat si Sigmund sa blackboard. Napakaganda ng handwriting ni Sigmund. Parang hindi tao ang nagsusulat kungdi isang Microsoft Word! Dahil rito, ginanahan magsulat lalo si Charlotte.

"Sigmund the slave!" tawag ni Andy. Lumapit naman si Sigmund sa kanya. Kakatapos lang niyang magsulat sa blackboard at medyo nanakit rin ang kanyang mga kamay. Salit-salitan na ang ginawa niya sa kaliwa't kanan niyang mga kamay pero napagod pa rin siya sa dami ng ipinasulat sa kanya.

"Ano yun, Andy?"

"Gawan mo'ko ng activity. "

"Okay." tumango si Sigmund. Nakisali na rin sina Blue, Francis, at Julian sa pagpapagawa ng activity kay Sigmund. 'Hay, Sigmund, bakit ka ba nagpapa-alila sa mga yan?'

Pagkatapos nilang magsagot, ipinasa na nila kay vanny ang kanilang mga papel. Pinuntahan kaagad ni Charlotte sina Lexine at Ryan.

Kring! Kring! Kring! Tamang tama, Recess na.

"Grabe! Parang na-drain yung utak ko day! Hay, stresssssssss!" reklamo ni Charlotte sa kanila habang nakahawak pa ang dalawa niyang hintuturo sa magkabilang gilid ng sintido.

Natawa si Ryan sa gesture ng kaibigan. "Oo nga," pagsang-ayon niya at pagkatapos ay nagstretching.

"Ano ba naman yan si sir Domeng! Absent nga siya! Pero kung makabigay ng activity akala mo exam na ah! Dyusko, ang dami dami! Isang chapter yun! For one hour!" pagsusumbong pa ni Lexine.

"Hala, wow! Kung makareklamo ka naman dyan! Eh sa'min kaya galing yung ibang sagot dun! Dun ka sa malacanang magwelga!" pambabara ni Ryan kay Lex.

"Oo na! Oo na! Hindi na ako lalaban! Wag niyo lang po akong patayin!" sabi ni Lex habang nagcocross-arms sa harap ng mukha, na parang pinoprotektahan niya ang sarili.

"Eh bakit kailangang naka-cross arms?" nagtatakang tanong ni Ryan.

"Eh, wala kasi akong laban sa armalite mo! Bratatatatatatatatata! hahahaha" habang nagco-close open ang kamay niya na animo'y galaw ng bibig. Napatawa sina Charlotte at Lexine. Eh kasi naman, si Ryan, kapag nainis, uma-armalite na ang bibig sa dami ng sinasabi.

"Lex! Lex! May weapon na tayo pag umatake ang mga rebelde! Bratatatatatata! Hahaha. Charot lang," dagdag pangangatyaw naman ni Charlotte.

"Puros kayo bratatata. Pag yung score ko kay sir Domeng mababa, bobombahin ko kayo! "

"Ahahahahaha!"

Nagsimula na silang makipagsiksikan sa canteen. Sa mga ganitong pagkakataon, ay mahal na mahal talaga ni Charlotte ang kanyang height. Hindi uso ang pila dito sa kanilang eskwelahan kaya naman, magulo, masikip, at gitgitan talaga. Ganito kahirap ang laban araw-araw para lang makabili ng pagkain sa lahat ng canteen nila. Sa dami ba naman ng estudyante dito sa public school, eh.

Natutunaw na raw ang kagandahan ni Charlotte. Sa sobrang init ay tumatagaktak na ang kanyang pawis at nagmumukha na rin silang dugyot ni Lexine. Samantalang si Ryan naman ay prenteng nakaupo sa ilalim ng lilim ng punong Accacia habang binabalatan ang baong kamote.

Kakaiba kasi ang trip nitong si Ryan eh. Healthy living ang peg. Hindi siya bumibili ng mga pagkain sa labas. Mga dalang prutas, gulay, tubig, at herbs niya lang ang kinakain at iniinom niya. Bukod sa kuripot siya dahil medyo unstable ang kita ng kanyang mga magulang sa pagsasaka, nakasanayan na niya ito at maganda naman ito para sa kalusugan.

Siya lang yata ang tao dito sa campus na hindi nahihiyang magbaon ng mga native na klase ng pagkain. Karamihan ay ayaw dahil sa pagaalala na baka sila'y husgahan. Baka sabihin ay tagabukid o kaya nama'y probinsyano.

"Ano yan?" tanong ni Charlotte. Bigla siyang nacurious sa kinakain ni Ryan.

"Kamote. Gusto mo?" alok niya.

"Huh? Bakit kulay ube? Diba dapat yellow?" tanong ni Charlotte na may pagtataka. Hindi sanay na ganon ang kamote. Ang alam niya'y kulay dilaw ang lahat ng kamote at ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng kamote na violet ang laman!

"Tss. May iba't ibang klase ng variety ng mga tanim, Charlotte. Ang kamote, merong yellow, orange, white, pink, yang kulay ube, at marami pang iba," pagpapaliwanag naman ni Ryan. Namangha ang dalawa sa kanya. As expected from a farming expert! Iba talaga ang batang laki sa bukirin!

"Naks! Iba na talaga pag haciendero! Hahahaha." papuri ni Lexine sa kaibigan.

"Azzzz in? Penge!" Naexcite naman bigla si Charlotte. Gustong matikman ni Charlotte ang lahat ng klase ng kamote!

"May rainbow rin ba Ry? Hahaha" pamimilosopo naman ni Lexine na ikinatawa naman ni Charlotte.

"Syempre wala!" sagot ni Ryan. Nagtatawanan at nagke-kwentuhan lang ang magkakaibigan hanggang sa makarating sila sa building kung nasaan ang classroom nila.

Naabutan nilang nakatambay sa labas ng room ang ilan sa mga classmates nila at pati na rin ang Section Andromeda. Magkatabi lang kasi ang kanilang mga classrooms. Syempre, lumapit naman sila para sumagap ng chika. Kahit paano close rin naman ang section Cassiopeia at Andromeda.

Sa tatlong taon ba naman na pare-pareha lang ang mga mukha? Lagi magkatabi ng classrooms ang section nila. Magkaklase rin sila sa TLE at sila-sila lang rin ang nagkakaroon ng madalas na interaction. Sabay-sabay silang umuuwi dahil madalas na silang mag-overtime dahil sa mga tambak na requirements at extra subjects. Nagsasawa na nga raw si Charlotte sa pagmumukha nila, pero syempre charot niya lang iyon.

Wala naman talaga silang choice, dahil ang mga nakapasa sa DOST entrance exam at IQ test, ay inilalagay sa Special Science Class. At kapag nakatapak ka na rito, hindi ka na makakaalis pa. Nagpapalit-palit lang ang estudyante ng section taon-taon base sa ranking. Ang top fifty ay nasa section one at ang bottom fifty ay nasa section two.

Habang nagkukwentuhan ay biglang nagutom nanaman si Charlotte. Kaya bumalik siya sa main canteen at sa hindi inaasahang pagkakataon, ay nakasalubong niya si Joy, isa sa mga naging kaklase niya noong elementary. Si Joy ay nasa regular section at parehas rin nilang guro sa Filipino si Maam Oliger.

"Sige Joy, mauuna na'ko." Aalis na sana siya, nang pinigilan siya ni Joy. Mukhang may sasabihin pa itong importante.

"Diba classmate mo si Ark?"

"Yizz. Bakit ?"

"Pwedeng pa favor? Yung bestfriend ko kasi besh, crush niya si Ark. Baka naman pwedeng ibigay mo ito sa kanya?" Pakiusap niya, habang inaabot ang isang kulay beige na card na mayroong mga puso. "Hehe. Please beshy..."

"Okay!" Malugod namang tinanggap ni Charlotte ang card. Pinagmasdan niya ito at napaisip. Ano kayang pakiramdam nila Andy habang binabasa nila ang mga loveletters? Nakakainggit naman! Buti pa sila meron nun.'