webnovel

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.

Sept_28 · Sejarah
Peringkat tidak cukup
7 Chs

2 to hong kong

Napaisip si Robert kung ilang salita nga ba ang alam ni Celia? Tagalog, Spanish, English, narinig at nakita narin niya itong may latin at nihonggo na kausap, at ngayon ay hindi niya alam kung Cantonese ba, mandarin o kung anong chinese na salita ang naririnig niya sa usapan.

Narinig niyang may tumikhim sa tabi niya kaya natigil siya sa pag-iisip at nakitang si Celia pala ito.

"Baka hindi na ako makaahon niyan." Sabi nito na hindi naman niya naintindihan.

"A...nong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Ang lalim kasi ng pag-iisip mo sa akin at pansin kong kanina pa."

"Ha! Sino namang may sabi sayo na ikaw ang iniisip ko?" Hindi makatingin ng deritso si Robert kay Celia dahil nahuli siya nito at tama ang sinasabi nito.

Ito ang ayaw niya kay Celia, malayo sa isang binibining mahinhin, ni hindi man lang kumalahati sa description ni Rizal kay Maria Clara. At hindi man ngalang siguro ito marunong mahiya.

"Alam mo, kung balak mo akong ilibing, dapat diyan sa puso mo."

Nanatiling sa dagat lamang ang tingin ni Robert at pinipilit ang sarili na huwag mapangiti dahil sa sinabi ng isang mapanuksong binibine sa tabi niya. Mabuti na lamang at biglang umalon ng malakas kaya alam niyang hindi mapapansin ni Celia ang pagngiti niya.

"Ayos kalang?" Nag-aalala niyang tanong kay Celia na muntik pang matumba. Buti na lamang at nasalo niya ito.

"Ayy wag mo nga akong hawakan ng ganyan!" Wika nito na parang ang sama ng ginawa niyang pagsalo dito at mabilis nitong pinakawan ang sarili. "Pariho tayong lalake dito mahiya ka naman."

"Tungkol sa nangyari kanina," pag-iiba ni Robert sa usapan. "Sorry."

"Ha?" Si Celia naman na kunwari ay hindi narinig ang sinabi ng katabi.

"Lo siento." Tranlate ni Robert sa Sorry in spanish word.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan eh." Pagkukunwari pa ni Celia na ikinainis naman ni Robert ngunit wala naman siyang ibang magagawa at kailangan niyang humingi ng paumanhin dito.

"Look, I'm really sorry. I didn't mean to look down on you." Paliwanag pa ni Robert pero inikutan lang siya ng mata ni Celia.

"Talaga? Bakit di mo kaya sabihin yun sa tagalog ng magkaintindihan tayo? O marahil ay napipilitan ka lamang."

"Alam mo namang hindi tagalog ang pangunahing salita ko." Pumikit pa muna si Robert at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Pauman."

"My goodness." Disappointed words of Celia. "Kahit kumalahati ka lang kay Baltazar ay pwedi ko ng tanggapin ang iyong paumanhin ginoong Robert Taylor." Ito ang gusto ni Celia kay Robert, madali niya itong utuin.

"Celia..." Naghintay si Celia ng kasunod pang salita na lalabas sa bibig ni Robert ngunit hindi na nito magawang magbukas pang muli

"Makinig ka, pakinggan ang malayang tula ko na ngayon lamang naboo." Panimula ni Celia at saka nag-umpisang bigkasin ang ilang salitang naboo.

"Napahawak ako sa lubid mo, Sampung talampakang hukay

Yon ang kinaruroonan ko

Naririnig ko ang sinasabi mo

Ngunit walang tinig akong magawa

Sinabi mong kailangan mo ako

Pagkatapos ay lumapit ka

Lubid ay pinutol mo,

pero tika lang muna

Sinabi mo sa akin na patawarin ka Hindi ko naisip na sa aking paglingon ay sasabihin

Huli na upang humingi ng tawad

Huli na."

"Humihingi ako ng tawad dahil sa sinabi ko kanina, at alam kong nasaktan ko ang pride mo." Wika naman ni Robert matapos makinig sa malayang tula na iyon ni Celia. "Wala akong alam sa tula kaya ang tanging masasabi ko nalang ay tama yung umpisa pero mali yung dulo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Talagang puputulin ko ang lubid, hindi ko hahayaan na makisali ka sa dulong ito. At hindi ko iyon ihihingi ng tawad sayo." Matapos yun sabihin ni Robert ay saka nagsindi ng sigarilyo at humakbang na palayo.

"Robert Taylor, hayaan mo at pagdating ng araw ay ikaw mismo ang mag-iimbita sa akin na sumali sa samahan niyo." Bulong sa hangin ni Celia at saka umalis narin doon at nagtungo na sa Cabin.

Pagpasok ni Celia ng Cabin ay naroon na nakahiga sa taas ng double dick ang kanyang kapatid.

"Katatapos palang kumahin higa agad?" Puna niya rito.

"Nahihilo kasi ako." Dahilan naman nito kaya hinayaan na lamang niya.

Naupo siya sa lower dick at sumandig sa poste nito.

"Those three idiot, their making it hard for us." Di niya mapigilan ang sarili na magalit sa nangyayari.

"Masyado mo kasi silang kinaibigan, lalo na si Robert. Kaya natural lang na mag-alala sila sayo, specially that they don't know your real value. Para sa kanila ay isa kang mamahalin ngunit babasagin naman kaya kailangan kang ingatan. But the Truth is, you're a hard gem stone."

"Ang dami mong sinabi."

"Pero pwedi namang ako nalang ang sumali sa kanila."

"Wala iyon sa plano."

"Okay then let them see your price tag."

"Baka pagdudahan naman nila ako?"

Natawa si Celio sa tanong na iyon ng nakatatandang kapatid.

"Pwedi namang retill para abot kaya. Alam na nila ang presyo ng damit mo kaya yang presyo ng pantalon mo nalang muna ang ipakita mo. Saka na yang soot mong jacket at sapatos na galing pa ng France. Mahal din yang sumbrero mong soot na pwedi mo ring ibinta sa kanila. Siguro naman ay hindi na kailangang ipakita mo din sa kanila ang signature underwear mo?"

"Ikaw! Nagdududa talaga ako kung totoong kapatid kita eh." Kay Celio na nabuntong ang galit ni Celia.

Napabangon naman si Celio dahil sa panghahampas ni Celia ng sumbrero dito.

"T-tika lang!" Awat ni Celio dito at tumigil na si Celia. "Tinutulungan lang naman kita kung papaano ka bibinta sa kanila."

"Eh bakit parang may balak ka talagang ibinta ako ng totoo?"

"Hayyy!" Bumaba si Celio at inakbayan ang kapatid saka umupo sila pariho sa lower dick. "Sesy, you are the my best and most favorite sister in the univers."

"That is becouse I'm your only sister and you don't have a choice."

"Hehehe, ganito nalang. For me, you are a priceless treasure kaya bakit naman kita ibibinta?"

"Priceless?"

"Oo priceless," with confident na sagot ni Celio. "In tagalog, walang halaga."

Napagtanto ni Celio na parang may mali yata sa translation niya lalo na at nakikita niyang parang nagiging galit na toro ang kanyang kapatid kaya wala na siyang sinayang na panahon at mabilis siyang tumakbo palabas ng kanilang cabin.