webnovel

Begin, Again: Highschool Series #1

Highschool Series#1 A second chance of love. Synopsis: What if the person who left you back then, return? And you didn't expect that he will become your fiancee. What you gonna do? You can take the risk to give him a chance or other wise? ~ Let's see how Maeve Montarde handle this kind of situation. TheQueenWrites Date Started: December 17, 2020 Date Finished: XXX

_TheQueenWrites_ · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
5 Chs

I: Encounter

CHAPTER ONE

"MAEVE.. Nabalitaan mo na ba iyong balita, may bago raw tayong classmate na lalaki? Gosh! Sana gwapo" kilig na kilig na bungad saakin ng kaibigan kong si Ynnah.

Hindi pa siya nakontento at hinawakan niya ang magkabila kong balikat at saka sabay itong niyugyog. Pakiramdam ko tuloy nahilo ako sa lakas ng ginawa niya.

Inis kong hinablot ang buhok nito at saka hinula pababa. "Ano bang pakialam ko kung may bago tayong classmate, as if naman may maitutulong iyan sa business namin?" tinaasan ko ito ng kilay.

"Aray Maeve! Kahit kailan ka talaga wala kang kahilig-hilig sa mga kalandian, try mo din minsan 'no? Promise, hindi nakakamatay!"

"Huh?"

"Wala, ganda mo kaso napaka bingi mo!" padabog niya akong tinalikuran at lumipat ng pwesto sa tabi ni Zyrine. "Kahit kailan 'tong bestfriend mong si Maeve, walang ka anu-ano. Gosh!" pinagtawanan lang ni Zyrine dahil sa inasal niya.

Hindi ko na sila pinansin pa. Totoo naman kasi 'yong sinabi ko, ano nga bang pakialam ko kung may bagong kaming classmate? Samantalang pareho lang rin naman kaming tao, at saka sobrang abala ako sa pag browse ng mga new items na ipinasa ni Kuya.

Bagong bukas pa lang ng klase kaya hindi masyadong abala. Kagaya ng dati ay lagi lang kaming nag uusap tungkol sa naging bakasyon namin.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay agad na dumating si Miss Vema, ang adviser at lecturer namin sa Filipino. Ngiti ang agad niyang binungad nito sa 'min.

"This is it!" halata sa boses ni Ynnah excitement. May kung ano itong tinitignan sa may gawi ng pintuan.

"Magandang Tanghali sa lahat, ako ngayo'y naparito upang ipakilala sainyo ang bagong lipat sa eskwelahan na magiging kaklase niyo." galak na galak na umpisa ni Miss.

"Miss, ipakilala mo na. I can't wait!" malanding tono ni Ynnah.

"Oy ambisyosang kulugo, manahimik ka nga." suway ni Zy kay Ynnah, kaya nag tawanan ang lahat.

Napabuntong hininga ako. "Tss, landot!" bulong ko sa hangin.

"Katahimikan." suyaw ni Miss. "Halika na rito Ginoong Carter."

Papasok na sana ito sa pinto ng bigla naman akong siniko ni Ynnah, mahulog tuloy ang G-tech pen ko. Agad ko itong hinanap sa ilalim ng ipunan. Masasapak ko talaga 'tong babae na ito eh. Kahit kailan talaga pagdating sa mga lalaki akala mo bulati na binugburan ng asin. Tsk!

"Pag ako talaga Ynnah...." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ang lalaking nasa harapan.

Para akong pinagsaklubanan ng langit at lupa. Halos manginig ang buong sistema ko dahil sa lalaking nasa harap at diretso ang tingin saakin. Maaaring maging siya ay hindi inaasahang makikita niya ako rito.

"Maraming salamat Ginoong Carter." Iyon lang ang matindihan ko sa mga sinabi ni Miss. Pakiramdam ko humihinto ang kada sigundo sa tuwing mag tatama ang paningin namin ni Tryton.

"Maari kanang umupo sa bakantang upuan sa tabi ni Binibining Montarde."

"Ano?!" wala ako sa sarili kong napatayo at napasigaw sa gulat sa mga sinabi ni Miss.

"Anong ano Binibining Montarde?"

"It's occupied Miss." pagpupumilit ko.

"Kitang kita namang walang tao Maeve. Paupuin mo na, wag kang madamot." gatong naman ni Ynnah habang ngumingisi-ngisi pa.

Dahil sa walang magawa ay huminga ako ng malalim at pilit na inayos anh sarili saka bumalik sa pag kakaupo.

"Baliw ata 'tong si Maeve, Zy eh. Kinilig ata noong malamang niyang itatabi sakaniya iyong bago." bulong ni Ynnah kay Zyrine.

"Shut up, Ynnah. Wag mo kong igaya sayo." Inirapan ko sila pareho.

"Ba't ba ang init ng ulo mo?"

"Hindi..."

"Can I have a seat?" biglang singit ni Tryton. Hindi man ako nakatingin sakaniya ay ramdam kong saakin ito nakatingin.

"Sure, hot bae." sabat ni Ynnah.

"Thanks, hi Maeve Montarde. Long time no see." namilog ang bibig ng dalawa kong kaibigan, maging ako ay hindi ko ay hindi inaasahan ang sasabihin niya.

Halos kilabutan ako sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan.

"So.... so... Magkakilala kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Ynnah.

"Kadiri ka naman ang laway mo kababae mong tao!" singhal ni Zyrine.

Hindi ko na pinakinggan pa ang away ng dalawa, natuon ang atensyon ko kay Tryton. Nakaupo habang nakapikit at naka sandal ang kaniyang likod sa upuan, nalapatong ang dalawa palad sakaniyang ulo. Walang kupas, walang pagbabago sakaniya. Mukhang siya pa rin iyong Tryton na kilala ko.

Sinuyod ko ang buong mukha nito, gaya ng dati ay ganoon pa rin. Sobrang nag matured lang mukha niya at lalo siyang naging magandang lalaki. Mas humubog ang niyang mapangang mukha. Kagaya ng dati masarap pa rin talagang titigan ang mukha niya.

"Staring huh?"

Napaubo ako ng biglang nagsalita ito, agad akong umiwas ng tingin dahil nahalata niya palang nakititig ako.

"I'm so glad to meet you again, Maeve." preskong anito. May kung ano sa loob ko ang bigla nabuhayan na may kahalong kirot. "I didn't expect that you're here and plus we are classmate and seatmate." dagdag niya pa.

Maghapon akong tulala, nihindi ko nga halos naintindihan ang lahat ng pinag aralan namin ngayong araw.

Nakarating na ako ng bahay pero pakiramdam ko naiwan ang amoy ni Tryton sa hangin at umaalingaw-ngaw ang boses nito saaking pandinig.

"Hi baby, good evening. How's your first day?" bungad saakin ni Mom.

"A little fun."

"You look so tired Maeve, are you okay?" bigla akong nilapitan ni Kuya Ken.

"I'm okay, Kuya." tipid na sagot ko saka ako dumiretso sa kwarto.

Pakiramdam ko maghapon naubos ang lakas ko kakaisip kay Trydon. Hindi siya mawala sa isip ko, lalo na ngayon. Lahat ata ng ala-ala namin noon ay sariwang bumabalik ngayon.

Nakaharap ako malaking salamin, pinilit sinusuklay ang mahaba at pino kong buhok. "Bakit ngayon pa?" naibulong ko sa hangin.

"Mukhang ang lalim ng iniisip ng baby namin ah?" nagulat ako ng biglang pumasok sina Mom at Dad. "Anong gumagambala sa'yo anak, wrong timing ba kami ng mommy mo?" sabi ni Daddy.

"No, dad. May sasabihin po ba kayo?" pangdidiretso ko na ikinagulat ng mukha nila.

Lumapit saakin si Daddy at saka ako inakbayan. Sobrang close talaga kami, kaya naman alam kong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan kaya siya biglang naglalambing. Knowing my dad, he is too obvious with his action to be honest.

"Anak, hindi naman sa pinapangunahan ka namin. Ano kasi baby eh." bigla namang inagaw ni mommy ang suklay at saka nito hinagod sa buhok ko. "Napag usapan namin kanina with the Management of the company and being one of their LP pumayag na agad kami ng Daddy mo malaki rin kasi ang maitutulong nito saatin at sa imagine namin." siniko niya si daddy. Ni-isa sa sinabi ng mommy ay wala akong naintindihan. Hindi ko makuha ang gusto nilang sabihin. "Ikaw na magpatuloy, dad."

"Hmm." ungot ko

"Ano kasi anak, pumayag kami ng mommy mo na ikasal ka sa anak ng Head Manager ng kompanya." putol-putol na giit ni Daddy.

Naistatwa ako sa narinig ko, pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko sa mga sinabi nila. Ayaw mag sink in sa utak ko ng lahat, naiintindihan ko iyong ibigsabihin nila pero pakiramdam ko hindi ko maintindihan. Ang hirap!

"What!?"

"Anak, listen."

"No, mom. C'mon, you both kidding me, right?"

"Anak please, listen."

"Daddy, why? Bakit ako pa? Pwede naman si Kuya nalang." hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Baby, just listen to me first." maautoridad na sabi ni Daddy.

Gusto ko silang pakinggan pero biglang naguluhan ang isip ko. Anak ba talaga nila ko? Sa ginawa nilang iyon ay para bang pinagkalulong nila ako sa sindikato.

"I'm too young daddy, no!" humagulgol ako sa iyak, agad nila akong niyakap. Ramdam kong nasasaktan sila at naaawa pero wala silang magawa. Ramdam ko iyong pakiramdam nila na wala rin silang choice, dahil alam kong importante rin sakanila iyong kompanya dahil doon rin naman kami kumukuha ng pantustos sa araw-araw pero kahit na anak nila, iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit kailangan ako pa ang maging kapalit?

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa sobrang gutom. Hindi pala ako nakakain kagabi dahil sa sobrang iyak. Wala akong matandaan sa nangyare, ang tanging naalala ko lang ay iyong tungkol sa gusto nila mommy at ng management.

Marahan bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas doon si Kuya Ken. "Maeve, I cooked you food. Megan told me, hindi ka raw nakakain kagabi kaya naman pinagluto na kita."

Natawa ako sa postura ni Kuya, nakasuot pa ito ng apron at may dalang folding table na may pagkain na nakapatong.

"Nag abala kapa, Kuya Kendrick."

Hindi talaga ako binigo ng kuya kong ito, he is the best kuya in the universe. Sobrang spoiled ako sa kapatid ko ito kaya naman wala talaga akong masabi sakaniya, boyfriend material pero girlfriend nalang talaga ang kulang.

"Nasabi na nila sayo?" tanong ni kuya habang ninanamnam ko ang tosilog na ginawa nito.

"Ang ano?" naguguluhan tanong ko habang gumunguya.

"About their decision."

"On what?"

"Maeve!" biglang tumaas ang tono ng pananalita nito, wala rin naman talaga akong maintindihan sa gusto niyang sabihin.

"Ano nga!?"

"About your future?" bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni kuya.

"So, alam mo?" seryosong tanong ko.

"At hindi ako sang-ayon sa ginawa nila."

"And you think I'm in favor of that matter?"

"Maybe?"

"Aren't you kidding me, right!? I hate being one of the member of a fixed/forced marriage, Kuya!" madiin na pag kakasabi ko.

"Yeah I know, and I'm sorry dahil hindi kita matulungan sa problema mo."

"I'm okay, kuya. Pilit kong iniintindi ang dahilan nila kahit naguguluhan ako. Do I have a choices?" may pagka sarkastika na giit ko rito.

"Okay enough, just finish your food first."

Gaya ng sinabi ni Kuya, tinapos ko ang pagkain ko saka ako naligo at nag ayos ng itsura ko. Gustuhin ko mang hindi pumasok ay hindi ko magawa dahil alam kong magtataka sina Ynnah noon, kung may award nga lang ang laging present best in perfect attendance na ako.

Nang matapos ako ay agad na akong gumayak papuntang school. Wala ngayon ang aming driver dahil sick leave niya, nagkasakit gawa na rin siguro ng kasipagan ni Mang Tope.

"I'll drive you, Maeve." sigaw ni Kuya.

"Wag na, magtataxi nalang ako."

"Are you sure? Okay, just text me if you arrive huh?"

"Okay, Kuya. Just tell them na umalis na ko, bye."

Habang nagbabantay ng taxi biglang nag vibrate ang phone ko. Akala ko naman something important pero TNT lang naman pala, nakakaasar!

Ilang minuto pa ang nakalipas ay may biglang huminto sa pulang Ferrari sa kinatatayuan ko. Angas!

"Let's go to school together, Maeve. Sakay na." nagulat akong si Tryton iyon.

"Huh? I'm okay, thanks but no thanks."

"Hurry up, it's almost 7am. Pride or School?" sarkastikong giit nito. Agad naman akong napa tingin sa orasan ko, tama nga naman siya. It's almost 7 na kung magmamatigas ako maari akong malate, pero ayaw kong pag usapan kami sa school. Damned! Napabuntong-hininga ako. "Okay, fine!"

Bubuksan ko na sana ang pintuan sa likod na bahagi pero nakasarado ito. "Open the door"

"Dito ka na maupo sa harap."

"What!?"

"No buts Maeve, just do what I've said."

To be continued...