webnovel

15

"SEEK yourself, baka naman gusto mo na siya. Sadyang in denial ka lang."

Naipikit ng mariin ni Anikka ang mga mata nang umalingawngaw muli sa pandinig niya ang sinabi ni Rina nang magkita sila. Hindi niya matanggap ang posibilidad sa sinabi nito ngunit hindi rin naman siya mapakali. Nababaliw na nga yata siya at kung hindi pa niya titigilan ang pag-iisip ay baka nga matuluyan na siyang mabaliw.

Dinampot niya ang ballpen sa lamesa para lamang dumulas mula sa mga kamay niya.

"Ay nalaglag si Menriz!" bulalas niya nang hindi niya maagapan ang pagbagsak niyon sa carpeted floor.

"I... what?"

Natutop niya ang labi nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. True enough, pag-angat niya ng tingin ay sinalubong siya ng nakakunot ang noong si Menriz.

"I... ahm... wala sir. N-nagulat lang ako." Sabi niya saka nakagat ang pang-ibabang labi. Sa dami naman ng makakarinig sa kahiya-hiyang naibulalas niya, ang dakilang boss pa niya.

"Are you okay, Ms. Endrade? Kanina ko pa napapansing malayo ang isip mo sa ginagawa mo." Kunot pa rin ang noong sabi nito.

"O-okay lang ako. I... I..." hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin kaya naman tumayo na lang siya. "K-kailangan ko lang ng kape. T-tama! Bibili lang po ako saglit ng kape, sir." Paalam niya saka umalis na nang hindi man lang pinakikinggan ang sagot ni Menriz. Isa lang ang nasa isip niya, ang makalayo rito kahit saglit dahil natutuliro ang buong sistema niya na ito rin naman ang may kagagawan.

Nasa lobby na siya ng building nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. It was a girl's voice. And it was familiar. Pumihit siya upang tignan ang tumawag sa kanya at humantong ang tingin niya sa babaeng wala siya sa mood makita nang mga oras na iyon.

"Hi sis, miss me?"

Parang gusto niyang damputin ang sapatos niya at ibato iyon sa stepsister niyang nakatayo ilang metro ang layo mula sa kanya kung hindi nga lang wala sa plano niya ang gumawa ng eksena sa respetadong opisinang iyon.

"What are you doing here?" kunot ang noong tanong niya rito.

"To get Andrew back." Sabi nito na lumapit pa sa kanya.

"Andrew?" lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "Anong kinalaman ko sa unggoy na 'yon?"

"Don't play coy on me, now! Alam 'kong ikaw ang pinuntahan niya nang umalis siya ng US! Inakit mo siya!" medyo mataas na ang boses na sabi nito.

Nagpalinga-linga siya sa paligid dahil napansin niya ang pagtapon ng tingin ng mga nasa lobby sa kanilang dalawa.

"Excuse me? Wala akong alam sa sinasabi mo." Mahina ngunit matatag ang boses na sabi niya rito. "And don't make a scene here, Pia. If you want to talk, lets---"

Nagulat siya nang dumapo ang palad nito sa pisngi niya.

"How dare you---"

"Ayaw mo ng eksena ganoon ba? Hindi ba gumawa ka rin ng eksena noong nasa US pa tayo? Let me pay you for that, dear sister." At umangat muli ang kamay nito. Handa naman siyang salagin iyon ngunit bago pa man iyon dumapo sa mukha niyang muli ay isang kamay na ang pumigil doon.

"Do that again and I'll forget you're a woman." Agad napaangat ang tingin niya sa taong nagligtas sa mga pisngi niya mula sa palad ng stepsister.

"Menriz..."

Mukha namang nagulat din si Pia dahil bahagya itong natigilan pagkuwan ay napakurap.

"W-who are you?" nagawang itanong ni Pia na waring namamanghang nakatanga pa rin kay Menriz.

"Didn't you even research before you make a scene here?" walang mababasang ekspresyon sa mukha nito ngunit mas nakakatakot ito nang mga oras na iyon. Oo, may mga pagkakataong hindi irto ngumingiti ngunit ngayon lamang niya nakitang ganoon kablangko ang ekspresyon nito. "I'm this company's CEO."

"C-CEO?" tumikhim ang pinsan niya upang marahil muling i-compose ang sarili. "Mr., my s-sister and I need to settle some things between us. Hindi mo kailangang ma-involve sa---"

"You just hurt my girlfriend. Involved na ako ngayon sa kung anuman ang pag-uusapan niyo."

"Y-your what?" gulat na tanong ni Pia.

Maging siya ay napatanga na lamang doon. Girlfriend?

"My girlfriend." Ulit pa ng lalaki.

"I-it can't be. S-she just broke up with her fiancé! Inaakit pa nga ng malanding iyan---"

"Say that again, and I'll make sure you'll regret ever saying that to my girlfriend." Madilim ang anyong sabi ni Menriz.

"P-pero hindi pwedeng kayo na samantalang kalian lang sila naghiwalay---"

"Why not? I don't care about her past as long as it's me she likes now." Agap ni Menriz sa sinasabi ni Pia. "And I don't care about you or that ex you're talking about. Don't bother my girlfriend again."

"I..."

"You may leave now. O baka gusto mong ipakaladkad pa kita sa security team ng building na ito." Sabi ni Menriz saka siya binalingan. Sa gulat niya ay ginagap nito ang kamay niya saka siya hinila. "Let's go."

At hindi siya inimik nito hanggang sa makarating sila sa opisina nito. Maging nang paupuin siya nito sa sofa sa opisina nito ay wala siyang narinig mula rito. Hindi rin naman niya magawang tanungin ito dahil madilim ang anyo nito at duda siyang bubugahan siya nito ng apoy oras na hindi ito matuwa sa sasabihin niya.

Saglit siya nitong iniwan sa opisina nito at pagbalik ay my bitbit nang ice pack na marahil ay hiningi nito sa clinic ng building na iyon. Napalunok siya nang titigan siya nito habang lalo namang sumama ang timpla nito. Bakit parang galit ito sa mundo?

"A-ako na lang." alanganing sabi niya nang akmang idadampi nito ang ice pack sa pisngi niya. Iniangat din niya ang kamay upang kunin iyon mula rito ngunit kunot-noong iniiwas lamang nito iyon mula sa kanya saka ito na mismo ang nagdampi niyon sa pisngi niya. "Sir, kaya ko---"

"Quiet." Seryosong sabi nito.

"Eh sir, okay lang naman---"

"I said, quiet, Miss Endrade." Sabi nito kasabay nang pagtitig sa mukha niya na seryoso pa rin ang anyo. "I'm really not in a good mood right now."

Kumunot ang noo niya. Bakit ba ito pa ang mukhang mangangain ng tao samantalang hindi naman ito ang nasampal ilang minuto pa lamang ang nakakalipas?

"Excuse me lang, sir, ha. Sa pagkakatanda ko sa mga pangyayari, ako naman ang nasampal kanina at hindi kayo. Ako dapat ang bad mood ngayon at hindi kayo." Hindi napigilang sabi niya rito.

"At anong gusto mong gawin ko? Matuwa ako na makitang sinampal ka sa harap ko? Sorry to disappoint, Anikka!" sarcastic na sabi nito sa kanya na lalo lamang nagpakunot sa noo niya. What the hell was his problem?

"Hindi ko naman sinabing magpakasaya ka sa nakita mo dahil malamang na sinakal kita kung nagkataon. My point is, bakit mas galit ka pa kaysa sa akin samantalang audience ka lang naman kanina?" sagot pa rin niya rito.

"Magpapasampal ka na lang kasi, sa harap ko pa!"

"At anong malay ko naman na nanonood ka sa eksena namin ng stepsister ko? Sa pagkakaalala ko, iniwan naman kita dito sa opisina mo!" balik din niya rito.

"If I did not follow you, baka nagulpi ka na ng babaeng iyon!"

"Excuse me? Mukha bang ako iyong tipo ng taong hahayaang magulpi lang ng kung sino?" tanong niya rito. Ito dapat ang nakakaalam na hindi siya iyong papaagrabyado na lamang. Ito pa naman ang unang nakatikim ng kamao niya.

"Well, that is what I'm not sure of anymore. Sa napanood ko kanina, tinanggap mo lang naman ang sampal na iyon mula sa stepsister mo." Nakasimangot na sabi nito.

"At anong gusto mong gawin ko? Patulan ko siya at gumawa ng eksena sa kompanya mo?"

"Why not? Hindi ikababagsak ng kompanya 'ko ang mga ganoong eksena." Balewalang sagot nito.

"Well, sorry naman! Hindi ko naman naisip kung gaano katatag ang kompanya mo. Naisip ko lang naman na ayokong mapag-usapan itong ipinagmamalaki mong kompanya dahil lang sa hamak na empleyadong gaya ko!" naiinis na sabi niya rito saka tumayo na. "Babalik na ang hamak na empleyadong ito sa trabaho niya. Excuse me, sir." Tinalikuran na niya ito ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay napigilan na siya nito sa braso niya.

"I'm sorry." Narinig niyang sabi nito na nagpalipad ng tingin niya pabalik rito. Nakatayo na rin ito habang hawak pa rin ang braso niya. And his expression softened. Wala na rin ang kunot sa noo nito. "I just got really pissed of."

"Sa akin?"

"Sa sarili ko. If I was there on time, hindi ka sana niya nasampal. It was frustrating that I was a bit late." Napapikit-pikit siya nang marinig ang sinabi nito. O tama nga ba ang dinig niya rito? "Hindi ko tuloy alam kung pagsisisihan kong sinundan kita o hindi."

"B-bakit mo nga ba kasi ako sinundan?" nagawa niyang itanong.

"I was worried. You were not yourself the whole day. Kung kailan naman kinakausap kita saka mo ko nilayasan. Pagkatapos makikita pa kitang sinasampal ng kung sino." Pumalatak ito. "Bakit nga ba siya nandito? Kung hindi lang siya babae, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."

Parang may dumaang init sa puso niya dahil lamang sa mga sinasabi nito. He was worried about her. At naiinis itong makita siyang nasasaktan. Lumipad lahat ng inis niya kani-kanina lamang.

"S-she was looking for Andrew." Sagot niya na nagpakunot sa noo nito. "My ex-fiance."

"At mukha ka bang hanapan ng nawawalang unggoy?" kunot pa rin ang noong sabi nito.

"Hindi siya mukhang unggoy." Pagtatama niya rito kahit pa hindi naman siya naiinis sa pagtukoy nito sa ex niya.

"Unggoy siya dahil sinaktan ka niya." He smirked. "At bakit nga sa'yo hinahanap ng stepsister mo ang unggoy na iyon?"

"Hindi ko din alam. Nakasanayan na lang siguro niyang bwisitin ang buhay ko." Nakaismid na sabi niya.

"And you just let her?"kunot ang noong tanong nito.

"No, I always get even." Proud na sabi niya.

"At anong sinasabi ng Daddy mo? Sa tagal ninyong nasa iisang bahay, ni hindi kayo nagkasundo at walang ginagawa si Tito?"

"I was always the liar in his eyes, so..." kibit-balikat na sabi niya.

"And you let that go on for years?" nanlalaki ang matang tanong nito.

"He does not believe me." Bigla ang pagbalong ng lungkot sa dibdib niya sa pagkaalala sa ama at sa huli nilang pagtatalo. "If he did, then I would not be here."

"You should have made him believe you. You are still his daughter."

"Easy for you to say. Hindi naman ikaw ang hindi pinaniniwalaan ng sarili mong ama. Hindi naman ikaw ang napapagod nang ipagtanggol ang sarili mo para lang hindi paboran dahil sa ampon niya. Hindi naman ikaw ang naagawan na nga ng fiancé, ikaw pa rin ang masama." Hindi na napigilang pag-alpas ng mga sama ng loob niya. "Sa tingin mo ba hindi ko ipinaglaban ang totoo? I did, countless of times before. Pero nakakapagod din kasing magpaliwanag kung hindi ka naman pinapakinggan. Nakakasawa na lang." naramdam niya ang paglandas ng isang patak ng luha mula sa mga mata niya na agad naman niyang pinalis.

Ngunit hindi nakaligtas iyon sa mga mata nito dahil nang tignan niya ito ay mataman na itong nakatitig sa kanya. He stiffened for a while. Was he pitying her? Bakit naiinis siya sa isiping iyon?

"D-don't look at me that way! Hindi naman ako kawawa!" sita niya rito. "I'm coping up fine. Hindi nga ba at okay pa ako. Hindi naman ako nagbigti dahil sa depression. Kaya ko naman ang sarili ko. Naka-survive naman akong hindi pinaniniwalaan ng Daddy ko o kahit nang iwan ako ng fiancé ko, kinaya ko naman 'di ba? I'm fine---"

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang siya nitong kabigin at pumalibot sa katawan niya ang maiinit na bisig nito. Kasunod niyon ang pagdagundong ng dibdib niya.

"M-menriz, ano bang---?"

"Then forget about all of them. Forget about everything else that hurts you." Sabi nito na hindi man lamang pinapatapos ang tanong niya. "I am here, right? You just have to think of me and everything will fall into place. I will make them fall into place for you, Anikka."

"H-ha?"

"Letting you leave before without saying anything was my mistake. Kung hindi ko sana hinayaang umalis ka noon, sana hindi ka nasaktan ng ganito."

"H-hindi mo naman kasalanan na nagpakasal si Daddy at hindi ko nakasundo ang bago niyang pamilya." Mahinang sambit niya. Bakit ngayong akap siya nito parang gusto niyang humagulgol pang lalo. It was comforting alright. Na para bang gusto niyang ilabas lahat ng sama nang loob niya dahil sa wakas ay may taong handa nang makinig sa lahat ng sasabihin niya. "And as if you my Dad would let me stay here habang nasa ibang bansa sila." But the idea struck her. Nasaktan nga kaya siya nang ganoon kung sakalin hindi nga siya sumama sa Daddy niya at sa bago nitong pamilya sa ibang bansa?

"I would have asked Mom to take you from them the moment we found out that your Dad remarried. We were worried back then. Pero naisip naming kailangan mo ring lumayo para maka-recover ka sa sakit na idinulot ng pagkawala ng Mommy mo." Bumuntong hininga ito. "If we had known this would happen, we could have done something to make you stay."

"Y-you could not have made me stay though. Hindi ko din naman kayang iwan si Daddy kasama ang mga taong iyon. Kahit alam kong masasaktan ako, I know I would have chosen to be with him still." Naramdaman niya ang paglalandas muli ng luha sa mga mata niya. Of course she was hurting, but she can't deny the fact that he was still her father and she can't leave him regardless of how she was being treated by his new family.

Narinig niya ang muling pagbunot ng hininga ni Menriz habang akap pa rin siya. Nagtataka man siya kung bakit akap siya nito ay ayaw naman niyang magtanong. Ngayon niya na-realize na kailangan din niya nang pagdamay sa tuwing sasama ang loob niya. It felt good to be comforted by someone.

Oo, may mga pagkakataon naman inaakap siya ni Andrew noon sa tuwing magdadamdam siya sa Daddy niya at sa stepsister niya ngunit hindi gumaan ang loob niya kagaya nang unti-unting paghupa ng sama ng loob at inis niya ngayong akap siya ni Menriz. Was it because Andrew's hug was not sincere? Hindi niya alam. Ngunit isa lamang ang sigurado niya, she likes the feeling of Menriz's warm body against her. It was comforting and reassuring.

"I hate it when I see you hurting. Parang gusto kong pumatay ng tao. Ng taong nanakit sa'yo in particular." Maya maya ay sabi nito na nagpainit muli sa dibdib niya. Hindi siya makapaniwalang ang taong kinaiinisan na yata niya buong buhay niya ay nagki-care sa kanya ng ganito.

"It was not as if you were my b-brother." And she did not like the thought of it either. "W-why are you doing this anyway?" lakas loob na tanong niya.

"Hindi ko alam kung sadyang manhid ka o ano eh." Napabuga pa ito nang hangin. Kung hindi lang siguro dinadaga ang dibdib niya ng mga oras na iyon ay malamang na natawa siya sa ginawa nito.

"W-what are you saying?"

Nagulat siya nang basta lamang siya nitong ilayo ngunit nanatiling hawak nito ang mga balikat niya. Tinitigan siya nito sa mga mata.

"I'm saying I like you, since we were in high school. And I don't intend to let you slip this time. Bahala kang makulitan sa akin, but I'm making you like me back this time, so bear with it."