webnovel

Chapter 4

Isang makulimlim na tangahali ang gumising kay Alison galing sa nakakahilong gabi. Iyon na lamang kase ulit ang muling pagkakataon na naparami ang kanyang nainum dahilan ng kanyang pagkalasing.. sa kanyang pag bangon.. ay bubuksan niya ang kanila refrigerator para kumuha ng nalamig na tubig... Doon ay ibubulong nya sa kanyang sarili na napakasakit ng kanyang ulo at pipiliin nitong sariwain ang lahat na nangyari ng gabing iyon. Habang sya ay umiinum ng malamig na tubig ay agad nito kinuha ang kanyang cellphone at binasa ang iniwang minsahe ni Billy. " Makakatulong ang pipino para mawala ang sakit ng ulo mo.. sa mga sinabi mo saakin kagabi... Sa lahat ng inilabas at iniiyak mo.. alam kong makakahinga kana.. at sana ang hangover mo na lamang ang huling sakit na iyong iindahin"( mensahe ni Billy).

Mula doon ay nag taka nga si Alison. napakamot na lamang ito ng ulo dahil hindi na nga nya magawang alalahanin ang lahat ng kanyang nagawa o nasabi.. " ano ba nag ginawa ko.. ang huling naaalala ko lang naman.. eh inabutan nya ko ng tyaa.. ai..( wika nya sa kanyang sarili habang nag iisip) maya maya ay nagulat si Alison ng may biglang kumatok sa kanilang pintuan. kaya agad na itong pinuntahan upang buksan..

"Ano pong kailangan nyo" wika ni Alison ng buksan ang pinto. "Magandang tanghali kayo po ba si ma'am Alison? Nabanggit po kasing mga tenant sa baba na meron daw po kayo ng susi ng rooftop maari ko po bang mahiram" wika ng lalaki.

" Kinatok niyo ng aking pintuan at gusto niyong hiramin ang susi ng rooftop ni hindi ko kayo kilala.. ano sa palagay nyo ang iisipin ko?? Mawalang galang na po sa pagkakaalam ko lahat kami dito ay may kanya-kanyang susi sa rooftop" wika ni Alison. " Naiintidihan ko po ba ma'am Alison at humihingi po ako ng pasensya.. ( pinakita ang ID) ako po si louise. isang po akong ahente ng Connected Net.. nais po kaseng mag pakabit ng internet ng sir delgado ung tenant po sa ibaba.. kaso nga lang po ay dala ni sir delgado ang susi at nakalimutan nya pong iwan iyon sa kanyang asawa.. . ang ibang mga pintuan naman sa kanyang katabi kwarto ay puro sarado kaya nag baka sakali lang po ako na makahiram sa inyo dahil iyon po ang sabi saakin ni misis delgado..ang makisuso daw po sa inyo" paliwanag ng lalaki bago dumating si misis delgado at sya na mismo ang nakiusap kay Alison para humiram ng susi. Kaya agad ngang binigay ni Alison ang susi upang ipahiram.. matapos iyon ay agad na ring bumaba si misis delgado matapos magpasalamat kay Alison.

Maya maya ay napansin ni Alison na tila matagal ang lalaki sa rooftop at hindi pa nito binabalik ang kanyang susi kaya naisip ni Alison na puntahan na lamang ang lalaki sa rooftop.

Nang kanyang marating ang rooftop mula doon ay nakita nya parin na naroroon pa ang lamesang ginamit nila ni Billy, naroon din at nakabitay parin ang mga ilaw na halatang hindi tinanggal. Naroon din at kanyang napansin ang mga basag na bote ng wine na nasa basurahan. Mula doon ay nagsimula ng umikot ang kanyang mga mata upang hanapin ang lalaki.. ngunit nagtataka ito dahil wala naman sa rooftop ang lalaking humiram ng kanyang susi. "Ma'am Alison" wika ng isang lalaki na galing sa likod ni alison na kanyang kinagulat. Sa pagharap ni Alison ay napansin nya na ang lalaki na naka uniform katulad ng uniform ng lalaking humiram ng kanyang susi. " At sino ka naman? kilala mo ba si Louis hinahanap ko siya kukunin ko lang sana ung hiniram nya susi" wika ng Alison ng may biglang naalala?) Sandali kung hindi ako nagkakamali parang nakita nakita?? Oo tama..nakita na kita nung isang araw galing ka dito tama ako?" Tanong ni Alison. Opo at nakakatawa nga po dahil dito rin sa lugar na ito tayo nagkita. Nung nakaraan.. ang totoo niya ay isa po sa mga kapit bahay nyo sa ibaba ang nag pakabit ng internet saamin...marahil ay natuwa ang client namin dito sa ganda ng serbiyo na meron ang ConnectedNet Kaya sinabi nya marahil sa mga kakilala nya dito.. Bagay na pinasasalamat namin" paliwanag ng lalaki.. mula doon ay nagulat si Alison dahil nag lakad ang lalake patungo sa gilid ng rooftop.

" ( Sumigaw) Magandang pwesto ang nakuha mo.. hindi lang sumangayom ang panahon ngayon..makulimlim ang langit at panigurado mahihirapan ka lang na maghanap ng signal ( wika ng lalaki habang kausap ang lalaking hinahanap ni Alison. "Sya yung hinahanap kung lalaki.. maari bang sabi sa kanya na kukunin ko na yung susi ng hiniram niya. "Wika ni Alison bago sya tulungan ng lalaki. "Hoy louise hinahanap na ni Ma'am Alison yung susi hiniram mo.. saan mo daw nilagay" sigaw ng lalaki. Ngunit dahil nasa ibabang parte ang lalaki at medyo malayo ito sa kanyang kasama ay halos hindi sila magkaintindihan.

"Pasensya na po ma'am Alison ganito na lamang po..pakiantay na lamang po ako dito saglit at pupuntahan ko yung kasama ko sa sa baba para kunin ko mismo yung susi sa kanya" wika ng lalaki na sinangayunan naman ni Alison.