webnovel

CHAPTER 7 ( JANE SALVADOR)

Jane Salvador
Dec 6 2022 8:00 pm
( Tinagong Beach Resort room 27)

"Kamusta Miss Jane Salvador "wika ni Mr. Fuentes. " Sa paanong paraan mo ba ako kinakamusta..sa pag kawala bang kaibigan ko o sa nangyayaring ito" wika ni Jane.

" Parehas...bago ka mag simula gusto ko lamang ipaalam saiyo na ang lahat Ang magiging salaysay mo ngayon ay nakarecord..Maasahan ko ba na lahat na iyong isasalaysay ay pawang katutuhanan lamang" wika ni Mr. Fuentes.  " Oo syempre iyon ang gagawin ko" sagot ni Jane Bago mag simula sa kanyang salaysay.
" Ang natatandaan ko mga 3:30 ng hapon ako dumating dito.. oo tama mga ganoong oras iyon.. pagpasok ko ng resort nakita ko si Rian sa likod ng kotse ni julia tatawagin ko sana siya kaso tumawag si mama.. pagkatapos noon ay pumasok na ako sa lobby..nagtanong ako kung asaan ang kwarto namin.. nong nakapasok na ako Dito sa  kwarto  wala namang tao dito ng mga oras na iyon.. kaya naisip ko baka nasa tabi ng dagat na sila kaya nagpahinga lang Ako kunti at nag bihis na .. mga bandang alas kwatro pumunta na agad ako sa beach  pagkagaling ko sa smoking area..doon ay  nakita ko nga sila... oo Tama iyon ang  nangyari... Isa pala sa kinatutuwa ko dito..alam mo kung ano.. may  libreng juice sila dito..masarap iyon at sana natikman mo rin. Matapos iyon.... noon dumating na nga ako sa beach ay agad na kaming kumain.. habang kumakain kami pinagmamasdan ko lang sila...yung iba umiinom habang  kumakain at hindi ko iyon  kaya.. pero kumain ng marami.. iyon ang  kaya ko... tapos... tyaka Ako iinum.. naalala ko may tinatanong si julia kay trina na may sako daw  doon sa loob ng sasakyan ni trina.. hindi kaya yung Bomba na iyon ( tumawa) nagbibiro lang ako..pero buko daw ang laman ng sabi ni Trina.. tsaka bakit ko naman iisipin na laglagyan ng bomba ni trina ang sasakyan ni julia.. hindi naman siya naiinggit o nagseselos kay julia.. oo kahit parang mas paborito pa si Julia Ng papa ni Trina kesa Kay Trina.. mababaw ang ganoong  dahilan para gawin nya iyon...pero maari nya iyon  gawin... Matapos iyon naalala ko ay naglaro kami ng do or shot.. magandang laro iyon..na laro mo na ba yun? Doon .. pag hindi mo sinunod ang inuutos sa iyo..isang shot ng tequila Ang nag aantay sayo.. grabi... ang sama nila sa akin ng mga Oras na iyo.. sinabi nila saakin na tusukin ko ang lalamunan ko hanggang sa sumuka ako.. oo ginawa ko iyon... At nag suka nga Ako.. ang mga kinain ko nanghihinayang talaga Ako Doon.. pero alam mo kung ano ang pinaka masaya...yung kumuha ka ng mangga.. naalala ko inutusan ni julia si jaica na kumuha ng mangga at Hindi rin namin alam bakit tumayo Sila para kumuha rin kaya nakisama narin Ako.. ang saya ng mga Oras na iyon para kaming mga Bata.. na sabik na makakuha ng mangga.. tinuro pa nga ni Julia Ang ibang pang puno ng mangga dito..na agad Naman naming pinuntahan.. sobrang nakakaagod iyon tapos mga bandang alas syete ng gabi ng pahinga na muna kami at nag bihis.. pagkatapos namin mag bihis mga  bandang alas otso ng inuman na ulit kami Dito sa loob.. naalala ko kahit abala ko sa cellphone ko Ng mga oras na iyon ay nakikita ko na masaya talaga sila.. oo tama...biruin mo yung boses lang Rian ang naaririnig ko ng mga oras na iyon..  habang sumasayaw sila Jaica at si Trina.. Akala ko ay maayos  na talaga ang gabing iyon  pero.. biglang lumabas si julia galing sa CR halatang kaliligo nya lang at nakakapagtaka dahil ang bilis niya nalasing ng mga oras na iyon.. ang akala ko ay nagbibiro lamang siya at nagpapangap na lasing kaya binigyan ko siya ng isang beer pero hindi pala sya nangpapangap..sinukahan nya Ako pag katapos nya inumin ang beer na binigay ko.. nadismaya talaga ako sa kanya sa ginawa niya iyon.. kaya pumunta muna ako sa cr para magbihis at maglinis ng katawan..  noong nasa loob ako ng cr mga bandang alas nuebe na ng gabi naririnig ko si julia na parang nag dadrama pero hinayaan ko lang siya dahil nga naiinis ako sa kanya.. maya maya.. hindi pa rin siya tumigil sa kaka drama kaya nainis na ako at lumabas na ako ng cr.. Doon ay  sinabi ko Kay Julia na sinadya niya na sukahan ako. pagkataos noon  nagulat Ako Kase..biglang nag patugtog ulit ng malakas si jaica.. kaya hinayaan ko na lamang.. si Julia...at naginuman ulit kami na parang kinalimutan na Ang nangyari..

Matapos iyon naalala ko mga bandang alas dyes Y media habang kausap ko yung boyfriend ko ay  nilapitan ako ni Rian.. sabi niya kung boyfriend ko daw ba yung kausap ko.. sabi ko oo tapos nag sindi rin say Ng  sigarilyo.. doon sinabi niya na pagpasensyahan ko na lang daw si julia.. tinanong niya rin ako kung bakit daw di ako sumabay sa kanya kaya papunta Dito.. pinaliwanag ko nalang sa kanya na sumabay ako sa boyfriend ko at hinatid ako pupunta dito.. tapos mga bandang alas onse napansin ko jaica.. labas pasok siya dito at sa labas..ang sabi niya umiihi daw siya pero ang alam ko ay dalawang cr dito bakit kailangan niya pa sa labas umihi.... alam ni Rian iyon,,

oo tama..si Rian  kasi ang kausap niya ng mga Oras na iyon...pagkatapos noon Maya Maya ay  naagpaalam na saamin si Trina na matutulog na  sya... mahina talagang uminom si trina... At di na ako magtataka doon..

Tapos mga alas onse Ymedya ng gabi napansin naman ni jaica na si elenie naman daw Ang galing sa labas.. sa pagkakaalam ko pumunta daw  si elenie sa lobby at  sa likod sa parking lot para tignan ang mga kotse namin.. yung sabi niya.. pero kung ano man ang totoong ginawa niya kung saan man siya pumunta hindi ko talaga alam.. maya-maya nakita ko.. kung papaano kunin  ni jiaca kay Rian yung mikropono.. halata sa mukha ni Rian ang pagkadismaya at alam kung nagalit sya at nakakatawa yun.. sa sobrang pagkaasar Rian ay binalak niyang e record ang boses ni Jaica pero hindi sya  nagtagumpay dahil na lowbat ang cellphone nya. Noong mag a alas dose na ng gabi ay nasa labas ako at kausap si mama bigla Kong narinig na tila may nagsisigawan dito sa loob at parang hinahanap ako ni Rian kaya agad akong pumasok sa loob.. sa pagpasok ko sa loob.. ay Nakita Kong nagagalit na si julia.. medyo masakit na rin yung mga sinasabi niya ng gabing iyon sa amin... Sabi niya na kaya lang daw kami sumama sa swimming  na iyon  dahil nilibre niya lang kami.. hindi ko talaga sya maintindihan ng  gabing iyon .. o baka

nasubrahan lamang sya sa alak.. sobrang dami niyang sinabi at sinumbat sa amin ng mga oras na iyon..akala namin ay nakalimutan niya na iyon pero hindi pa pala.. oo aaminin ko malaking ang tampo ko sa kanya.. kaya hindi ako sa kanya sumabay papunta dito.. ang pangako niya kasi ay  ibibili niya kami ng bagong motor.. pero lilinawin ko lang hindi ko siya pinilit sa bagay na iyon..sya lamang talaga ang may gusto noon..natupad naman nya iyon kaso second hand na motor lang.. pero hindi iyon ang nagagalit namin... Hindi nya sinabi sa amin na alam niya ang galing sa nakaw Yung motor na binigay nya saamin .. sinabi ko sa kanya na kami ang  napagbintangan at  mutikan pa kaming makulong sa ginawa niya at sinisisi ko siya doon.. pero ang sabi niya hindi niya rin daw alam at humigi nalang siya ng pasenya saamin.. kinalimutan ko na iyon dahil naayos naman  agad  iyong ng boyfriend ko. Pero katulad ko lahat kami hindi na nakapag timpi dahil sa mga sinasabi niya..ng gabing iyon.. nagalit na kaming lahat sa kanya at kung ano man ang sinumbat niya sa amin ay sinumbat din namin sa kanya.. tapos nagulat na lang kami dahil gusto nya nang umuwi...nagwawala na siya..wala raw makakapigil sa kanya.... uuwi daw siya...gusto namin syang pigilan dahil delikado na para sa kanya ang magmaneho ng lasing pero.. makulit siya.. naalala ko pa hinahabol ko pa sya sa kwarto para  kausapin.. doon sa loob ng kwarto sinusubukan kong pakalmahin siya At kausapin....  akala ko ay napakalma kuna sya.. akala ko ay napatulog ko na siya.. pero Hindi pala.   mali ako.. kumuha lang  pala sya ng tyempo para makaalis.. isang palakas na tulak ang ginawa nya.. Grabi ang lakas ng isang iyon.. kaya napatumba nalang ako.. pag pasok ni jaica. , elenie at Rian  wala na sya ..agad sya  tumakbo sa balcony pababa na hotel na ito at sumakay ng kotse at umalis.. bago umalis" paliwanag ni Jane.