webnovel

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.

Sept_28 · Sejarah
Peringkat tidak cukup
7 Chs

3 to hong kong

Malakas na kinakatok o mas tamang sabihing dinadabog ni Celia ang pintuan ng Cabin kung saan pumasok ang kanyang kapatid.

"Lumabas ka diyan! Ako pa talaga ang walang halaga ngayon!" Galit na sigaw ni Celia sa pintuan. Katabi lang ito ng kanilang cabin at dito yung tatlong kasama nila kanina.

Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan siya ng ibang mga tao. Basta kailangan niyang makaganti sa kapatid niya.

"Maawa ka naman sa pinto." Narinig niyang may nagsalita ng tagalog kaya napatingin siya dito at nakita niyang ang crush daw niya pala ito kaya umayos siya.

"Hi!" Nahihiyang bati niya dito. "Ni hao!" Bati niya pa sa mga nanunood na karamihan ay chinese.

"Mr. Ba Sel-yu." Tawag kay Celia ng isang chinese na babae na sa pagkakaalala ni Robert ay isa ito doon sa dalawang kausap ni Celia kanina.

"Ms. Ye." Masayang tawag naman niya sa babae at umaktong lalaking-lalaki talaga.

May iniabot itong papel sa kanya na kaagad naman niyang tinanggap. "Zhè shì wǒ de jiātíng zhùzhǐ. Wǒmen jiàng zài dì èr tiān jǔxíng jùhuì, hope you come."(It's my home address. We will have a party on the second day, hope you come.)

"Wǒ kěyǐ hé didi yīqǐ qù ma?" (Can I go with my younger brother?) Paniniguro niya dito at nakalimutan ng may galit siya sa kapatid niya.

"Tā?" (Him?) Itinuro pa ni Ms. Ye ang nasa tabi niyang si Robert.

"Méiyǒu. Bùshì tā." (No. Not him.) Kaagad naman niyang sagot dito na sinabayan pa ng pag-iling.

Si Robert naman ay mas lalong nais na malaman ang kanilang usapan lalo pa at itinuro siya ng babae kaya nasisiguro niyang siya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Hǎo ba, dài nǐ didi." (Ok, take your younger brother.) Pahintulot ni Ms. Ye saka tumalikod na ito at umalis.

"Anong kailangan non?" Usisa ni Robert.

"Inimbitahan lang naman ako na dulalo sa piging sa kanila. May show daw tungkol sa alamat ng unang ibon na nakalipad hanggang sa alapaap ngunit nabali ang pakpak at nahulog sa lupain ng Hong Kong." Dinagdagan niyang paliwanag dito bilang pagbibigay dito ng hint na may alam siya sa pakay ng mga ito sa Hong Kong. At yun ay ang puntahan ang mga dating pinuno ng samahang nakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Bumalik na si Celia sa loob ng Cabin nila ng kanyang kapatid ngunit si Robert ay nanatili parin sa kinatatayuan nito. Napapaisip na parang ang iksi lang naman ng sinabi ng babae pero ang haba pala pagnaitagalog na.

Pagsikat ng araw kinabukasan ay nakadaong na sa pantalan ng Hong Kong ang barkong sinasakyan nila.

Humiwalay na silang magkapatid doon sa tatlo. Sumakay sila ng karwahe papunta ng hotel.

"Kung wala lang mga chinese character na nakadisply sa mga tindahan ay baka akalaing kong bumalik lang tayo sa Europe." Kuminto ni Celio pagkapasok nila sa nirentahang kwarto.

"Hongkong is British's colony." Wika naman Celia na kaagad na humiga sa malaki at malambot na higaan.

Habang si Celio naman ipinapasok at iniaayos sa cabinet ang mga gamit nila. "Wag ka munang humiga dyan, tulungan mo muna ako."

"Nahihilo ako." Ang sabi lang ni Celia kaya naman ay napailing nalang si Celio dahil alam niyang wala siyang magagawa dito.

Para kay Celio, ang tanging hindi kinatatamaran lamang ng kanyang kapatid ay ang habulin siya. Kahit ilang kilometro pa yatang takbuhan.

"Ilang araw tayo dito?" Tanong niya dito dahil hindi niya narinig kanina ang usapan nito at ng may-ari kung hanggang kailan ang binayaran nitong renta.

"Isang buwan." Walang ganang sagot ni Celia na nakapikit lang.

"I-isang buwan!" Di naman makapanilawalang pag-uulit ni Celio sa sagot ni Celia. "Akala ko ba doon na tayo sa atin magpapasko?" Nadisyang tanong nito.

"My dear little brother, war is a buseniss and in a buseniss we need a capital." Pangangaral dito ni Celia na nanatili paring nakapikit at mukha talaga nga yatang pagod ito dahil maging sa pagsasalita ay mabagal ito. "Marahil ay buwan na lamang ang bibilangin at pilipinas na ang pagtutoonan ng pansin ng Hapon."

"But we're not even done yet with Americans." Natigil na si Celio sa ginagawa na parang agad na nakaramdam ng pagod pero hindi dahil sa pag-aayos ng kanilang mga damit kundi ay dahil sa walang katapusang digmaan na parang wala namang pinatutunguhan.

"According to our intelligence, walang tigil daw ang paghahanda ng mga Hapon sa Taiwan."

"Kung nasa Taiwan sila, anong uunahin nila? Pilipinas o Hong Kong?"

"Britain or U. S. A." Pagtatama ni Celia sa tanong ng kapatid. "Malawak na ang nasasakupan ng great empire of Japan, they recruited soldiers mula sa mga nasakop nilang bansa. If you have a lot  of pawns then you can play two or even more chess board at the same time."

"It's still useless kung puro pawns lang."

"It is not your problem. It's their weakness and our advantage. And they are not as stupid as you. And please...gusto ko ng matulog."

Samantala, huminto naman ang sinasakyang karwahe ng tatlo sa tapat ng isang salon. Bumaba sila bitbit ang kanikanilang bagahe.

"Beauty Salon." Basa ni Albert doon sa nakasulat sa karatula sa ilalim ng chinese character na hindi nila mabasa.

Hahawak palang sana si Robert sa pinto ngunit bumukas na ito at lumabas ang dalawang chinese na babaeng mga nasa thirties na yata.

Amoy na amoy pa sa dalawang chinese na iyon ang medisinang ginagamit sa pagkukulot ng buhok.

"Good morning sir," bati ng lumapit na binatilyo. Sa mata nito at sa kulay ng balat na kayumanggi ay mahahalata agad na hindi ito chinese.

Tumuloy silang tatlo sa loob. "Nasaan ang amo mo?" Si Manuel ang nagtanong doon sa binatilyo na agad nakaramdam ng takot sa kanila.

"A-ano pong kailangan nila?" Nag-aalangang tanong nito.

"Magpapakulay ako ng buhok." Si Robert ang sumagot saka naupo kaharap ang salamin.

"Anong kulay po?" Tanong pa ng binatilyo

"Katulad sa ibong adarna." Seryosong sagot ni Robert.

"Ang hirap naman po yata non." Reklamo ng binatilyo kaya naman ay hinawakan siya ni Mqnuel sa kwelyo.

"Pwedi sabihin mo nalang sa amo mo na may gustong magpakulay ng buhok dito katulad sa ibong adarna." Galit ng wika ni Manuel saka patulak na binitiwan ang kawawang binatilyo.

"Pero po kasi wala naman po kaming pangkulay na ganoon." Giit pa ng binatilyo.

"Robert, baka mali yata tayo ng napuntahan." Si Albert naman.